"Hey may gift ako sayo..."
Dahan-dahang umupo sa kama si Sandra at tumingin sa pinto pagkuway binalingan si Delifico.
"B-baka naman makita ka nila Julie?" Nag-aalalang sabi niya dito. Ngumiti naman ito sakanya saka tinaas ang isang bagay na nasa kamay nito.
"Don't worry, sinigurado ko na bago ako pumasok dito nakatulog muna sila ng mahimbing. And aside from that, wala namang camera dito sainyo bukod sa isang kubo na nasa dikalayuan nitong mansion niyo." Sabi nito. Natigilan naman siya.
"H-hindi si daddy ang nagpagawa ng kubo na 'yon..." Usal niya. Ngumiti naman ito at saka nilapag sa sahig ang hawak nito.
"I know... nagpa-imbestiga ako tungkol dito sa mansion niyo. At alam mo ba? May nakita ako..." Sabi nito, kumunot naman ang noo niya. May kinuha ito mula sa likod ng suot nitong pantalon. Binuklat nito 'yon at inabot sakanya.
"Isang mapa... alam mo ba na konektado ang kubo na 'yon dito sa mansion niyo?"
Mas lalong kumunot ang noo niya. Binalingan niya si Delifico.
"O-oo, pero hindi pinagawa ni dad ang kubo na 'yon. Ang underground na tinutukoy mo ay parang basement lang, wala 'yong connection kahit sa kubong 'yon. Wala ring special sa underground namin dahil puro gamit lang sa sasakyan ang nilalagay don ni dad..." Sabi niya at tumingin sa hawak. Sinundan niya ang isang guhit na nandon, may tuldok na kulay pula sa dulo non at sa kanang bahagi naman ay isang asul.
"Sa tingin ko iniisip ni Augusto na dito lang sa lupa namin tinabi ni dad ang mga naiwang ari-arian niya kaya niya dinugtungan ang underground namin." Usal niya at tinignan si Delifico.
"Pero itong mapa... sigurado ako na si mom ang may gawa nito. No'ng gabing pumasok ako sa kwarto niya dalawang araw bago siya mawala nakita kong inuukit niya 'to saka niya nilagay sa vault. Balisa si mom no'ng gabing 'yon pero nang tanungin ko siya sabi niya ayos lang siya."
"Sandra..." Natitigilang sabi nito at tinitigan siya. "....ginagawang negosyo ng matanda ang kubo na 'yon. Ilang beses nang may namataang pumapasok sa kubo na 'yon. Sigurado ako na may tinatago sya sa ilalim. He's such a f*****g devil old man..."
Bumuga siya ng hangin at muling tinignan ang hawak.
"Alam mo ba.... nagtampo ako kay mommy nang mag-asawa siya. Imagine? Dalawang buwan pa lang nang mamatay si dad pero magugulat na lang kami na mag-aasawa na agad siya?" Mapait na sabi niya. Parang muling bumalik sa isip niya ang nangyari ilang taon na ang nakalipas.
"....K-kaya ginawa ko ang lahat ng bagay na hindi niya ikakasaya. I did everything to make my life miserable pero wala lang sakanya ang lahat." Muling gumulong ang luha sa mata niya.
"Pero pinagsisihan ko lahat ng 'yon Delifico nang mawala silang dalawa sakin."
"Sandra...." Gumapang ang kamay nito at hinawakan ang palad niya. "...makikita natin sila. Pinapangako ko 'yan sayo.."
Ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa maamong mukha nito.
"Pero bakit tinutulungan mo 'ko Delifico?" Matiim ang tingin na tanong niya dito. Saglit naman itong natigilan pagkuway lumaban ng tingin sakanya.
"I...." Usal nito at bumuga ng hangin.
"I just want to help you Sandra.... kahit na sino naman na nakakaalam ng kalagayan mo tutulungan ka." Sabi nito at iniwas ang tingin sakanya. Napangiti siya ng mapait sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit may munting sakit na gumuhit sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang binawi ang palad dito saka tumingin sa isang box na nasa paanan niya. Kinuha niya 'yon.
"Bakit nagdala ka nito? Baka makita pa 'to ni Julie bukas ano pang isipin non." Nakangiting sabi niya habang tinatanggal sa pagkakatali ang box. Natigilan siya nang makita ang mga chocolates sa loob non.
"Masarap 'yan..." Nakangiting sabi nito. Nakangiting tumingin siya dito.
"Ito 'yong palaging gift samin ni Dad kapag galing sila ni mom sa trabaho.... suki ka ng Sweet and Nuts no? Noong nakaraan dinalhan mo rin ako nito eh." Aniya dito.
"Yeah.... kapag dumadaan ako sa store na 'yan palagi akong bumibili pasalubong ko sa mga pasaway kong kaibigan." Natutuwang sabi nito.
"Nasaan ang pamilya mo?" Tanog niya dito. Nagkibit balikat ito.
"Nasa japan. Baka next year sumunod na sakin dito ang kapatid kong babae."
Napangiti naman siya nang marinig ang japan dito.
'Kumusta na kaya siya?'
"Siyang pala Sandra...."
Muli siyang tumingin kay Delifico. "Ano 'yon?"
Nag-alinlangan na binawi naman nito ang tingin sakanya.
"Totoo ba 'yong sinabi ni Julie na sumama kang makipagtanan kay Cedrick?" Matiim ang tanong nito. Natigilan naman siya.
'So sinabi nga talaga ng bruha?'
Huminga siya ng malalim saka tumango. "Oo, nagtanan kami ni Cedrick noong fifteen pa lang ako."
Ito naman ang natigilan sa sinabi niya.
"Pero kung iniisip mo na may nangyari samin wala." Nakangiting sabi niya.
".... sa asawa ng pinsan ni Don Kiko kami nakituloy. Tinawagan ko si tiyo, nakita ko kasing sinampal ni Augusto si mom. Kinompronta ko siya, ni minsan hindi sinaktan ni dad si mom. Pero ang masakit lang, sakin pa nagalit si mom." Mapait na dugtong niya.
"Did he hurt you?" Tanong nito pagkaraan. Ngumiti siya at umiling-iling.
"No, subukan niya lang makakatikim siya sakin. Kahit na ilang taon pa lang ako kaya ko siyang patulan magalit man sakin si mommy." Natatawang sabi niya saka tumingin sa box na hawak.
"You remind me of someone..." Usal ng kaharap niya. Muli siyang tumingin dito, nakatitig ito pala ito sa mukha niya. Muli nitong hinawakan ang palad niya at pinisil 'yon.
"Buti naman..... dahil hindi mapapa-aga ang pagpatay ko sa dalawa." Malamig ang tinig na sabi nito. Magtatanong sana siya nang bigla siya nitong unahan.
"Gusto mo bang sumama sakin?"
Umawang ang labi niya. "S-saan? I mean, bakit ako sasama sayo?"
Muli itong ngumiti sakanya. "Doon ka muna tumuloy sa condo ko. Malaya kang makakakilos kung nandoon ka, hindi kagaya dito na kailangan palagi ka pang alalayan ng lalaking 'yon."
Hindi niya alam kung tama bang nahimigan niya ang pagka-inis sa boses nito.
Umiling siya dito. "Kailangan kong makakita ng hint kung nasaan sila mom. Isa pa, baka malaman pa ni Julie ang lahat kung basta na lang akong mawawala dito."
Huminga naman ito ng malalim saka tumango. "Kung ganon, sabihan mo na lang ako kung hindi mo na kaya dito." Anito at matiim na tumitig sakanya.
"....dahil hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama Sandra. Hindi kita iiwan sa lugar na 'to, atleast kung nasa akin ka hindi ko hahayaang may makapanakit sa'yo."
Napangiti siya sa sinabi nito, hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang umasa sa sinasabi nito.
'Sa ngayon ayokong isipin ang dahilan ng pagtulong mo sakin Delifico.... tama ka. Dahil kung sino man ang nasa kalagayan mo at nalaman ang lahat sakin sigurado ako na tutulungan din nila ako kagaya ng ginagawa mo..'
"Sige na matutulog na 'ko, itatabi ko na lang 'to bukas ko na lang kakainin." Nakangiting sabi niya saka binawi ang kamay dito. Tumingkayad siya at nilagay sa ilalim ng kama ang box. Muli niyang binalingan ang binata, nakatitig pa rin ito sakanya.
"Bakit?" Takang tanong niya dito.
"Masaya lang ako na nakakausap na kita ng ganito hindi kagaya noon na palagi mo akong tinatakot...." Sabi nito, nakita niya pang kumibot-kibot ang labi nito pagkuway nag-iwas ng tingin sakanya.
"Sobrang ganda mo...." Nakangiting bulong nito pagkuway tumayo. Siya naman ang nag-iwas ng tingin dito nang marinig niya ang bulong nito.
'Awkward...'
"G-goodnight.." Sabi niya saka humiga patalikod sa direksyon nito. Pinakiramdaman naman niya ito, nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman niya ang kumot sa katawan.
"Goodnight Sandra...." Narinig niyang sabi nito, bahagya siyang ngumiti pagkuway dahan-dahang pumikit.
"Siyanga pala...."
Bahagyang kumunot ang noo niya nang marinig ito pero hindi na siya nag-abala pang dumilat.
".....naaalala mo ba 'yung gabing muntikan ng may mangyari satin?"
Doon na siya tuluyang dumilat, nanlaki ang mata niya.
'Shet! Akala ko nakalimutan niya na!'
Naramdaman niya ang pag-angat ng dugo sa mukha niya nang maalala ang gabing 'yon. Pakiwari niya ay mabilis na dumaloy ang dugo niya at may kung anong bagay na dumapo sa sikmura niya..
"Wala lang. Gusto ko lang maalala mo baka kasi kinalimutan mo.... dahil ako, hindi ko nakakalimutan 'yon."
Umawang ang labi niya habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa unan.
"Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon hindi mo na ako mapipigilan. At kapag naulit 'yon sisiguruhin ko na wala ng makaka-istorbo sating dalawa...."
'Anak ng! Seryoso siya sa sinabi niya?!'
"Goodnight.... don't worry hindi ka mapupuntahan ng lalaking 'yon ngayong gabi. Sisiguruhin kong mauubos muna sa mukha niya ang hawak ko bago siya makalapit sayo.."
Nanatiling wala siyang imik. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang bumukas ang pinto ng kwarto niya at muli ring nagsara. Dahan-dahan niyang binuga ang hangin na naipon sa dibdib niya. Hindi niya alam na pati paghinga niya ay huminto sa sinabi ito. Umayos siya ng higa at tumingin sa pintong nakasara.
'Anong ibig sabihin niya don? Inaasahan niyang mangyayari uli 'yon saming dalawa?!'
Natawa siya ng mahina. "Malabo..."
"IHA baka naman namamalikmata ka lang. Halata naman sa kilos niyan na may deperensya talaga siya eh."
Umirap sa hangin si Julie sa sinabi ng ama pagkuway matalim na tumingin sa ibaba kung saan nakaupo sa damuhan si Sandra na nakatulala sa kawalan.
"Sinasabi ko sayo Dad na hindi totoong may deperensya ang babaeng 'yan. Sigurado ako na may alam siya sa balak nating dalawa." Nakataas ang kilay na sabi niya.
"So, pano mo naman mapapatunayan kung ganon? Alalahanin mo ang kalaban natin dito ay si Kiko."
Tumaas ang sulok ng labi niya at binalingan ang ama. Nakaupo ito sa swivel chair habang humihigop ng kape.
"Narinig ko ang pag-uusap niyong dalawa ni Mr. Cain."
Natigilan ang matanda at matiim na tinitigan siya.
"Anong narinig mo?"
Nakangising kinuha niya ang isang upuan saka umupo doon.
"So, malaki pala ang kasalanan sakanya ni Don Kiko at Don Felimon." Nakangising aniya sa ama. Bahagyang kumunot ang noo nito pagkuway tumingin sa pinto at sakanya.
"Nandiyan ba si Delifico?"
Umiling siya dito. "Wala, umalis kaninang umaga."
Huminga ito ng malalim pagkuway sumandal sa swivel chair.
"Ayokong malaman ng kahit na sino ang tungkol kay Mr. Cain maliwanag ba Julie? Kahit na si Delifico." Malamig na sabi nito sakanya.
"Of course... you can trust my word dad." Nakangiting sabi niya sa ama. Huminga ito ng malalim pagkuway tumingin sa malayo.
"Ngayong buwan ay darating si Don Fred kasama ng ilang senior. Maghanda ka dahil dito ang destinasyon nila. May mga mahalaga kaming pag-uusapan..."
Tumango siya sa ama. "So, papayagan mo na ba akong gawin ang gusto ko kay Sandra dad?"
Tumingin ito sakanya. "She's all yours Julie... kami na ang bahala kay Kiko."
Natutuwang sumandal siya sa upuan.