Nakaupo lang ako sa isa sa mga bakanteng upuan dito sa loob ng hospital. Nasa harap ko ang napaka-clear na salamin na makikita ang labas. May araw na at dumarami na rin ang mga sasakyan na dumaraan pati na ang mga tao. Nagamot na rin ni hokage ang ang mga sugat ko at ngayon ay tinatawagan niya ang mga magulang ni Claude. Maalala ko nga pala, tapos na kaya ang bugbugan ng dalawang gang do'n? Siguro naman tapos na 'yon dahil mahina na ang tauhan ni Uncle. Idagdag mo pa na tumakbo ang amo nila. Hindi ko naman alam na duwag pala si Uncle. At hindi ko naman alam na runner pala siya, palaging tumatakbo. Hindi ka na makakatakbo, Uncle! Oras na ibigay ko sa mga pulis ang nakuha kong video sa underground mo at ang ginawa mo kay Claude. Hindi ka rin makakatakbo ng malayo dahil babalikan mo pa

