Chasing Love

577 Words
Disclaimer: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincidental. I don't own the photo used on the book cover. All Rights Reserved ⓒ Chasing Love Love Island Series #3 Marianne Elyse Delos Santos Napahilamos na lamang ako ng aking mukha at nanggigigil na nagtipa sa keyboard ko. Ang daming mali sa ibinigay sa aking task ng marketing manager namin. Hindi ko man lang napansin na may mga palya pala ako. Mabuti na lamang, at hindi ko muna ipinasa. Delikado iyon para sa akin. Baka magkaroon na sila ng dahilan para tanggalin ako sa trabaho. Ayaw ko namang mawalan ng trabaho. Ngunit kung ganito naman ang mangyayari sa akin, dahil sa pagiging pabaya ko, baka matatanggal talaga ako. Kaya ngayon ay kinailangan kong i-revise ang lahat para masiguro talagang hindi ako matatanggal. Ngunit habang ako ay nagtitipa, biglang may naglapag ng envelope sa aking mesa. Napatigil naman ako, at kaagad na iniangat ang aking ulo para makita kung sino ang nagbigay pero ang unang bumungad sa akin ay ang nakangising mukha ng kaibigan ko. “May nagpapabigay,” bulong niya. May nakakalokong ngisi pa sa labi niya na hinding-hindi ko maiintindihan. Para kasing nang-aasar o parang may alam siya. “Sino?” Sinulyapan ko naman ang aking sobra, at doon ko napagtanto na kulay pula ito. Wala naman akong inaasahan na magbibigay ng sobre sa akin. Kaya paanong nakatanggap ako nang ganito? Para saan? Wala akong idea. Hindi naman kasi ako aware sa mga nangyayari sa paligid ko. Busy kasi ako sa pagtatrabaho at kung makikipag-usap man ako sa kung kanino, tungkol lang sa trabaho. Kung may nagkakagusto man sa akin, wala akong pakialam dahil ang pinakamahalaga lang naman sa akin ay ang matapos ko ang trabaho ko bago ako mag-time out. “Hindi ko rin alam, pero sabi ay buksan mo raw pagkauwi mo,” kuwento niya sa akin, bago ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Kaya nang makauwi ako, mabilis kong binuksan ang envelope nang makapasok ako sa aking condo. Balak ko nga sanang umuwi sa bahay dahil paniguradong naghihintay sa akin sina Mama, pero huwag na. Pagod din naman akong magmaneho. Alam din naman nila na maaga ako bukas. Saka na lang ako uuwi kapag day off ko na. Habang binabasa ko ang mensahe, napapaangat ang kilay ko. Nagtataka kasi talaga ako kung bakit nakatanggap ako nang isang envelope. Ang malala pa ay tungkol sa Love Island daw. Love Island? Wala akong idea kung saang lugar ba ito ng Pilipinas. Hindi naman ako gumagala dahil committed ako sa pagtatrabaho. Kailangan kong kumayod para maging successful ako kahit papaano. Hindi na rin naman kasi ako bumabata. Kaya ngayon ay kailangan ko talagang pag-isipan ang lahat ng bagay. “Bakit may invitation ako?” nalilitong tanong ko. Kasal ba ang pupuntahan ko? Susunduin daw ako bukas kapag nakapag-reply na ako sa email nila. Ngunit wala pa naman akong isusuot kung kasal nga ba ito. Ang weird naman. Ngayon ko lang nalaman na may Love Island pala. Literal na isla ba ito sa Pilipinas? Pero saan banda? Ang dami kasing isla sa Pilipinas, at never pa akong nakapasyal. “Ang sakit naman nito sa ulo,” bulong ko sa hangin, at piniling ilapag na lang ang invitation mini desk ko. “Mamaya ko na lang ’yan balikan kapag tapos na akong maligo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD