Ilang minuto akong tahimik, dahil sa binitawang salita ni Damian. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa isipan ko ang bagay na ‘yon, at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Sino naman kasi ang mag-aakalang sasabihin sa akin ni Damian ‘yon kung gayon na wala pang isang linggo nang kami ay magkakilala? Kung umasta rin siya ay akala naman niya may nararamdaman talaga ako sa kaniya. Kahit ang totoo ay malakas lang ang epekto niya, at naguguluhan lang naman ako. “Got your tongue cut?” tanong nito sa akin nang hindi pa rin ako nagsasalita, kahit hinihintay lang naman namin ang order namin. Mas lalo tuloy akong pinamulahan ng aking pisngi, dahil hindi ko talaga inaasahan na pupunahin niya pa ang bagay na ‘yon. Hindi ko tuloy alam kung paano magsasalita, dahil nagawa pa niya akong asarin. Pu

