BELA'S POV
Nanghihina akong napaupo sa sofa. Parang nawalan ng lakas ang katawan ko sa mga pangyayari ngayong araw. Paanong wala ni isa sa amin ang naghinala sa kalagayan ng kalusugan ni ate Sam? Oo, sadyang payat ang kanyang katawan dahil isa siyang modelo.
'Dahil sa kanyang chemo therapy sessions nung nasa US sila, unti- unting nalagas ang kanyang buhok, kaya kinailangan niyang magsuot ng wig, dahil ang gusto niya, manatili ang kanyang ganda sa ala- ala ng mga taong nakakakilala sa kanya.'
Tanda pa niya ang sinabi kanina ni Hannah sa kanilang lahat sa bahay ng mga ito.
Napabuntong- hininga na lang siya tsaka dahan- dahang tumayo para pumanhik na sa kanyang silid.
Agad siyang naligo at nagbihis bago umupo sa veranda ng kanyang silid.
At hindi na niya namalayang doon na siya inabutan ng antok kapagkuwan.
KINABUKASAN, maaga siyang gumising at naghanda para sa pagpasok sa university, nagbaon na din siya ng damit na pamalit para hindi na niya kailangang umuwi para magbihis mamaya bago pumunta sa burol ni ate Sam.
Tahimik lang siya sa lahat ng subjects niya, na hindi nakaligtas sa kanyang mga kaklase, ngunit iling at kibit- balikat lang ang tanging sagot niya sa mga nangahas na magtanong sa kanya.
Pagkatapos ng huling subject niya sa araw na iyon, agad niyang tinawagan si Gio, upang itanong dito kung masusundo ba siya nito at maisasabay sa pagpunta kina Hannah.
"Just give me 10 minutes, my meeting had just adjorned. I will be on my way sweetheart," ika nito sa kanya.
"Thanks Gio, i'll just wait for you in front of the guards station in the main entrance," bilin ko sa kanya.
Agad na akong pumunta sa aking locker room para makapagbihis.
Paglabas ko ng main entrance ng university natanaw ko na ang kotse ni Gio sa may di kalayuan. Agad akong kumaway sa kanya at lumapit sa kinaroroonan niya.
"Hey sweetheart, how are you?" tanong niya at dumukwang para halikan ako sa noo.
"Im good," tipid ang ngiti na sagot ko.
"But you don't look good. Is something wrong?" ani Gio
"Its just that i still cant believe to what had just happened. We are all clueless, and we haven't even had the chance to show our care for her when she needed us the most".
"Sweetheart, stop it. Dont think like that. Sam just did what she thinks is best for her, its her choice Bela."
"Yeah, i know that. But i just cant imagine how hard it is for her during her bad times, with no one beside her but Blaire."
"At least now, we all know that she's already taking a rest in the hands of the Almighty. She's not in pain anymore. Maybe, we should just think like that. I know she'll be happier than seeing us grieving and blaming ourselves for the things that we haven't done yet we could have."
I nodded.
"Anyways, have you talked to Blaire yet? How is he coping with everything?" i asked him after a few moment of silence between us.
I have not seen or heard from Blaire since yesterday. And i dont wanna ask Hannah about him.
"I talked to him this morning over the phone. Well, he's not okay of course. But there's nothing he can do more but to accept the fact that Sam is gone."
I sighed deeply. How i wish everything between the two of us were same like before, that i can talk to him and go to him without feeling uneasy.
"Here we are," i heard Gio said and i looked outside to see that were outside the chapel where ate Sam's remains lies.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Gio ng pinto at agad na akong lumabas. Sabay na kaming pumasok sa chapel kung saan may mga mangilan ngilang tao na nakikiramay. Halos pamilyar lahat sila sa akin dahil mga close friends at business partners ng mga Almodovar ang mga ito. Mas pinili nila na gawing private ang burol ni ate Sam alinsunod na din sa kahilingan nito. Pero marami pa ring press people sa labas kanina na naghihintay na payagang makapasok o kaya naman ay naghihintay sa miembro ng pamilya na pwede nilang hingan ng interview.
Agad kaming dumiretso sa harapan kung saan tanaw ko ang mag-asawang Almodovar at sina Hannah at Blaire.
"Kumusta po tita,tito?" bati ko sa kanila kasabay ng pagyakap isa-isa sa kanila.
"Thank you for coming iha," sagot naman sa akin ni tita Dawn.
Bakas sa mga mukha nila ang lungkot, pagod at puyat dahil sa pangyayaring ito sa kanilang pamilya.
"How are you bessy?" baling ko kay Hannah.
"I'll be okay Bee," aniya at yumakap ng mahigpit sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawang yakap- yakap ko kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. Dinig ko ang mga pigil na hikbi niya sa aking balikat. Gusto ng kumawala ng mga luhang nagbabanta sa aking mga mata ngunit agad akong tumingala at pumikit pikit ng paulit- ulit para mapigilan ito. Kailangan kong maging matatag para kay Hannah. Alam ko kung gaano siya kalapit kay ate Sam kaya naiintindihan ko ang kanyang pakiramdam. Marahan kong hinagod ang likod ng aking bestfriend, makatulong man lang na maibsan ang bigat na kanyang nararamdaman. Hindi nga nagtagal ay unti-unti kong naramdaman ang pagkalas niya ng yakap sa akin. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang sarili.
Nilingon ko si Blaire na kasalukuyang kausap ni Gio at tamang napalingon naman siya sa gawi ko.
"My sincerest condolences Blaire," ani ko sabay lahad ng aking kamay sa kanya.
Natigilan siya saglit, marahil ay hindi niya inaasahan na ako mismo ang kakausap sa kanya. Pero kapagkuwan ay inabot din niya ang aking kamay.
"Thank you Bela," matipid niyang sagot sa akin bago bumitaw sa pakikipagkamay.
"Lets take a sit Bee," akag sa akin ni Hannah at iginiya niya ako patungo sa harapang hanay ng mga upuan.
Napapalibutan ang kabaong sa aming harapan ng mga purong puting bulaklak, sa magkabilang gilid naman ay ang mga bulaklak na galing sa mga kaibigan at kakilala ng kanilang pamilya. Sa labas ng chapel ay mayroon ding ginawa ang mga tagahanga ni ate Sam na makeshift altar kung saan sila nagtirik ng mga kandila at naglagay ng kanilang mga mensahe, mga bulaklak at kung anu- ano pa.
Hindi nakapagtataka na kahit dalawang taon na siyang nawala sa limelight ay marami pa rin ang sumusubaybay sa kanya sa pamamagitan ng kanyangga social media accounts dahil likas ang kanyang kabaitan at pagiging masayahin. Isa rin siya sa mga humahanga dito.
Ilang oras din silang nanatili doon bago nagpaalam si Gio na uuwi na sila dahil ihahatid pa siya nito at may pasok pa siya sa university bukas.
Agad siyang nagpaalam kay Hannah at sa mag- asawang Almodovar. Hindi na niya nakita si Blaire kaya hindi na siya nakapagpaalam pa dito.
______________________
Isang linggo din ang itinagal ng burol ni ate Sam.
At ngayon ang araw ng kanyang libing. Kasama ko na ang aking mga magulang ngayon kaya hindi na ako sinundo ni Gio. Nagkita- kita na lang kaming lahat sa chapel. At mula doon ay dalawang sasakyan na lang ang ginamit naming magkakaibigan bilang convoy sa pagpunta sa cemetery. Sa tabi din ng libingan ng kanyang ina ang magiging libingan ni ate Sam.
Kasama ko sa sasakyan ni Gio sina Althea at Hugo samantalang ang iba ay sa sasakyan naman ni Kenneth. Everyone is wearing our respective white clothes except for Blaire who wears an all black Armani suit and black sunnies.
Sumabay si Hannah kina tita Dawn at tito Albert samantalang si Blaire naman ay piniling sumakay sa sarili niyang kotse.
"Let us pray," said the priest.
"Our Father in heaven, we thank you that, through Jesus Christ, you have given us the gift of eternal life. Keep us firm in the faith, that nothing can separate us from your love. When we loose someone who is dear to us, help us to receive your comfort and to share it with one another. We thank you for what you have given us through your child Samantha. We now entrust ourselves to you, just as we are, with our sense of loss and of guilt, When the time has come, let us depart in peace, and see you face to face, for you are the God of our salvation."
" Amen."
The final viewing takes place at hindi ko na maiwasang hindi mapaiyak. Inilapag ko ang hawak kong bulaklak sa ibabaw ng casket and whispered my goodbye to ate Sam while glancing at her for the last time bago ako bumalik sa aking kinapupwestuhan.
"Receive the Lord's blessing. The Lord bless you and watch over you. The Lord make his face shine upon you, and be gracious to you. The Lord look kindly on you and give you peace; In the Name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit , Amen."
I sit and wait
Does an angel contemplate my fate
And do they know
The places where we go
When we're grey and old
'Cause I have been told
That salvation lets their wings unfold
The song Angels started playing as the casket was slowly lowered down to the ground. Bunch of white balloons were released to the sky. At isa- isa ng nagsitayuan ang mga tao papunta sa kani- kanilang mga sasakyan.
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko dahil kina mommy at daddy na ako sasabay pauwi.
"Bye guys," i waved my hands to them before i turned to walked towards our car.
Before i entered the car, i take one last look at the graveyard and i saw Blaire still standing there alone. I feel sad for him but i know there is nothing i can do.
He really loves her.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse.