“Wait!” hinihingal kong sambit sa pagitan ng aming paghahalikan. Gusto ko kasi siyang itulak, dahil hindi ako makahinga nang maayos. Parang nagkaroon ako ng punishment na hindi man lang ako aware. Alam ko naman na ‘to talaga ang balak namin, pero huwag naman sana ‘yong hirap na hirap akong huminga. Ni hindi ko man lang magawang ilayo ang aking katawan, dahil sa higpit ng kaniyang pagkayayakap sa akin, eh. Isinandal pa niya ako sa pinto para lang hindi ako makatakas sa kaniyang mga bisig. Ngunit kahit naman hindi niya ako isandal sa pinto, at yakapin lang ako, habang hinahalikan, wala na talaga akong kawala. Kaya mas lalo akong nanginginig sa nerbyos, at panghihina sa aming halikan. Ultimo hangin kasi ay hindi ko magawang malanghap. Imbis na pakinggan ako, bigla na lamang niyang ipinasok

