Disguise Six: I just can’t.

1828 Words
“Kumain ka lang nang kumain d’yan, ha?” malambing na sabi ni Mama kay Justin at inabutan pa ito ng mga prutas. Napatingin siya sa `kin. “Oh, Shara kumain ka rin. Mukhang nangayayat ka, ha? Ano ba’ng ginagawa mo sa Maynila? Hindi ka ba nila pinapakain nang maayos do’n?” “Okay lang ako, Ma. Saka hindi naman ako pumayat, matagal mo lang po kasi akong hindi nakita.” Lumapit siya sa `kin at bahagyang kinurot ang braso ko. “Hindi, `nak. Pumayat ka. Masyado bang maraming numero ang binibilang mo sa trabaho mo, anak?” “P-po?” bigla akong nasamid dahil sa tanong ni Mama. Hindi ko pala nasabi sa kanya na hindi ako natuloy sa accounting department. “Opo, Ma. Ang yaman po kasi ng boss namin. Limpak limpak po ang binibilang kong pera.” Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Justin kaya sinenyasan ko siya na sumang-ayon na lang. Kapag nalaman ni Mama na ang pinagtapos n’ya ng kursong Accountancy ay isa lamang alipin ng mga artista malamang may sasabog na bulkan. Hindi naman masama ang trabaho ko. Legal naman `to at wala akong taong tinatapakan, pero parang hindi naman kasi ako pinagtapos ng mga magulang ko sa isang magandang unibersidad dito sa `min para maging ganito ang trabaho ko. “Gano’n ba? Hanggang kailan ba kayo dito? Kung magtatagal kayo, tulungan niyo akong alisin ang mga gamit sa kuwarto ni kuya Shaw mo, para may tutulugan si Justin,” ani ni Mama. “Hindi naman po kami magtatagal, uuwi rin po kami bukas,” sagot ni Justin. “Kahit d’yan na lang po ako sa couch matulog, wala namang pong problema sa `kin `yun.” “Bisita ka namin, hindi ka dapat matulog sa sofa,” tumingin si Mama sa `kin, “Hala, dalian mo d’yan at ayusin mo ang kuwarto mo. Do’n na siya matulog. Do’n ka sa kuwarto namin. Hindi naman uuwi ngayon ang Papa mo.” Tumango tango lang ako bilang pagsagot. Parang may choice naman ako, `di ba? It’s either tatabi ako kay Mama o magsasama kaming dalawa sa kuwarto ko. Mas better ang na una. Baka kung ano pa ang gawin n’ya sa `kin. Hindi pa naman siya gano’ng kakilala. Mahirap na. PAGKATAPOS ng dinner ay inayos ko na ang kuwarto. May isang buwan na rin itong hindi nagagamit kaya medyo maalikabok. Kinailangan ko pang maglinis ng kaunti at pagpagan ang kama. Tinitigan ko `yung buong kuwarto ko `pag katapos kong maglinis. May poster ni Jusper sa bawat sulok ng kuwarto ko at kahit sa kisame mayroon. Nakaayos din ang mga album n’ya sa gilid ng study table ko. “Parang nakakahiyang ipakita itong kuwarto ko sa kapatid pa mismo ni Jusper. Kakambal pa n’ya. Ano na lang iisipin n’ya sa `kin? Baka akalain ni Justin obssesed fan ako.” Akmang aalisin ko na ang poster sa kisame ng may nagsalita sa likuran ko. “Bakit mo aalisin?” Tiningnan ko si Justin na nakakunot ang ulo. “Nakakahiya kasi,” mahinang sagot ko. “Ayos lang `yan. Wala naman akong balak matulog ngayong gabi.” “Huh? Anong wala kang balak matulog ngayong gabi?” naguguluhang tanong ko. “I just want to go outside and feel the place. Gusto kong mag-relax ngayon habang malayo ako sa work. I barely got this chance, so...” “So, kasama ba ako d’yan sa walang tulugan mong trip?” taas kilay na tanong ko. Nagkibit balikat siya. “Only if you want to. Hindi kita pipilitin dahil alam ko namang pagod ka and ang usapan lang naman natin ay samahan ako. You can take a rest as long as you want. Hapon pa naman ang flight natin pauwi bukas.” “Bakit parang nakaka-guilty `yang sinasabi mo?” inis na tanong ko. “Bakit parang pinagpapahinga mo ako pero ang totoo gusto mong samahan kita?” “Huh? Gano’n ba ang naging dating?” napayuko siya, “Sorry,” mahinang sabi n’ya. Napangiti ako. Ang cute n’ya kasi. “Sige na nga sasamahan na kita. Malamang din naman hindi mo alam ang pasikot sikot dito sa `min. Saan mo ba gustong pumunta?” Inangat n’ya ang tingin n’ya sa `kin at saka ngumiti. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at para bang kinakapos ako sa paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko. Ano’ng nangyayari sa `kin? Mabilis na lumapit sa `kin si Justin. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong n’ya. “O-oo. O-okay lang ako,” sagot ko at bahagyang tinulak siya palayo. Ano ba `tong nangyayari sa `kin? “Saan mo na gustong pumunta?” ulit na tanong ko. “Gusto ko lang maglalakad lakad habang nakikipagkuwentuhan. Kung p’wede lang naman,” bahagyang tiningnan n’ya ako sa mga mata, “Ayos lang ba?” `Yung pagtingin n’ya sa mga mata ko... Iba. Bakit ganito ang feeling ko? Bakit ako kinakabahan—no, scratch that. Hindi ako kinakabahan. Pero bakit gan’to kabilis ang pintig ng puso ko? Something is wrong with me. PARANG may bata akong kasama habang naglalakad dito sa labas ng bahay namin. Hindi kami nag-uusap ni Justin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Tuwing susubukan ko ay nahihirapan akong huminga at mag-isip. Parang may kung anong humaharang sa sistema ko. Kaya hinahayaan ko na lang ang sarili ko sa panonood sa kanya. Siguro nga may magkapareho silang mukha ni Jusper. Pero ngayong tinitingnan ko si Justin. Parang ibang tao na ang nakikita ko. Hindi na ang mukha ni Jusper. Parang nagkakaroon ng ibang imahe sa isipan ko si Justin. “I don’t mind kung titingnan mo lang ako the whole way,” basag ni Justin sa pagmumuni ko. “Hindi ka ba nagsasawa sa pagtitig sa mukha ko?” huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. “I mean, I’m sure lagi mong tinititigan ang picture ni Jusper. We have the same face you know.” “No, you don’t,” mabilis na sagot ko. Napakunot ang noo n’ya. “I mean, oo magkamukha kayo pero hindi kayo pareho. Jusper is...” wala akong mahanap na tamang word. Una sa lahat hindi ko alam kung paano ko siya ide-describe. Wala pa kaming pagkakataon na nakapagsama. “...he’s different. You’re different. Hindi kayo pareho. Siguro kapag nakita ko na kayong dalawa na magkasama I can finally distinguish kung sino si sino.” “Paano mo naman nasabi?” tiningnan n’ya muna ako saglit at saka nagpatuloy sa paglalakad. “We’re just the same. Same face, voice... everything is the same for the both of us.” Huminto ako sa pagsunod sa kanya. “No. Hindi kayo pareho.” Tinitigan n’ya ako na para bang inuulit n’ya `yung tanong na ‘Paano mo naman nasabi?’. “I just know,” maikling sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Bakit ba ako ganito? Ano’ng nangyayari sa `kin? Bakit parang natataranta ako? Bakit ang dami kong tanong ngayon? Huminto ako. Huminga nang malalim at saka humarap kay Justin. Napatitig ako sa kanya nang makita ko na ilang sentimetro lang ang pagitan namin. Paanong ganito na siya kalapit? Mabagal ba akong maglakad? Bahagyang tiningala ko siya. Nakayuko siya at sinalubong ang tingin ko. There’s something in his eyes. Parang may sinasabi ito sa `kin pero hindi ko maintindihan. “Why—” Hindi ko naituloy ang itatanong ko dahil bigla na lang naglapat ang mga labi namin. Sabi ng utak ko, itulak ko si Justin. Pero hindi ako makagalaw. Ine-enjoy ng katawan ko ang ginagawa ni Justin. Ang ipinaparamdaman n’ya sa `kin sa mga oras na ito. Kinulong n’ya ang mukha ko sa magkabilang palad n’ya at lalong pinalalim ang halik na pinagsasaluhan namin. I just found my hands in his shoulder now and helping him to deepend the kiss. s**t. Gusto kong huminto, but I just can’t. Naghiwalay ang mga labi namin. Nagtitigan kami. Nakahawak pa rin siya sa mukha ko. He slowly lowered his face again and planted small kisses in my lips. Hindi na katulad ng nauna. Ngayon ay paulit ulit n’ya lang na binibigyan ng maliliit na halik ang labi ko. Parang ayaw n’ya itong tigilan. “I really need to stop,” mahinang sabi n’ya at muli akong hinalikan. “But I just can’t. Ano’ng ginawa mo sa `kin, Shara?” he stressed out. Pinagdikit n’ya ang noo namin. “You should go now. Malamig na dito. Maglalakad lakad muna ako.” “Justin...” Bunitiwan n’ya na ako at saka ngumit. “Good night, Shara. See you tomorrow.” Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya sa braso. “Wait, gano’n na lang ba `yun? You just stole my first kiss. I think may karapatan akong itanong kung bakit mo ginawa ang ginawa mo,” hindi mapakaling tanong ko. What the hell did just happened? Pumayag akong magpahalik and now I’m asking kung bakit ako hinalikan? May karapatan nga ba akong magtanong? Ano na ba talaga ang nangyayari? Dapat walktour lang ito, pero bakit napunta sa ganitong sitwasyon? “You’re eyes is seducing me. When I look in your eyes, I always have the urge to kiss you,” seryosong sagot n’ya. “I’m not saying it’s your fault. I tried to resist it, but I just can’t.” Ngumiti siya. “Don’t worry, it was nothing. It’s just a kiss. No big deal.” Napaawang ang bibig ko sa huli n’yang sinabi. P’wede ko na sanang tanggapin `yung una n’yang sinabi pero bakit parang medyo masakit sa dibdib no’ng sinabi n’yang ‘It’s just a kiss. No big deal’. Gano’n lang ba talaga `yun? “You should really go now. Medyo malalim na ang gabi at malamig na talaga dito. Susunod na lang ako sa `yo maya maya.” Kinuyom ko ang kamay ko. Huminga ako nang malalim at bigla siya sinampal. “That’s for the kiss. Good night!” at nag martsa ako pabalik ng bahay. No big deal. Yeah. No big deal. Hindi siya si Jusper. Hindi dapat ako nagkakagan’to. Kiss lang `yun, Shara. Ano naman kung first kiss mo, `di ba? No big deal `yun. Hindi ka dapat nakakaramdam ng kung ano para sa kanya. Hindi dapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD