Chapter Fourteen

2046 Words
"OH dahan-dahan lang mahal... ingat ka baka matalisod ka." Walang emosyon na binawi ni Delifico ang tingin sa dalawa. Tumutok ang tingin niya sa t.v pero hindi siya nanood. Palihim siyang sumisilip sa dalawa. Nakita niyang nakayakap ang Cedrick na 'yon kay Sandra. Kahit na walang emosyon ang mukha ni Sandra may nababanaag siyang pagkailang at pandidiri sa kislap ng mata nito. Muli niyang binalingan ang mga ito, nanliit ang mata niya nang makitang halos nakadikit na ang labi ng lalaking 'yon sa pisngi ni Sandra. Pabalibag na nilapag niya ang remote sa mesang nasa harap niya at padaskol na tumayo. "Gusto mo ba buhatin na lang ki---- Pasadya niyang tinulak sa dibdib ang lalaking 'yon. Tumama ang katawan nito sa pader. "What the f**k dude!" Gulat na sabi nito. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Hindi ko sadya." Nang-iinis na sabi niya at walang sabi-sabing binuhat si Sandra. "Hey! I can take care of her!" Hindi niya pinansin ito, tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat sa hagdan. Pagdating sa kwarto ng dalaga ay pasipa niyang sinara ang pinto. Dahan-dahan naman niyang nilapag ito sa kama. Akmang hihiwalay siya dito nang bigla nitong hapitin ang leeg niya. "W-wag mo 'kong iwan s-sakanya p-please..." Natigilan siya at dahan-dahang nilingon ito. Halos magka-umpog naman ang pisngi nilang dalawa. "P-para mo ng awa Delifico... 'wag mo 'kong iwan dito." Dama niya sa katawan nito ang panginginig at takot. "Ssshhh... I will be back don't worry." Anas niya saka dahan-dahang binitawan ito. Hinayaan naman siya nito, kinuha niya ang kumot at tinaklob sa katawan nito. Saktong bumukas ang pinto sa likuran niya, binalingan niya ang lalaking 'yon na nagpapakulo ng dugo niya. Lumapit siya dito. "Sa susunod umayos ka ng babaeng hahawakan mo." Malamig na sabi niya at nilagpasan ito. Nang makalabas siya ng kwarto ay muling nanumbalik sakanya ang binulong ni Sandra. 'Bakit mukhang takot na takot siya?' Humakbang siya papunta kwarto ni Julie, ngunit nang buksan niya 'yon ay wala ito doon. Nagmamadali naman siyang bumaba at lumabas ng mansion. Lumingon siya sa isang pasilyo papunta sa garden ng Montanez. Malalaki ang hakbang na pumunta siya don. "Yon na nga problema ko eh..... naiinip na nga kami ni dad. Kapag ako hindi nakapagtimpi papatayin ko na lang ang babaeng 'yan." Natigilan siya nang marinig 'yon. Walang ingay na sumilip siya, nakita niyang may kausap sa cellphone si Julie. Pasimple niyang kinabig ang dalawang malaking vase saka siya pumagitna. Hindi siya makikita doon dahil may kataasan ang mga makakapal na halaman no'n. "Yeah I know, nandito na nga si Cedrick para magmatyag eh. Yeah of course Berniz sigurado ako na alam ng kaibigan mo kung san niya tinatago ang kayamanan nila. Akala niya ba maiisahan niya kaming lahat na nandito? Hindi tatalab sakin ang pagkukunwari niya, baka nakakalimutan niya na alam namin kung nasaan ang ina niya." Kumuyom ang kamao niya, parang gusto niyang lumabas sa tinataguan at komprontahin ito. Pilit lang niyang pinakalma ang sarili, baka lalong hindi makita ni Sandra ang ina niya. 'Sigurado ako na ito ang dahilan kung bakit nandito pa siya...' Tumalim ang mata niya. 'Kayo ang mananagot sakin Julie.... tandaan mo 'yan....' "AALIS muna ako ngayon Sandra, but don't worry mahal. Babalik din ako mamaya.." 'Kahit hindi na!' Nanatiling walang emosyon at tulala sa kisame si Sandra ngunit kuyom ang kamao niya mula sa ilalim ng kumot. Halos pigil niya ang sarili na 'wag niya itong sigawan tuwing hahawakan siya nito. 'Delifico nasan kana ba? Sabi mo babalikan mo 'ko?' Halos mag-init ang sulok ng mata niya, kanina niya pa iniisip kung babalikan pa ba siya ni Delifico o hindi. Kahit pa may pag-aalinlangan pa rin siya dito naroon pa rin ang pakiramdam niya na si Delifico lang ang tanging maasahan niya ngayon. Napakurap siya nang halikan siya ni Cedrick sa pisngi. Parang gusto niyang pahiran 'yon mismo sa harap nito. "Kung hindi mo lang kasi ako iniwan non edi sana masaya tayo ngayon. Hindi ka sana ganyan ngayon.." Nakangising sabi nito. 'Gago! Tandaan mo isa ka sa pagbabayarin ko!' Hinaplos muna nito ang buhok niya saka tumalikod. Dahan-dahan niyang binuga ang hangin sa dibdib niya nang lumabas na ito ng kwarto niya. Hindi pa rin siya kumikilos sa higaan dahil nag-aalala siya na baka hinuhuli lang siya nito. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang luha, pakiramdam niya nag-iisa siya ngayon sa kalagayan niya. Ngayong nandito na ang isa sa mga taong hindi niya gustong makita pakiwari niya ay lalo siyang lumulubog. "Sandra..." Napakurap siya nang marinig ang boses na 'yon. Mabilis siyang lumingon, mula sa balkonahe niya ay nakita niyang papasok si Delifico. Mabilis siyang umupo sa kama. "Delifico...." Bulong niya. Ilang sandali muna siya nitong tinignan bago ito lumapit ito sa pinto ng kwarto niya. Ni-lock nito 'yon at muli siyang binalikan. "S-saan ka galing?" Tanong niya dito, umupo naman ito sa tabi ng kama. "Kanina pa 'ko sa balkonahe mo. Ayos ka lang ba? Wala ba siyang ginawa sayo?" May kung anong humaplos sa puso niya nang mabasa niya ang pag-aalala sa mukha nito. Humihikbing umiling siya dito, pinagsiklop niya ang mga palad sa hita para pigilan ang sarili na yakapin ito. "Sandra.... sabihin mo sakin kung anong nangyari dito.." Tumitig siya sa mukha nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya at pinisil 'yon. "Please... I want you to trust me Sandra." Ilang sandali siyang tumitig sa mukha nito. "H-hindi mo kailangang ma-involved sa buhay ko Delifico. Ikaw ang b-boyfr---- "Shut up! f**k Sandra! Ano sa tingin mo ang ginagawa ko dito kung palagi mong iisipin na boyfriend ako ni Julie?!" Nagulat siya sa sigaw nito, takot na tumingin siya sa pinto. "Wala silang lahat dito. Magkasabay na umalis sila Cedrick at Julie." Muli siyang bumaling sa binata. Malambot na ang bukas ng mukha nito. "Sandra please..." Dalawang kamay nito ang humawak sakanya. ".....sana sapat na 'yung ginagawa ko para pagkatiwalaan mo 'ko. Simula nang tulungan kita pinangako ko sa sarili ko na unti-unti akong papasok sa mundo mo..." Bumakas naman ang pagtataka sa mukha niya. Banayad na pinisil nito ang dalawang palad niya at hinaplos 'yon. Nagdulot 'yon ng kiliti sa sikmura niya. Hindi niya alam kung bakit habang tumatagal ay nagiging iba ang epekto sakanya ni Delifico. "Pipilitin kong mapalapit sayo ng husto Sandra at tulungan ka na gumaling. Pero ngayong hindi naman pala totoo ang lahat ng nakikita ko sayo... alam mo kung anong gusto ko?" Napakurap siya dito. "A-ano 'yon?" Pinaliguan nito ng tingin ang buong mukha niya. "Piliting makuha ang tiwala mo hanggang sa hindi mo kayang mawala ko kaya kahit may takot ako dito sa mansion niyo hindi ko gustong umalis dito at iwan ka.... ganon ka na kahalaga sakin Sandra." Hindi niya alam kung gaano siya katagal na tumitig sa mukha ng kaharap. Hinila niya ang mga kamay mula dito at niyakap ang tuhod niya. "Sandra....." Iniwas niya ang tingin dito saka siya huminga ng malalim. "Dahil malakas ang pakiramdam ko na tinatago nila si mama at Sandro..." Muling gumuhit ang sakit sa puso niya pagka-alala sa kambal at ina. Kahit na may munting pag-aalinlangan siya kay Delifico gusto niya pa ring subukan. "Pano mo nalamang tinatago nila ang ina at kambal mo?" Tanong sakanya ni Delifico. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng suot na bestidang puti. "N-nakarinig ako ng iyak mula sa kwarto nila ni Don Augusto... two years nang patay si dad non, magkatabi lang ang kwarto namin ni mom. Kinabukasan hinanap ko sila mommy at Sandro pero sabi nila umalis na daw sila mommy at iniwan ako. Hindi ako naniwala sakanila tinikom ko lang ang bibig ko para sa kaligtasan ko. H-hanggang isang araw narinig ko silang mag-ama na nag-uusap. Kailangan daw nila ng kayamanan namin, matigas daw si mommy at hindi binibigay ang bank book pati na rin ang ari-arian namin na kami lang ang nakakaalam. Naisipan nilang mag-ina na itago sila mom at ako ang gamitin para mahanap ang mga papeles nila mommy.. May kung anong natanggal sa dibdib niya, kahit papano ay nakakaluwag din pala ng dibdib kapag may pinagsabihan ka. ".....p-pero b-bago nila m-magawa 'yon, n-nagpanggap akong n-nasiraan ng ulo d-dahil sa pagkawala ng mga m-mahal ko.I-I'm depressed, h-hindi ko alam k-kung sinong p-pagkakatiwalaan ko p-pagkatapos ng nangyari. H-hindi ako makatakbo d-dahil alam ko na sakanila si mommy at Sandro.." Muling gumitaw sa mata niya ang luha. "Hindi mo ba nasabihan tungkol dito si Don Kiko? Ang mga kamag-anak mo?" Umiling siya at tumingin kay Delifico."Agresibo si Don Kiko, b-baka mas lalong mapahamak sila mom. H-hindi rin nila ako hinahayaang makalapit sakanya dahil may hinala si Julie na nagpapanggap lang ako. Ang mga kamag-anak ko na inaasahan kong makakatulong sakin wala. Puro panlalait at pera lang ang narinig ko sakanila." May pait ang boses na sabi niya. "Sshh... don't worry.." Anito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "....you can trust me Sandra. Tutulungan kita kahit na anong mangyari... basta magtiwala ka lang sakin." Tumitig siya rito, banayad naman nitong hinaplos ang pisngi niya. Tumango siya dito. "Y-yes.... i'll trust you Delifico..." Halos pabulong na sabi niya, siya na ang kusang lumapit dito at yumakap sa leeg nito. Naramdaman naman niya ang pagpulupot ng braso nito sa katawan niya. 'Apat na taon akong hindi nagtiwala kahit kanino Delifico.... sana... sana 'wag mong sayangin ang tiwalang 'yon.' "PAPA?! papa!" Palingon-lingon sa paligid ang labing-anim na taong gulang na si Sandra. Kinukusot-kusot niya pa ang mga mata habang papasok sa loob ng mansion. "Papa?!" Sigaw uli niya, pumunta siya sa hardin. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang bulto ng tao, nagtago siya sa sulok sa pagitan ng naglalakihang vase. Narinig niya nag paglagutok ng kung anong nabasag. "Wag mo munang patayin tanga! Papahirapan pa 'yan!" Lalong kumunot ang noo niya dahil pamilyar sakanya ang boses na 'yon. "Ito na nga eh... wag kang mag-aalala hindi gaanong malakas ang pagkakapukpuk ko sa ulo!" Gigil na bulong ng isa, sumiksik pa siya lalo sa pagitan ng malalaking vase, good thing at dimelight lang ang ilaw sa labas ng mansion. Nakita niya na parang may binubuhat ang isang anino, lumapit ang mga ito sa direksyon niya. "Bilisan mo habang tulog pa ang mag-ina.." Sabi ng isa, napatakip siya sa bibig dahil nakita niya ang mukha ng mga ito. It's Julie and Cedrick! lalo niyang isiniksik ang sarili. Kinabahan siya ng tumigil ang mga ito mismo sa harap ng pinagtataguan niya. "Ohh.. kiss me, mabigat ang dala ko..." Nakangising sabi ni Cedrick habang may pasan ito, balot 'yon ng puting sako. Hinalikan naman ito ni Julie, nanlaki ang mata niya sa nakita lalo nang makita ang mga dugong nasa kamay ng mga ito. Nalaglag ang luha niya ng makita ang pamilyar na sapatos sakanya. "Papa...." Usal niya sa hangin. "San nga ba natin uli dadalhin to?" Tanong ni Cedrick pagkaraan. "Sa tabi ng dagat... bilisan na natin nandon na si Dad." Sabi Julie, sabay na umalis ang mga ito. Nakatulala lang siya...... hindi niya alam kung anong nangyayari pero alam niya na may masamang mangyayari sa ama.... namaluktot siya habang tahimik na humihikbi. "ANO?! hindi!" Sigaw ng Donya nang dumating ang isang masamang balita. Sinapo nito ang noo at napakapit ito sa pader. "Paumanhin po sa sasabihin namin maam, pero brutal na pinatay ang asawa niyo. Binalatan po ng buhay ang asawa niyo at binabad sa dagat, nagtamo din po siya ng minor injury sanhi ng pagkakapukpok sa ulo niya." Tuluyan ng hinimitay sa samu't-saring emosyon ang donya, mabilis itong nilapitan ng mga katulong. "Mommy!" Iyak ni Sandro habang ginigising ang ina. Si Sandra ay nananatiling tulala.... hindi niya magawang makapagsalita habang nakatingin kay Julie na umiiyak. Kuyom ang kamao niya.... "AHM sir may ire-report po sana ako..." Sabi ni Sandra nang magtungo siya sa police station. "Ano ba 'yon neng sige sabihin mo..." Sabi ng isang pulis sa information desk. "Yun tungkol po sa----- Hindi niya natuloy ang sasabihin nang makita niya si Cedrick na lumabas. Nagtama ang mata nila, nagulat ito at lumapit sakanya. "Anong ginagawa mo dito mahal?" "I-ikaw anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang sabi niya, ngumiti ito saka lumingon sa pinanggalingan nito kanina. "Pinuntahan ko lang 'yong papa ko dito..." Lalong tinambol ng takot at kaba ang dibdib niya. "A-ano 'yong papa mo dito?" "He's general. Teka ano nga bang ginagawa mo uli dito?" Nanghina siya sa narinig.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD