SUNOD sunod ang inom ko ng beer na nasa harapan ko habang hindi malaman kung saan ako titingin. Kay Ma’am Ysabelle ba o ililinga ko pa sa iba ang mga mata ko. Gusto ko nang lamunin nang inuupuan ko. Gusto ko nang maglaho. Paano kaya nalaman ni Ma’am ang nangyari sa Palawan noong nakaraan? Grabe. Nakakahiya ito.
“You know what, hindi ka naman dapat nahihiya,” sabi ni Ma’am Ysabelle. “If I’m Justin, I will do the same. You’re pretty and your lips are also tempting. But don’t get me wrong, I never did try it with a girl.”
Literal na napanganga ako sa narinig kong sinabi ni Ma’am Ysabelle.
“M-Ma’am?”
Bigla siyang tumawa nang malakas. “I used to be one of them. I used to like girls, kaya we can say na I understand him,” paliwanag n’ya.
Napakunot ang noo ko. Hindi nagsi-sync in `yung mga sinasabi n’ya. Sinasabi n’ya ba na sa ganda n’yang iyan ay tomboy siya?
“I used to be a tomboy, `wag mong masyadong ipahalata na hindi ka makapaniwala,” natatawang sabi n’ya. “Kung nakilala mo lang ako before, hindi mo maiisip na magiging gan’to ako.” Pinakita n’ya ang singsing sa kanang kamay n’ya, “I’m happily married and we’ll be having our first baby in few more months.”
“Buntis po kayo, Ma’am?!” gulat na tanong ko.
“Yes and please, stop calling me ‘Ma’am’. First name basis tayo, call me Amber,” sabi n’ya sabay inom ng juice. “So, nasaan na nga ba tayo,” saglit na napaisip siya, “Ah. Bakit nga ba si Justin instead of Jusper?”
“P-Po?” Tiningnan n’ya ako na para bang sinasabi n’ya na huwag na akong magbingibingihan dahil alam naman n’ya na narinig ko nang malinaw at maayos. “Iba kasi si Justin kay Jusper, e,” mahinang sagot ko.
“Paano naging iba? Magkapareho sila ng mukha, pareho rin ng boses kung tutuusin.”
“I don’t know. Madaling magustuhan si Justin, pero kasi there’s something in him na mahirap pasukin. Mahirap intindihin. Pakiramdam ko kilala ko siya pero hindi. Marami siyang tinatago at tingin ko isa siya sa mga taong hindi marunong magseryoso,” paliwanag ko.
“And you think Jusper is the serious type?” taas kilay na tanong n’ya. Tumango lang ako bilang sagot. “Paano mo nasabi `yon?”
“Madalang kasing magsalita si Jusper, parang bago n’ya ibuka `yung bibig n’ya pinag-iisipan n’ya muna. Hindi katulad ni Justin na buka na lang nang buka ang bibig." Huminga ako nang malalim, “Ewan. Hindi ko naman talaga kilala si Jusper. Iilang beses pa lang naman kaming nagkakausap. Hindi katulad ni Justin na madalas kong makasama.”
Ngumiti siya. “See?”
“Po? Anong ‘see’?”
“You like Justin!” kinikilig na sabi n’ya.
Alanganing ngumiti ako at sunod sunod na umiling. “Hindi po! Hindi ko po siya gusto.”
Nagkibit balikat siya. “You like him,” sabi n’ya na para bang sinasabing kahit itanggi ko basta alam n’yang tama siya.
Napailing na lang ako at uminom ulit.
I don’t like him. Uh huh. Yeah. No.
NAKAPIKIT akong naghikab at ininat ang mga braso ko. Ilang araw na namang walang tulog. Hindi ko muna idinilat ang mga mata ko sa pagkakapikit. Pagod na pagod na sila kakadilat kaya hahayaan ko munang makapagpahinga.
Lumingon ako sa likuran at dahan dahan kong dinilat ang isang mata ko nang may maramdaman akong dumaan sa likuran ko. Malabo pero mukhang lalaki ang dumaan. Binaliwala ko na lang at binalik sa pagkakapikit ang mata ko. Antok na antok talaga ako. Kailangan ko ng isang balde ng kape.
Napadilat ako nang maayos nang may maamoy akong kape. Imposibleng magkaamoy ako ng kape dito sa labas ng recording studio. Medyo malayo pa ang vending machine dito. Napatingin ako sa dulo ng inuupuan kong bench. May cup ng starbucks na nandoon na may nakalagay na pangalan ko at may nakatiklop na papel sa ibabaw.
Tumayo ako at kinuha ang kape. “Ako lang naman siguro ang Shara dito, `no?” sabi ko at saka tiningnan nang maayos ang cup. “Kanino kaya galing `to?” Tiningnan ko `yung papel na nasa ibabaw at binasa ang nakalagay, “Smile before you open.” Hindi ko alam, pero otomatikong nagkaroon nang ngiti sa mga labi ko. Napailing na lang ako sa ginawa ko at sa binuksan ang papel. “Always smile because there is someone who’s waiting for your smile.”
“Hoy!” Napatingin ako sa nag-‘hoy’ sa `kin. Si Amber pala. “Ba’t nangingiti ka d’yan?”
“Wala lang. May nag-iwan kasi nitong kape dito,” sagot ko at pinakita sa kanya `yung kapeng hawak ko.
Nagkaroon ng malapad na ngiti sa mga labi n’ya. “Kanino galing?” Nagkibit balikat lang ako bilang pagsagot. “Nagiging popular ka na, ha?”
“Hindi, ah! Baka nagmagandang loob lang `yung tao, nakita n’ya kasi akong natutulog dito,” depensa ko naman.
“Aba, sosyal naman kung ganoon. E, `di hamak na mas malapit ang vending machine dito kaysa sa Starbucks.”
Napailing na lang ako at saka nagpaalam sa kanya. Pumasok ako sa recording studio at kinuha na ang mga gamit ko. Ch-in-eck ko na rin ang mga gamit ng The Cliché kung okay na para makapunta na rin kami sa susunod naming schedule.
NAPAKUNOT ang noo ko habang pinapanood si Ate Jessica sa pinapanood n’ya. Grabe ang titig n’ya sa solo cam version ni Marco sa music video ng latest album ng The Cliché. Lumapit ako sa kanya at dahang dahang umupo sa tabi n’ya. Parang hindi n’ya man lang ako naramdaman dahil titig na titig lang siya sa pinapanood n’ya.
“So, ate, may gusto ka kay Marco?”
Nagulantang yata siya at mabilis na sinarado ang screen ng laptop n’ya.
“Ano’ng ginagawa mo d’yan?” tila kinakabahang tanong n’ya.
“I’m just watching you,” kinikilig na sagot ko. “So, si Marco ba, ate?”
“W-wala ka bang gagawin ngayong day off mo?” pag-iwas n’ya sa tanong ko. Umiling lang ako bilang sagot at tiningnan siya nang nakakaloko. “Ano?” inis na tanong n’ya.
“May gusto ka kay Marco, Ate?”
“Oo,” mahinang sagot n’ya.
Bigla akong kinilig sa pag-amin n’ya. Nanginig ang buong katawan ko. “Bagay kayo, Ate! Blue eyes ka tapos siya green eyes.” Hindi mawala `yung kilig na nararamdaman ko. “All this time akala ko ako lang ang marunong mag-fan girl, pati pala ikaw, ate! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa `kin?”
“Baliw! Hindi kami bagay, `no! Mahirap siyang i-reach,” malungkot na sabi n’ya.
“Bakit nama—” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang mag-ring ang cellphone n’ya. Sinilip ko pa kung sino at nakita ko ang pangalan ni Mark. “Phonepal kayo ni Mark?”
“Hindi, baka may kailangan lang `to,” sagot n’ya at tumayo na.
Nagkibit balikat na lang ako. Napatingin ako sa cellphone ko nang ito naman ang mag-ring. Tiningnan ko kung sino, si Justin pala. Naghintay pa ako ng ilang ring bago ko sinagot. Ano kaya ang kailangan ng isang `to? Hindi n’ya ba alam na day off ko? Tss.
“Bakit hindi mo sinabi sa `kin na day off mo?” Nailayo ko sa tainga ko ang phone ko nang marinig ko siyang magsalita.
“Bakit ko naman kailangan sabihin sa `yo?” inis na balik ko sa kanya.
“May usapan tayo, `di ba?”
Napakunot ang noo ko. “Anong usapan? Mayroon ba?”
“I’ll pick you up. I’ll be there in ten to fifteen minutes.” Hindi na n’ya hinintay ang sagot ko at pinagpatayan na lang ako.
“Tingnan mo ang isang `yon! Hindi n’ya man lang tinanong kung libre ako ngayong araw. Tss. Bahala siya sa buhay n’ya, hindi ako sasama sa kanya.”
“Oh, ano’ng nangyari sa `yo?” tanong ni Ate Jessica pagbalik n’ya. Sumimangot lang ako. “Maiwan na kita d’yan, aalis lang ako.” Tiningnan ko siya nang mabuti. “What?”
“Saan ka pupunta?” nakangiting tanong ko.
“Nag-aya lang si Mark lumabas, gusto mong sumama?”
“Hindi na, mukhang magde-date kayo, e,” panloloko ko sa kanya.
“Baliw! Friendly date lang `to, pati kasama si Keight, `yung kapatid ni Marco,” paliwanag n’ya.
“Ba’t ka nagpapaliwanag?” Binato n’ya lang ako ng unan at iniwanan na. “Defensive! Papalakas ka lang sa kapatid ni Marco, e!”
Pagkaalis ni Ate Jessica wala na akong magawa sa bahay kaya nanood na lang ako ng movies sa TV, kahit ano na lang ang mapanood ko. Wala naman kasing magandang palabas at wala talaga ako magawa kaya pinatitiyagaan ko na lang.
Napatingin ako sa pinto nang may nakita akong nag-park na van. Bigla kong naalala na susunduin nga pala ako ni Justin. Baka `pag nakita naman n’ya akong hindi pa nakahanda, iiwanan na lang n’ya ako.
Binuksan ko na kaagad `yung pinto at sinalubong na siya bago pa siya makapag-doorbell. Sinalubong naman n’ya ako nang magkasalubong n’yang kilay.
“Hindi ba sinabi ko na susunduin kita? Bakit nakapambahay ka pa?” Halata ang inis sa boses n’ya.
“Una, hindi mo muna ako tinanong kung gusto kong sumama. Pangalawa, ikaw lang ang nag-decide no’n. Tinatamad akong umalis ng bahay kaya kung p’wede lang, iwan mo na ako. Maraming salamat,” sagot ko sa kanya.
Ilang segundo rin kaming nagtitigan. Nauna rin siyang umiwas nang tingin. Nagkibit balikat na lang ako at saka tumalikod sa kanya. Bahala siya hindi n’ya talaga ako mapapasama. Tinatamad akong maglalakad ngayon. Gusto ko lang mahiga at manood ng TV.
“Wait.”
Taas kilay na nilingon ko siya. “Bakit? May kailangan ka?”
“Kung ayaw mong umalis ng bahay then ako na lang ang mag-stay dito.”
“Huh? Baliw ka ba?”
“We have a deal, Shara. Sasamahan mo ako tuwing day off mo. Ngayon, ayaw mong umalis dito sa bahay niyo? Then fine! Dito mo ako samahan.” Binuksan n’ya ang gate at dire-diretsong pumasok ng bahay. Nakanganga lang akong nakatingin sa kanya. “Ano? D’yan ka lang ba?”
“W-what?"