"Makinig kayong maigi, mga ugok," panimula ko. Tumigil na sila sa kolokohan nila at umayos ng upo. "Mag-uumpisa ang plano ko para mapabagsak si Uncle sa ginto niya." "May ginto siya?" Tumango ako kay Kuya Kyle. "Pa'no mo nalaman 'yan?" "Kay Tita," sagot ko naman kay Kuya Karl. "Pero 'yon nga. Kailangan kong mahanap kung saan nakatago ang gold bar niya para manakaw ko 'yon. At kailangan ko ring kabisaduhin ang blueprint na 'to para hindi nila ako mahuli." "Bakit nanakawin mo? Pambawi gano'n? Tapos yayaman tayo? Wow! Big comeback 'yon!" Umiling ako kay Kuya Karl. "Hindi, tanga! Nanakawin ko 'yon bilang panlaban sa kanya. Hindi pa siya sumusuko sa pagpilit niya sa akin na sumali ako sa kanila kaya magandang panlaban ang ginto niya." "Ikaw lang mag-isa ang magnanakaw?" tanong naman ng

