“Tabi,” bulong ko. Tahimik naman ‘yon kaya paniguradong narinig niya ang sinabi ko. Kami lang naman ang tao rito. Walang iba. Kaya kahit sobrang hina ng bulong ko, maririnig, at maririnig niya ‘yon. Nakatingin lang ako sa kaniya, at hinihintay na umalis sa msimong pinto nang makaalis na ako, pero hindi siya gumalaw. Hindi ko alam kung inaasar niya ako, pero nagsisimula na akong mapikon. Ano ba ang mahirap intindihin sa sinabi ko? Ang gusto ko lang naman ay umalis siya sa harap ng pinto, pero bakit nagbibingi-bingihan na naman siya? “Damian,” nagtitimping tawag ko sa kaniyang pangalan, pero ngumisi lamang siya sa akin. “Make me,” malamig na sambit nito. “Bakit mo ba ginagawa sa akin ‘to?” tangkang tanong ko sa kaniya. Ang dali lang naman kasi! Aalis lang naman siya sa harapan ng pint

