Darwin POV
Halos sabunutan kuna ang sarili ko habang nasa loob ako ng banyo,sa sobrang sakit ng ulo ko hindi dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi kundi dahil sa nagawa kong kasalanan.
FLASHBACK...
After ng meeting para sa isang medical mission sa Probinsya ng Laguna ay naisipan kong dumaan sa resort kung saan nagttrabaho ang kasintahan kong si Samantha para surpresahin sana ito at hayain na kumain sa labas.
Mahigit isang oras nadin akong naghihintay sa labas resort ay hindi parin ito lumalabas at hindi rin sinasagot ang lahat ng messages ko kaya't naghintay pa ako isang oras dahil naisip kong baka kasalukuyan pa itong nagttrabaho.
Pero dahil sa pananabik na makita to ay hindi na ako nakatiis at pumasok nako sa resort at dumeretcho sa lobby at tanungin sa receptionist.
Doon ko lang nalaman na wala raw ito roon kaya't nagpasya nalang akong umalis at umuwi nalang pero bago yon ay nag iwan pa ako messages sakanya..
Pagkatapos ay dumeretcho ako sa isang Coffee Shop para mag take out dahil sa lamig ng panahon ay kailangan ko ng mainit na maiinom.
Kasalukuyan kung pinapark ang kotse ng mahagip ko ang isang babae, kaya't bumaba ako para masiguradong tama ang nakita ko.
Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita kung nasa harap ng isang Coffee Shop si Samantha akmang tatawagin kuna ito ng biglang may humintong sasakyan sa harap nito at lumabas ang isang lalaki nakita ko pang pinag buksan sya nito ng pintuan ng sasakyan at sumakay sya roon.
Noong una ay ayokong mag isip ng kung ano ano kaya't kinalma ko muna ang sarili ko,maka ilang beses ko pang tinawagan ito pero hindi talaga nito sinagot kahit isa sa mga tawag ko ..
Bumalik ako sa resort sa pagbabaka sakaling magkita kami sa oras na bumlik ito roon pero alas otso na ng gabi ay wala parin ito at inabutan na rin ako ng ulan..
Mula sa pintuan ng kotse ko ay naka rinig ako ng sunod sunod na katok,at dahil malakas ang ulan ay binuksan ko pinto ng makita kung si Maica ang naroon.
Ano bang ginagawa mo rito sa labas?nababaliw kana ba Darwin?Bakit hindi kapa umuwi nakita mong sobrang lakas na ng ulan.
Natigilan ito ng makita ang ilang lata ng beer sa sahig ng kotse ko na nagkalat.
Oh my god! Bakit ka umiinom?Balak mo bang magpakalasing ha?Itigil mo na nga yan!Sinabukan pa nitong kunin ang lata ng beer na hawak ko ngunit umilag lang ako sakanya.
Are you crazy! Ibigay mo sa akin ang susi ng kotse mo at ihahatid kita sainyo ngayon din!Pahasik na turan sa akin ni Maica ng makita nitong may tama na rin ako ng alak.
No! hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakikita at nakaka usap si Samantha!nakita ko siya kanina,m-may kas-sama siyang ibang lalaki at s-sumakay siya sa kotse!.
Pautal-utal na sabi ko kay Maica,pero sadyang makulit to at lumabas ito ng kotse at umikot sa kabilang pintuan at pilit akong pina lipat sa kabilang upuan at muling binuhay ang makina ng sasakyan.
Habang nasa byahe ay tuloy parin ako sa pagtawag kay Samantha at tuloy padin ako sa pag inom,tahimik lamang si Maica habang nag ddrive at sinusulyapan lamang ako kapag nakikitang iniinim ko ang alak na hawak ko.
Narinig ko pang may tinawagan ito sa resort at nagpaalam na hindi na makakalabik sa trabaho niya ng oras na iyon,pagkatapos ay nakita kong nag park ito sa isang building at kinuha ang lata na hawak ko na may laman pang alak.
Dito kana lang muna magpalipas ng gabi,hindi na kita mahahatid sa Cavite masyado ng malakas ang ulan baka mahirapan nadin akong makabalik sa resort.
Pag kababa ng kotse ay inalalayan pa ako nitong maglakad papunta sa loob ng hotel kung saan ako magpapalipas ng magdamag.
Marahil dahil sa pagod sa maghapon at gutom ay mabilis akong tinamaan sa alak na nainom ko kaya't hindi ko na halos mabalanse ang katawan ko sa paglalakad.
Hanggang sa loob ng kwarto ay hindi ako nito pinabayaan,ramdam kupa ng ihiga ako nito sa kama at ang buong akala ko ay aalis na ito ngunit bumalik ito sa tabi ko at naramdaman ko nlang na may bimpong dumadampi sa mukha at braso ko.
Sinubukan kupa itong pigilan na hilamusan ako ngunit hindi naman ako nito sinunod at patuloy lamang sa pag punas sa braso ko.
Hindi ko alam pero may kung anong init akong naramdaman ng magtama ang mga mata naming dalawa ng iminulat ko iyon.
lalo pang dumagdag ang kakaibang pakiramdam sa aking sarili ng sinimulan nitong tanggalin isa isa ang botones ng long sleeve kung suot.
Tila nadadarang ako sa bawat haplos na ginagawad nito sa akin,gustohin ko mang ikalma ang sarili ko hindi kuna magawa dahil milyon milyong boltahe ang bumubuhay sa katawan ko sa tuwing nadadampi ang balat nito sa balat ko.