Disguise Twelve: ManiPed

1774 Words
PAULIT-ULIT ko lang na pinaglilipat ang channel ng television habang si Justin ay walang imik na nakaupo sa tabi ko. Alam kong nakatingin siya sa `kin. Ramdam ko kaya hindi ko nilalakasan ang loob ko na tumingin sa kanya. “Oh, come on, Shara,” he stressed out. Tinaasan ko lang siya ng kilay na hindi siya tiningnan. “Kumain ka na ba?” Umiling ako bilang sagot. Napatingin ako sa kanya nang tumayo siya. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makarating na siya sa kitchen. “Hoy! Ano’ng gagawin mo d’yan?” sigaw ko sa kanya. Napakunot ang noo ko nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Napilitan tuloy akong tumayo at tingnan kung ano ang ginagawa n’ya. “Really? Bahay mo ba `to?” tanong ko sa kanya nang makita ko siyang naghihiwa ng sibuyas at may mga nakalatag pang kung ano-anong ingredients sa kitchen table. “I’m hungry, after ng schedule ko, dito ako dumeretso.” Tiningnan n’ya ako, “Base on your looks, mukhang wala kang balak na magluto ng lunch natin. To think na bisita mo ako. I’m expecting na magpapakita ka man lang ng kahit kaunting hospitality,” sabi n’ya habang naiiling iling pa. “First, ikaw ang nagpumilit na pumasok dito sa bahay. Second,” napayuko ako at mahinang sinabi na, “I don’t know how to cook.” “Sige na, magpahinga ka na doon sa sala. Manood ka nang manood. Ako ang bahala sa iyo ngayong araw,” sabi n’ya sabay kindat sa `kin. Bigla na lang ako napatalikod sa kanya at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis ng t***k nito at pakiramdam ko nag-iinit ang buong mukha ko. Bakit ba ako nagkakaganito kay Justin? Sinampal ko nang mahina ang mukha ko at saka dumeretso pabalik sa sala. Nahiga ako sa sofa at saka pinalipat lipat ulit ang channel ng television pero wala na talaga akong makitang magandang panoorin. Pinatay ko na lang ito at saka nagmunimuni. Ang dami kong iniisip. Gusto ko na ba si Justin kaya ako nagkakaganito? E, paano si Jusper? `Di ba siya talaga `yung gusto? Gusto ko nga ba siya? Sinabunutan ko ang sarili ko at saka tila baliw na nagpapadyak sa kinahihigaan ko. Nakakabaliw ito. HINDI ako nagsasalita habang kumakain. Ninanamnam ko lang ang sarap ng niluto ni Justin. Grabe `yung asim ng sinigang nanunuot. Kinikilig ako tuwing humihigop ako ng sabaw. Hiyang hiya ang p********e ko dahil ako hindi marunong samantalang ang isa na ito, ang galing magluto. “Kung tapos ka na, you can just leave it there at ako na ang maghuhugas,” bilin n’ya sa `kin habang inuubos n’ya ang natitira pang kaunting kainin at ulan sa plato n’ya. “Nako, hindi na. Ako na ang maghuhugas. Kaya ko na naman `yon. Pati, nakakahiya naman sa iyo. Ikaw na nga ang nagluto, ikaw pa ba ang paghuhugasin ko.” “Ako na, kumuha ka na lang ng palanggana at lagyan mo ng maligamgam na tubig. Tapos pumunta ka sa sala at umupo sa sofa at kung maaari rin ibabad mo `yung paa mo doon sa palanggana,” sunod sunod na utos n’ya. “Para saan naman `yun?” kunot noong tanong ko. “It’s my treat,” tiningnan n’ya ako habang umiinom siya ng tubig, “Ako ang bahala sa iyo.” Nagtataka man ay sinunod ko ang lahat ng sinabi n’ya. Maliban na lang sa nagdala ako ng tuwalya. Feeling ko lang ay kakailanganin ko `yon. Nilalaro ko `yung paa kong nasa tubig habang hinihintay si Justin. Ano kaya ang gagawin ng isang `yun? Napatingin ako kay Justin nang makita ko siyang may hawak na isang… uhm… tool box? Nag-indian sit siya sa harapan ko. “Ano `yan?” curious na tanong ko. Imbes na sagutin ako ay binuksan n’ya `yung tool box na dala dala n’ya. Natawa ako nang makita kong gamit ng babae ang laman noon. Mga gamit na panglinis ng kuko. “So, `yan ba ang profession mo? Manicurista?” natatawang tanong ko. Tiningnan n’ya ako nang masama saka napailing. Inabot n’ya `yung towel na nasa tabi ko at nilatag `yun sa binti n’ya. Dahan dahan n’yang inangat ang dalawang paa ko at inibabaw do’n sa tuwalya. Marahan n’yang pinunasan `yun. Napatitig lang ako sa kanya. Pinanood ko na lang siya sa mga sumunod na ginawa n’ya. Maingat n’yang nilinisan ang mga kuko ko sa paa. Daig n’ya pa nga ang mga manicurista sa mga nail salon. Sobrang ingat n’ya, para bang takot na takot siyang masaktan n’ya ako. Seryosong seryoso siya sa ginagawa n’ya kaya kahit gusto ko siyang asarin hindi ko magawa. Parang masisira kasi `yung moment. Masisira `yung magandang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko napakaespesyal ko na tao. Pakiramdam ko alagang alaga ako ni Justin. Tinapos n’ya ang pagpe-pedicure sa paa ko sa paglalagay ng colorless na cutics. Tumayos siya at umupo naman sa tabi ko. Itatanong ko sana kung bakit pero nasagot na n’ya kaagad. Hinawakan n’ya ang kamay ko at saka ito naman ang pinagtuunan nang pansin. Ramdam ko ang lambot ng mga kamay n’ya. Pati, ang kinis n’ya. Hindi siya kasing puti ni Mark, pero maputi rin naman si Justin. Ang sarap n’ya na lang pagmasdan sa ginagawa n’ya. Pakiramdam ko prinsesa ako. “Ba’t ang galing mo sa ganito? Kung iba siguro ang gumawa nito ay malamang na murder na ang paa ko,” basag ko sa katahimikan. “I always do this with Jasmine and Mama,” napangiti siya nang binanggit n’ya ang mama n’ya, “Gustong gusto nila tuwing ginagawa ko ito sa kanila.” Tumingin siya sa `kin, nakangiti siya pero hindi naman umaabot sa mga mata n’ya. “Justin…” “Tapos na,” sabi n’ya at saka binitawan ang kamay ko. Umupo siya ulit sa sahig at inayos ang tool box n’ya. “Napanood kita sa The Gandang Gabi Show, ah? How does it feel na mayakap ng taong gusto mo?” Bigla akong nasamid sa tanong n’ya. Hindi ko alam kung bakit ako nasamid. Siguro dahil napanood n’ya pala ang kahihiyan ko na iyon. “Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong n’ya. Tumango lang ako bilang sagot at inayos ang sarili. “Alam mo, telegenic ka. Ang ganda mo sa tv.” “Nako, `wag mo na akong utuin.” “Bakit? Maganda ka naman talaga, e. Hindi naman kita inuuto.” Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko. “KANINA mo pa tinitingnan `yang kamay mo, ha?” Bigla kong naitago ang kamay ko sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Ate Jessica. “Nakauwi ka na pala, kanina ka pa?” tanong ko. Tumango siya at pumasok na nang tuluyan sa kuwarto ko. “May kasama ka ba dito kanina?” Sunod sunod ang iling ko bilang sagot. “Sure ka? Dumaan daw kasi kanina dito si Marco at nakita n’ya `yung kotse ni Justin sa labas.” “Baka naman nadaan lang d’yan sa labas, ate,” palusot ko pa. “Bakit nga pala nadaan dito si Marco?” “Hindi mo ba alam? D’yan lang siya nakatira sa dulo nitong street natin. Saka sino naman dadaanan ni Justin dito?” “Si Marco?” painosenteng tanong ko. Inirapan n’ya lang ako bilang sagot. “Ikaw, ate, kumusta labas niyo?” Tumango tango lang siya, parang sinasabi n’yang so-so lang. Malamang hindi ako makakakuha ng full details na kuwento dahil iniwanan na lang n’ya ako bigla. Ano kaya ang nangyari? Nagbeep `yung phone ko kaya kinuha ko ito. Napatingin ako sa thumb ko. Nakita ko na naman `yung kulay red na heart na nilagay ni Justin. Sa lahat ng kuko ko sa kamay do’n lang ang hindi colorless lang. May nilagay siyang maliit na heart. Ang cute lang. Napangiti tuloy ako. Are you free tonight? – Marco Tinitigan ko pang mabuti kung tama ang basa ko sa kung sino ang nag-text. Tatlong beses kong inilapit ang screen ng phone ko para masigurado kong si Marco nga ang nag-text. Mag-re-reply sana ako nang mag-text pa ulit siya. Keight and I will go to The Cliché. Want to join? You can invite Jessica, the more the merrier. – Marco Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Ate Jessica. Siguro kaya n’ya ako inaya ay para maaya ko rin si Ate Jessica. Simpleng the moves! Mabilis na kumilos ako at nagpunta sa kuwarto ni Ate Jessica. Sinabi ko kaagad sa kanya ang text ni Marco, walang tanong tanong na pumayag siya. Makalipas ang ilang minuto ay dinaanan na kami nila Marco. First time kong makita `yung kapatid n’ya na si Keight. Kung pagbabasehan ang mukha, hindi mo sila mapagkakamalang magkapatid ni Marco. Maputi si Keight pero may pagkamorena. Pagdating namin sa The Cliché, dumeretso na kaagad kami sa VIP lounge kung saan nakapuwesto ang mga sikat na guest ng bar. Kaunti lang ang tao dito kumpara sa ibaba. Priority kasi ang privacy ng mga VIP guest. Nagkanya kanya kami ng upo sa puwesto namin. Si Ate Jessica tinulak ko para maupo sa tabi ni Marco. Ang bagal bagal kasi kumilos. Bali ang puwesto namin ay ako, ate Jessica, Marco at Keight. Nasa kalagitnaan kami nang kuwentuhan nang biglang inaya ni Keight si Ate Jessica para magsayaw. Hindi naman makatanggi si Ate kaya wala siyang choice kundi ang iwanan kaming dalawa. Walang nagsasalita sa amin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. “Excuse me, mag-CR lang ako,” biglang paalam ko na lang. Mabilis na naglakad ako papunta sa CR. Papasok na sana ako nang makita ko si Justin na palabas naman sa men’s room. “Shara?” tawag n’ya sa `kin. “Sino kasama mo dito?” “Uh. Sila Marco.” Biglang sumama ang tingin n’ya sa `kin at bigla na lang akong iniwan. “Ano’ng problema no’n? Tss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD