BT: Chapter 75

1578 Words

"Hoy Tannie! Bumangon ka d'yang babaita ka!" "Ano'ng oras na, tulog ka pa rin?! Aba abuso sa pagtulog?!" "Akala mo ba lalaki ka pa kapag hinabaan mo ang tulog mo?! Hindi na, tanga!" "Bumangon ka na d'yan! Dalian mo! Huwag kang patagal-tagal! Walang hahalik sa 'yong prinsipe para magising ka agad!" "Itigil ang imahinasyon, Tannie!" "Itigil! Itigil!" Kw*nina naman oo oh! Kung sisigaw lang, sisigaw lang! Hindi 'yong may kasama pang kalampag sa pintuan! Ang ingay mga depunggol! Kasarapan ng tulog, nambubulabog ang dalawang ugok! Eh kung ipa-jowa ko na lang kaya sila sa inyo? Baka tumino-tino ang tagilid nilang utak. Inis kong ginulo ang buhok ko at napahilamos sa mukha ko. Hindi talaga magpapapigil ang dalawang 'to hanggat hindi ako nagigising. Gising na ako kanina pa sa mga ingay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD