3RD PERSON POV
6 Months Later
"Thank you ladies and gentlemen. I hope this new venture will go out as planned. Everyone is dismissed," pagtatapos ni Blaire sa business presentation ng kanyang mga empleyado para sa bagong hotel project ng kanyang kompanyang BZB Holdings.
Agad siyang tumayo at nagpatiuna ng lumabas sa conference room. Kakalabas pa lang niya ng tumunog ang kanyang cellphone.
Si Hannah ang nasa kabilang linya.
"Hey sis, whats up?" tanong niya sa kapatid.
"K-kuya, please come to the hospital right away. Isinugod namin si ate Sam because she said her abdominal pain is unbearable and she feels nauseated," umiiyak na sabi nito.
"How is she now? Is she alright ?" tanong niya kasabay ng pagtakbo papunta sa VIP lift.
"Hang on, I'll be right there in a bit," bilin niya sa kapatid bago ibinulsa ang cellphone at tinakbo na ang kinaroroonan ng kanyang kotse.
"Sam please, hold on hon, huwag naman ngayon," pagkausap niya sa sarili habang mabilis na nagmamaneho papuntang hospital.
Halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan. Mabilis ang t***k ng kanyang puso at parang nanlalabo na rin ang kanyang mga paningin. Hindi niya namamalayang naglalandas na pala ang mga luha sa kanyang mga mata. Ang higpit ng hawak niya sa manibela na animo dito siya humuhugot ng lakas.
Agad siyang pumasok sa emergency room ng hospital pagkarating doon at hinanap ang kanyang kapatid. Ng makita niya ito ay agad siyang iginiya nito kay Sam na kasalukuyang nilalagyan ng mga aparatus sa katawan. Ilang sandali pa ay hinahangos na nila ito papuntang private ICU ngunit pagdating doon ay hindi na sila pinayagang makapasok.
Napasabunot siya sa kanyang buhok habang pabalik-balik ng lakad sa harapan ng ICU.
"Kuya please, maupo ka muna dito. Ipagdasal natin na sana makayanan pa ni ate Sam," pagsusumamo ng kanyang kapatid.
Naupo naman siya sa tabi nito. Nakatukod ang dalawang kamay sa kanyang ulo habang nakatungo at tahimik na lumuluha. Niyakap siya ni Hannah at animo nakapagbigay - lakas ito sa kanya ng kaunti.
Ilang saglit lang ay dumating ang kanilang mga magulang. Agad siyang yumakap sa kanyang ina na humagulgol naman ng iyak.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin ng mga oras na yun. Hindi siya makapag-isip ng maayos. Ang tanging nais niya ay makita ang kanyang asawa at makausap ito. Ngunit paano niya magagawa iyon? Gayong nasa loob ito ng kuartong yun at maraming nakakabit sa katawan nito na kung anu- ano para lang tulungan siya at hindi siya tuluyang bumitaw.
Bumukas ang pintuan ng kuarto at lumabas doon ang doctor, Si Dra. Anna Bautista, ang nanay ni Alyana. Agad silang nagsitayuan at humarap dito habang tinatanggal nito ang suot na mask.
"Im sorry Blaire. I hate to say this, but there's nothing we can do anymore. As of now, the machines are the only ones thats keeping her breathing," mahina at malungkot na pahayag ng doctora sa kanila.
"Please tita, baka naman may iba pang paraan, baka pwede pang magawan ng paraan," umiiyak na pakiusap ni Blaire dito.
Ngunit iling na lang ang naisagot nito sa kanya. Naging malapit na din ang loob ng doctora kay Samantha dahil ito mismo ang unang nakaalam ng sakit ng babae 2 years ago, at ito na ang naging doctor niya dito sa Pilipinas mula noon. Ito din ang nag advice sa kanila na sa pinakamaagang panahon ay dalhin sa America si Samantha at doon ipagamot.
"I dont know how long will she still keep up or if she will still wake up, only miracle can tell. I am so sorry hijo," sabi nito kay Blaire.
Pinayagan na sila nito na tingnan si Samantha sa loob ng ICU pero parang wala siyang lakas na pumunta at tingnan ang kanyang asawa sa kasalukuyang sitwasyon nito.
"Son, be strong. Not just for you but for Samantha. Go and talk to her before its too late," ani ng kanyang ama na nilapitan siya at tinapik-tapik sa balikat.
Dahan-dahan siyang lumapit sa cabinet malapit sa pintuan ng ICU, nagsuot siya ng hospital gown, mask, at gloves bago pumasok sa loob.
Naninikip ang kaniyang dibdib sa nakikitang kalagayan ni Samantha. Ngunit nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay, hinahalik- halikan niya iyon habang tahimik na lumuluha sapagkat hindi pa rin niya mahanap ang mga salitang gusto niyang sabihin. Parang may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan at walang anumang salitang gustong lumabas mula dito.
Nagulat pa siya ng maramdaman niyang humigpit ang hawak ni Samantha sa kamay niya kaya napatingin siya sa mukha nito bigla. Unti- unti nitong iminumulat ang mga mata nito at ng makita siya ay pumatak ang mga luha mula doon.
"Hon please, lumaban ka," nakikiusap siya dito.
Ngunit iling na lang ang tanging isinagot nito sa kanya. Hindi nito magawang magsalita dahil may tubong nakakabit sa bunganga nito.
Magsasalita pa sana si Blaire ng biglang bumilis ang tunog sa monitor na nakakabit dito. Agad niyang pinindot ang emergency button sa ulunan ng kanyang asawa pero bago pa man dumating ang mga doctor at nurse ay nag flatline na ang monitor, indicating that Samantha is gone.
Niyakap ni Blaire ang kanyang asawa at patuloy na umiyak. Halos ayaw na niyang bitawan ito na parang pag ginawa niya yun ay muli itong hihinga at mabubuhay. Hinayaan na lang siya ng mga doctor at ng kanyang pamilya, na kahit sa huling sandali, ay mayakap niya na mainit pa ang katawan nito.
Inakay na ng kanyang pamilya si Blaire palabas ng ICU ng sinimulan ng tanggalin ang mga nakakabit sa katawan ni Samantha. Maging sila man ay mabigat ang loob ngunit alam nilang kailangan nilang maging matatag para kay Blaire.
Agad na inasikaso ng kanyang pamilya ang burol ni Samantha. Sa isang chapel na malapit sa bahay ng kanyang mga magulang ang pagdadaosan ng burol nito.
Pagkauwi sa bahay ay agad na nagkulong sa kaniyang silid ang binata. Kumuha siya ng alak mula sa wine rack sa gilid ng kanyang kuarto at agad nagsalin sa isàng baso.
Wala siyang ibang nais ng mga sandaling yun kundi ang lunurin ang sarili sa alak baka sakaling maibsan nun ang sakit na kanyang nadarama at panandaliang makalimutan ang mga nangyari.
______________________
"Ate Samantha is gone," umiiyak na sabi ni Hannah sa kaibigan nitong si Bela na kanyang tinawagan pagkauwi nilang pamilya mula sa hospital.
"W-w-what did you say?" nauutal naman na tanong ng dalaga sa kabilang linya.
"She's gone. Wala na si Ate Sam Bee," patuloy ito sa pag-iyak.
"But how come? What happened?" tanong ni Bela dahil naguguluhan pa rin siya sa mga sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Just come here please when you are free. Dito ko na ipapaliwanag ang lahat," sabi nito sa kanya.
"Okay, i'll be right there Hannah," sabi naman ni Bela bago pinatay ang kanyang cellphone at nagmamadaling kinuha ang kanyang bag mula sa upuan. Nasa cafeteria siya ng university ng mga oras na yun habang hinihintay ang kanyang sundo.
Nagmamadali siyang lumabas sa may gate at tamang- tama na parating na ang kanilang sasakyan.
Agad na itong sumakay at iniutos sa driver na doon na siya dumiretso sa bahay ng mga magulang ni Hannah. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at nanginginig din ang kanyang mga kamay.
Pagkarating niya sa bahay nina Hannah ay nandun na rin ang iba pa nilang mga kaibigan. Siya na langang hinihintay ng mga ito. Nasa sala ang mga ito ngunit napansin niyang wala si Blaire at ang mga magulang nito.
Agad siyang lumapit sa mga ito at umupo sa tabi ni Hannah.
______________________
HANNAH'S POV
"Now that Bela is here, can you please tell us what happened," tanong ni Gio sa akin.
Isa-isa ko silang tiningnan bago ako nagsalita.
"Ate Samantha is gone." Parang may bikig ang aking lalamunan ngunit alam kong kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat kaya humigit muna ako ng ilang malalalim na hininga bago ako nagsalitang muli. Wala ni isa ang nagsasalita sa kanila at hinihintay lang nila kung ano ang sasabihin ko.
"2 years ago, bago pa ang birthday ni Bee, we found out that Ate Sam has a liver cancer, at nasa terminal stage na ito. Ayaw na niyang ipaalam pa sa iba ang kanyang kalagayan kaya pinapangako niya kami na huwag ng sabihin sa kahit kanino ang tungkol sa kanyang sakit. Our family and Alyana's family are the only ones who knew because its tita Anna who found out na meron siyang cancer. Yun ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang nag quit sa kanyang modelling career which was at its peak at that time. At yun din ang rason ng biglaan nilang pagpapakasal ni kuya noon bago sila lumipad papuntang America upang doon siya magpagamot."
Puro singhap ang narinig ko sa mga kaibigan ko. Si Bee na nasa tabi ko ay umiiyak na habang magkahawak ang mga kamay namin.
"At kanina, while ate Sam and I are talking beside the pool habang kami ay nagmi mirienda, bigla na lang siyang nagreklamo na sobrang sakit na daw ng abdomen niya at nahihilo siya kaya agad namin siyang dinala sa hospital. Pero hindi na niya kinaya, hindi na niya nakayanang lumaban pa," sabi ko at hindi ko na napigilang mapahagulgol ng iyak ulit.
Naramdaman ko ang mga kamay na yumakap sa akin at ang mga bulong sa akin na magpakatatag. Dinig ko rin ang iyak ni Bee at ng mga kaibigan namin. Alam kong nabigla silang lahat. At masakit din para sa akin na ngayon lang nila nalaman ang katotohanan.
Mahabang sandali ang lumipas bago ko nagawang magsalitang muli.
"Huwag sanang sumama ang loob niyo sa amin dahil ngayon lang namin sinabi ang lahat sa inyo, pero nangako kami kay ate Sam na hindi namin sasabihin kahit kanino dahil ayaw niyang kaawaan siya ng ibang tao," ani ko sa kanila ng medyo humupa na ulit ang pakiramdam ko.
"Its nothing Hannah, pero nakakalungkot lang na hindi man lang namin alam ang mga pinagdadaanan niya at ni hindi man lang namin siya nasabihan ng pampalakas ng loob nung mga panahong nanghihina siya," ani Chelsea na tuloy-tuloy pa din ang pagbuhos ng luha, siya ang pinakamalapit kay ate Sam.
"Walang dapat sisihin dahil ginawa niyo lang ang kahilingan niya. Sana kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya. Wala na siyang mararamdamang sakit at paghihirap," sabi naman ni Athena.
Ilang sandali pang nanatili doon ang mga kaibigan ko bago sila isa- isang nagpaalam kinalaunan para magsiuwian at pupunta na lang bukas sa chapel para sa burol ni ate Sam.
Sina Gio at Bee ang huling umalis at pagkaalis nila ay siyang pagdating naman ng aking mga magulang.
Agad nilang sinabi sa akin ang mga plano nila para sa burol ni ate Sam. Bago ako nagtungo sa aking silid para makapagpahinga ay dumaan muna ako sa kuarto ni kuya Blaire.
"Kuya," tawag ko sa kanya ngunit isang mahinang 'i want to be alone' lang ang sagot niya. Hinayaan ko na lang muna siya at nagtungo na ako sa aking silid.
Habang naliligo ay hindi ko na naman maiwasang umiyak at pasalampak pa akong naupo sa sahig ng aking bathroom. Yakap- yakap ko ang aking mga binti. Hindi ko maiwasang maalala ang hitsura ni ate Sam kanina nung sinabi niyang sobrang sakit na ng kanyang tiyan at nahihilo siya. Its my first time to see her in that situation and it really broke my heart. I dont know what to do and i am scared on what is happening. Mabuti na lang at tamang-tamang lumabas ang maid kanina na magliligpit sana ng mga pinagkainan namin kaya ito na ang agad na tumawag ng tulong. I was shocked that i was unable to do what i have to do at that moment.
Ate Samantha is like a big sister to me. I grew up na itinuring ko siyang tunay na kapatid at ganun din naman siya sa akin. Maaga siyang naulila kaya sa amin na siya nakapisan mula noon pa. She's the best sister that i could have asked for. Mabait, maunawain at never ko pang nakita na nagalit kahit ni isang beses. I love her so much thats her death is breaking me so damned much.