Erva's POV
Kinabukasan noon ay monday. Nagpasya akong magbar ulit makikipaginuman ako sa mga barkada ko. Kahit naman b***h ako may friends pa naman ako.
Agad ko silang nakita pagdating ko doon. We are five friends in the circle. Tatlong babae. Dalawang lalaki. I mean isa lang pala kasi beki ang isa.
"Hello. Mudrakels. Long time no see beeyotch" sabi ng beki kong fren na si Jessicaa. Jesse in original.
Ang baklang yan madami ding lalaki palibhasa gwapo at maganda ang pangangatawan kaya habulin din ng lalaki.
"Syempre kapag wala ako walang dyosa dito. " Sabi ko at nagflip hair pako at nakiapir kay Polo yung isang lalaki sa grupo. Nangaasar kami sa mga kaibigan namin. Ayaw kasi nila natatalbugan kaya mukha silang lugi habang kami tumatawa.
"Shutup Polo! Nakakarindi tawa mo!" Reklamo ni Sheena. Laging magkaaway ang dalawa palibhasa parehas sila ng bituka parehas f**k boy at f**k girl. Kahit na ganyan sila mababait ang mga yan kaya nga naging kaibigan ko sila.
Minsan din pala kasama si Tray sa grupo. Dahil nga naging s*x slave ko siya ay naging magkaibigan din ang mga to
"Balita ko kay Tray naghahanap ka daw ng s*x slave ah" si rebecca. Ang mokong na yun talaga chismoso ipagkalat ba naman. Inirapan ko lang ito.
"Ang sabihin mo tigang na ang freny natin at wala ng pumapapak sa mani niya" sabi naman ng bakla. Ginatungan naman ng asar ng iba.
"Sabi ko naman sayo Erva. Dito lang ako. Kaw kasi ayaw mo pa patulan. Friends with benefits. Hahaha" sabi naman ni Polo. Nagbibiro lang yan hindi naman kami talo eh. Tsaka never kong papatulan like ew parang incest.
"Ako ay tigil tigilan niyo at uminom nalang tayo" sabi ko tsaka tumunga na.
Tumawag si daddy sa kalagitnaan ng pagsasaya namin pero hindi ko sinagot. Mapapagalitan nanaman ako nito dahil sa hindi pagsagot ng tawag pero love love ko naman siya.
Ng ramdam ko ng may tama ako ay sumayaw na ako sa dance floor at iniwan na din ako ng kasama ko.
I was swinging my hips and hands when I felt someone dancing from my behind. I can feel his hands on my hips.
"Do you mind some company" from his voice I can sense may tama na din ito dahil sa amoy alak ito pero mabango naman siya at mukhang gwapo naman kaya pinatulan ko na.
I grind my butt on his crotch as he groaned in satisfaction. Hinuli niya naman ang balakang ko at siya n ang gumawa ng paraan para mas magdikit pa kami. I smirked when I felt his bulging erection. I still have the effect on man.
"Let's go somewhere babe" sabi nito at hinila ako palabas ng sasakyan niya. Ng makarating kami ay akma niya na akong isasakay ng pigilan ko to at halikan sa labi. I kissed him torridly na ginantihan naman nito.
I felt him grab my ass but I don't mind. I focus on giving him a mind blowing kiss. I can say he is good. Kung sa ibang pagkakataon baka pinatulan ko na to. But not now. I want him to be my slave first.
Binuksan ko ang passenger seat at tinulak siya papasok dun. Akmang tatayo na ito ng pigilan ko to. I can say gwapo talaga siya at mukhang mayaman. I guess I can't offer him my proposal. Mukhang hindi niya kakailanganin.
I kiss him again. He moaned when I furiously suck his tongue.
At bago pa siya makarecover ay mabilis ko ng iniwan ito. Lakad takbo ang ginawa ko ng may mabunggo akong tila pader.
I was still tipsy kaya hindi malabo na muntik na ako matumba. I was feeling dizzy when I here someone talk. A familiar voice.
-----
Jackson's POV
Kakatapos lang ng shift ko sa fastfood. Magaalas dos na siguro. Linakad ko ang papuntang sakayan sa amin. Kita ko ding kahit gabi na marami pa ring tao. Ganito talaga siguro sa manila. May mga club din kasi sa nadaanan ko. Ang iba nagsusuka. Ang iba naman ay hindi na nahintay na makauwi at naghahalikan.
"Hayss mga tao nga naman" naglakaad nalang ulit ako para balewalain ang lahat ng may marinig akong familiar na boses.
"You jerk! Don't touch me! " Rinig kong sabi ng babae. Hindi ko din mabalewala kasi kaboses ni Ma'am minerva. Hinanap ko kung saan ito galing at hindi nga ako nagkakamali. Nakasuot ito ng sleeveless na dress na makinang. Kita ang likod. Napailing ako sa nakita kong suot nito.
"Erva. Lasing ka na. Halika na at ihahatid na kita" sabi ng isang lalaki. Base sa suot nito ay alam kong mayaman ito. Maging sa tindig nito'y karesperespeto.
"Baka nakakalimutan mo Ton matagal na tayong hiwalay! 4 years na tayong mag ex! Kaya huwag kang umaktong may pakielam ka sakin!" Alam kong lasing na si Ma'am. Hindi ko alam kong lalapitan ko ito o hindi.
Ano ba hahayaan mo nalang ba siya na umuwi kasama ang ibang lalaki? At malala pa lasing ito! -gentlemen conscience
Eh wala naman ako sa lugar eh. Baka sabihin pinapakielaman ko siya.-play safe brain
"I want us back together Love. Pinagsisisihan ko na ang ginawa ko nun. Bata pa tayo nun hindi ko alam ang ginagawa ko. Nadala lang ako" makaawa ng lalaki at pilit niyayakap ang naglalabang babae.
"Stop it! May iba na ako! Bumalik ka na sa malandi kong kaibigan! Magsama kayo parehas kayong traydor! " Hindi ko na napigilang lapitan ito ng makita kong nasasaktan na ang babae.
"Bitawan mo siya" seryoso kong sabi at hinila si ma'am papunta sakin. Ang ayaw ko sa lahat ay pinipilit ang babae lalo na't hindi nito gusto.
"Sino ka ba? Bakit ka nangingiealam" hindi ko alam ang isasagot ko. Kaibigan ba? Hindi ko alam o baka naman employee?
Tinignan ko muna si ma'am at nakita kong nakatingin din ito sakin sa mapungay na mata mukhang lasing na.
"Jackson? Ikaw ba yan?" Sabi nito. Tumango lang ako.
"Ako na ang maghahatid sakanya. I'm her boyrfriend" yun nalang sinabi ko para hindi na ito umangal. Tsaka hindi naman na siguro kami magkikita pa.
Ng may makita akong taxi ay pinara ko ito at walang sabing umalis kasama ang babaeng tila hinang hina na. Buti at hindi na kami pinigilan ng lalaki kanina. Ayaw ko namang makipag basag ulo pa kahit na maalam ako sa pakikipaglaban.
Nakasandal lang si ma'am Minerva sa dibdib ko habang natutulog. Pinag aralan ko ang mukha nito. Ang mahaba nitong pilik mata. Makinis na mukha. Matangos na ilong. At mapupulang labi na siyang humalik sakin nung nakaraan.
Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin bakit nito ginawa. At tila nainsulto ako ng sabihing hindi ako marunong humalik. Hindi ko siya hinalikan dahil alam kong mali, ngunit pati ang sarili ko ay nalilito bakit hindi ko din siya nagawang itulak.
Marahil ayaw ko lang mapahiya ang dalaga dahil naging mabait naman ito sa akin.
Ng makarating kami sa tirahan ng dalaga. Sa malaking building kung saan ako pumunta dati ay binuhat ko na ito at hindi na ginising pa. Nahirapan pa akong kunin ang susi nito sa bag.
Pero nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay may matandang lalaki na nasa sala. Bagkus ay mababakas pa rin ang kagandahang lalaki nito.
"Good evening po. Inihatid ko lang po si Ma'am minerva" sabi ko dito. Namukhaan ko ito bilang ama ni Maam Minerva.
"Sige ipasok mo na siya sa silid niya. At pagkatapos maguusap tayo" natatakot man ay naglakad na ako papuntang kwarto ni ma'am at ng ibaba ko ito ay napasama ako.
"Hello boyfriend. Hekhek" nagmulat si maam ng mata at hinawakan ang magkabilang pisngi ko na tila tuwang tuwa pa. Napakaganda talaga ni Ma'am. Kung siguro ibang lalaki ito'y tiyak na mabibihag nito.
Hays! umalis ka na nga Jackson ano nanaman sinasabi mo diyan-pabebe jackson brain
Aalis na sana ako ng.. biglang...
Ikinagulat ko ng biglaang hinalikan ako ni Ma'am Minerva ng mabilisan at bumagsak ulit.
Napahawak ako sa labi ko. Nanakawan nanaman ako ng isang to. Napailing na lang ako at napangiti.
Inaayos ko ang kumot sa katawan nito. At ng masiguradong ayos na ito ay nagpasya na akong iwan to.
Pagkalabas ko ng silid ni ma'am ay naabutan ko ang ama nito. Tila bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina.
Pinaupo ako nito na siyang tinugon ko naman.
"Ano ang relasyon mo sa anak ko?" Seryoso nitong tanong. Bagkus kinakabahan ay klaro naman ang aking sinagot.
"Uhm ano po empleyado po ako ni Ma'am Minerva " Yun nalang ang sinabi ko at hindi na dinagdag na ako ang model niya na pinipinta. Kumunot ang noo nito. Pero tumango tango nalang din
"Kung ganun ikaw na ang bahala sa anak ko. Batid kong mabuti kang tao kaya ka pinili ng anak ko. Pero sana huwag ko lang malaman na sasaktan mo ang anak ko at ako ang makakalaban mo. O sya. Makakaalis ka na" nagpaalam nalang ako dito at wala ng masabi pa. Nagbigay galang lang ako rito ng ako'y aalis na.
Alam kong mabuting ama ito kaya naiintindihan ko kung ganun ito magsalita.
Tila nakahinga na ako ng maluwag ng makalabas sa building na yun
Ngunit ng lumabas ako ay sobrang lakas ng ulan.
Mukhang basang sisiw akong makakauwi nito ah.
Tulad nga ng inaasahan ay basang basa ako ng makauwi sa bahay. Ngunit wala akong nadatnan pagkauwi ko. Naalala ko nagpaaalam pala si Bianca na kila Angel matutulog.
Namimiss ko na din si Bianca. Dahil ang linggo na dapat ay bonding namin ay mukhang malabo na dahil sa trabaho ko kay Ma'am minerva. At kahit na parehas na kami ng inuuwian ay bihira kami magkita. Minsan nagsasalisihan pa sa pag alis.
Di bale ginagawa mo naman Jackson ito para kay Bianca diba?
Kahit medyo nanghihina pagkatapos maligo ay sinikap kong matulog nalang.
To be continued
Hello po. Sorry po if natatagalan ng update po dito
Nireretype ko lang po ito galing sa screen shots na pinasa sakin ng isa sa reader ko sa w*****d. This story po is reported sa w*****d kaya nadelete po siya. And I was lucky enough na may mabait po na tumulong sakin para po mairetype yung story. I don't know her or him since username niya din is youdonthave2knowme. Kung sino ka man Thank you po ulit. ☺️❤️Lovelotss.
Thank you din po sa lahat. ❤️ lovelotss po ☺️ Sorry po ulit sa mabagal na update ☺️