"Manang iwan mo muna kami ni Sandra dito..."
Natigilan si Sandra nang marinig ang boses ni Julie sa bungad ng pinto ng kusina. Pinaghahain siya ni manang ng makakain ng pumasok ito, duda siya sa tono ng pananalita nito. Muling nagkaroon ng munting kaba ang dibdib niya dahil wala si Delifico.
"Ah...s-sige po maam." Ani manang at mabilis na lumabas ng kusina. Naramdaman naman niya si Julie sa tabi niya, mula sa gilid ng mata ay nakita niyang naglakad ito papunta sa lababo.
"So, how are you sis? Ilang araw din kitang hindi nakakausap.." Tanong nito, natigilan siya nang makitang kinuha nito ang kutsilyo sa tabi ng kalan. Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng bestida.
'Delifico.... nasan kana?'
Humarap sakanya si Julie habang nasa isang kamay nito ang matulis na kutsilyo.
"Kakaiba ka rin no? Kahit na baliw ka, nagagawa mo pa ring akitin ang boyfriend ko." Nakangising sabi nito at huminto sa paglapit sakanya.
"...oh baliw ka nga ba?" Dugtong pa nito. Hindi niya napigilan ang pagkurap ng mga mata.
"Well, sabagay kahit naman ako ang nasa kalagayan mo at walang sino mang ang naniniwala sayo magbabaliw-baliwan talaga ako hindi ba? Napaka-smart mo talaga sis.." Natatawang sabi nito.
'Magpapanggap kapa na baliw eh may sira na talaga 'yang ulo mo gaga!'
"Siguro ginagawa mo 'yan dahil inaakala mo na sa amin pa ang nanay at kambal mo hindi ba?"
Doon na siya tuluyang natigilan. May kung anong sumiklab sa dibdib niya at gusto niyang patayin ang kaharap.
"Well you're right sis. Si Sandro..... si Donya Juanita. Hayy... biruin mo tumagal sila sa kamay namin ng halos limang taon."
Nanginginig na tumingin siya dito.
"H-hayop ka...." Halos hindi lumabas sa bibig niya ang tinig na 'yon. Natigilan ito at unti-unting tumawa ng malakas. Nilapag nito ang kutsilyo sa tabi nito at nilapitan siya.
"So tama nga 'ko...." Nakangising sabi nito nang tumabi ito sakanya. Napasinghap siya nang bigla nitong hilahin ang buhok niya mula sa likod.
"Kung sila maloloko mo ako hindi..." Bulong nito sakanya habang hawak ng mahigpit ang buhok niya. Matigas ang tingin na hinila niya ang sarili mula dito.
"Bitawan mo 'ko hayop ka!" Matigas na sabi niya dito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak mula sa buhok niya.
"Saan mo tinatago ang mga iniwan ni dad?"
Sarkastikang tumawa siya. "Wow... ulitin mo nga uli sinabi mo? Dad? Pagkatapos ng kahayupang ginawa mo may karapatan ka pa palang tawaging ama ang ama ko?!" Hindi niya mapigilang sumigaw sa mukha nito.
"Julie?"
Natigilan sila nang marinig ang boses na 'yon.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Cedrick. Binitawan naman ni Julie ang buhok niya at saka lumapit sa bagong dating.
"Ayan, 'yang magaling mong ex hindi talaga totoong baliw.."
Bumaling naman sakanya si Cedrick at unti-unting ngumisi sakanya.
"Talaga?" Anito at akmang lalapit sakanya. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo at itinapat sa mga ito.
"Subukan niyo! Papatayin ko kayo!" Nanginginig ang hawak niya sa kutsilyo. Natawa naman si Cedrick at tumabi kay Julie.
"Drop that knife Sandra, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Banta ni Julie.
"At hindi mo rin magugustuhan kapag tinarak ko ang kutsilyo na 'to sa lalamunan mo! Anong ginagawa niyo kina mama?!"
Tumawa naman ito at ningisihan siya. "Pano kung sabihin ko sayong buhay pa sila?"
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa kutsilyo. Lumuwag ang pakiramdam niya sa narinig mula dito. "N-nasaan sila?"
"Nasaan muna ang hinihingi namin ni dad? Hangga't hindi mo ibinibigay 'yon patuloy na mapapahamak sila Sandro at Juanita."
"Ang kapal ng mukha mo!!" Sigaw niya.
Nakangising humalukipkip ito at tinitigan siya. "Hindi mo 'ko madadala sa ganyan Sandra lalo't wala ka namang kakampi dito. Inaasahan mo ba si Delifco na babalik dito? Nagkakamali ka... actually siya ang nagsabi sakin na nagkukunwari ka lang."
Natigilan siya sa sinabi nito. Parang piniga ng pino ang puso niya sa narinig, unti-unting humigpit ang hawak niya sa patalim.
"He's interested to your money Sandra. Ngayon, kung sakaling malaman mo kung nasaan ang kambal at ang ina mo may magagawa ba kayo para makatakas samin? Lalo't hindi lang pala kami ang kalaban mo dito..."
Unti-unting gumulong ang luha, hindi niya gustong maniwala dito. Hindi.....
Tumingin siya kay Cedrick pagkuway sa babaeng inaakala nilang pamilya nila. Dahan-dahan niyang binitawan ang hawak, gumawa 'yon ng ingay ng bumagsak 'yon sa sahig.
"Ang kapal ng mukha mo..." Malamig na sabi niya dito. Wala ring silbi kung patuloy siyang lalaban, lalo't ang taong inaasahan niya ay unti-unting winasak ang tiwala niya. Lumapit naman sakanya si Cedrick at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Isunod mo siya sakin honey..." Ani Julie at naunang lumabas sa kusina. Pilit niyang hinila ang braso mula sa pagkakahawak ng lalaki ngunit humihigpit lang ang hawak nito sakanya. Nakangising inamoy nito ang gilid ng tenga niya. Lumayo siya dito at sinampal ito.
"f**k!" Mahinang mura nito at hinablot ang gilid ng buhok niya.
"B-bitawan mo 'ko hayop ka!" Galit na sigaw niya. Hinahanap niya sa buong paligid si manang ngunit hindi niya ito makita. Halos makaladkad na ang mga paa niya paakyat ng hagdan. Humihikbi na nakakapit siya sa braso ni Cedrick dahil buhok lang niya ang hawak nito.
"Dala mo ba 'yong sinabi ko sayo?" Narinig niyang sabi ni Julie. Kinabahan siya nang makitang patungo sila sa library.
"L-let me go! Manang!!" Sigaw niya habang pilit na kumakawala dito. Dinagsa ng matinding takot ang dibdib niya nang makarating sila sa library. Umawang ang labi niya nang makita ang nakabukas na maliit na pintong 'yon. Nasanay siya sa makitid ang maruming lugar na 'yon ngunit hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya ngayon.
"Baba!" Sigaw ni Cedrick habang tinutulak siya pababa sa makitid na lugar na 'yon. Matigas na umiling siya sa mga ito.
"H-hindi! B-bitawan niyo 'ko Julie! 'Wag mong gawin sakin 'to!" Humihikbing sigaw niya, ngunit tinulak siya ni Cedrick dahilan para malaglag siya. Napaigik siya nang tumama sa kung anong matulis na bagay ang tagiliran niya. Sinapo niya ang tagiliran.
Humagulgol siya nang makita ang dugo sa palad. Nanginginig na nag-angat siya ng mukha.
"H-hindi.... p-para niyo ng awa.." Bigkas niya at pinilit ang sarili na tumayo. Ganon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang isang munting sakot na hawak ni Julie.
"N-no.... no please no!!" Halos mag-histerikal siya nang makita ang mga ahas na pinakawalan nito. Nanginginig ang buong katawan na sumiksik siya sa sulok.
"Don't worry hindi ka naman agad mamatay sis..." Tumatawang sabi nito habang binubuhos sakanya ang laman ng sako. Pumikit siya ng mariin nang maramdaman ang paghaplos ng mga ahas sa balat niya, ang iba ay nakasabit pa sa balikat niya.
"M-mom!" Humahagulgol na sigaw niya, pinilit niyang tumayo sa kabila ng panlalabo ng mata dahil sa luha.
"J-julie please! Tama na!"
Isinabit niya ang isang kamay sa taas para muling makaakyat. Napahiyaw siya nang biglang isara ng malakas ni Julie ang pinto at naipit pa ang kanyang kamay. Nanghihina na muli siyang umupo sa sulok, kahit na bumaha ng dilim sa paligid niya ay ramdam niya ang paggapang ng hayop sa katawan niya. Humihikbing pilit niyang inaalis ang mga 'yon sa katawan niya. Napapikit siya ng mariin nang maramdaman ang pagdampi ng tuklaw na 'yon sa binti niya. Nanghihinang inalis niya 'yon sa binti niya.
"Delifico....."
"Delifico...."
Napalingon si Delifico sa likod nang marinig ang munting tinig na 'yon.
"Bakit?" Takang tanong niya sa mga kaibigan na naglalaro ng bilyar.
"Anong bakit?" Tanong ni Ellifard habang nakatingin sa baraha.
Kunot ang noo na kinuha na lang niya ang beer in can sa refrigerator saka 'yon sinara at lumapit sa mga kaibigan.
"Tawag niyo 'ko eh..." Aniya habang binubuksan ang can na hawak. Sinilip niya ang baraha ni Maxeau, napangisi siya nang makita na tinutupi nito ang jack na heart.
"Daya ng isa dito oh..." Natatawang sabi niya saka lumapit kay Ellifard.
"Oi hindi ah!" Angal ni Maxeau sabay tago ng baraha. Binalingan naman niya si Ellifard.
"Oi malapit na birthday mo ha? Aalis ba kayo ni Miss Tan?"
Nagkibit-balikat naman ito saka nilapag sa top rails ang huling baraha. Kinuha nito ang stick kay Serionifo at bridge head moose.
"Pupunta siya sa concert ayoko namang mapuyat siya kung magce-celebrate pa kami ng birthday ko." Anito saka tumira. Nakangiting sinipa niya ang binti nito.
"Seryoso talaga siya..." Natatawang sabi ni Thartarus.
"Aba dapat lang no..." Sabat ni Tunaco na nakatungtong ang baba sa dulo ng stick na hawak. Naiiling na tinungga niya ang hawak.
"Oh 'diba niyaya ka ni Grey? Pumayag kana, kayong dalawa ni Eros hindi talaga kami gustong makasama kapag birthday niyo. Nakakatampo kayo ah..." Angal ni Maxeau.
"Kahit naman ako eh, lalo't kasama si kulot." Natatawang sabi ni Clifford. May kinuha ito mula kay Thartarus, kagaya ni Eros saglit na lang ito kung pumunta sa underground.
"Hate you!" Ani Maxeau.
Tumingin siya sa orasan, alas-otso pa lang ng umaga. Kahapon ay nagkaroon ng emergency sa isa niyang branch sa ortigas. Hindi naman niya pwedeng ipagpa-sawalang bahala 'yon, kaya kahit na atat siyang makita si Sandra hindi siya nakapunta sa mansion nito kahapon.
'Dikaya galit 'yon dahil hindi ako nakarating kagabi?'
Bumuga siya ng hangin at tinapon sa sulok ang can.
"Tignan mo 'to si Delifico, walang awa sa inang kalikasan. Isusumbong kita kay mama Grey!" Sabi ni Maxeau. Hindi niya pinansin ito.
"I have to go guys...." Sabi niya sa mga ito saka tinalikuran ang mga ito.
"San ka pupunta honey?" Natatawang tanong ni Thartarus. Tinaas niya ang gitnang daliri dito saka siya sumakay sa munting bilog. Nang makaakyat na siya ay nakasalubong niya pa si Grey.
"Oh san ka pupunta?" Tanong ni Grey sakanya.
"Sa mga Montanez. Akala ko mamaya kapa dito?" Takang tanong niya. Bumuga ito ng hangin saka namulsa.
"Hindi sumipot sa meeting si Don Kiko, kahapon pa daw hindi umuuwi sabi ni Don Augusto."
Kumunot ang noo niya.
"Bakit? Nasaan daw?" Takang tanong niya. Nagkibit-balikat ito.
"Out of town? I dunno..."
Tumango-tango naman siya.
"Sige dito na 'ko..." Aniya saka nilagpasan ang kaibigan. Nasa pinto na siya nang muli niyang balingan si Grey.
"Siyanga pala nagkalat ng can si kulot sa baba." Nakangising sabi niya, nanlaki ang mata ni Grey.
"What the f**k!"
Natatawang lumabas siya sa pinto. Tahimik sa club ni Grey, patong-patong ang mga mesa. Nakasalubong niya si Nixx na may hawak na tools.
"Uuwi kana?" Tanong nito. Tumango siya dito.
"Sira na naman stereo mo? Palitan mo na kaya 'yan." Aniya dito. Nagkibit balikat ito.
"Ayoko, may sentimental value sakin ang stereo na 'yon. Mawawala ako kapag iniwan niya 'ko."
Nakangiwing inilingan niya ito.
"Ewan ko sayo, nagmamana kana kina Maxeau." Natatawang sabi niya at tinallikuran ito. Mabilis ang hakbang niya habang papunta sa parking lot area. Nakarating na siya sa kinapaparadahan ng sasakyan nang maisipan niyang bilhan si Sandra. Muling sumilay ang ngiti sa labi niya nang maalala ito, binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaandar 'yon.
'Kumain na kaya siya? Sabagay nandon naman si manang, sigurado ako na hindi siya pababayaan ni manang...'
Muling umalingawngaw sa tenga niya ang boses nito. Hindi niya alam kung bakit habang tumatagal ay parang ayaw niya ng lumayo sa dalaga. Gusto niyang palaging nakikita ito kahit pa nararamdaman niya ang pag-aalinlangan nito sakanya.
'Wag kang mag-alala Sandra.... malapit ng matapos ang problema mo. Makakalaya kana mula sakanila..'
Napangiti na lang na tumingin siya sa labas ng bintana. Natigilan siya nang makita ang malaking mall, naisipan niyang ihinto muna sa parking lot. Mukhang dito na lang niya bibilhan ang dalaga. Baka may makita siyang bagay na magugustuhan nito. Pagbaba niya ng kotse ay pumasok siya sa mall. Tumingin-tingin siya sa paligid, mukhang maraming tao ngayon kahit na wednesday pa lang. Natigilan siya nang makita ang ilang bulaklak na plastic lang. Muli niyang nilibot ng tingin ang mga store ngunit wala siyang nagustuhan. Naisipan niyang umakyat sa ikalawang palapag at tumingin-tingin doon. Nakita niya ang ilang stuff toys.
"Kaya lang baka hindi niya magustuhan..." Bulong niya at muling tumingin sa iba pang store. Natigilan siya nang makita ang isang jewelry shop. Lumapit siya don at tumingin sa mga estante. Isa sa mga nakaagaw pansin sakanya ay ang necklace na puso habang sa gitna non ay isang bituin. Napatingin din siya sa isang bracelete.
"Good morning po sir.." Nakangiting sabi ng saleslady sakanya.
"Patingin ng necklace..." Aniya dito. Kinuha naman ng saleslady ang isang black elegant na box. Napatingin siya sa bracelete.
"How about this? Patingin na rin nitong isa." Sabi niya pa.
"Delifico?"
Napalingon siya nang marinig ang boses na 'yon.
"Oh Romeliza..." Nakangiting sabi niya saka tumingin sa bandang likuran nito.
"Ah hindi ko kasama si Ellifard." Sansala nito. Tumango-tango naman siya, palagi kasing nakabuntot ang kaibigan niya dito eh.
"Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Namimili ka rin?" Tanong niya.
"Ah sir... ito na po." Sabat ng saleslady. Binalingan niya ang saleslady, parang nakikinita niya sa isip na suot ni Sandra ang necklace.
"Ah.... Romeliza sa tingin mo? Anong maganda?" Tanong niya habang nakatingin sa dalawang box.
"Mas maganda 'yung necklace." Narinig niyang sabi nito. Tumango-tango naman siya, bagay talaga 'yon kay Sandra.
"Girlfriend mo ba 'yung reregaluhan mo?" Tanong nito sakanya. Natigilan naman siya.
"Hindi... may nagpapabili lang." Aniya saka umayos ng tayo.
"Ano siya sini-swerte..." Bulong niya. Baka kung anong isipin no'n sakanya kapag niregaluhan niya ito.
'Tama na sakanya ang chocolate no..'
"Siyanga pala.." Aniya at humarap si Romeliza. "Anong plano niyo ni Ellifard?"
Kumunot ang noo nito.
"Plano para saan?"
"Hindi mo alam? Birthday ng lokong 'yon next month. Mag-ta-travel ba kayo or what? Hindi naman kasi nagse-celebrate ang lalaking 'yon eh."
Natigilan ang kaharap niya.
"Kailan 'yon?" Takang tanong nito sakanya.
Kumunot naman ang noo niya. So, hindi sinabi ni Ellifard dito? Baliw talaga ang lalaking 'yon. "Hindi niya nasabi sayo? Sa May 15 birthday niya ah.."
"Hindi niya nabanggit sakin eh." Mahinang sabi nito. Tumango-tango naman siya.
"Ah I see, sige.... dito na pala ako Romeliza." Paalam niya dito at binalingan ang saledlady. "....salamat miss."
"Ah sandali lang Delifico... ano nga palang favorite gift ni Ellifard?" Tanong uli ni Romeliza. Kunot-noong binalingan niya ito.
"Favorite gift non? Ahm...." Nag-isip naman siya. "Ah! 'Yung black journal notebook! Napansin ko kasi palagi niyang tinitignan 'yon kapag pumupunta kami sa bookstore ni Rhedentor. Akala ko nga bibilhin niya pero sabi niya ang gusto niyang bumili non ay ang taong importante sakanya. Either his mom or Veronica and Cathiya." Aniya dito saka ito tinignan.
"Pwede ring ikaw..." Dugtong pa niya.
"San ba nabibili 'yon? Samahan mo naman ako, may pupuntahan kaba?"
"Are you sure? Mahal ang black journal na 'yon. Five thousand pesos, hindi ko alam kung saan kinuha 'yon ni Rhedentor at ganon kamahal." Natatawang sabi niya dito. Ngumiti lang ito sakanya habang humihigpit ang hawak sa wallet.
"Ayos lang gusto ko siyang bilhan ng gift. Pwede ba 'kong magpasama sa'yo?"
Tumango naman siya dito. "Sure..."
"Sandali lang ha? Magpapaalam lang ako kay Marie." Sabi nito sakanya, tumango naman siya. Nang tumalikod na ito ay napailing na lang siya.
"Loko talaga ang lalaking 'yon, hindi man lang sinabihan ang girlfriend niya." Natatawang bulong niya. Muli siyang bumaling sa jewelry na 'yon at tinitigan ang necklace na 'yon.
"Miss, 'yung necklace nga. Gandahan mo 'yung balot ha?" Nakangiting sabi niya sa saleslady.
"Sure sir..." Nakangiting sabi nito saka kinuha sa loob ng estante ang jewelry box. Napapailing na kinuha niya ang wallet sa likod ng pantalon at inabot sa saleslady ang credit card. Ilang sandali pa ay inabot na sakanya ng saleslady ang binili. Napailing na lang siya nang mapagmasdan ang hawak. Bigla namang tumunog ang cellphone niya, kinuha niya ang cellphone mula sa loob ng bulsa.
"Si Julie?" Bulong niya saka sinagot ang tawag.
"Hello?" Bungad niya, kumunot ang noo niya nang ugong lang ng hangin ang narinig niya kasunod non ay ang boses na parang hinihingal.
"S-sir Delifico?" Sabi ng munting boses na 'yon. Nagsalubong ang kilay niya.
"Sino 'to?"
"Si ma-manang... t-tulungan mo k-kam-----
Nailayo niya sa tenga ang cellphone nang mawala ang nasa kabilang linya. Napatitig siya sa kawalan habang inaalisa sa isip ang narinig kanina. Hindi niya alam kung bakit may umusbong na kaba sa dibdib niya. Nagmamadaling lumingon siya sa paligid, saktong nakita niya niyang papalapit na sa direksyon niya si Romeliza. Sinalubong niya ito.
"Ah, hey pwedeng mauna muna ako ngayon? May kailangan lang akong puntahan." Nagmamadaling sabi niya dito. Tumingin ito sa mukha niya.
"Ganon ba? Sige ayos lang." Nakangiting sabi nito.
"Salamat, tawagan na lang kita pagkatapos nito." Sabi niya at nagmamadaling tumalikod. Habang palabas siya ng mall ay patindi ng patindi ang kaba niya.