Tumikhim naman ako nang makababa ako ng hagdan. Simpleng shirt, at short lang naman ang suot ko. Pinatungan ko pa nga ng hoodie ang suot kong shirt, dahil paniguradong malamig sa labas ng cabin. Medyo mahangin kasi kaninang tanghali, at medyo may mga ulap na humaharang sa araw. Kaya kahit papaano, alam ko na kaagad na malamig ngayon. Gusto ko nga sanang magsuot ng jogging pants, eh. Pero parang bagong gising naman yata ako no’n, o halatang hindi ako nakapag-ayos ng aking katawan. Kaya ganito na lang ang outfit ko kaysa magsuot ng dress. Nadatnan kong nakasuot na ng nude color shirt si Damian nang makarating ako sa living room. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kaniyang damit. Wala kasi akong nakitang damit na nagkalat kanina rito, kaya medyo questionable sa akin ang bagay na ‘yon.

