CHAPTER 5

2054 Words
BELA'S POV Pagkatapos kumain ay niligpit na ng mga waiter ang mga pinagkainan namin bago nila dinala ang mga alak na iinumin namin. Binuksan ni Chelsea ang screen sa harapan namin para mapanuod namin ang live band na tumutugtog sa labas. Ilang sandali pa ay pumailanlang na ang kantang Sweet Child of Mine. Agad naman kaming nagsitayuan at nakikisabay sa kanta habang umiindak-indak pa. Ganito kami pag kami- kami lang ang magkakasama. Walang mag- aakala na ang mga may sinasabing bachelor at bachelorette na kasama ko ay pawang may kani- kaniya ng malalagong kumpanya. "The usual," sabi ko kay Christian na ikinailing naman niya. Ang tinutukoy ko ay ang usual na ladies drink na iniinom ko. Siya ang nagsisilbing barista namin dahil isa siyang sertipikadong barista. Ilang sandali pa ay nagpaalam ng mauna na si Blaire kaya tinutukso ito ng mga kaibigan nila na hindi niya daw maiwan-iwan ang kanyang asawa na ikinangiti ko na lang. Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil nakikita ko kung gaano nila kamahal ang bawat isa. At naniniwala ako at umaasa na balang-araw, may darating din sa buhay ko na magmamahal sa akin ng tunay at mamahalin ko din. Pagkalabad ni Blaire ay bumalik na ako sa upuan ko dahil medyo nangangawit na rin ang mga paa ko. Dala marahil ng alak na nainom ko, medyo may naramdaman akong konting hilo. Tahimik kong tiningnan isa isa ang mga kaibigan ko na masasayang nag-uusap usap at sumasayaw kasabay ng tugtog ng banda. Lahat sila mga successful na sa buhay ngunit ni isa sa kanila ay wala pang may asawa maliban na lang kay Blaire syempre. Napatingin ako sa gawi nina Althea at Gio na sumasayaw. Napalitan na ng malamyos na tugtugin ang kinakanta ng banda kaya umupo na rin ang iba pa tanging dalawang pares na lang ang sumasayaw, sina Gio at Althea at sina Chelsea at Christian. Ang naunang pares ay parang mga aso't-pusa noon pa man, madalas kasing asarin ni Gio si Althea, marahil ay ito ang paraan niya ng pagpapapansin sa dalaga. Halata ko din naman sa mga kilos ni Althea na may gusto din siya kay Gio dahil simula kaninang pagdating namin ay halos hindi na sila mapaghiwalay. Kung di lang umamin si Gio sa akin hindi ko ito mapapansin dahil noon pa man ay ganito na sila, sweet kahit away ng away. Sina Christian at Chelsea naman ay naka arranged marriage sa isa't- isa pero hanggang ngayon ay di pa sila nagpapakasal. Nakiusap sila sa kanilang mga magulang na bigyan pa sila ng time na mas malaliman pang kilalanin ang bawat isa. Yun ang hindi ko maintindihan sa mga magulang namin. They were trying to manipulate us all by putting us into arranged marriage. Though successful ang sa kanila pero hindi naman ibig sabihin nun na okay na sa lahat, kagaya kina Gio at Althea. Dahil sa business at properties kaya ganito ang ginagawa nila na hindi ko sinasang-ayunan. Dati, oo, masaya ako nung nalaman ko na naka set up din ako para sa isang arranged marriage nung malaman ko kung kanino, that was on my 15th birthday. Umasa ako na mangyayari yun balang araw, pero ika nga nila, hindi lahat ng nanaisin natin ay makukuha natin, lalo pa at ang lalaking nakatakdang ipakasal sa akin ay matigas na tumututol dahil may mahal na pala siyang iba. "You're daydreaming again sweetheart," ani Gio sakin na binigyan pa ako ng banayad na sampal. Inirapan ko lang siya dala pa rin ng hindi magandang pakiramdam ko sa naalala ko kanina. Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan ni Christian at humingi ulit ng inumin. "Mukhang napaparami ka yata ngayon Bee," sabi niya sa akin tsaka ko lang naalala na pampito o pang anim ko na pala to. "Gusto ko lang mag-enjoy ngayon, tutal anniversary naman ng The Loft," sagot ko na lang sa kanya na ipinag-kibit balikat niya. Medyo malalim na ang gabi kaya nagpasya kaming lumabas na sa mismong bar para sumayaw. Nagsisimula ng tumugtog ang isa pang banda. Dun kami pumuesto sa isang mesa sa harap pero nasa gilid. There are only 5 chairs per set of tall pub heights ng bar kaya dalawang set ang inokupa namin. Kasama ko sina Hannah, Hugo, Althea at Gio samantalang sa kabila naman ang iba pa. "Hi excuse me lady," narinig kong tinig sa likuran ko habang nakikisabay ako sa kinakanta ng banda sa harap. Lumingon ako at nakita ko ang isang tall,fair and handsome na lalaki na nakangiting nakatingin sa akin. "Oh hi, are you talking to me?" tanong ko naman na nakangiti. He flashed me a wide smile at nakita ko ang mapuputi at pantay- pantay niyang mga ngipin. "Hope you don't mind, i just want to know you. Im Tyler by the way," aniya sabay abot ng kamay para makipag shake hands. Agad ko namang inabot yun at nakangiting sumagot sa kanya, "Its Bela." "What do you think you're doing Tyler?" si Hugo sa medyo malakas at madiing boses. Agad akong napatingin sa kanya. Nagulat ako dahil magkakilala pala sila. Banaag ko ang madilim niyang mukha. "You know each other?" tanong ko naman na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. "Get lost Tyler, at huwag na huwag ka ng lumapit sa kahit kanino sa amin especially Bela," madiin namang sabi ni Gio. Bumaling naman ako sa kanya ng tingin at parehas lang sila ni Hugo na halatang galit sa lalaki. Bakit parang ako lang yata ang walang alam sa kung sino ito. "Bye Bela, see you again some other time," sabi naman nitong hindi pinansin ang banta ng dalawa bago hinalikan ang kamay kong hawak- hawak pa pala niya. Nakangiti pa siyang kumaway bago naglakad papaalis sa kinaroroonan namin. "What had just happened? Whats with you guys? Who is he? Bakit para kayong lalamon ng buhay?" sunod- sunod na tanong ko sa kanila. "Dont entertain him Bela, you dont know him," seryoso pa rin ang itsura ni Gio. "Sino ba kasi siya?" "Siya lang naman ang pinakamalaking kalaban ni Blaire sa negosyo." sagot ni Hugo. Naguguluhan man ay hindi na ako nag-usisa pa. Tahimik lang din silang parang nagpapakiramdaman sa bawat isa. Pagkatapos ng ilang sandali pa ay nag desisyon na kaming umuwi. Pagkalabas namin ay hinatid muna ni Gio sa sasakyan nito na naghihintay si Althea bago namin sabay na pinuntahan ang kanyang sasakyan na nakaparada di naman kalayuan sa entrance ng The Loft. "Sweetheart, if by any chance na magkita ulit kayo ng Tyler na yun please, huwag na huwag mo siyang kausapin. Hindi mo kilala ang taong yun." ani Gio habang nasa biyahe na kami papauwi. "Bakit parang ngayon ko lang siya nakita kung kalaban siya sa negosyo ni Blaire? I haven't seen him before sa mga charities and events that i have attended before?" tanong ko. "Its because matagal siyang nanirahan sa Europe. Nung last year lang siya bumalik ng bansa para sa mga negosyo nila." simpleng sagot niya sakin. Nagkibit- balikat na lang ako at bagkus ay binuksan ko ang stereo bago sumandig sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Medyo naparami nga ako ng inom sa isip- isip ko. Pagkarating sa bahay, hinintay lang ni Gio na makapasok ako sa loob bago siya umalis. Diretso na ako sa kuarto ko agad. Nagtanggal ako ng mga kasuotan ko bago ako pumasok ng banyo. Pinuno ko muna ng tubig ang bathtub at naglagay ng bubble soap bago ako lumublob. Nakaramdam ako ng ginhawa sa maligamgam na tubig sa aking katawan. Ilang minuto muna akong nagbabad bago ako tuluyang naligo at nagbihis. Dala na rin ng nainom ko kanina ay agad akong nakatulog pagkahiga ko pa lang sa kama ko. Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Agad akong naghanda at nagbihis dahil pupunta ako ng St. Joseph Parish ngayon. Dito ako umaattend ng sunday mass at isa din ang kumbento ng St. Joseph Parish sa mga beneficiary ng aking charity. Every 2 weeks akong nagpupunta sa mismong kumbento para kamustahin ang mga batang inaalagaan nila. Heto na po ang tsaa nyo maam," agad na salubong ni yaya Yolly sa akin pagkababa ko sa sala. "Thank you ya," sabi ko naman bago ako umupo sa sofa para inumin muna ang hinanda niyang tsaa. Bago pa ako isinilang ay nandito na si yaya Yolly kaya halos lahat ng schedule ko at ginagawa ko ay alam niya. kabisado na rin niya ang mga bagay- bagay tungkol sa akin. Laking pasasalamat ko din sa kanya dahil malaking tulong ang nagagawa niya sa akin magmula pa pagkabata. Exactong alas dos ng hapon ay lumakad na ako kasama si yaya Yolly. Dala- dala namin ang mga iba't- ibang laruan para sa mga bata sa St. Joseph Parish. Isang linggo bago pa ako pupunta sa kumbento ay namimili na ako ng kung anong pwede kong dalhin para sa mga bata. Ngayon nga ay mga laruan dahil tutal ay bakasyon naman nila sa paaralan. Once a month ay may feeding program din ako doon at story-telling na ako mismo ang nagkukwento sa mga bata. May mga kasama naman ako na mga tauhan sa charity pero mas gusto kong ako mismo ang nagkukwento sa mga bata dahil iba ang sayang nadarama ko pag ginagawa ko yun. 15 years old ako ng magsimula akong bumisi-bisita sa kumbento. Doon ako nag celebrate ng 15th birthday ko. At last year, doon na rin napunta ang para sa party ko sana dahil simpleng handaan na lang ang pinagawa namin sa bahay. Hindi naman kalayuan ang St. Joseph Parish sa amin kaya ilang saglit pa ay nakarating na kami. Agad akong dumiretso sa simbahan para makapagdasal muna bago ako pupunta sa kumbento. "Magandang araw Maam Bela," agad na bati sa akin ni Sister Cristina. "Hello po sister,kumusta po kayo," bati ko naman sa kanya. "Mabuti naman kami iha. Tara na po at naghihintay na sa inyo ang mga bata," aniya sa akin at iginiya na ako papunta sa kinaroroonan ng mga bata. Masayang bumati sa akin ang mga bata pagkakita nila sa akin, yung iba ay lumapit pa at yumakap sa akin. "Ate Bela, miss na miss ka na po namin," ani ng limang taon na si Lyka na mahigpit yumakap sa akin at parang ayaw ng humiwalay pa sa akin. "I miss you too sweetie," sagot ko naman sabay yakap sa kanya. Sa kanya ako pinakamalapit. Ilang buwan lang siya nung dinala sa kumbento ng kanyang ina na menor de edad. Nakiusap sa mga madre doon na alagaan siya pagkat hindi niya kayang buhayin ang kanyang anak. Ilag si Lyka sa mga tao noon, pero simula nung magpunta punta na ako sa kumbento, unti- unti na siyang nagiging open at nakikipaglaro sa iba. At ngayon nga ay isa na syang masayahin at masiglang bata na sobrang ikinatutuwa ko naman. "Yaya Yolly, pakisabi na lang po kay kuya Ador na dalhin na lahat dito ang mga pasalubong natin sa mga bata" , utos ko kay yaya. Agad naman niyang sinabihan ang driver namin na si kuya Ador at magkatulong nilang dinala ang mga laruan sa harapan. Ilang sandali pa ay isa- isa ng ipinamimigay ng mga madre at ni yaya Yolly ang mga laruan sa mga bata habang tahimik lang akong nakamasid at nakangiting nakatingin sa kanila. Hindi ko alam pero ang laki ng puwang sa puso ko ng kumbentong ito. Napakalaking kasiyahan sa akin na makita ang ngiti at marinig ang mga mumunting tawa ng mga batang ito. Dahil na rin siguro wala akong kapatid na nakalakihan kaya ganito. Pinuntahan ko naman sa kitchen ang ibang madre na naghahanda ng merienda para sa mga bata at tumulong ako doon. Dati lagi nilang sinasabi na hindi na daw kelangan hanggang masanay na lang sila sa pagmamatigas ko at hinahayaan na lang nila ako. Tumulong din ako sa pagdi distribute ngga pagkain sa mga bata. Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago ako nagpaalam sa kanilang lahat para makauwi na. "Sister, yung mga kailangan po ng mga bata, paki coordinate na lang po sa secretary ng charity para sila na po ang bahala sa lahat," bilin ko kay sister Cristina. "Opo maam Bela, maraming salamat talaga sa inyo. Napakabuti ng inyong puso kahit bata pa kayo. Ang Panginoon nawa ang magbalik ng lahat ng kabutihan sa inyo," sabi naman niya sa akin. Ngumiti lang ako at niyakap ko siya bago ako tuluyang nagpaalam kasama si yaya Yolly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD