“You shouldn’t have done that,” sita nito sa akin, habang naglalakad kami papunta sa kaniyang cabin. Natawa naman ako, dahil kahit ako, hindi ko rin naman inaasahan na magagawa ko ang bagay na ‘yon sa mismong dalampasigan pa. Idagdag pa na walang tao, at gabi na. Kung sana kasi ay hindi niya ako hinalikan, at ipinunta sa kaniyang kandungan, hindi ko naman magagawa ang bagay na ‘yon. “Hindi ko naman ine-expect,” rason ko, pero ramdam ko ang pagtalim ng kaniyang mga mata, habang makatingin lang ako sa harapan. “Ituloy na lang natin sa cabin mo.” Narinig ko naman ang kaniyang pagngisi. Kaya napalingon ako sa kaniya, at nag-angat ng tingin para sa salubungin ang madilim niyang mga mata. Napatigil siya sa paglalakad, kaya natigilan din ako. Natatamaan ang kaniyang mukha ng liwanag na nangga

