"I know you are hungry. Let's go." aya ni Jairus sa dalaga. Agad namang nag-react ang tiyan niya. Kaya wala naman na choice si Xendy kung hindi ay ang kumain. Dahil traydor ang tiyan niya. Hindi man lang ito marunong makisama. Nakarinig lang ng pagkain ay kumakalam na kaagad ito kaya pumayag na siya. She supposed to celebrate her victory today para sa plano niya sana na paghihiganti sa binata pero mukhang hindi niya magagawa. Hindi tagumpay ang plano niya dahil sa nangyaring pagkahimatay niya at sa tingin niya ay kailangan niya na i-postpone ito. Agad nitong hinawakan ang kamay niya para alalayan siya sa pagtayo. At hindi niya malaman kung sino ang nagbigay rito ng karapatan na hawakan ang mga kamay niya. Kaya naman hinablot niya kaagad ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng binata. Hin

