“Shara, sabi ni Sir Yael kasama ka raw sa meeting ngayon,” tawag sa `kin ni Lheine.
“Ako? Bakit daw? `Di ba para sa new show `yun ng The Cliché?” tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.
Iniwanan ko na siya at pumunta na sa meeting room. Bakit kaya kailangan kasama ako? `Pag naman sa mga show hindi naman kami kasama sa meeting. Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa meeting na `to.
Kumatok muna ako bago dahang dahang binuksan ang pintuan. Ramdam ko ang mga tingin nila na sumalubong sa `kin. Dahan dahan akong pumasok at mabilis na sumandal sa pader. Nakita ko si Marco, Ate Jessica at Jusper…?
“You’re finally here!” excited na bati sa `kin ni Sir Yael.
Yumuko ako ng kaunti bilang pagbibigay galang. “Uhm. Bakit niyo po ako pinatawag?”nahihiyang tanong ko.
Inabot n’ya sa `kin ang isang clear folder at sinenyasan ako na tingnan ang laman.
“MNET Scandal?” basa ko doon sa front page.
“Familiar ka ba sa show na `yan?” tanong ulit ni Sir.
“Not really, pero naririnig ko na po ito sa mga classmate ko noong college,” saglit na napaisip ako, “Sa pagkakaalala ko, ito `yung show kung saan nagde-date for one week ang isang artist at normal na tao. Then at the end they will decide kung gusto nilang ipagpatuloy o hindi.”
Napayuko ako sa hiya nang bigla silang nagtawanan.
May mali ba sa sinabi ko?
“That show is going to have a Filipino version. And all of you,” isa isa n’ya kaming tinurong apat, “Are the chosen ones.”
Napakurap kurap ako sa sinabi ni Sir. Mali ba ako nang rinig?
“Wait, what do you mean, ‘we’re the chosen ones?’” tanong ni Marco.
“They want the four of you to be part of the show. Marco and Jessica and the other couple is Jusper and Shara,” he rolled his eyes, “Oh, come on, guys. You’re just going to act. All you have to do is pretend that you’re actually a couple. Well, the producers will explain it to you later.”
“Excuse me,” singit ko sa kanila. Nakangiting tumingin sa `kin si Sir. “Bakit po ako kasama?”
“Remember noong nakuha ka sa show ng The Gandang Gabi Show? `Yung producer noon at nitong Scandal ay pareho, without him knowing na ikaw ang assistant ng The Cliché, he desperately wants you to be the partner of Jusper,” saglit na napaisip siya, “I think he said that you and Jusper have something to each other.”
Napatingin ako kay Jusper nang marinig ko ang pagngisi n’ya.
“This is ridiculous,” hindi makapaniwalang sabi ni Jusper. “I won’t do this.”
“Can I request Shara as my partner then?” biglang tanong ni Marco. Lahat kami ay napatingin sa kanya. “What? I’m comfortable with her. We’ve been working for months now.”
“I changed my mind, I’ll do it,” biglang sabi naman ni Jusper.
Nagkaroon nang tension sa pagitan nilang dalawa. Si Sir Yael ay napapangiti lang sa puwesto n’ya at si Ate Jessica ay nakayuko lang at hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha n’ya.
“I won’t do it,” singit ko sa kanila.
Hindi ba muna nila ako p’wedeng tanunging kung gusto ko? Hello? Involve ako, `di ba? So, depende dapat sa `kin kung papayag ako. Tss.
Naramdaman ko ang tingin nila sa `kin.
“Can I ask why?” tanong ni Sir Yael with matching taas pa ng kamay.
“Sir, hindi sa ayaw ko talaga,” napalunok ako, “I’m Jusper’s fan and I know I have no rights to decline, pero kasi,” napaisip ako saglit, “I don’t think we can work with each other. Noong unang nagkasama kami hinayaan n’ya lang ako na makuyog ng fans n’ya at noong huli? Bilang sa daliri ng kamay ko kung ilang beses n’ya akong kinausap.”
“Hey. I’m professional, I can pretend I like you even though I don’t,” sabi n’ya sabay tiningnan n’ya ako nang masama.
Parang may tatlong pana na tumama sa puso ko. Ang sakit nang sinabi n’ya. Parang hindi kayang tanggapin ng utak at puso ko.
I can pretend I like you even though I don’t.
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya nag-excuse ako saglit para tingnan kung sino ang nag-text. Si Ate Jessica pala.
Don’t be stupid and accept the job. This is your only chance to be with him. Make him like you.
Napaikot ang mga mata ko sa sunod na nabasa ko.
Come on! This is also my only chance to be with Marco. Help me out!
“Jessica, she’s your cousin, baka naman may magawa ka para pumayag siya,” sabi ni Sir Yael.
“I don’t like to force her, if she said she won’t do it, I guess it’s better to let her be,” malumanay na sagot ni Ate.
Tingnan mo ang isang ito. Iba ang text sa `kin sa sinasabi.
Tiningnan n’ya ako at parang sinesenyasan ako. Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.
“Alright, gagawin ko na.”
“Good! Meeting with the producer will start in few hours, so, get ready.”
“GOOD morning, Ate Jessica.” Nagulat ako nang hindi ako pinansin ni Ate at nagtuloy tuloy sa paglabas ng bahay. “Ate?” tawag ko ulit sa kanya pagkasunod ko sa kanya.
“Huwag mo muna akong kausapin, Shara. Wala ako sa mood,” walang ganang sagot n’ya sa `kin at sumakay na kaagad sa kotse n’ya. Hindi na n’ya ako hinintay na makasakay. Iniwanan n’ya na ako.
Ano kaya ang nangyari kay Ate Jessica? At paano ako ngayon papasok? Lumabas na ako ng gate namin. Maglalakad na lang siguro ako palabas nitong subdivision at saka magta-taxi mula doon. Napahinto ako sa paglalakad nang may nagbusina sa likuran ko. Tiningnan ko na lang `yung convertible na kotse.
“Hop in. You’re going to be late.” Tinitigan ko kung sino `yung driver. Nakahalata yata siya na hindi ko siya makilala dahil sa suot n’yang cap at shades. Nagmagandang loob naman siyang tanggalin ito.
“Uy, Marco! Ikaw pala `yan,” biglang sabi ko.
Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay sa kanya. Base sa walking speed ko malamang naman talaga sa malamang ay male-late ako.
Tahimik lang kami habang bumabyahe papasok. Napapatingin ako saglit kay Marco. May kinalaman kaya siya sa mood ni Ate Jessica? Okay naman kami kagabi noong umuwi kami. Nakangiti pa nga siya noong sinilip ko sila sa bintana kagabi ni Marco, e. Pati, maganda naman ang kinalabasan ng meeting kahapon.
“Marco,” tawag ko sa kanya. Nag-hmm lang siya bilang sagot at hindi ako binigyan ng tingin dahil sa nagmamaneho siya. “Did something happen between you and Ate Jessica?”
Tumaas ang kanang kilay n’ya na tila ba nag-iisip siya. “Why?” tanong n’ya.
“Naninibago kasi ako sa kanya, e. She’s not her usual self,” sagot ko.
“She’ll be fine,” mahinang sabi n’ya at saglit na tiningnan ako, “I know because she told me so, don’t worry about her.”
“What do you mean?”
Hindi na n’ya ako sinagot hanggang sa makarating kami
sa office. Ano kaya ang nangyari sa dalawang iyon? Sana okay lang sila.
Dumeretso kami sa conference room para i-announce sa banda kung ano ang napag-usapan kahapon. Technically, hindi naman sila involve pero ni-request ni Sir Yael na sana magkaroon sila ng appearance during the show kasi magandang promotion din `yun.
“Si Jessica?!” gulat na tanong ni Mark noong sinabi ko na ang ka-partner ni Marco ay si Ate Jessica.
“Bakit gan’yan reaksyon mo? Oo, si Ate hindi ba p’wede?”
“`Tol, nandito si Marco, oh? Baka p’wedeng huwag masyadong ipahalata na against ka sa pairing nila,” natatawang sabi ni James.
Napatitig ako sa kanila. May alam sila na hindi ko alam!
“Syet! May gusto ka kay Ate Jessica, Mark?!” hindi mapigilang bulalas ko. Napatakip ako ng bibig nang ma-realize ko kung ano ang lumabas sa bibig ko. “Sorry, pero seryoso?”
Tiningnan lang ako nang masama ni Mark at saka sinabayan ng labas ng kuwarto. Sinenyasan ako ni John at James na lagot daw ako. Hala. May gusto nga yata si Mark kay Ate.
“Seryoso?” hindi makapaniwalang tanong ko sa dalawa. Marahang tumango sila habang nakangisi. “Oh, my gad.” Napatingin ako kay Marco. “Alam mo?”
Tinapik ako ni John sa balikat. “Everybody knows about it.
Even Jessica. But the thing is alam din ng lahat na ang gusto ni Jessica ay siya.” Sabay turo kay Marco.
Hindi ako makapaniwala sa lahat nang narinig ko. Pakiramdam ko nalaman ko ang pinakatatagong sikreto ng Presidente ng Pilipinas. Bakit ako lang ang hindi nakakaalam nang tungkol doon?
“Marco,” tawag ko sa kanya.
“Let’s not talk,” sabi n’ya sabay tayo at iniwan na kami.
“Good luck sa Scandal. Papanoorin ko `yun, promise!” natatawang sabi ni John. “Huwag mo nang isipin `yung mga nalaman mo. Gano’n talaga ang love, complicated.” Tatango tango lang si James sa likuran n’ya at sabay na silang lumabas.
Napaupo ako sa swivel chair. Parang naubusan ako ng energy. Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko. Hay.
“I guess, p’wede na kitang guluhin?”
Napatingin ako sa nagsalita. Sinalubong n’ya ako ng isang makulit na ngiti.
“Justin,” walang ganang tawag ko sa kanya. “Ano’ng kailangan mo?”
“Wala ba akong reward?” tanong n’ya sabay upo sa katabing swivel chair ko.
“Reward? Para saan?” kunot-noong tanong ko.
“Because I helped you out with Jusper. Sa pagkakaalala ko, you two are going to be a couple for a week para sa Scandal?”
Hinawi ko siya at kahit anong gawin kong pigil hindi ko talaga mapigilan ang hindi matawa.
Biglang naging seryoso ang mukha n’ya kaya tumigil ako sa pagtawa.
“Bakit?” kinakabahang tanong ko.
“Come on, let’s go out,” seryosong aya n’ya.
“Hindi ko po day off ngayon, kaya hindi mo ako p’wedeng kaladkarin kung saan mo gusto,” sagot ko sa kanya.
“Nag-file na ako ng leave para sa iyo. Come on, let’s go out habang hindi ka pa nakikita ng madla bilang girlfriend ni Jusper.”
“Huh? Ano’ng pinagsasasabi mo d’yan?”
Nagulat ako nang bigla n’yang hawakan ang kamay ko.
“Because I know you’ll be saying yes at the end.”