Chapter 5

1648 Words
Erva's POV Dahil sa narinig ko nung nakaraan ay napagdesisyunan kong gawan ng pabor si Jackson para marealize ni Bianca ang sinasayang niya. Sa gagawin kong yun sana matauhan nga si Bianca kasi kung hindi ako na mismo ang magsisiwalat ng kasinungalingan niya. Pero kailangan ko munang masigurado kung ano say ni Jackson dito. Kaya naman pumunta ako sa office nun kahit linggo para makita ang resume ni Jackson. Buti nalang at tinulungan naman ako ni Ma'am Thea. Pinuntahan ko kung saan nakatira si Jackson. Nung una nahirapan pa ako kasi bago ako sa lugar na yun. Madaming bahay na magkakalapit tila kaliwat kanan ang ingay at mga tao. Mawawala na nga sana ako sa sobrang hindi ko na maintindihan. Buti nalang mababait ang tao doon at itinuro ang tirahan ni Jackson. Nagtataka pa nga sila ano ang ginagawa ko doon. Tinawagan ko si Jackson ng nasa tapat na ako ng bahay niya imbes na kumatok gusto ko namang maging handa ito kung sakaling bubuksan niya ang pinto. Hindi naman kasi ako bastos para magsurpresa nalang bigla. Matagal bago nito sagutin. May naririnig akong ingay galing sa loob kaya alam kong nasa loob lang ito. "Babe. Mamaya na yan. Ituloy na natin to" rinig ko sa loob. Hindi ako tanga para hindi malaman ang nangyayari. Isa pang tawag Erva kung wala talaga eskapo ka na! Tinawagan ko ulit ito. May sumagot na kaya I guess okay na. "Open the door. I am here in front of your house" Siguro ilang seconds lang ng buksan ito ng tila parang nagmadali pang lalaki. Ang unang bumungad sakin ay ang kanyang malapad at hubad na dibdib. Gusto kong mapakagat labi sa magandang tanawin nakikita. Ang ganda naman ng bungad nito. Hindi man lang nagayos. "Grabe naman ang pagwelcome mo. May pa abs pa kuya" biro ko nalang dito para mapigilan ang sarili kong halayin ang lalaking sa harap ko. Makalimutan ko pang may kasintahan ito. Walang kwentang kasintahan. Muntik na akong mapahalakhak ng mamula nanaman ito. Seriously sa pangangatawan at anyo niyang yan? Sobrang mahiyain at inosente? Kung hindi ko nga ito kilala aakalain kong babaero ito. Pero sabi nga nila don't judge a book by its cover. " Sorry Ma'am Pasok po kayo. Pasensya na po kayo at maliit lang po. Hindi po kayo nakapag sabi, ako nalang po sana ang pumunta sa inyo" tila wala akong narinig sa sinabi nito. Nakatutok lang ang aking atensyon sa babaeng nandoon din. Simple lang ito hindi tulad ng nakita ko sa bar ng sundan ko ang mga ito. Hindi mo aakalain na ang babaeng mukhang inosente ngayon ay makikita mong halos hubad na sa bar sa gabi. Sabagay maganda naman ito pero mas maganda ako. Wala siya sa kalingkinan ko kaya huwag siyang magmaganda at kung makatingin sakin actually sa mga suot at gamit ko siya nakatingin. Kung anime lang ito baka kuminang na ang mga mata niya. " Bianca si Ma'am Minerva. Ma'am Girlfriend ko po" rinig kong sabi ni Jackson na siyang may damit na ng balingan ko saglit. "Nice to meet you BIANCA" let's see kung papasa ka sa test ko. Nakasalalay sa sagot at aksyon mo ang magiging relasyon niyo Bianca. I smirked at her pero mukhang hindi niya yun napansin at ang laki ng ngiti niya. "Is that the limited edition LV bag?" Tila para itong batang nakakita ng masarap na pagkain. Hays. Kalma lang Erva. Baka bilib lang siya. "Uhm yes?" Alanganin kong sagot. Hindi ako komportable na parang susungaban niya na ako at huhubadan sa tingin niya. Ang kaninang saya sa mukha ni Bianca ay napalitan ng inggit ng makita ng malapitan ang bag ko. " Babe. Nakakahiya kay Ma'am. Sorry Ma'am namangha lang po si Bianca sa inyo. Maganda po kasi kayo" alam ko namang pinagtatakpan niya lang ang kasintahan niya. Natauhan naman si Bianca. "Ay oo po. Ang ganda niyo po ma'am" ngumiti ulit si Bianca sa akin. I just give a small smile at binalingan si Jacskon. "Can we talk?" Tanong ko dito at hindi na pinansin na may kasama kami. "Sige po ma'am. Maupo po kayo. Ahm babe pwede bang ibili mo muna ng meryenda si Ma'am may paguusapan lang kami." Malambing ang pagkakasabi ni Jackson at sa pagtingin nito sa kasintahan nito kaya alam kong mahal na mahal ni Jackson si Bianca. I pity him a little. "Sige babe. " Ngiti ulit ni Bianca. Nga makaalis ito ay sumeryoso na ako. "Paano kapag nalaman mong hindi ka gustong pakasalan ni Bianca dahil mahirap ka lang? Na ginagamit ka niya lang? Anong gagawin mo?" Wala ng paligoy ligoy kong sabi. Ang ganitong bagay ay hindi na pinapatagal pa. Kita kong hindi inaasahan ni Jackson ang tanong ko. "Bakit niyo po natanong ma'am?" Kahit din naman ako siguro maweiweirduhan kapag narinig ko ang tanong out of the blue. "Yung kaibigan ko kasi alam kong niloloko siya ng jowa niya. Gusto kong malaman ang mararamdaman ng kaibigan ko bago ko pagiisipan kung sasabihin ko dito" totoo naman ang sinabi ko kaya hindi ako kinabahan doon. "Siguro kung ganun nga ang gagawin sakin ni Bianca. Gusto ko sakanya ko malaman kasi kahit sabihin ng kaibigan ko sakin yun hindi ako maniniwala kasi mas malaki ang tiwala ko kay Bianca. At kung sakali ngang totoo yun magsusumikap pa ako para yumaman para kay Bianca at sa magiging pamilya namin. Marahil ay iniisip niya lang ang magiging kinabukasan ng anak niya kaya ganun. Pero hindi din po ako magsasalita ng tapos iba na rin po kasi kapag nasa sitwasyon" kahit na nagtataka pa siya sa tanong ko ay sinagot niya yun sa maayos at maalalahaning paraan. Siya na yata talaga ang lalaking masasabi kong perfect husband. Mabait. Gwapo. Masipag. Mapagmahal. Maalaga. Lahat ng katangiang nanaisin mo sa lalaki. Maswerte si Bianca. Pero hindi ako sumusuko para tulungan ang isang kaibigan. Napalapit na sakin si Jackson kaya hindi ko kayang magmukha siyang tanga. Kailangan ko lang gisingin si Bianca mahal naman niya siguro si Jackson nabubulag lang siguro sa pera. Kita kong malapit ng makabalik si Biaca ang inuupuan ko kasi ay harap ng pinto at pataas na bintana kaya kita ang labas. Si Jackson ay sa kabilang kabisera kaya wala siyang alam Bahala na. I need to do this! Kung magalit si Jackson ayos lang. I quickly and seductively walks towards Jackson and I sit on his lap. Napasinghap ito kaya awang ang kanyang labi at dinilaan ang nakaawang na bunganga nito at hinalikan. Tila tuod lang ito at ako ang gumawa lahat. Sucking his tongue and kissing his lips. Kahit na hindi ito tumutugon ay nagustuhan ko ang labi nito. "Babe. What is happening?" Tila natauhan si Jackson ng marinig niya ang boses ni Bianca kaya naitulak ako nito. Hindi naman ako natumba dahil napaghandaan ko ang pagtulak niya. "Sorry Bianca it's my fault. Hindi ko kasi mapigilan na halikan si Jackson. Can you see how kissable lips those are.? Ang swerte mo Bianca. I hope you don't mind. We are friends right" sabi ko at ngumiti ng matamis. "Ah eh opo. Ayos lang po. Basta po huwag niyo na po uulitin " kita kong nakahinga naman ng maluwag si Jackson. Samantalang hindi ko alam kung ano ba talaga ang reaction ni Bianca. Pilit lang kasi ito ngumiti. Sana matauhan ka na gurl. "Ah thank you talaga Bianca. Di bale sa susunod ililibre kita ng LV bag para makabawi. Tsaka hindi na mauulit. Para mapanatag ka hindi naman tumugon si Jackson eh. He loves you. Like how you love him right? Tsaka ikaw Jackson! Baka dibdibin mo experiment ko lang hindi ka pala marunong humalik. Sige ka baka magsawa si Bianca sayo niyan" I tried saying those cheerfully at mukhang nagustuhan ni Bianca ang narinig. "Talaga po? Ililibre niyo ako ng bag? Hala pangarap ko yun" sabi pa nito. Kokontra pa sana si Jackson pero nagsalita ulit ako. Kung kanina pilit ang ngiti ni Bianca, ngayon ay parang mapupunit na ang labi sa lawak ng ngiti. "Hayaan mo na si Bianca, Jackson. Tsaka may kasalanan naman ako kaya I insist" sabi ko. "Oh babe ayos lang daw kay ma'am eh. Sige na pleasee" nagpacute pa si Bianca kay Jackson kaya wala ng nagawa ito at bumigay. "Sige na nga." Sabi ni Jackson. "Sige pala. Maggagabi na pala. Mauna na ako. Huwag kang magaalala kay Jackson ko nalang ibibigay ang bag mo Bianca" paalam ko sakanila at binuhat na ang bag ko. "Ihatid ko na kayo ma'am" hinayaan ko nalang ito na ihatid ako. Walang imikan hanggang sa marating namin ang labasan. Nagtaxi lang ako dito kaya nagaabang pa kami ng masasakyan. Hindi ko na makayanan ang katahimikan kaya binasag ko na " Galit ka ba?" Gamit ang mababang tono kong tanong dito. Tila tinatansya kung ano ang isasagot niya. "Hindi po ma'am. Pero hindi ko rin pong sinasabing okay lang ang ginawa niyo. " Sagot nito. Nagbuntong hininga naman ako. Kung alam mo lang Jackson. "I'm sorry. Inaamin ko mali ako. I shouldn't kiss you. Kung naoffend man kita in any way mapatawad mo sana ako. But I hope we can still be friends and forget about it. Please Jackson "feeling ko kasi kahinaan niya ang nagpapcute na babae kaya nagpacute ako sakanya at nagpout pa. Ilang sandali siyang nakatitig sa mukha ko at nagbuntong hininga. "Okay po ma'am. Pero sana po hindi na po mauulit. Ayaw ko pong mag away pa po kami ni Bianca dahil dun" sabi nito " Promise hindi na mauulit. Hindi ko naman naenjoy ang halik mo noh para kang tuod! Hhaha" dinaan ko nalang sa biro para hindi masyadong heavy ang atmosphere. Ng may makita akong taxi ay pinara ko ito at bago ako sumakay ay nagpaalam ako dito na wala pa ring imik hanggang ngayon. Tinanguan niya lang ako kaya pumasok na din ako. Hindi ko siya maintindihan. Akala ko ba okay na kami? Hays gulo din kausap. To be continued Spread love lovelotss. Stay safee
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD