Hidden Ability...
"Na naman?" pupungas-pungas na sabi ko nang magising ako mula sa pagkakahimbing. Nilingon ko si Chelsea na natutulog at nakapikit pa rin. Hindi ko maalala ang dahilan kung bakit kami nasa kwarto ni Chelsea pero ang huling naaalala ko ay pauwi na ako sa amin.
Teka. Ang lalaki sa likod ng poste. Bigla kong naalala ang lalaking nakamasid sa amin bago ako mawalan ng ulirat.
"Hindi kaya – " hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang maramdaman kong kumilos si Chelsea. Gising na siya.
"Anong oras na ba? Sorry. Nakatulog yata ako." sabi sa akin ni Chelsea na biglang napabangon nang ma-realized na narito ako sa kwarto niya at nakaupo sa gilid ng kama. Hindi pa man sinasabi ni Chelsea ang sasabihin nito ay nalaman ay alam ko na. Gumagana na naman ang senses ko at pati ang pagiging mind reader ko.
"Okay lang. Baka hindi pa ako nakare-recover sa pagkaka-aksidente ko." sagot ko sa tanong niyang hindi pa niya sinasambit. Matagal na ang aksidente kaya imposible na hinimatay ako dahil do'n tulad nang nabasa ko sa isip ni Chelsea.
"Baka hinahanap ka na ng asawa ko. Ihahatid pa ba kita? Nandiyan naman ang kotse ni Daddy. Puwede nating gamitin." Offer ni Chelsea sa akin.
Nahiya yata sa akin bigla. Ang akala niya siguro ay nakatulog talaga siya habang nandito ako sa bahay niya. Ang hindi niya alam ay pareho kaming hinimatay. Marahil ay dahil sa pagkakahimbing niya. Basa ko sa isip niya na ang alaalang naiwan sa kanya ay ang alaalang natumba ako dahil nauna akong himatayin sa kanya.
"Hindi na. Huwag na. Kaya ko naman. Tsaka may lakad din ako." sagot ko na lang sa kanya. Ayaw ko na siyang abalahin pa at para makapagpahinga na rin siya.
Nang papalabas na ako ng pinto ay napansin kong muli ang ang lalaking nasa likod ng poste. At hindi ako nagkakamali. Siya iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman dahil papalapit siya sa akin.
"Jairus?" siya pala. Huh? Sino nga ba siya? Bakit kilala ko siya? Nalilito ako. Sinubukan kong basahin ang isip niya pero... Blanko? Palyado na naman ang abilidad ko. Tss.
Bakit ko nga ba siya kilala at saan ko siya nakilala?
Para akong na-hypnotized nang magkatitigan kami. Agad kong sinunod ang sinabi niya. Pinasakay niya ako sa itim na van. Nang makapasok kaming pareho ay agad niya isinara ang pinto ng van.
Choi? Fred? Pier? Jarred? Teka? S-sila 'yon.
Nagugulhan man ang utak ko pero naaalala nito ang mga taong nasa loob ng van. Muli kong nakita ang apat na lalaking kasama ni Jairus. Bakit umiilaw ang tuldok sa pulso ko? Napalingon silang lahat sa akin. Tanging ako lang at ang member ng SAOJ MIS ang nakakakita nito. Ini-angat ko ang aking kamay at nanlaki ang mga mata ko nang may digital screen na bumungad sa akin. Parang naging computer screen ang pulso ko.
P-parang naaalala ko ang batang ito.
Ang batang nasa loob ng screen. Siya nga iyon!
"Special Agent Xendy." tawag ng bata bata sa akin.
Wow. Special Agent!
T-teka special agent?! Naguguluhan ako. Parang kilala ko sila pero parang hindi. Isa-isa ko ulit silang tiningnan. Nang mapatingin ako sa lalaking nakangiti sa akin at napatitig ay bigla kong naalala ang lahat. Si Jarred na makulit.
"Special Agent Xendy. Tunay nga na hindi pa ganoon ka-develop ang kakayahan mo at tanging mga simpleng pagbabasa pa lamang ng isip ang kaya mo." sabi ng bata na sa pagkakatanda ko ay siya iyong KKK.
Si Supremo Jack.
"Marahil ay nagtataka ka kung bakit ka namin muling kinakausap. Mukhang hindi nakayanan ng katawan mo ang in-inject naming formula sa 'yo na kung saan ay makakalimutan mo ang mga pangyayari. Halos ilan sa mga memory mo ay nawala ngunit alam kong hindi maglalaon ay lalakas ka rin sa tulong ng training mula sa mga ka-grupo mo." sambit muli ni Supremo Jack.
Napapatango na lang ako sa sinasabi nito. Nagbalik na ngang muli ang alaala ko. Lahat ng nangyari sa akin. Bakit ba kasi kailangan pa nilang mag-inject ng pangkalimot?
"Nais ko ring ipaalam sa 'yo na hindi mo maaaring ipaalam sa iba ang kakayahan mo kahit na sa pinakamalapit mo pang kakilala." huh? napa-kunot ang noo ko.
"Kaya po ba hinimatay kami ni Chelsea at hindi naaalala ni Chelsea ang lahat?" usyoso ko. Sinagot naman nila ang mga tanong ko.
Nang matapos kaming mag-usap at malinaw na ang lahat ay isinama nila ako ulit sa camp. Kailangan ko pa ng karagdagang training para sa abilidad ko. At hindi lang ang abilidad ko ang sinanay nila. Pati na rin kung paano ko ito kokontrolin at paano magiging malakas ang pangangatawan ko.
Hindi ko talaga alam kung paano ako nagkaro'n ng ganitong ability. After that road accident ay naging ganito na ako. Nakakaawa nga 'yong ibang mga nakasakay sa bus kasi dalawa lang kaming nabuhay ng bata. Pero siya ay nag 50/50. Mabuti na lang at naka-survive naman. Pero ako ay galos lang ang inabot.
Ang weird pa kasi nang ini-imbestigahan na ang nangyaring accident, ang sabi nila ay twenty lang ang sakay ng bus na iyon pero sa nare-recall ko ay mga twenty-one kami lahat. Nakaugalian ko na kasing bilangin ang tao na nakakasabay ko. Siguro ay dahil sa inip na rin.
Naiinis pa nga ako dahil 'yong guy na walang pakialam ang nawawala. May kinalaman kaya siya sa mga nangyayari sa 'kin? Mukha namang normal na passenger lang siya pero bakit wala siya sa mga victim. Ewan ko ba kasi kung bakit sumakay ako kaagad sa bus na 'yon. Normally naman ay hindi ako nakikisiksik lalo na kapag alam kong marami akong kaagaw. Ang weird pa dahil paggising ko sa hospital ay parang walang nangyari as in parang nakatulog lang ako.
Then something's weird dahil when I look up at the ceiling, I can see all the way to the next floor. And not only that. I can even see who's inside that room. Iyong nag-iinvestigate nga na naroon sa room... Gosh! Ang hottie. Nako, naalala ko na naman ang hot niyang body. Grabe may sik pak siya. Pero nakatutuwa rin na may ganitong ability. Dahil I can hear anything. Kahit usapan ng mga langgam sa paligid ko. Weird right? Kahit langgam.
Pero tulad nga nang sinabi ni Supremo Jack, kailangan kong matutunan kung paano controlin ang mga bagay. Katulad nang dapat ang mapakikinggan ko lang ay ang mga importanteng usapan. Damhin ko lang ang mga bagay na makatutulong sa pag-iimbestiga at gamitin ang bawat senses nang hindi basta-basta. Mukhang pumasa naman ako sa training namin kanina.
Pero bakit kaya hindi ko mabasa ang isipan ni Agent Jairus at Supremo Jack. Minsan pa nga ay pati si Kuya. Parang may part ng isip niya na hindi ko makita. Mayro'n din kaya si Kuyang ability na tulad ng sa 'kin? Pero imposible. Hindi naman siya naksidente na tulad ko.
Sorry talaga sa bff kong si Chelsea. Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang tungkol dito kahit gustuhin ko man.
Anyway, magsisimula na ang misyon ko bukas. Pero... Bukas pa nila sasabihin sa akin kung ano ang mission ko. Grabe nakaka-excite pero nakaka-kaba.
Siya nga pala, nag-resign na ako sa work ko pero hindi ko sinabi sa family ko dahil baka magtaka sila kung bakit. At baka akalain pa nila na tambay na lang ako. Mas malaki kaya ang sweldo ko ngayon. Sana hindi malaman ni Kuya at nako lalo na si Chelsea. Napakadaldal pa naman no'n.
Mukhang matatagalan ang pagbabakasyon nila mommy sa America. Katatawag lang nila kanina habang nasa training ako. Bakit daw maingay at puro putok ng baril ang naririnig nila. Mabuti na lang at magaling akong magpalusot at bumenta naman.
Ang palusot ko ay naglalaro kami ni Chelsea ng computer game. Kilala naman nila si Chelsea na gamer kaya napaniwala ko sila kaagad.
"Ano kaya ang misyon ko?" naisip ko na baka malaman ko kung ano iyon sa pamamagitan ng pagbasa ng isipan ng mga ka-team ko pero mukhang ginalingan ni Supremo Jack ang pagtatago nito at bukas ko pa talaga malalaman.
Pagdating ko ng bahay ay nagluluto nang dinner si Kuya Chestel.
"Xends, bakit hindi mo na kasama si Chels? Akala ko magdidinner kayong dalawa rito? 'Di ba wala ang parents niya sa kanila today?" bungad ni Kuya Chestel nang makita niya akong papasok sa kwarto nito. Nahalata kaya niya? Mukha kasi akong pagod at haggard pa.
"Ah... eh...Magpapa-deliver na lang daw siya." sigaw ko pagkatapos ay pumasok na ako agad sa kwarto ko. Hindi naman na nag-react pa si Kuya sa sagot ko.