Bakit gano'n?... "You're such a fool, Tannie!" Ano'ng nangyayari? Bakit nagkaganito? "Hindi mo mawawasak lang ng ganyan ang ginto! Hindi ka nag-iisip!" dagdag pa niya at tumawa ng malakas kasabay rin ng pagtawa ng mga tauhan niya. T*ngina. Mukhang pinagtatawanan pa ang katangahan ko. Pero katawa-tawa naman talaga. Akalain mong naging komedyante pa ako? Lume-level up ang ganda ko! "Tiff..." Napangiwi ako. Mali naging plano ko sa mga ginto ng kupal. Dapat pala tinapon ko na lang 'to sa maruming ilog. Pero charot lang! Baka mamaya may makapulot, eh 'di sila pa yumaman imbis na ako. Hindi na 'no! Pinulot ko ang ginto na nasa sahig bago tumingin kay Uncle. "Tibay pala nito? Kasing tibay ng pagmumukha mong hindi na dapat tinatanggap sa lipunan. 'Di ba, Uncle?" Napangisi ako sa kanya.

