"Sigurado kaba?"
"Yep, kinuha ko ang footage ng CCTV camera sa parking area kung saan nakaparada ang kotse ni Don Kiko." Sabi ni Maxeau habang nakatutok ang tingin sa laptop nito.
"Watch this." Anito pagkuway gumilid, tumingin naman siya sa laptop nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang matangkad na lalaki sa tabi ng kotse ni Don Kiko. Ilang sandali pa ay nakita niyang naglalakad na ang matanda papunta sa kotse nito nang bigla itong lapitan ng dalawang 'yon. Nakita niya pang nag-usap ang mga ito, lalong nagsalubong ang kilay niya nang basta na lang ito sumama sa dalawang 'yon.
"Hindi man lang siya tumutol?" Aniya.
"Sigurado ako na may sinabi ang dalawang 'yan kay Don Kiko kaya napapayag nila ang matanda. At isa pa, hindi lang basta-basta si Augusto.."
Kunot-noong binalingan niya si Maxeau. "What do you mean?"
Kinuha ni Maxeau ang isang folder na nasa tabi ng laptop nito saka nito inabot sakanya.
"Kapatid siya ni Don Fred at sa tingin ko magka-sosyo ang dalawa sa paghahanap sa kayamanan ng mga Montanez."
Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na bagay ang pumatong sa ulo niya.
"Siguradong malaking gulo 'to 'pag nagkataong makanti natin ang isa man kina Julie at Don Augusto." Sabi ni Maxeau.
Madilim ang mukha na kinuha niya ang folder. "Wala akong pakialam." Matigas na sabi niya saka ito tinalikuran.
"Sandali Delifico-ddy! Mamaya kakausapin ka ni Grey, nabanggit ko sakanya ang tungkol dito."
Tinaas niya lang ang kamay at tuluyang lumabas ng office nito.
"Sandra?! Sandra?"
Nag-angat ng tingin si Sandra nang marinig ang boses ni Delifico sa ibaba. Nakangiting tinapos niya ang paglilinis pagkuway lumabas ng kwarto at patakbong bumaba.
"Hey careful, baka naman madapa ka." Anito nang makita siya. Nakangiting lumapit siya dito.
"Nakauwi kana, buti nakapag saing na 'ko. Niluto ko na rin 'yon frozen meat diyan, mukhang matagal nang naka-stock don." Sabi niya dito. Nakita niyang natigilan ito at tumitig sa mukha niya. Ngunit saglit lang 'yon at agad itong ngumiti sakanya.
"Marunong kapa lang magluto?" Nakangiting tanong nito sakanya. Tumango siya dito.
"Oo naman, sa tuwing nagluluto si mommy palagi ako ang kasama niya sa kusina. So, nakikita ko 'yung mga ginagawa niya." Aniya at napatingin siya sa mga dala nito.
"Ah... by the way, may mga pinamili pala ako sayo." Anito saka inabot sakanya ang mga hawak. Kunot-noong kinuha naman niya 'yon saka ang mga dala nito. Parang napunta ang dugo sa mukha niya nang makita ang mga panloob. Mukha pa ngang kasya 'yon lahat sakanya.
"Don't worry, may kasama ako nang bilhin ko 'yan. May mga blouse, nighties at mga pambahay saka jeans din diyan tignan mo kung kasya sayo" Nakangiting sabi nito sakanya. Tiningala niya ito, gusto sana niyang itanong dito kung sino ang kasama nito kaya lang 'wag na lang. Baka mamaya kung ano pang isipin nito.
"Salamat Delifico, nag-abala kapa dito." Nakangiting sabi niya saka tumingin sa mata nito.
"Wag kang mag-alala, kapag maayos na ang lahat babawi ako sayo." Dugtong pa niya.
"No it's okay Sandra.... basta 'wag ka lang umalis dito bawing-bawi kana sakin." Nakangiting sabi nito pagkuway tinalikuran siya. Naiwan naman siyang natigalgal, nasundan niya ng tingin ito.
'Anong ibig niyang sabihin 'don?'
Banayad niyang binuga ang hangin at tahimik na sinundan na lang ito sa kusina. Mamaya na lang niya ilalagay sa kwarto niya ang mga pinamili dito.
"Delif---
"Talaga? Sige bukas titignan ko. Loko talaga si Rhedentor, no don't worry Romeliza mapapalitan natin 'yan. Tomorrow morning susundin kita diyan sainyo. Okay..... bye."
Napakurap siya nang marinig ang pangalang binanggit nito. Pasimple siyang umatras pagkuway bumalik sa hagdan. I-aakyat na lang niya ang mga pinamii niya. Ilang beses siyang bumuga ng hangin, hindi niya alam kung bakit bigla na lang namigat ang dibdib niya nang may pangalan itong babae na binanggit.
'Ano ba Sandra? Umayos ka nga, tinutulungan ka lang ng tao 'wag mo namang bigyan ng malisya 'yon!'
"Sandra?"
Halos mapatalon pa siya nang marinig ang boses na 'yon. Binalingan niya si Delifico, nakakunot ang noo nito habang may hawak na sandok.
"Are you okay? Nakahawak ka kasi sa hamba ng pinto nahihilo kaba?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Pilit ang ngiti na umiling siya dito.
"Oo naman, i-aakyat ko lang 'tong mga pinamili ko." Aniya.
"Mamaya na kumain muna tayo." Sabi nito saka tumalikod. Napipilitang sumunod naman siya dito. Pagdating sa kusina ay pinaghila siya nito ng upuan. Nilapag niya muna sa paanan ang mga pinamili nito sakanya pagkuway tinukod niya ang mga braso sa centre table saka binalingan ito.
"I remember my mom, kapag ganitong sabado paborito niyang lutuin 'tong caldereta." Nakangiting sabi nito habang nilalagyan siya ng ulam.
"Susunod din ba ang mga magulang mo dito Delifico?" Tanong niya dito. Umiling naman ito.
"May business si dad sa Japan, hindi naman gusto ni mom na iwan si dad mag-isa. Kaya si Akashe lang ang susunod sakin dito."
Tumango-tango naman siya pagkuway hinarap ang pagkain. "Dalawa na pala kaming kapatid mo.." Natatawang sabi niya pero hindi siya sigurado sa sinabi niyang 'yon. Nakadalawang subo pa lang siya nang maisipan niyang tignan si Delifico.
"Bakit?" Tanong niya nang mahuling nakatingin ito sakanya.
"Tingin mo ba sakin kuya?" Matiim na tanong nito. Bahagyang kumunot ang noo niya saka tumango dito.
"Naalala ko lang kasi 'yung sinabi mo kay Julie na naalala mo lang 'yung kapatid mong babae sakin. So, ibig sabihin kapag dumating na siya dito dalawa na kaming babae na kapatid mo." Nakangiting sabi niya saka tinignan ito sa mata.
"Pwede naman 'yon 'diba? Isa pa, para ka rin si Sandro. Palaging nandiyan para sakin kaya kapatid na rin ang turing ko sayo." Dugtong pa niya. Ilang sandali itong tumitig sakanya pagkuway tahimik na binalik ang tingin sa pinggan. Nagtaka naman siya sa inasal nito, hindi niya alam kung galit ba 'to o hindi eh. Naiiling na ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Wala man lang nagsalita isa man sakanila, hindi naman siya kinakausap ni Delifico kaya tahimik na kumain na lang siya. Ilang sandali pa ay uminom na ito ng tubig saka tumayo.
"I'm done." Malamig na sabi nito pagkuway lumabas ng kusina. Kunot-noong nasundan na lang niya ito ng tingin.
"Anyare don? Kung ayaw niya 'kong maging kapatid edi 'wag." Bulong niya pagkuway mabilis na tinapos ang pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay nilagay niya sa lababo ang mga kinainan saka hinugasan. Kinuha niya ang mga pinamili ni Delifico saka lumabas na ng kusina. Naabutan niya pa ang binata na nanunuod ng T.V sa sala.
"Gusto mo bang kumain ng salad Delifico? May ginawa ako para sa'yo." Lakas loob na sabi niya dito.
"Mamaya na lang kakakain ko lang." Anito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng T.V. Nakangusong umakyat na lang siya ng hagdan.
"Problema non? Hay... may sayad din pala ang lalaking 'yon." Bulong niya habang papunta sa kwarto. Pagpasok niya ay nilapag niya sa kama ang mga pinamili. Kumuha muna siya ng masusuot pagkuway pumasok na ng banyo. Halos kalahating oras siyang nagtagal sa loob ng banyo habang nasa isip pa rin niya ang inakto ni Delifico. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na siya ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Pumunta siya sa harap ng salamin habang pinupunasan ng isa pang spare na tuwalya ang buhok niya. Nasa ganong akto siya nang biglang bumukas ang pinto.
"Sandra nasan----
"Ay!" Napatalon siya pagkuway lumingon at mabilis na niyakap ang sarili. Nakita niyang nanlaki ang singkit na mata ni Delifico nang makita siya. Tarantang sinara nito ang pinto ng kwarto niya.
"Sorry! Itatanong ko lang sana kung nasan 'yung sinasabi mong salad?" Malakas na sabi nito sa labas ng pinto.
"Ano..." Tarantang kinuha niya ang panty pagkuway tumingin sa pinto. "....nandon lang sa ibaba, nasa likod ng fresh milk. Sandali ako na lang ang kukuha." Aniya habang nagbibihis. Nang makapagbihis na siya ay pinakalma niya ang sarili saka sinuklay ang mahabang buhok gamit ang daliri. Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng pinto.
"Nasan na 'yon?" Bulong niya saka nagmamadaling bumaba. Naabutan niyang palabas ng kusina si Delifico, hawak nito sa isang kamay ang isang mangkok ng salad.
"Akala ko hindi mo pa nakita." Tawag niya sa atensyon nito. Napatingin ito sa direksyon niya, bumaba ang tingin nito sa damit niya pagkuway nag-iwas ng tingin sakanya.
"Oo, baka nakaligtaan ko lang kanina." Sabi nito saka sumubo ng salad. Tumalikod na ito at nagtungo sa sala, naiiling na nagpatuloy siya sa pagbaba sa hagdan. Inipit niya muna ang mahabang buhok nang maramdamang basa na ang likod niya. Sinundan niya sa sala si Delifico. Nakaupo na ito sa sofa, tahimik na umupo rin siya ngunit may malaking espasyo sa pagitan nila, Nasa kabilang dulo kasi ito.
"Gusto mo?" Tanong nito sabay abot ng mangkok sakanya. Nakangiting umiling siya dito.
"Kumain na 'ko niyan kanina." Sabi niya saka tinutok ang tingin sa T.V. Sinandal niya ang likod sa sofa, american series ang pinapanood nila at nabo-boring siya. Hindi naman kasi siya nanunuod ng T.V, mas prefer niya ang makinig ng music. Kahit maghapon na makinig siya ng mga music ay ayos lang sakanya. Saglit niyang pinikit ang mga mata....
Hindi niya alam kung nananaginip lang ba siya ngunit naramdaman niyang parang lumulutang siya.
"M-mama.... Sandro.." Usal niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Sandra.. sandra."
Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata, bumungad sa paningin niya si Delifico. Napabalikwas siya ng bangon.
"P-pano ako nakapunta dito?" Takang tanong niya nang makitang nasa kwarto na siya. Ang alam niya saglit lang siyang pumikit kanina ha?
"Binuhat kita, baka kasi mangalay ka sa sofa. Nakatulog ka kanina eh.." Sabi ni Delifico sakanya. Bumuga naman siya ng hangin.
"Thank you." Sabi niya at saka tumingin sa labas ng bintana. Napakadilim ng kalangitan gayong alas-dose pa lang ng tanghali.
"May bagyo daw ngayon, kanina nga kumukurap-kurap 'yong ilaw. But don't worry may generator ako dito in case of emergency." Sabi ni Delifico, binalingan niya ito. Nakaupo pa rin ito sa tabi ng kama niya.
"Ganon ba, ayos lang sakin na madilim sanay naman ako." Nakangiting sabi niya dito. Hindi naman ito umimik basta lang itong nakatingin sakanya.
"Bakit?" Kunot-noong tanong niya dito.
"Kung ano man 'yung sinabi ko kay Julie hindi totoo 'yon." Sabi nito at hinawakan ang gilid ng leeg niya.
"I'm not your brother..... and you're not my sister Sandra. Sana hindi 'yon ang iniisip mo sa tuwing kasama mo 'ko." Matiim ang tingin na sabi nito habang hinahaplos at pinipisil ang balat niya. Naramdaman niya ang nagliliparan sa sikmura niya sa tuwing nagkakadikit ang balat nila. Hindi naman siya tanga na hindi alam kung anong nangyayari sakanya. Alam niya.... nakakapasok na sa puso niya si Delifico. Pakurap na binawi niya ang tingin dito saka hinawakan ang kamay nito na nasa gilid ng leeg niya.
"Sige kung 'yon ang----
Nanlaki ang mata niya nang walang sabi-sabing kinabig nito ang batok niya at sakupin ang labi niya. Ramdam niya ang mabilis na paggad ng labi nito. Hindi nito hinayaang makalayo siya, sinapo nito ang magkabila niyang pisngi. Ipinikit niya ang mga mata at tinugon ang halik nito. Walang namutawi sa bibig niya lalo nang ihiga siya nito, napasinghap siya nang lumaylay ang ulo niya sa gilid ng kama dahilan para humiwalay ang labi niya dito.
"Oh... i'm sorry.." Anito at akmang aayusin ang ulo niya. Hinawakan niya ang kamay nito.
"Hindi ayos lang." Nakangiting sabi niya habang pilit na sinisilip ito. Wala siyang pakialam kung sumayad ang mahabang buhok niya sa sahig at mangalay pa siya sa pwesto niya. Napaigtad siya nang maglakbay ang kamay ni Delifico sa gilid ng bewang niya. Pinaglandas ng daliri nito ang leeg niya. Kusa namang pumikit ang mata niya kasabay ng pag-awang ng labi niya nang maramdaman ang munting labi nito sa leeg niya. Napahawak siya sa balikat ng binata at saglit na lumayo dito ngunit hindi siya nito hinayaan, hinaklit nito ang isang hita niya at ipinulupot sa bewang nito.
"Sandra..." Anas nito habang naglalakbay ang labi sa panga niya. Humahaplos at pumipisil ang palad nito sa katawan niya at minsan pa ay didiin ang katawan nito sakanya. Unti-unti siyang dumilat nang maramdaman niya na ang labi nito sa sulok ng labi niya. At nang muling sakupin nito ang labi niya ay napapikit na lamang siya at tinutugon ang magaslaw nitong paghalik sakanya. Saglit na lumayo ang labi nito sakanya nang ayusin nito ang likod ng ulo niya.
"Baka mangalay ka..." Nakataas ang sulok ng labi na sabi nito at muling sinuyo ng halik ang labi niya. Napapadaing na lang siya sa tuwing gumagalugad ang dila nito sa loob ng labi niya.... maging ang bawat haplos nito sa katawan niya ay mas lalong nakakadagdag ng init na nararamdaman niya. Napadaing siya sa loob ng labi ng binata nang maramdaman ang palad nito na pumasok sa panloob na suot niya.
"Delifico!" Napaigtad siya nang sumagi ang daliri nito sa kaselanan niya. Napaungol siya nang maramdaman ang daliri nito sa kalooban niya. Pinaghalong sakit at kakaibang sensasyon ang naramdaman niya. Patuloy pa rin ang paghalik nito sakanya habang umuuga ang katawan niya sa bawat galaw ng daliri nito sa kalooban niya. She's freaking out of her mind, parang nawala siya sa tamang huwisyo sa mga ginagawa ni Delifico. She want more.... she badly want more. Walang inhibisyon na ibinuka niya ang dalawang hita. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at inilayo.
"Delifico... delifico..." Ungol niya sa pangalan nito habang sinasalubong ang bawat galaw ng daliri nito. He added another finger and it make her moan again and again. Umangat ang isang kamay ng binata papunta sa blusa niya at itinaas 'yon kasama ng bra niya.
"W-what are you doing?" Nagkakandabuhol-buhol ang hininga na tanong niya. Hindi naman ito sumagot bagkus ay hinaplos ng isang kamay ang kanang dibdib niya habang ang labi naman nito ay nasa isa pa. Bahagya itong lumayo sakanya at mabilis nitong hinubad ang pang-itaas nito pagkuway muling bumalik sa dibdib niya. Kagat lamang niya ang ibabang labi habang hinihintay ang susunod nitong gawin. Muling bumalik ang palad nito sa 'ibaba' niya.
"Aahh..." Ungol niya nang bumilis ang paggalaw ng daliri nito. She could feel her wetness but he didn't stop. Gumapang ang labi nito papunta sa leeg at umabot sa labi niya.
"Sandra... I want you now." Anas nito habang binubuksan ang belt nito.
"I wan yo----
Sabay silang natigilan nang marinig ang sunod-sunod na pag-doorbell na 'yon.
"What the heck?!" Lumatay sa mukha ni Delifico ang pagka-inis. Walang pakialam na nagpatuloy ito sa paghuhubad ng suot nitong sinturon. Hinawakan nito ang waistline ng panty niya at akmang ibababa 'yon nang muling marinig ang sunod-sunod na doorbell na 'yon.
"B-babain mo muna, baka mamaya importante 'yon." Sabi niya dito.
"Fuck.. humanda talaga sakin kung sino man 'to." Inis na bulong nito at binitawan siya. Bumaba ito ng kama saka lumapit ito sa pinto. Inayos niya naman ang sarili saka umupo.
"Sandra..."
Napalingon siya sa pintuan, nandon pa si Delifico.
"Bakit?" Tanong niya. Ngumiti naman ito sakanya, napatingin siya sa namumula nitong labi.
"I will be right back, paalisin ko lang kung sino ang nagdo-doorbell." Nakataas ang sulok ng labi na sabi nito saka kinindatan siya pagkuway lumabas ng kwarto niya. Nasapo naman niya ang dibdib pagkuway napatitig sa pinto. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nangyari kanina. Hindi siya nakakaramdam ng kahit anong pagtutol. Naiiling na kinuha niya ang kumot saka humiga at pumikit.