7

859 Words
Isang malakas na pagtawag sa aking pangalan ang gumising sa diwa ko habang enjoy na enjoy ang mga mata ko sa paghanga sa kagandahan ng buong kabahayan.. Samantha hija! Masiglang tawag sa akin ng isang Ginang at kung hindi ako nagkakamali siya ang ginang na tinulungan ko sa loob ng nasusunog na villa Masaya itong lumapit at sumalubong sa amin dalawa ni Sir William,kasunod nito ang isang matang lalake na nakangiti rin sa akin. Magandang Gabi po sainyo Mr. And Mrs.Legarda. Ako nga po pala si Samantha at masaya po akong makilala kayo. Buong galang kung pagpapakilala sa mag asawa ng makalapit ako sakanilang dalawa,inilahad kupa ang kamay ko ngunit nagulat ako ng hindi iyon tanggapin ng Ginang bagkus ay kinabig ako nito palapit sakanya at mahigpit na niyakap. Bigla akong nakaramdam ng hiya ngunit kalaunan ay mabilis rin iyong nawala, Maraming maraming salamat saiyo Hija,kung hindi dahil saiyo ay malamang wala ako ngayon at ang aking apo .Mangiyakngiyak ang ginang habang sinasabi niya iyon sa akin. Ngumiti naman ako sakanya pinakalma ito at iginayang umupo sa sofa na malapit sa amin.Maging ang asawa nito ay buong pusong nagpasalamat sa akin. Hindi ako makapaniwala na sobrang bait ng mag asawa at wala akong masabi sa kagandahan ng ugali ng mga ito. Mula sa pagkakaupo ko ay isang munting kamay ang umagaw ng atensyon ko matapos nitong hawakan ang kamay ko. Hi! Ikaw po ba ang guardian angel ko? Nakangiting tanong sa akin nito na nagpalabas sa magkabilang dimples nito sa pisngi. Tumango naman ako sakanya at nginitian ito,lumapit pa ito ng husto sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Thankyou so much for saving me,from now on you are my guardian angel... Napangiti ako sa sinabi niya sa akin,kumalas naman ako sa pagkakayakap niya at tumango ako sakanya,inabot ko ang kamay ko at nag pakilala. Hi baby girl,my name is Samantha and nice to meet you!Nakangiti kong sabi sakanya at tinanggap naman nito ang kamay ko at nagpakilala. My name is Marigold and nice to meet you too,Pagkatapos magpakilala ay sabay pakaming nag katawan at muli ay niyakap ako nito.. Let's Go! I think kailangan na nating kumain muna para mas maramirami pa kayong time na makapag usap mamaya, Masiglang paanyaya ni Mr.Legarda sa amin at sumunod naman kami sa Dining Area.Halos mapangaga ako sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa. Hindi ko alam kong ano ang paborito mong pagkain Hija kaya't pinahanda ko na lamang ang lahat ng pagkain na satingin ko ay magugustuhan mo.Nahihiyang pahayag ng Ginang. Ipinaghatak pa ako ni Sir William ng upuan at tumabi naman sa akin si Marigold sa pagitan naming dalawa. Napuno ng masayang kwentuhan ang hapagkainan dahil nadin sa panay kuwento ni Sir William sa kung ano anong bagay. Nang matapos ang kainan ay maayos akong nag paalam sa mag asawang Legarda at mag amang Saavedra. Habang naglalakad patungo sa labas ng Masion ay kinausap pa ako ni Sir William. I hope na nag enjoy ka ngayon gabi Samantha,sakatunayan hindi pa ako sayo nakakapag pasalamat ng lubos para sa ginawa mo sa anak ko. Kaya tanggapin mo sana ang pasasalamat ko sayo,iniabot sa akin nito ang isang cheque ngunit mabilis ko itong tinangihan. Sir William pasensya napo pero hindi ko iyan matatanggap,sapat napo sa akin na tinanggap niyo ako ng maayos ngayong gabi sa pamamahay niyo,sapat napo iyon bilang kabayaran sa ginawa kong pagtulong sainyo.. Pero Samantha nabanggit mo sa akin na mag aaral ka ngayong taon,kaya sana tanggapin muna ito para kahit papaano ay makatulong ako saiyo.Pangugulit pa nitong muli ngunit tulad ng una ay tinangihan ko at wala nadin itong nagawa. Sige ikaw ang bahala rerespituhin ko ang gusto mo,pero sana wag kang mahihiyang lumapit sa akin kung sakaling magkaroon ka ng problema. Tumango ako rito at nagpaalam na din ng dumating na ang sasakyan na maghahatid sa akin pabalik sa resort. Pagdating ko sa resort ay dumeretcho na rin ako sa dorm namin upang maghimos at magpahinga. Paghiga sa kama ko ay sinilip ko ang cellphone ko at doon ko pa lang nakita na maraming messages at missed call sa akin si Darwin. Binuksanam ko lahat ang messages isa isa at hindi ako makapaniwala sa lahat ng text ni Darwin na nabasa ko roon. Sinubukan ko itong tawagan nag riring naman ngunit hindi niya iyon sinasagot, kaya't ilang beses kupa ulit sinubukan ngunit sapagkakataong iyon ay hindi kuna ito makontak. Bumangon ako at nag iisip kung paano ko sya makakausap at paano ako magpapaliwanag sa lahat ng ibinibintang niya sa akin. Naisipan kung umuwi ng Cavite ng oras na yun ngunit dis oras na ng gabi at malakas din ang ulan at siguradong wala ng byahe. Nagpunta ako sa opisina ng resort upang kausapin si Maica upang hiramin ang cellphone nito para matawagan si Darwin ngunit nalaman kong biglaan raw itong nag paalam na umuwi dahil may importanteng pinuntahan. Bumalik ako sa dorm na lutang ang isip kung paano kung makakausap si Darwin,ilang beses kupa ulit itong tinawagan ngunit hindi kuna ito makontak marahil ay pinatayan na ako ng cellphone. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako ng sandaling iyon at umaga na ng muli akong nagising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD