Chapter Seventeen

1953 Words
"Julie?! Julie?!" Panay ang tanaw ni Delifico sa malaking mansion. Ilang ulit niyang pinindot ang doorbell sa gilid ng malaking gate habang tumatanaw sa loob. Ilang sandali pa ay nakita niya si Julie na palabas ng mansion. Kumunot ang noo nito nang makita siya. "Oh hon..." Anito at pinagbuksan siya ng gate. "Kanina pa 'ko dito bakit hindi mo 'ko pinagbubuksan?" Aniya habang sumisilip sa loob. "I'm sorry, nag-aasikaso kasi ako sa kusina. Wala na kasi si manang." Napatingin siya dito. "What?!" Bumuga ito ng hangin. "Sinama ni Don Kiko para may alalay si Sandra. Well, kay manang lang naman kasi komportable 'yan si Sandra bukod kay Cedrick." "Wait, wait, what do you mean? Wala dito si Sandra?" Gulat na tanong niya. Ilang sandali itong tumitig sakanya pagkuway tumango. "Yes. Dinala siya ni Don Kiko kaninang umaga, matagal na talagang pinagplanuhan ni Don Kiko na dalhin si Sandra sa state para mas mapadali ang recovery niya. Kasama din nila si Cedrick." Sabi nito. Hindi niya alam kung ilang beses siyang kumurap pagkuway tumingin sa mansion partikular sa itaas. 'She leave me? Pero imposible 'yon....' Binalingan niya si Julie at ilang sandaling tinitigan ito. "Kung ganon ikaw lang pala ang nandito?" Nakangising sabi niya. Tumaas naman ang sulok ng labi nito at ikinawit ang braso sa leeg niya. "Yes.... so, kaya kaba pumunta dito dahil sakin?" Natawa siya ng mahina at pinulupot ang braso sa bewang nito. "Oo naman, may iba pa ba akong dapat puntahan dito?" "Lately kasi palaging si Sandra na lang ang hinahanap mo... nagseselos na 'ko." Nakangusong sabi nito. "Ngayon hindi na.... papasukin mo ba 'ko?" Aniya dito. Ngumiti naman ito at tumango saka siya hinila papasok sa mansion. Pasimple niyang nilibot ng tingin ang buong paligid. "Nasaan ang dad mo?" Tanong niya kay Julie. "Ayon, out of town din." Sabi ng dalaga habang panay ang hila sakanya. "Hey..." Bumaling ito sakanya. "...would you like to eat first?" "Nah, i'm full.." Sabi niya dito. Nang-aakit ang ngiti na hinila naman siya nito paakyat ng hagdan. Pasimple siyang tumingin sa kwarto ni Sandra, nakasara ang pinto nito at hindi niya tiyak kung nandito ba ang dalaga. Malakas ang pakiramdam niya na may nangyari kanina, pati na rin ang tumawag sakanya alam niyang boses 'yon ng matanda. Pagpasok nila sa loob ng kwarto ay humarap agad sakanya si Julie at akmang aabutin ang labi niya. Mabilis siyang lumayo dito. "Gusto ko munang mag-shower hon." Nakangiting sabi niya. Nakangiting kumalas ito sakanya at naupo ito sa paanan ng kama. "Sure hon, i'll wait for you." Dumeretso naman siya sa banyo saka sinara ang pinto sa likuran. Kinuha niya ang maliit na animo'y spray sa likod ng suot niyang pantalon at saka sumilip sa labas. Nakita niyang abala sa paghubad ng damit si Julie, mabilis niyang ini-spray ang hawak sa labas saka sinara ang pinto. Ilang minuto ang binilang niya bago siya muling lumabas. Nakita niyang nakahiga na si Julie sa kama, hindi pa nito halos nahuhubad ang suot nitong damit. Walang emosyon na lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa kabila. "Sandra?" Tawag niya sa pangalan nito ngunit madilim na kwarto lang ang sumalubong sakanya. Muli siyang lumabas at tumingin sa magkabilang pasilyo. 'Nasan kana?' Napatingin siya sa kanang bahagi ng pasilyo nang marinig ang kaluskos na 'yon. "Sandra?!" Um-echo sa buong mansion ang boses niya, humakbang siya papunta sa pinanggalingan ng kaluskos na 'yon. Natigilan siya nang makita ang tumakbo na 'yon. Napabilis ang paghakbang niya at sinundan 'yon. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya nang biglang magsara ang isa sa pinto ng mga nakahilerang kwarto. Unti-unti siyang pumunta don at tumapat sa pintong 'yon. Binuksan niya 'yon, napagtanto niyang library pala 'yon. Hinanap niya ang taong tumakbo na 'yon. 'Nasan na 'yon?' Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa malaking lamesa na gawa sa matibay na kahoy. Natigilan siya nang maramdaman ang matigas na bagay na 'yon mula sa paanan. Yumukod siya at kinapa ang makapal na carpet. 'Hay... buti na lang at nandito si sir Delifico. Kung nagkataong wala siya, sigurado ako na hindi lang pananakit ang gagawin sa'yo ng babaeng 'yon. Baka ikulong kapa uli niya sa basement.' Napakurap siya nang maalala 'yon. Mabilis siyang umayos ng tayo at itinulak ang malaking lamesa, may pagmamadali na binuklat niya ang carpet. Tumambad sakanya ang munting pinto na 'yon. Naka-lock 'yon, nilibot niya ng tingin ang buong paligid. Nakita niya ang isang baseball bat, kinuha niya 'yon at ilang beses na sinira ang lock na hindi naman kalakihan. Nang masira 'yon ay mabilis niyang binuksan ang munting pinto na 'yon. Natigilan siya sa nakita. "S-sandra..." May kung anong bumara sa lalamunan niya nang makita ang ayos nito. Nanginginig ang katawan na umupo siya sa tabi. "Sandra.... wake-up.." Aniya dito habang inaabot ito, unti-unti itong nag-angat ng tingin sakanya. Namumutla na ito. 'f**k!' Ikinawit niya ang mga paa at saka bumaba, may kung anong pumiga sa puso niya nang makita ang ilang ahas na gumagapang sa katawan nito. "f**k! f**k f**k!" Pa ulit-ulit na mura niya, hinawakan niya sa braso ang dalaga at inalalayan itong umakyat. Sumunod siya dito at tinanggal sa mga katawan nito ang ahas. Ang iba ay nakapulupot sa binti at braso nito. Kuyom ang kamao na tumingin siya sa mukha nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. "Hey... I'm sorry." Nag-iinit ang sulok ng mata na sabi niya dito. Hindi naman ito sumagot. "f**k!" Binuhat niya ito, muli siyang napatingin sa dalawang ahas na 'yon. Gamit ang isang kamay ay kinuha niya 'yon. Bitbit niya ang dalaga na bumalik sila sa kwarto ni Julie. Pagdating nila don ay tulog pa rin ito, nilapag niya sa higaan nito ang dalawang ahas na hawak pagkuway lumabas na ng kwarto nito. Inayos niya sa pagkaka-karga si Sandra at binalingan ito. "Sandra naririnig mo pa 'ko diba?" Kinakabahang sabi niya dito ngunit nanatiling nakapakit pa rin ito. Nagmamadaling bumaba sila ng hagdan, pagdating nila sa labas ng gate kung saan nakaparada ang kotse niya ay mabilis niyang inihiga sa likod ang dalaga. Hinaplos niya muna ang pisngi nito at nagmamadaling lumipat sa harap. Saglit niyang tinignan sa review mirror si Sandra pagkuway muling binuhay ang makina ng sasakyan. HINDI alam ni Delifico kung ilang oras siyang nakatitig kay Sandra. Minsan pa ay tinitigan niya ng mabuti ang paghinga nito. Sinapo niya ang ulo at mahigpit na napasabunot sa buhok. 'f**k! Kung hindi ako dumating baka nahuli na ang lahat!' "D-delifico?" Mabilis siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses na 'yon. Tumayo siya at lumapit sa tabi ng dalaga, hinawakan niya ang palad nito at pinisil 'yon. "Wala bang masakit sayo? Are you okay? What do you want?" Sunod-sunod na tanong niya dito. Ilang sandali itong tumitig sakanya, napansin niya pa ang pamumula ng sulok ng mata nito. "D-Dumating ka, akala ko iniwan mo na 'ko..." Usal nito kasabay ng pagbagsak ng luha sa gilid ng mata nito. Banayad na hinaplos niya ang ulo nito. "Of course not, nagkaroon ng emergency sa isang branch ko sa Ortigas kaya hindi ako nakarating. Hindi ba nangako ako sa'yo na hindi ako aalis sa doon nang hindi ka kasama?" Dahan-dahan itong tumango pagkuway pumikit. "Salamat Delifico..." Bulong nito pagkuway pinisil ang palad niya. Patuloy naman siya sa paghaplos sa buhok nito. "Sandra..." Tawag niya sa pangalan nito ngunit hindi na ito sumagot. Mukhang nakatulog na naman ito. Kahit papano ay mababawasan na ang mabigat na paghinga niya. Hindi niya napigilan ang sarili na halikan ang noo nito pagkuway ayusin ang kumot nito sa katawan. Saktong tumunog ang cellphone niya, mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa sa pag-aalalang baka magising ang dalaga. Lumabas siya ng room saka sinagot ang tawag. "Delifico-ddy!!" Nailayo niya ang cellphone nang marinig ang malakas na sigaw ng nasa kabilang linya. Nakangiwing muli niya 'yong binalik. "Ba't napatawag ka?" Kunot-noong tanong niya sa kaibigan. "I have a good news for you.." Ani Maxeau sa kabilang linya, naririnig niya pa ang pagta-tap ng mga keyboard sa kabilang linya. Tumingin muna siya sa pinto ng room ni Sandra pagkuway bahagyang lumayo doon. "Ano 'yon?" "Julie Montanez or we should say Julie Montalban... she is the real daughter of Don Augusto and Vina Solebar. At alam mo ba na kagaya ng ginawa niya sa papa ni Sandra ganon din ang klase ng pagpatay na ginawa ni Don Augusto sa dati niyang asawa." Nagsalubong ang kilay niya. "Ibig sabihin totoong anak talaga ni Don Augusto si Julie? P-pero, panong nagawa niya 'yon sa dati niyang asawa?" "Because he's sick..." Natatawang sabi nito. "What?" "Nasa lahi na nila ang pagiging psycho... normal lang para sakanila ang magpahirap at pumatay ng mga tao. At according to my witness, nagkaroon daw ng ibang affair si Donya Vina at nalaman 'yon ni Augusto. Hindi nakapagpigil ang pobre pati asawa walang awa na pinaharapan at pinatay. At alam mo ba kung sino ang kabit ng asawa niya?" "Sino?" Tanong niya kahit pa may nabubuo nang hinala sa isip niya. "Ang dad nila Sandra na kumpare niya. Pero hindi niya agad ito pinatay, pinaako ni Don Augusto ang responsibilidad niya bilang ama kay Don Felimon. Sinabi nito na nagbunga ang relasyon nila ni Donya Vina. Mabilis na naniwala si Don Felimon na anak niya ang bata. May binabalak si Don Augusto, three birds in one stone kumbaga. Mapapasakanya na ang kayamanang matagal na nitong gusto, ang asawa ni Don Felimon pati na rin ang mapahirapan ang matanda at mapatay ito. In short, napag-isipan na ng matanda ang lahat. So.. Dahil anak ni Don Augusto si Julie hindi malayong namana niya ang ugali ng ama." 'f**k! Ako? Pumatol sa baliw?! Yuck. Kumuyom ang kamao niya. "Ang gagong matanda..." "Totoo 'yan!" Natatawang sabi ni Maxeau sa kabilang linya. "Pano mo nalaman lahat ng 'to?" Tanong niya kay Maxeau. "Magandang tanong 'yan Delifico-ddy! Bukod sa gwapo ako may angkin din akong talino. Kilala mo ba ang matanda sa mansion na nag-alaga kina Julie, Sandro at Sandra? Dating katulong 'yon ni Don Augusto at Vina." Kumunot ang noo niya. "Si manang? Inamin niya na sayo ang lahat?" "Yep, noong una ayaw talaga niyang sabihin sakin pero sa huli napapilit ko narin dahil sinabi ko na matutulungan natin siyang dalawa. She agreed, sinabi niya sakin ang lahat mula sa una at kung paano nagsimula ang panloloko ng pobreng matanda. Hindi ito makapagsalita dahil sa takot na papatayin siya nito." Bumuga siya ng hangin. Pakiramdam niya ay lalong nanlaki ang ulo niya sa narinig. Sigurado siya na mas lalong mahihirapan si Sandra kapag nalaman nito ang lahat. "At isa pa pala, kanina galing sa club si Cedrick." Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo nang marinig niya ang pangalan nito. "Anong ginawa ng hayop na 'yon?" Galit na saad niya. "Halos inakopa nila ang buong club kanina, tuwing may papasok pa nga na customer hinaharangan ng mga loko. Sinigawan pa si Nixx kanina at sinira ang stereo niya dahil lang hindi napagbigyan ang gusto nila. Ayun, pinatapon ni Grey sa labas nagbanta pa ang loko. Hindi nila alam na maling club ang napuntahan nila." "Ang yabang talaga ng gago, I swear kapag nakita ko ang pagmumukha niya ako mismo ang babasag sa bungo niya." Galit na sabi niya. Sa tingin pa nga niya ay may kinalaman ito sa pagkakakulong kay Sandra. Halos mandilim na naman ang paningin niya nang maalala ang ayos ni Sandra nang makita niya ang ayos nito sa lugar na 'yon. "So, by for now oppa!" Natatawang sabi ni Maxeau sa kabilang linya pagkuway pinatay ang tawag. Sinuksuk niya sa bulsa ang cellphone at muling bumalik sa loob. Tulog na tulog pa rin si Sandra, umupo muna siya sa gilid pagkuway tinitigan ito. 'Hindi kana mapapahamak Sandra... ako mismo ang kikilos para sayo...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD