Pagkarating namin ng bahay ni Chelsea ay dumiretso agad kami sa kwarto niya. Eksakto namang wala sina tito at tita - ang mga magulang niya sa bahay nila. Kaya naman walang makaririnig nang usapan naming dalawa. Pumasok kaagad kami sa kwarto ni Chelsea.
Hindi ko alam kung paanong sisimulan ang kwento pero huminga muna ako nang malalim. Sinubukan kong simulan sa pagku-kuwento sa mga nangyari no'ng aksidente. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero may kakaiba na akong nararamdaman. Kakaibang kakayahan na parang may super powers ako.
"Naalala mo ba noong naaksidente ako? No'ng nakatulala ako sa 'yo tapos hindi ka pa nagsasalita, eh alam ko na ang iniisip at sasabihin mo?" sabi ko pa sa kanya.
"Ay oo, naalala ko yo'n. Tapos akala ko pa nga naging manghuhula ka na Besh." Tatango-tango at natatawang sabi ni Chelsea.
Flashback...
"Napakahirap naman i-resolve ng rubix cube na 'to? Hay! Sana talaga ay hindi ko nawala ang manual nito pagbili ko. Eh 'di sana ay na-solve ko na 'to agad..." napakamot ako sa ulo. Bakit nga ba kasi nawala ko ang manual? Akala ko ay madali lang dahil kay Kuya ay parang sisiw lang sa kanya ang pag-solve nito. May isang rubix pa nga siya iyong mas marami kaysa rito na apatan lang.
"Teka... Napakatagal naman ng bus. Almost thirty minutes na akong naghihintay rito..." napatigin kasi ako sa relo ko. Bakit nga ba ang tagal? Dumarami na tuloy ang tao.
Naiinis ako sa inip ko habang nakatitig sa kung saan manggagaling ang bus na sasakyan ko papuntang opisina. Ilang oras mula sa pupuntahan ko ang hindi ko inakalang magpapabago ng buhay ko.
Maaliwalas ang panahon at kalmado ang langit na naghihintay ako sa bus stop para pumunta ng opisina. Habang busy ako sa pagre-resolve ng rubix na nawala ko ang manual ay busy naman ang mga tao sa paglalakad papunta at pabalik sa kung saan. Hindi ko na namalayan na may ang isang lalaking nagmamadaling maglakad. Dahil doon ay natabig niya ang aking kamay.
"Tss. Hindi kasi nag-iingat. Isang side na lang mabubuo ko na eh!" gigil na sabi ko. Sa bilis nang pangyayari ay kasabay no'n ang pagkahulog ng rubix cube ko. Dahil sa lakas nang pagbagsak nito ay nawasak ito at unti-unting nasipa ang mga piraso nito ng mga taong naglalakad. Kasunod nito ay ang pagdating ng bus na sasakyan ko. Kung hindi sana na-late si Manong nang dating ay hindi nadurog ang rubix ko. Sa dami ng taong sasakay ay hindi na ako nag-effort na maglakad pa. Kusa akong naitutulak papasok sa loob ng bus. Hindi ko na namalayang nasa loob na pala ako ng bus dahil sa mga taong nagtutulakan.
"Ano ba naman 'to si manong, lasing 'ata." napansin ko kasi na kanina pa papikit-pikit ang mga mata ng driver habang tinatahak namin ang daan papuntang opisina.
Mayamaya pa ay unti-unting binalot ng kadiliman ang langit na animo'y gabi na at halos liwanag na lang ng kidlat ang nagbibigay ilaw sa paligid. Unti-unting pumatak ang ulan. Mula sa mahina papalakas.
Isang dumadagundong na kulog at sobrang liwanag na kidlat ang pinakawalan ng galit na galit na langit.
"Katapusan na po ba ng mundo, Lord?" nanginginig ang mga laman-loob ko sa takot habang dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Itinakip ko ang dalawang palad ko sa aking magkabilang tainga dahil halos mabingi na ako sa dagundong ng kulog.
Nang matapos ang nakatatakot na galit ng langit ay iminulat kong muli ang aking mga mata. Halo-halong ingay ang naririnig ko sa loob ng bus at iba't ibang mga reaksiyon ng mga pasahero ang aking nakikita. Mula sa umiiyak na baby hanggang sa nanay na pilit na pinatatahan ang kanyang anak.
Maging ang isang matandang ubo ng ubo at isang lalaking walang pakialam sa nangyayari. Sa pagkakaupo ko ay hindi ko na namalayan ang bilis nang pangyayari. Bigla akong napasandal sa salamin ng bintana ng bus dahil sa pag-gewang nito. Napatingin ako sa driver kung ano ang nangyayari at kitang-kita ng dalawang mata ko ang driver na napapapikit na sa kaantukan.
"Wait? Inaantok nga ba si Manong driver o lasing talaga?" sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa driver. At nakita kong may iniinom itong clear na likido na nakabalot sa hand towel.
"Aba naman. Nakuha pang uminom ng tubig. Hindi na nga makapagmaneho nang ayos." usal ko. Nakakainis dahil gumewang ulit ang bus hanggang sa tumilapon ang bote na hawak ng driver sa biglang pagliko ng bus. Napahawak ako nang mahigpit pati na ang mga pasahero nang dahil sa takot. Parang hindi naging handa sa pagliko ng bus si Manong Driver. Tumilapon ako sa gitna ng bus kung saan bumagsak ang boteng hawak ng driver.
Ang sakit tuloy ng katawan ko. Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sakit na nararamdaman ko. Nakakainis talaga 'tong driver na 'to. Hindi man lang marunong mag-ingat. Hindi man lang iniintindi ang mga pasahero niya. Hay nako.
"Ano 'yong naaamoy ko?" nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko.
"V-vodka?!" bulalas ko.
Kaya pala nakabalot ang bote sa hand towel ay para hindi mapansin ng mga pasahero na alak ang iniinom ni Manong driver. At bakit hindi man lang ito naamoy ng mga pasahero sa unahan? O baka wala talaga silang pakialam dahil maging ang mga ito ay tulog din.
E bakit ako hindi ko rin naamoy? Dahil ba sa malayo ako kaya hindi ko rin naamoy ang iniinom niya?
Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakasalampak ko sa sahig ng bus pero huli na ang lahat dahil gumewang-gewang na naman ang bus na sinasakyan namin. Agad akong napakapit sa poste na nasa gitna nito. Sumakit ang puso ko sa lakas ng t***k nito sa dibdib ko nang mayamaya pa ay napansin kong nag-struggle na si Manong driver sa pag-gamit ng break.
Pero mukhang nagkaro'n nang brake malfunction dahil sa madulas na daan. Marahil ay sanhi nang pag-ulan at hindi ma-control ng driver ang bilis nang takbo ng bus o baka dahil na rin sa kalasingan. Huling naaalala ko ay ang makapigil hiningang pagkahulog ng bus na sinasakyan namin sa cliff.
End of flashback...
"Yup! Naalala ko nga no'ng naaksidente ka ay parang may kakaiba sa iyo, actually. Lalo na noong dinalaw ka namin ng asawa ko sa ospital." seryosong sambit ni Chelsea.
"Aray! Bakit ka ba nambabatok?" hahaplos-haplos sa ulo na sabi ulit ni Chelsea sa 'kin nang batukan ko siya. Wagas makasabi ng asawa ko. Akala mo naman asawa na nga niya ang Kuya ko.
"Makasabi ka kasi ng 'Asawa ko' eh parang ikinasal na kayo ni Kuya ah." tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos ay ngumisi para asarin siya. Asar talo kasi 'tong Beshie ko lalo kung si Kuya ang topic namin.
"Ito naman pagbigyan mo na 'ko." hindi yata tinablan sa pang-aasar ko ang bruha. may pagka-maldita pa naman ako minsan. Kapag hindi tinatablan ay lalo ko pang inaasar. Pero huwag ngayon. May mahalaga kaming painag-uusapan.
"So after that ay same pa rin ba ang nangyayari sa 'yo or napi-feel mo?" curious na tanong ni Chelsea sa akin. Parang nanonood lang ng pelikula na nakikinig nang mabuti sa mga sasabihin ko.
"Actually, Oo. Hay nako, 'Wag mo na ako piliting alamin ang feelings ni Kuya para sa 'yo dahil hindi ko ma-detect." natatawa ako nang mabasa ko ang susunod na sasabihin ni Chelsea sa akin.
"Grabe! Ang galing mo! Nalaman mo ang iniisip ko." pumapalakpak pang sabi ni Chelsea at napapatalon pa.
"OA lang, Beshie? Pero nakakatuwa nga 'tong kakaibang kakayahan ko." kuwento ko pa sa kanya. Naaaliw kasi ako. Amazing isn't it? Kahit hindi pa nila sinasabi ang gusto nilang sabihin ay nabasa ko na. Pero nakakakaba rin minsan.
"So, ano nga bang nangyari sa 'yo noong papunta ka dapat sa bahay? Grabe ang tagal na no'n magmula nang na-ospital ka at na-experience 'yang abilities mo." sabi niya na biglang nagbago ang awra nito na akala mo ay inagawan ng kung ano.
"Pero bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?" may pagtatampong sabi ni Beshie habang nakanguso pa.
"Ito naman. Huwag ka na'ng magtampo. Sinabi ko na nga sa 'yo ngayon eh. Gusto ko kasi na sigurado na ako bago ko sabihin sa 'yo. Ikaw pa ba ang pagsi-sikretuhan ko? bff yata kita." pampalubag loob na sabi ko. Siyempre baka tuluyang magtampo 'tong isang ito e mahal ko 'to.
"Alam na ba 'to ng asawa ko." tanong ni Chelsea sa 'kin na kahit hindi niya banggitin ay alam ko na ang sasabihin niya.
"Kaya nga tayo nagpunta rito, di ba? Para hindi marinig ni Kuya. At saka hindi pa ako ready na sabihin kay Kuya. Baka mag-alala 'yon." tatango-tango namang sumang-ayon si Chelsea.
Matapos naming mag-usap ay nagdesisyon na akong umuwi. Palabas na kami ng gate ng bahay ni Chelsea nang biglang nagdilim ang paningin ko nang makarating sa gate. Naramdaman kong kasabay ng pagkatumba ko ay natumba rin siya.
Isa lang ang naaalala ko bago ako himatayin. Nakita kong may lalaking nakasilip sa amin sa hindi kalayuan. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko naramdaman ang taong gumawa niyon at hindi ko nakita ang mga pangyayari bago pa ito mangyari.
Bakit kaya minsan ayhindi gumagana ang kakayahan ko at minsan naman ay nakakalimutan ko ang mga nangyari?