Nagpaikot ikot ako sa kama ko. Hindi ako mapakali. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Justin. Hindi kaya napaano na `yun? Hindi naman kasi n’ya alam ang mga pasikot sikot dito sa `min. Dapat yata hindi ko siya iniwanan kanina.
“Bakit ko ba siya iniisip? Ginusto n’ya naman na mag-isa, tss.” Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko.
Hindi ko naman siya dapat talaga inaalala. Ano ko ba siya? Hinatak n’ya lang naman ako papunta rito para may makasama siya.
“Ano ba `yan, Shara? Hindi ka ba matutulog?” tanong ni Mama.
Tumayo na ako nang tuluyan at lumabas ng kuwarto. Nagulat pa ako nang makita ko si Justin na nakaupo sa sofa at hawak ang gitara ni kuya Shaw. Pumasok ulit ako at sumilip na lang sa awang ng pinto.
Seryoso ang itsura ni Justin. Tinitingnan n’ya ang gitara at pasimpleng lalaruin ang mga string nito. Paputol-putol. Hindi n’ya tinutuloy tuloy ang pag-strum n’ya. Napatingin ako sa cellphone n’ya na nasa center table. Bigla kasing nagliwanag ang screen nito. May tumatawag yata dahil ang tagal na nakailaw at tila nagba-vibrate ito.
Tinitigan lang ni Justin ang cellphone at hinayaan lang. Ano kaya ang problema ng isang `to? Bakit hindi n’ya sagutin? Lumabas na ako at lumapit sa kanya. Natingnan ko nang maigi ang cellphone at tama nga ako, may tumatawag.
Ysabelle.
“Bakit hindi mo sagutin `yung tumatawag?” tanong ko at sabay umupo sa kabilang sofa sa gilid n’ya.
Hindi n’ya ako tiningnan at basta na lang pinatay ang cellphone n’ya. “Hinahanap lang naman nila ako.” Binaba n’ya ang gitara at saka humiga nang maayos sa sofa. “Pasensya na kung nagising kita. Matulog ka na ulit,” mahinang sabi n’ya at saka tinakip ang braso sa mata.
Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Pinapanood ko lang siya sa ‘pagtulog’ na ginagawa n’ya. Alam kong hindi siya tulog. Alam kong nagkukunwari lang siya. Alam kong gusto n’ya lang mapag-isa. Alam kong gusto n’ya lang akong umalis. Pero hindi ko alam kung ano `tong ginagawa ko. Kung bakit ko `to ginagawa.
“Alam mong ito ang chance mo para makapagpahinga nang maigi, bakit hindi mo gawin kaysa nand’yan ka?” biglang tanong n’ya.
“Ano ba talaga ang ginagawa mo dito sa Palawan?” balik na tanong ko.
“Magpahinga ka na, Shara,” utos n’ya. Tumagilid siya sa pagkakahiga n’ya kaya nakatalikod na siya sa `kin. “May mga bagay na mas mabuti na lang na huwag sabihin. Mga bagay na mas mabuti na lang na tinatago.”
“Ano’ng ibig mong sabihin? Sino ka ba talaga, Justin? Bakit sobrang misteryoso mo?” tanong ko.
Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tumingin sa `kin. `Yung tingin n’ya sa `kin parang tinitingnan n’ya ang buong pagkatao ko.
“I’m just Justin Kennedy Lopez. Nothing more, nothing less,” seryosong sagot n’ya. Tinitigan n’ya lang ako saglit at bigla na lang lumabas ng bahay.
“Hoy! Saan ka na naman pupun—” Napatingin ako sa paligid ng labas ng bahay. Wala akong nakitang Justin. “Saan na naman kaya naglusot ang isang `yun? Bahala na nga siya! Tss.”
Nagdadabog na bumalik ako sa kuwarto nila Mama at tumabi sa kanya. N’yakap ko si Mama. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa `kin. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis bilis nang t***k ng puso ko? Bakit ako nag-aalala para kay Justin?
PAGKAUWI ko galing Palawan ay nagpaalam muna ako na hindi ako makakapasok. Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko hindi naman ako nakapagpahinga sa Palawan. Hindi ako nakakuha nang matinong tulog dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Pati, alam kong makakasalubong ko si Justin sa office.
Hindi ako handang makita ulit siya. Masyadong ang awkward ng tensyon sa pagitan namin. Parang may malaking pader na bigla na lang nabuo nang hindi namin namamalayan. `Yung noong parang close na kami na feeling biglang nawala at napalitan nang pagiging estranghero sa isa’t isa.
Mali nga siguro ako nang pagkakakilala kay Justin. Hindi nga siguro siya katulad ng tao na naiisip ko na siya. Marami siyang bagay na hindi sinasabi na tingin ko pati sa sarili n’ya ay hindi n’ya pa kayang tanggapin. Marami siyang bagay na ayaw ipapaalam sa iba, kung may nakakaalam man malamang ay iilang tao lamang. Parang siya `yung tipo ng tao na hirap magtiwala.
“So, `ayan ang dahilan mo kung bakit ka hindi papasok? Ang paghinga nang malalim?” Napatingin ako kay Ate Jessica. “Ano na?”
“H-huh? May sinasabi ka ba?” wala sa sariling tanong ko.
“May problema ka ba, Shara?” nag-aalalang tanong n’ya. Lumapit siya sa `kin at kinapa ang noo ko. Parang tinitingnan n’ya kung may lagnat ba ako. “Wala ka namang sakit, ayos ka lang ba?”
“O-okay lang naman ako. Napagod lang siguro ako sa byahe, Ate,” sagot ko.
Umupo siya sa kabilang dulo ng kama. “Napagod nga ba? May ginawa ba sa iyo si Justin? Minolestiya ka ba n’ya? Tinakot ka ba n’ya para huwag kang magsumbong?” sunod sunod na tanong n’ya.
“Hindi, Ate. Wala namang siyang ginawa, e. Wala rin naman kaming ginawa sa Palawan. Nagtulog lang ako doon tapos siya nagliwaliw. Ni hindi nga rin kami nag-usap, e,” palusot ko.
“Hindi rin kasi nagpakita ngayon si Justin sa office, baka kako may nangyari sa inyo,” lumapit siya lalo sa `kin at inayos ang bangs ko na humarang sa mukha ko, “Kung may problema ka, alam mo namang p’wede kang magsabi sa `kin, `di ba? We’re almost like sister, kaya `wag kang mahihiya.”
“Wala naman akong problema, Ate,” pilit na ngumiti ako, “Ngayon ko lang siguro nararamdaman `yung pagod ko no’ng mga nakaraang araw. Pahinga lang katapat nito.”
“Okay,” n’yakap n’ya ako, “Basta if you need someone to talk to, nandito lang ako, ha?” malambing n’yang sabi at saka nagpaalam.
Hindi man siguro kami lumaki nang magkasama pero ang turing talaga sa `kin ni Ate Jessica at parang kapatid. Thankful ako sa kanya sa maraming bagay.
KINABUKASAN pumasok na ako. Ayaw ko pa sana pumasok kaya lang wala na akong idadahilan para huwag pumasok. Pagkapangalawang absent na kasi kailangan na ng medical certificate. E, wala naman talaga akong sakit, paano ako kukuha no’n, `di ba?
“G-good morning.”
Napatitig ako kay Marco. He barely talk to me. As in, tango at iling lang ang ginagawa n’ya sa `kin kapag kinakausap ko siya. This is the first time na narinig ko siyang magsalita at nag-good morning siya sa `kin... Ang ganda ng boses n’ya. Ganito ba kaganda ang boses kapag madalang gamitin?
“G-good morning din,” mahinang bati ko. “Do you need something?”
Napayuko siya at napakamot sa batok.
“Are you okay?” kinakabahang tanong ko. “Marco?”
“H-huh? I’m good,” parang natatarantang sagot n’ya. “I-I’ll. Get. Going. S-see. You. Later.” At mabilis na umalis siya.
“Marco, dito `yung daan papunta sa recording studio,” tawag ko sa kanya. Mabilis na humarap siya ulit sa direksyon ko at naglakad patungo sa recording studio. “Okay, that’s weird,” bulong ko sa sarili ko. Napailing na lang ako at sinundan na siya sa recording studio.
Habang pinapanood ko ang The Cliché sa kanilang rehearsal hindi ko maiwasang hindi tingnan si Marco. Naninibago talaga ako sa kanya. Mukha na ba talaga akong drum kaya kinausap na n’ya ako? Hindi naman gano’ng kabilugan ang mukha ko parang pag-akalain n’yang drum. Ay teka, ang weird naman kung maniniwala ako do’n sa sinabi nila Sir Yael na drum nga lang ang kinakausap ni Marco. Nababaliw na yata ako, kung ano-ano na naiisip ko.
“That’s weird.” Napatingin ako sa nagsalita. Si Sir Yael. “Marco is talking with the members,” nagkibit balikat siya, “I guess, he finally learned how to open up with the boys.”
“Sir?”
“Oh. Hi there, Shara,” nakangiting bati n’ya sa `kin. “Okay lang ba si Marco?”
“Sabi n’ya po okay naman po siya. May problema po ba, Sir?” Umiling lang siya bilang sagot. “Sir, nakalimutan ko po pa lang magpasalamat sa inyo.”
Tumingin siya sa `kin. Napangiti ako sa itsura ni Sir. Nakataas ang kanang kilay n’ya. Ang guwapo n’yang tingnan. “Pasalamat? Para saan?”
“Sa pagpayag niyo po na mag-stay po akong assistant ng The Cliché. Hindi naman po ito ang talagang in-apply kong trabaho, e,” sagot ko.
“Oh, that?” Ngumiti siya at t-in-ap ng index finger n’ya `yung tungki ng ilong ko. “There’s no problem with that,” humalukipkip siya at binalik ang tingin sa loob ng studio, “Sabihin na natin na sa simula pa lang alam ko nang magi-stay ka sa kanila. No one can resists these guys. I know na magugustuhan mo ang trabaho mo na `yan.” Humarap siya sa `kin. “Tama naman ako, `di ba?” sabi n’ya sabay kindat.
Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang likuran ni Sir na palabas na ng studio. I have the coolest boss.
“Shara, coffee please.”
Tinanguan ko lang si John bilang sagot. Akmang lalabas na ako nang may biglang humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Marco. “You need something?”
Umiling siya. “I-I’ll go with you,” nauutal na sabi n’ya at nagpatiuna nang maglakad.
Pagdating namin sa vending machine, kaagad na kumuha siya ng tray at kumuha ng kape. Hindi n’ya ako hinayaang gawin `yung dapat na trabaho ko.
“Uy, Marco. Ako na d’yan,” sabi ko. Kukunin ko na sana `yung tray na hawak n’ya pero inilayo n’ya ito sa `kin.
“I won’t let you do this. I can handle this.”
“Ano ka ba? Okay lang, trabaho ko naman `yan, e,” sabi ko pa. Tiningnan n’ya ako nang masama kaya hindi na ako nagpumulit pa. May nakakatakot din pa lang aura si Marco.
Nagulat ako nang bigla n’yang nilapag ang tray sa table na malapit at lumapit sa `kin. Kinapa n’ya ang noo ko. “Aren’t you sick?”
“H-huh?”