Napabagsak kami sa sahig at ramdam ko ang dugo na tumatagos sa likod ng damit ni Claude at nasa kamay ko. "C-C-Claude..." nangangatal kong tawag. Nanginginig din ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. "Claude... C-Claude..." Dahan-dahan kong tinapik ang mukha niya. "C-Claude... g-gising.." Tinapik ko siya ulit at sinubukang gisingin. "Claude... Claude..." Nagbabadya na ang luha ko nang hindi pa rin dinidilat ni Claude ang mga mata niya. Kasalanan 'to ng k*nginang kupal na Uncle! Kasalanan niya 'to! Akala ko ba wala siyang balak na patayin ako? P*ta?! Eh bakit niya pinutok ang baril niya sa akin?! Dinamay niya pa si Claude! "Claude!" malakas kong sigaw "Tiff! Tiff! Claude!" "Tannie!" "Hoy, Claude!" Nakita kong papalapit na sa kinalalagyan namin sina hokage at ang mga pinsan

