Chapter 4

2266 Words
BLAIRE' POV Agad sumalubong sa akin ang parking valet when he saw me pull up in front of The Loft. I handed him my keys and entered the bar. Today is the 5th anniversary of this bar. Nandito na ang mga kaibigan ko dahil sinabi sa akin ni Hugo nung tinawagan niya ako to ask if im going to come here today. Maraming nang nag-iinuman sa loob pagkapasok ko sa main entrance. Agad namang bumati sa akin ang mga bouncer at barista na tinanguan ko naman. Hinanap ko muna ako ang manager dahil kailangan ko siyang kausapin. Agad kaming nagtungo sa aking mini office para doon mag-usap. Nagtungo na ako sa isa sa mga VIP room ng bar pagkalabas ko ng opisina ko. Nadatnan ko nga na nandun na ang lahat maliban sa kapatid kong si Hannah. Siguro ay nasa Kitchen pa eto. Agad dumako ang tingin ko sa kinaroroonan nina Bela. Katabi neto si Gio at masaya silang nag-uusap usap nina Althea. Something stirred inside me pero agad ko itong iwinaglit at nagtungo sa kinaroroonan nina Hugo. "Hey guys, how are you doing?" tanong ko sa kanilang lahat. "Hey bro," ani naman ni Christian na agad lumapit at nakipag bro-hug kasunod ang iba pa. Samantalang sina Gio na nasa kabilang dulo ay kumaway lang at ngumiti sa akin. Pagkatapos lang ng ilang sandali ay pumasok na si Hannah kasunod ang mga tauhan ng bar na may dala ng mga pagkain para sa dinner namin. Agad nila itong inayos sa mesa bago lumabas. Kanya- kanya ng kuha ang bawat isa ng pagkain. Hindi ko maiwasan tumingin kay Bela habang kumakain ito. Pangiti-ngiti siya habang kausap si Gio. Mababanaag sa mukha niya ang saya habang kausap niya ito. Hindi ko namalayang matiim na pala akong nakatitig sa kanya hanggang bigla siyang napatingin sa gawi ko. Tamang susubo ulit sana siya ng pagkain pero muli niya ibinaba ang kanyang kutsara ng mapansin na nakatitig ako sa kanya. Uminom siya ng tubig bago ipinagpatuloy ulit ang pagkain. May kung anong pakiramdam akong nadama pero ayaw kong ientertain kung ano man yun. Hindi dapat. Ipinagpatuloy ko na rin ang aking pagkain habang nakikinig sa usap-usapan ng mga kaibigan ko. Hindi ko na isinama si Samantha dahil ayaw kong maexpose sya sa ganitong lugar. Kasalukuyan pag nagrerecover sya mula sa kanyang huling chemo therapy nung nakaraang araw lang bago kami lumipad pabalik dito sa Pilipinas. Hindi ko na naman maiwasang mag-alala para sa asawa ko ng maisip ko ang kalagayan niya. Kung siya ang masusunod, ayaw na sana niyang magpagamot, pero nangako ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para gumaling siya. Kung kinakailangang dalhin ko diya sa pinakamagaling na doctor ay gagawin ko. Pero nawawalan na din ako ng kumpiyansa lalo pa ng marinig ko ang sinabi ng doctor matapos ang huling chemo niya. 'The cancer cells in her body seems to be tough. The chemotherapy procedure doesn't seem to help a bit in eliminating the cancer cells. And i am afraid that her other organs are already deteriorating as well.' Mahal niya si Samantha kaya gagawin niya ang lahat. Ito ang tanging nakakaalam ng lahat tungkol sa kanya. Ngunit unti-unti na itong iginugupo ng sakit nito na cancer sa atay. Likas ng payat ang kanyang pangangatawan noon pa man, kaya marami ang hindi nakaka alam ng kanyang pinagdadaanan. At ayaw na ayaw din nito ng kinakaawaan kaya nakiusap ito na huwag na nilang ipaalam sa iba ang kalagayan nito. Tanging silang pamilya lang ang nakakaalam. Kaya sa America din nila naisipang ipagamot ito dahil bukod sa mas maganda ang facilities doon, mas ligtas din sila sa mga mata ng media. Samantha is my confidant, bestfriend, and wife in one. I cannot bear to lose her soon. She is my bestfriend since our nappy days. Magkaedad kami, nauna lang akong ipinanganak ng isang buwan sa kanya. At mula pagkabata ay magkasama na kami kaya kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. Ako ang tagapagtanggol niya ng pumasok na kami sa paaralan. She was bullied dahil anak siya sa labas ng bestfriend ni mommy na si Tita Ara, isang sikat na fashion designer noon. Maagang naulila ito dahil hindi nila inakala na makakayang wakasan ni Tita Ara ang sariling buhay nito dahil sa mga problemang dala ng pamilya ng ama ni Samantha. Sa kanyang mommy Dawn inihabilin ni tita Ara si Samantha dahil itinakwil din ito ng sariling pamilya ng malamang naanakan ito ng isang may asawa. Itinuring siyang isang malaking kahihiyan sa kanilang pamilya. Kaya sabay silang lumaki at naging mag bestfriend ni Samantha. Naalala pa niya noong magcelebrate ito ng 5th birthday nito, lantaran niyang sinabi sa kanyang tita Ara, na paglaki nila ay pakakasalan niya si Samantha na umani ng tawanan sa mga guests na naroon. Pitik ng daliri sa harapan ko ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Kanina pa pala ako kinakausap ni Hugo pero dahil sa malalim na iniisip ko, hindi ko siya napapansin. "Hey bro, mukhang iniwan mo yata sa bahay niyo ang isip mo ah. Bakit ba kasi hindi mo na lang isinama si Sam dito?" tanong niya. "Pagod siya at gusto niya daw magpahinga," simpleng sagot ko sa kanya. "Ang laki talaga ng tama mo sa asawa mo brod. Dalawang taon na kayong kasal pero hanggang ngayon halos biente-kuatro oras kayong magkasama. Baka naman nagsasawa na yun sa pagmumukha mo bro," biro naman ni Christian na ikinangiti ko. "Ang pagmumukhang to bro pagsasawaang tingnan? Aba, patay na patay kaya sakin si Sam," ganting biro ko naman sa kanya. "Well, Samantha is gorgeous at kahit may asawa na siya marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Kaya di natin masisisi ang isa jan kung panay ang bakod niya sa asawa," pukol naman sakin ni Chelsea na tumatawa. "Pero bakit bigla na lang siyang nag quit sa pagiging supermodel niya 2 years ago Hugo? Everybody knows how she loved modelling and limelight and out of the blue bigla na lang siyang tumigil. Baka naman pinagbawalan mo mula ng ikasal kayo,?" nang- aarok ang tingin sa akin ni Althea. "Guys, its her decision to quit, not mine. Alam niyo naman na suportado ko siya sa anumang gusto niya. Pero dahil sa personal na rason kaya naisipan niyang tumigil na." seryosong turan ko sa kanila. "Everybody up for the party?" sabad ni Hannah. Alam kong iniiwasan niya din ang kung ano pa mang katanungan ng mga kaibigan namin sa kalagayan ni Samantha. "Of course," "Turn it on" "Lets party." Sagot naman nila at nakalimutan na nga ang seryosong usapin kanina. Hinintay lang namin na malinis ang mga pinagkainan namin at mailagay ang mga alak sa mesa bago nila binuksan ang tv upang panuorin ang live band na kasalukuyang tumutugtog sa stage sa labas. Christian has always been the bartender of the group. Hindi mo aakalain na marunong siya dahil isa siya sa pinakasikat na arkitekto sa bansa. Pag nagkasama- sama ang grupo di na namin kelangan ang bartender dahil siya na mismo ang gumagawa ng mga drinks namin. He studied bartending in France nung nagbakasyon siya doon pagka graduate niya ng college bago siya umuwi dito upang pangasiwaan ang kanilang kompanya. Minsan na din siyang nagpanggap na barista nung bago pa lang ang The Loft para lang asarin ang babaeng nililigawan nito noon. Whoa, oh, oh Sweet child o' mine Whoa whoa, oh, oh, oh Sweet love of mine Whoa, yeah Whoa, oh, oh, oh Sweet child o' mine Whoa, oh, whoa, oh Sweet love of mine Whoa, oh, oh, oh Sweet child o' mine Ooh, yeah Ooh, sweet love of mine Pakikisabay nila sa kanta ng banda na pinapanood namin. Nagsitayuan pa ang mga babae na animo nasa harapan talaga nila ang kumakanta habang sumasabay ng indak at kumakanta. Kinuha ko ang isang basong may lamang whiskey at ininom ko ito. Ramdam ko ang init nito na dumaloy sa aking lalamunan. Matagal-tagal na rin ng huling uminom ako. Kumuha pa ako ang isa at bottoms up din kaya ng nauna. "Ang aga pa bro, may balak ka bang maglasing," tanong sakin ni Hugo. "Haha, wala naman bro, medyo na miss ko lang ang lasa ng alak dahil matagal tagal na rin akong hindi uminom sa dami ng inaasikaso ko," sagot ko sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali pa, nagpaalam na akong mauuna na sa kanila dahil naisip ko na naman si Samantha. May mga kasama naman siya sa bahay, may personal nurse din siya pero hindi mapanatag ang loob ko kung matagal na hindi ko siya kasama. Hindi na kasi ako umuwi kanina pagkagaling ko sa trabaho, tinawagan ko na lang siya upang kumustahin sa telepono bago ako dumiretso dito sa bar. "Sige pare, ingat ka" "Tell my regards to Sam, Blaire." "Namimiss mo na naman ang asawa mo brod," Ang mga sabi nila sa akin bago ako tuluyang lumabas ng VIP room habang tumatawa. Agad na iniabot ng valet sa akin ang susi ko ng mamataan niya akong palabas na ng The Loft. Agad ko namang tinungo ang kotse ko para makauwi na ako. Nasa daan na ako pauwi ng maalala kong bilhan ng bulaklak ang asawa ko. Napatingin ako sa relo ko at napangiti ng makita ko ang oras. Nakabukas pa ang flowershop na binibilhan ko ng bulaklak. Agad akong nagtungo doon at nagpagawa ng bouquet para kay Samantha. Pagkarating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Samantha at niyakap. "Hey hon, why are you here? You are supposed to be in our room taking a rest." sabi ko sa kanya sabay abot sa flowers at hinalikan siya sa noo. "Im fine hon, dont worry," sagot naman siya sa akin. "Lets take a sit," inakay ko siya paupo sa sofa. "Did you take your dinner already?" i asked her. "Yes hon, im finished." "Bakit ang aga mong umuwi?" tanong niya sa akin kapagkuwan. "Alam mo namang nag-aalala ako sayo. Hindi na ako nakauwi ng bahay kanina galing sa office dahil doon na ako dumiretso. Kaninang umaga pa kita huling nakita," paliwanag ko sa kanya. "But you called before you went there hon," ungol naman niya sa akin. "Yeah but im not at ease pag di kita nakikita ng mismong mga mata ko," sabi ko naman sa kanya. "Hon, you dont have to do these. You dont have to shut other things you used to do before para lang sa akin. You know i wanted you to enjoy life. Hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay natin kaya as much as posible, enjoy it, "panenermon pa niya sa akin. "I love taking care of you, and i want to be with you. Im enjoying your company hon. Huwag ka ng makulit jan okay?" sabi ko naman sa kanya. "How's Bela, by the way?" bigla na lang niyang tanong pagkalipas ng ilang sandali. "She's fine. And you saw her yesterday at her party hon. Why are you still asking me?" "You know what i mean hon," aniya na matamang nakatingin sa mga mata ko. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. "You are my wife, i love you, you know that hon," "I know that hon, but you know that i knew everything right?" Tumango na lang ako at hindi na sumagot dahil alam kong kung saan na naman mapunta ang usapang yun. "Im sorry hon," sabi niya at yumakap sa akin na ipinagkamali niyang sumama ang loob ko dahil sa pananahimik ko. "Alam ko na pinag- usapan na natin to pero hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. You know how much i love you. I want you to be happy because your happiness is my happiness. Ayaw kong itali mo ang sarili mo sa pangako mo kay mommy at sa akin hon," sabi pa niya. "Mahal kita kaya ginagawa ko to hon," sabi ko na lang sa kanya. "Pag nawala na ako..." simula nito pero agad ko ng pinutol ng halik dahil ayaw kong isipin na dumating ang time na yun na mawawala na siya sa akin. "You'll get well soon hon, huwag na huwag mong sasabihin yan please. Gagaling ka pa, matagal pa tayong magkakasama at gagawin ang mga pangarap natin" sabi ko na hindi ko napigilang maluha. "Blaire, as much as i want to, pero hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako, you heard what the doctor said at ramdam ko na din ang panghihina ng katawan ko." aniya sa matatag na tinig. "I want you to promise me one thing Blaire, i want you to do everything to make all of these right. Follow your heart and be happy hon. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot dahil ako ang unang-unang malulungkot pag nangyari yun. Alam ko na mahal mo ako, at nagpapasalamat ako sa lahat ng sakripisyo at ginawa mo para sa akin. Pero alam ko kung ano ang laman ng puso mo. Huwag mo sanang tikisin ang sarili mo at pagkaitan ng pagmamahal at saya na karapat- dapat para sayo," nakikiusap ang kanyang mata habang dumadaloy doon ang mga luhang hinayaan na niyang lumabas. "Please Blaire, promise me," ulit niya nung hindi pa rin ako sumagot sa kanya at bagkus ay nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang tahimik na lumuluha. ______________&__ Authors note: Please follow me and add this story to your library so you will be notified for new updates. And also asking for you to share to your friends if its not that much??? Thank you in advance. I'll try to give daily update as much as i can. Happy reading guys. P.S. -This is my first published story so please bear with it if there are grammatical errors and such ? God bless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD