Chapter Eighteen

1644 Words
Matigas na umiling si Sandra nang muli na naman siyang susubuan ni Delifico ng mansanas. Inilayo niya ang bibig sa kamay nito. "Sandra kailangan mo nito para makabawi ka ng lakas." Nandidilat ang matang sabi nito. Umiling siya dito. "Busog na nga 'ko Delifico." Sabi niya dito. Umiiling na nilapag naman nito ang mansanas sa mesang nasa tabi ng hospital bed. Binalingan siya nito. "Wala ka na bang nararamdaman kahit ano?" Nakangiting sabi nito. Tumango-tango naman siya at ningitian ito. "Oo naman, salamat ha? Akala ko talaga iniwan muna ako. Muntik na 'kong maniwala sa sinabi ni Julie." Mapait na sabi niya dito. "Ano bang ginawa niya sayo?" Ilang beses siyang kumurap nang muling bumalik sa isip niya ang inamin ni Julie. Tumingin siya sa mata ng kaharap. "Delifico.... hawak nga nila ang kambal at mama ko. M-magkasabwat silang dalawa ni Cedrick nang patayin si papa.." Matigas na ani niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata nang maalala 'yon. She's useless, wala man siyang nagawa para mailigtas ito. Kumunot ang noo ni Delifico. "Si Cedrick? Kasabwat nila?" Pinilit niya ang sarili na 'wag mapahikbi. "N-noong gabi na hinahanap ko sila mama at papa, na-narinig ko na parang may ingay sa garden namin kaya nagpasya akong magtago sa pagitan ng malaki naming vase. Madilim sa part na 'yon kaya walang makakapansin sakin." Naramdaman niya ang muling paggulong ng luha sa mukha niya. Hinawakan nito ang kamay niya. "Sshhh.. it's okay, 'wag mo ng sabihin kung hindi mo kaya. I get it." Nakatitig na sabi ng kaharap niya. Bahagya siyang yumuko at pinunasan ang luha, muli siyang tumingin kay Delifico. "H-hindi ko alam kung b-bakit nangyari samin 'to Delifico...." She sobbed. "W-wala kaming i-inagrabyado na kahit na sino. A-ang gusto lang nila dad ay maging maayos kaming lahat." Hindi niya mapigilan ang mapahikbi sa harap nito. Ilang sandali itong kumurap habang nakatingin sakanya pagkuway nag-iwas ng tingin sa mukha niya. Gumapang ang palad nito papunta sa siko niya at dahan-dahan siyang hinila. Napakurap siya nang maramdaman ang pagpulupot ng mga braso nito sa katawan niya habang ang pisngi niya ay nakalapat sa dibdib nito. Unti-unting umusbong ang kabog sa dibdib niya ngayong malapit na malapit siya dito. "Walang kahit na sinong pwedeng makapanakit sayo Sandra hanggat kasama mo 'ko. Wala na..." Puno ng ka-seryosohan na sabi nito. "And please.... don't cry Sandra." Matigas ang tinig nito, napakurap siya sa sinabi nito. Akmang lalayo siya dito nang yakapin lang siya nito ng mahigpit. "Because that's my weakness. If you want to cry, just tell me and let me hug you...." Bahagyang lumambot ang tinig nito kasabay ng pagpisil sa balikat niya, may kung anong bagay na nalaglag sa sikmura niya dahil sa sinabi nito. Unti-unti niya itong tiningala. "Delifico...." Dahan-dahan naman siya nitong binitawan pagkuway bumaling sakanya. "Matulog kana anong oras na oh, baka mabinat kapa." Nakangiti ng sabi nito, tumayo na ito pagkuway pumunta sa mahabang upuan na nasa sulok. "D-diyan ka matutulog?" Tanong niya dito. Umupo ito doon saka hinubad ang itim na jacket na suot. Binalingan siya nito. "Oo, komportable ako dito 'wag kang mag-alala." Banayad niyang binuga ang hangin na naipon sa dibdib niya pagkuway pinanood ito. Humiga na ito at saka kinumot sa katawan ang jacket. "Gusto mo sa'yo na lang ang kumot ko? Malaki naman 'tong suot---- "No. Ikumot mo 'yan, mamayang madaling araw siguradong malamig na naman." Anito. Wala siyang nagawa kung hindi ang humiga. Nakaharap siya dito, hindi pa rin nawawala ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa sinabi nito. Bigla naman itong humarap sakanya. "Bakit? Hindi kaba makatulog?" Tanong nito nang mahuli siyang nakatingin dito. Bahagya siyang ngumiti saka umuling. "Wala, curious lang ako. Delifico ba talaga ang pangalan mo?" Ngumiti naman ito at umayos ng higa paharap sakanya. "Hmmm... my mother gave me a nickname when i was nine. It's creepy for me, leng-leng..... 'yon ang binigay niya sakin lalo't kapag nagagalit siya sakin." Natatawang sabi nito. Kumunot ang noo niya sa pangalang binanggit nito. "Saan kayo nakatira noong nine years old ka?" "Sa probinsya namin sa samar, napakasaya ko noong nasa probinsya kami. Naglalaro maghapon tapos papaulin ako ni mama kapag hapon na ako nakauwi sa bahay. Hindi ko naman malaro si Akashe sa bahay dahil sanggol pa lang siya noon. Tumatakas ako kapag may pagkakataon. Naalala ko pa non 'yong kalaro kong si San-san. Ang taray nga non palibhasa siga sa lugar namin at mukha pa kong tutubi noon. Walang araw na hindi pwedeng hindi niya ako mapagtripan. Pero lagi naman niya akong pinagtatanggol kapag inaaway ako ng mga bata samin." Natatawang sabi nito na para bang muling bumalik sa isip nito ang nangyari noon. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. "Tapos lagi niya 'kong tinatakot, lagi siyang humihimig kapag naglalakad kami sa kakahuyan. Naalala ko noong nagtagu-taguan kami, hinanap ko siya. Nagulat ako nang may makita ako babaeng nakaputi sa puno. Sigaw ako ng sigaw non madilim pa naman... don ako nagkaroon ng trauma sa dilim at babaeng nakaputi. Kinaumagahan nalaman ko na pinagtripan lang pala ako ni San-san, galit ako non sakanya. Hindi niya alam kung anong naramdaman ko non at kung anong naging epekto non sakin hanggang sa lumaki ako.." "Sa mama ko ang damit pangkasal na 'yon..." Dugtong niya dito. Nakita niyang natigilan ito pagkuway tumitig sakanya. "Sinabit ko sa puno 'yong pang-kasal ni mama saka ko nilagyan ng wig na galing sa kwarto ng tiyuhin kong bakla. Kasi natutuwa ako kapag nakikita ko ang mukha niya na takot na takot. Biruin mo limang buwan niyang sinakyan ang trip ko, pinagtatanggol ko siya kapag may nang-aaway sakanya dahil gusto ko ako lang gumawa ng ganong bagay sakanya. Ako lang dapat 'yung nang-aasar at nagpapaiyak sakanya. Kaya lang umalis na siya eh... hindi man lang ako nakahingi ng tawad." Ilang sandali itong tumitig sakanya pagkuway natatawang umupo. "Ikaw si San-san?!" Natatawang sabi nito. Natatawang tumango siya saka umupo sa kama. "At ikaw si Leng-leng, 'yung tutubing duwag." Natatawang sabi pa niya. "Whoah..." Hindi makapaniwalang sabi nito pagkuway nakangiting tinitigan siya. "....so, how are you?" "Dalawang araw pagka-alis niyo sinundo naman kami nila mom at dad kina lola, ina ni mommy. Dapat nga isang taon ang bakasyon namin sa Samar pero magiging busy daw sila mom kaya napaaga ang pagbalik namin sa maynila." "Akala ko magkahawig lang kayo ni San-san." Natutuwang sabi nito, nakikita niya pa ang pagkislap ng mga mata nito habang nakatingin sakanya. "Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Duwag kapa rin." Natatawang pang-aasar niya. Umiling-iling ito. "Hindi matapang na 'ko." Natatawang sabi nito. "Hindi duwag kapa rin eh." Natatawang sabi pa niya. Natigilan siya nang bigla itong tumayo at lumapit sakanya. "Uy joke lang---- Hindi siya nakahuma nang bigla siya nitong niyakap. Naramdaman niya pa ang pagdampi ng pisngi nito sa gilid ng leeg niya habang humihigpit ang yakap sakanya. "I can protect you anytime Sandra. Kaya na kitang ipagtanggol.... hindi na kita mapapabayaan." Nakangiting ini-angat niya ang mga braso at tinugon ang yakap nito. "DITO ang magiging kwarto mo. Kung may kailangan ka sabihin mo lang sakin nasa kabila lang ako." Nakangiting binalingan ni Sandra si Delifico, nakasandal ito sa hamba ng pinto. Nilapag niya sa sahig ang bag saka ito binalingan. "Salamat ha?" Nakangiting sabi niya dito pagkuway natigilan. Naalala niya bigla sila Julie. "....pero pano kung m-malaman ni Julie na nandito ako? Hindi ba siya pumupu---- "No. She won't find you. Kahit minsan hindi pa siya nakapunta dito." Nagtaka naman siya. "Hindi ba girlfriend mo siya? Imposible naman na hindi--- "She's JUST my girlfriend Sandra..." Matiim ang tingin na putol nito sakanya. Natigilan naman siya. ".... pero hindi ibig sabihin non may karapatan na siya sa meron ako ngayon." Tumango-tango naman siya saka ngumiti dito. "Sorry naman, sige.. magpapalit muna ako ng damit." Tumaas ang sulok ng labi nito saka umayos ng tayo. "Sumunod kana sa ibaba, I will prepare your lunch." Nakangiting sabi nito. "Pano ka? Hindi ka kakain?" Kinindatan siya nito. "Sabay tayo." Anito pagkuway tumalikod. Naiiling na sinara naman niya ang pinto ng kwarto at saka lumapit sa malaking kama. Banayad siyang bumuga ng hangin, pakiramdam niya ay napakagaan ng pakiramdam niya. Hindi katulad noong nandon pa siya sa mansion. Palagi siyang natatakot sa tuwing tumitingin sa pinto. Pakiramdam kasi niya ay anumang oras ay papasok ang mag-ama at may gagawin na naman sakanya. Kumuha siya ng damit sa bag na dala saka pumasok sa loob ng banyo. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na siya sa banyo. Kinuha niya ang suklay sa gilid ng bag pagkuway sinuklay ang buhok saka siya lumabas ng kwarto. Muli na namang kumabog ang dibdib niya sa isiping makakaharap niya si Delifico. Ilang beses siyang huminga ng malalim saka tinahak ang mahabang pasilyo. Maganda ang pagkaka-interior sa bahay ni Delifico. Pinaghalong modern at 90's style. Parang walang pinagbago sa mansion nila. Nang makababa na siya ay dumeretso siya sa kusina. Sa bungad pa lang ng pinto ay natigilan na siya, naabutan niyang naglalagay ng pinggan sa mesa si Delifico. "Marunong ka palang magluto?" Pukaw niya sa atensyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin sakanya. "Oh nandiyan kana pala." Nakangiting sabi nito saka nagpunas ng kamay sa suot na apron. "...halika na kain na tayo." Anito. Pumasok naman siya saka naupo sa upuan. "Self-study, ayoko kasing kumuha ng katulong." Sabi nito habang sinasandukan siya ng kanin. "Buti kaya mo? I mean, ang laki ng bahay mo tapos ikaw lang ang nandito." "Nah. Tuwing sabado may pumupunta dito para maglinis. Isa pa, minsan lang naman ako dito." Sabi nito saka natigilan at tinignan siya. "Pero tingin ko araw-araw na 'ko dito ngayong nandito ka." Nakangiting sabi nito sakanya. Nag-iwas naman siya ng tingin dito. Tinutok niya ang mga mata sa pinggan. "Oh ayan, masarap 'yan." Nakangiting nilapit nito sakanya ang isang mangkok ng ulam. Nakangiting tinignan niya ito pagkuway muling tinutok ang tingin sa sariling pinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD