BT: Chapter 70

2049 Words

Hinahayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko habang nakaupo ako sa tapat ng puntod ng mga magulang ko. December 23... Death anniversary nila ngayon kaya nandito ako at inaalala na naman ang nakaraan kung saan kasama ko pa sila. Mga panahon na masaya akong kasama sila at humahanga sa galing nilang kumanta. Ang pagkanta na matagal ko nang tinalikuran. At akalain mo nga naman. Bakit sa dinami-rami ng buwan sa isang taon ay sa December pa naisipan ng nakatataas na parusahan ang buhay ko? Gano'n na ba ako kasama at hindi Niya ako binibigyan ng pagkakataon na sumaya sa buwan at araw ng pasko? Kagaya ng iba? Masyado na ba akong maraming nanakawan at ipinagkakait sa akin ang kasiyahan sa buwan na 'to? Magandang magnanakaw lang naman ako, ah. Masama bang maging maganda na isang magnanakaw?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD