"AH manang hindi kana pala mahihirapan sa pag-aalaga kay Sandra.."
Natigilan si Sandra sa sinabi ni Julie, pasimple niyang tinignan si Julie. Halata sa mukha nito na masaya ito.
"Bakit ho?" Takang tanong ni manang.
"Basta. Ilang minuto lang parating na 'yong taong 'yon. Kilalang-kilala 'yon ni Sandra, and I'm sure na walang magiging problema."
Kahit hindi siya nakatingin dito alam niyang nakangisi ito sakanya. Humigpit hawak niya sa bestida, may namumuo ng hinala sa isip niya at hindi niya gusto 'yon...
Napakurap siya nang marinig ang doorbell. Hindi niya alam kung bakit parang may nalaglag na kung anong bagay sa sikmura niya na nagpapakaba ng husto sakanya.
"Oh.... I think he's here. Pakibukas nga manang." Natutuwang sabi ni Julie. Nagmamadali namang tumalikod si manang.
'No.... no... please.... hindi pwede 'to.'
"Hello everyone!"
Parang naubusan ng hangin ang dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Halos bumaon na ang kuko sa palad niya.
"Cedrick!"
Pasimple siyang tumingin sa mga ito. Nakipag-beso dito si Julie at binalingan sya, pasimple niyang binawi ang tingin dito.
"Manang kilala mo naman si Cedrick 'diba? From now on, siya na ang bahalang mag-asikaso kay Sandra. Sa tingin namin ni dad mas mapapabilis ang pag-recover niya kung kasama niya ang taong mahal niya." Ngiting-ngiti na sabi ni Julie. Gusto niyang tumayo at hilahin ang buhok nito. Ang kapal ng mukha nito!!
Naramdaman niyang tumabi sakanya si Cedrick. Hindi man nagdidikit ang balat nilang dalawa gusto na niyang mandiri dito.
"Hello babe..."
"P-pero maam, kaya ko namang alaga---
"No need manang." Putol ni Julie sa sasabihin ng matanda.
"...can you see that? She looks happy, i'm sure na mas magiging maganda ang kalagayan niya kung si Cedrick ang makakasama niya." Sabi pa nito.
"That's right, actually nasabihan ko na si Don Kiko tungkol dito." Sabi ng katabi niya. Gusto niyang manghina sa narinig, pakiramdam niya ay mas lalo siyang hinihila paibaba. Naramdaman niya ang paghawak ng katabi sa kamay niya.
"I've missed you so much Sandra..."
Napapikit siya. 'Delifico....'
NAGMAMADALING pinatay ni Delifico ang makina ng kotse saka siya bumaba sa sasakyan. Sinilip niya ang relong pambisig, inabot na siya ng hating-gabi sa daan. Nagpatawag kasi ng meeting si Grey dahil nakatakas sa bilangguan ang matanda na dating hawak nila. Tumingin siya sa mansion, mukhang tulog na ang mga tao dahil madilim na sa loob. Nagmamadali siyang pumasok sa loob, mukhang inaasahan ni Julie na darating siya dahil nakabukas pa ang pinto. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa unang palapag. Malalaki ang hakbang na umakyat na siya sa hagdan. Pagdating don ay lumapit muna siya sa kwarto ni Julie, tahimik niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito saka siya sumilip sa loob. Mukhang natutulog na ito.
'Tulog na kaya si Sandra?'
Tahimik naman siyang lumapit sa kwarto ni Sandra. Akmang hahawakan niya 'yon nang kusa 'yong bumukas. Nagsalubong ang kilay niya nang lalaki ang nagbukas non.
"Sino ka?" Matalim ang matang tanong niya dito. Kumunot ang noo nito pagkakita sakanya.
"Ikaw? Sino ka naman?"
Galit na hinablot niya ang kwelyo nito.
"Magnanakaw ka dito no?!" Galit na aniya dito. Galit na kumawala ito sa pagkakahawak niya.
"Of course not! I'm Sandra's boyfriend." Anito na may bahagyang ngiti. Natigilan naman siya sa sinabi nito.
'Boyfriend....'
Pasimple siyang sumilip sa loob ng kwarto ni Sandra pagkuway sa mukha ng kaharap.
'So, ikaw pala ang sinamahan niya...'
May kung anong pumiga sa dibdib niya nang maalala ang sinabi ni Julie. Nanginginig na kumuyom ang kamao niya.
"Delifico nakauwi kana pala..."
May talim ang tingin na binalingan niya ang bagong dating.
"What is the meaning of this Julie?"
Tumingin muna ang dalaga sa kaharap niya pagkuway binalingan siya.
"Si dad ang may gusto, nahihiya na kasi siya sa'yo. Bukod don mukhang mas mapapabilis ang recovery niya kung si Cedrick ang kasama niya. Dahil kung wala pa ring improvement, mapipilitan si dad na ibalik sa mental si Sandra."
Bigla niyang naalala ang sinabi ni manang kay Sandra. Balak niyang tanungin ang matanda tungkol dito pero sa tuwing ginagawa niya 'yon ay umiiwas agad ang matanda.
"Ah... ikaw pala 'yong boyfriend ni Julie? Nice meeting you I'm Cedrick Reyes..."
Muling dumapo ang tingin niya sa mukha ng kaharap. May ngisi ang labi nito, hindi niya alam kung bakit ang bigat ng loob niya sa isang 'to.
"Mabuti kung ganon.." Malamig na sabi niya saka tinalikuran ang mga ito.
"Wag mo ng pansinin 'yon ganon talaga ang taong 'yon. By the way nakahanda na ang mga kumot mo sa kabilang kwartong tutulugan mo."
'Yon ang huling narinig niya habang palayo. Tahimik na pumasok siya sa loob ng isang guestroom, dumeretso siya sa kama at naupo sa gilid non.
"Sigurado ako na gustong-gusto naman ng babaeng 'yon..." Bulong niya. Inis na humiga siya sa kama at bumuga ng hangin.