"Kumusta naman ang tulog mo iho?"
Walang gana na kinuha ni Delifico ang baso at saka uminom.
"Hell.." Malamig na sagot niya sa matanda saka nilapag ang bago. Tumikhim naman si Don Augusto saka hinarap na lang ang pagkain. Muli siyang uminom ng tubig pagkuway sumandal sa upuan.
"Hey, you don't like the food?" Malambing na sabi ni Julie. Pumikit siya at hinilot ang sentido.
"I'm just fuking bored.." Sabi niya sa dalaga.
"Kung gusto mo magpahinga ka muna sa taas." Nakangiting sabi sakanya ni Julie.
"Ah, Don Augusto nandito po si sir Kiko." Sabi ng dumating na katulong, Dumilat siya, kita niya ang pamumutla ng mag-ama.
"Ah--b-bat nandito siya? Diba sa susunod na linggo pa ang dating niya daddy?" Tense na sabi ni Julie, hindi niya pinansin ang mga ito. Isa pa, wala naman siyang pakialam. Kumuha siya ng sandwich saka kumagat.
"Augusto.." Sabi ng malaking lalaki na pumasok sa sala. Tumayo si Don Augusto at sinalubong ang matandang lalaki.
"Pare, ba't naparito ka?"
Tumutok sakanya ang mata ng lalaking 'yon.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Sandra nasan ang pamangkin ko?" Tanong nito na muling binalingan ang matanda.
"A-ah nandon sa kwarto niya, pagkatapos ng nangyari inuwi na lang namin siya dito para mabantayan siya ng mabuti."
"Aba dapat lang na iuwi niyo siya dito... may karapatan pa rin siya sa kabila ng kalagayan niya," Malamig na sabi nito sa matanda, medyo yumuko naman ang matanda at hinarap ang katulong.
"Kunin mo si Sandra sa kwarto niya ngayon na." Utos ng matanda, may babala ang tingin nito sa katulong. Mabilis namang tumalikod ang katulong. Umupo sa tabi niya ang lalaking 'yon, muling bumalik naman sa kinauupuan si Don Ausguto. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nilang Sandra, ang alam kasi niya ay si Julie lang ang nandito. Sabagay, wala nga pala siyang pakialam.
"Kilala niyo ba kung sino ang lalaking 'yon?" Tanong ng katabi niya.
"Hindi na namin nakilala 'yong lalaki tito Kiko nakapag piyansa kasi agad.." Sagot ni Julie.
"f**k! hindi niya ba alam na ganon na nga ang pamangkin ko nagawa niya pang tutukan ng baril!" Galit na sabi nito, natigilan naman siya sa sinabi nito. Hindi naman umimik ang mag-ama. Habang siya ay tahimik na kumakain ng sandwhich na hawak.
"Don Kiko eto na po si maam Sandra.." Sabi ng katulong, hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin. Nang maubos na niya ang kinakain ay umayos na siya ng upo. Tumingin siya kay Julie.
"Aalis na muna ako babalik na lang ako 'pag wala na kayong problema.." Malamig na sabi niya kay Julie saka siya tumayo. Pero natigilan siya nang makita ang babaeng nakatayo sa bungad ng pinto.
'f**k! siya 'yong babaeng tinutukan ko ng baril!'
Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kawalan. Tumayo ang lalaking tinawag na Kiko, hinawakan nito sa braso ang dalaga.
"Okay ka lang ba?" Masuyong tanong ng lalaki habang sinusuri ang katawan nito. Wala pa ring reaksyon ang babae... maya-maya ay tumawa ito habang may tinuturo.
"Haha! rides! whooossssh!" Tumatawang sabi nito. Napakurap siya habang nakatingin sa maamong mukha nito. Wala sa loob na muli siyang umupo at sumandal sa upuan habang nakatutok pa rin ang mata niya sa dalaga.
"Akala ko aalis kana?" Takang tanong ni Julie. Yumuko siya sa plato pero pailalim niyang tinitignan ang babaeng 'yon. Inalalayan ito ng matandang lalaki, nakangiti lang ito at nakabagsak sa pagilid ang ulo.
"Nagbago na isip ko..." Sabi niya kay Julie at muling tinignan ang babaeng 'yon. May kung anong emosyon siyang nararamdaman mula sa dalaga. Bahagya pa siyang nagulat nang tumingin ito sa direksyon niya. Tumitig ito sakanya at saka sumilay ang isang nakakatakot na ngisi. Nag-iwas siya ng tingin dito.
'f**k! ayoko mang maramdaman pero tumatayo ang balahibo ko sa ngisi niya!'
Kinuha niya ang isang basong tubig saka diretsong ininom 'yon.
's**t! i'm not a f*****g ten years old Leng-leng na takot na takot, matagal ko ng na-conquer ang takot na 'yon, thanks to Dark Society.
Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na himig na 'yon.
"Ili-ili tulog anay...... wala diri imong nanay." Himig ng babaeng 'yon, matalim ang mata na tinignan niya ito.
's**t! ayoko ng himig niya!'
"Hey hon are you okay?" Tanong ng katabi niya. Hindi niya ito sinagot, panay pa rin sa paghimig ang babaeng 'yon. Good thing at tumigil na ito bago niya pa ito mabulyawan. Muli niya itong sinilip ng pailalim, nakatulala na ito.
"So how was the company?" Basag nung Kiko sa katahimikan.
"It's fine, Delifico is one of our business partner, Oh i'm sorry i forgot. Delifico Fudoshiko this is Kiko Montanez tiyuhin ni Sandra.." Pakilala sakanya ng matanda.
"Fudoshiko? Sounds familiar.." Sabi nung Kiko, hindi niya ito pinansin.
"Your father is a leader of Amusan right?" Sabi pa nito, nakuyom niya ang kamao.
"I heard some news about your father activities. At maraming testigo na totoo ang lahat ng bintang sakanya tama ba? By the way, anong ginagawa mo dito?" Anito, tinignan niya ito at saka tumaas ang sulok ng labi niya.
"I'm here to kill you.." Sabi niya, narinig niya ang pagsinghap ng mga nasa paligid. Nakita niya pang natigilan si Sandra. Napangisi si Kiko.
"Oh thank you i'm scared.." Malamig na sabi nito saka muling binalik ang tingin sa pagkain. Tinignan niya ang Sandra na 'yon, nakatingin ito sakanya. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip ng dalaga. Ngumisi siya at kinindatan ito. Pero mukhang walang epekto 'yon dahil wala man lang itong reaction. Naiiling na binalik niya ang atensyon sa plato. Pero hindi niya maiwasang manghinayang sa dalaga....
Sayang....... maganda pa naman..
"SANDRA aalis na 'ko ha? Sa susunod na linggo babalik ako.."
Nakatingin lang si Delifico sa mag-tiyuhin. Nananatiling walang reaksyon ang mukha ng dalaga, nakatabingi lang ang ulo nito at pinaglalaruan ang sariling buhok. Tumabi naman sakanya si Julie.
"What happened to her?" Tanong niya kay Julie.
"Ganyan na siya simula ng mawala si Donya Juanita at ang kambal niyang senyorito Sandro." Sabi ni Julie. Nakita niyang hinaplos ng Kiko na 'yon ang buhok ni Sandra saka ito tumayo at humarap sakanila. Nakapamulsa ito habang nakatingin sakanila.
"I have to go.... kayo nang bahala sakany.." Malamig na sabi nito sa mag-ama.
"Oo naman pre, hindi namin pababayaan si Sandra." Mabait ang bukas ng mukha ni Don Augusto, tumalikod lang ang Kiko na 'yon. Lumapit naman ang katulong kay Sandra at inalalayan ito. Nakasunod lang ang tingin niya dito.
"Halika na pumasok muna tayo sa kusina.... hinandaan kita ng pancake." Sabi ng katabi niya saka siya hinila sa kamay. Sumunod naman siya pero nakasunod pa rin ang tingin niya sa Sandra na 'yon na wala sa sarili.
"Hindi niyo na ba siya naagapan?" Tanong niya nang tumingin siya kay Julie, binitawan na siya nito nang makapasok sila sa kusina. Umupo siya sa silya saka nagsindi ng sigarilyo. Malungkot ang mukha na humarap sakanya si Julie.
"Hindi na eh.... ilang buwan siyang nanatili sa Mental pero lalo lang lumala nang masangkot siya sa hostage na 'yon."
Binuga niya ang usok nang marinig niya 'yon. It's f*****g me!
"Pero minsan nagpasalamat ako na naging ganon siya.."
Nanliliit ang matang tinignan niya si Julie. Nagbaba ito ng tingin at saka tumagilid, hinubad nito hanggang balikat ang damit. Nakita niya ang malaking peklat sa balikat nito.
"Diba tinatanong mo kung san galing to?" Sabi nito sakanya at saka inayos ang sarili. Muli itong humarap sakanya.
"No'ng sila pang mag-ina ang nandito, m-minamaltrato nila ako.." Sumungaw ang luha sa gilid ng mata nito.
"M-Muntik na 'kong patayin ni Sandra, sasaksakin niya 'ko at buti na lang balikat ko ang natamaan niya. Ganon din sila Donya Juanita at ang kambal niya, p-pinamumukha nila sakin na sampid lang ako dito. Anak kasi ako ni Don Felimon sa labas. Nang mamatay siya ako ang inalila ng naiwan niyang pamilya."
"Ano mo si Don Augusto kung ganon?"
Pinunasan nito ang luha niya.
"Pangalawang asawa ni Donya Juanita, he's good to me, kapag sinasaktan nila akong tatlo siya ang nagtatanggol sakin. Siya ang tinuring kong ama.."
Hindi na siya nagsalita... hindi niya lang alam kung tama ang kutob niya pero alam niya na may mali. Nanahimik na lang siya. Wala naman siyang pakialam sa mga ito. Tumayo naman siya mula sa kinauupuan saka tinapon ang sigarilyo sa trash can na nasa sulok.
"Hey where are you going? Ito ang pancake oh."'
''I'm full, sumunod ka na lang sa kwarto.." Sabi niya saka lumabas ng kusina. Umakyat siya sa mahabang hagdan at tinungo ang taas. Nadaanan niya ang malaking teresa.
"Oh s**t!" Sigaw niya nang makita niya ang babaeng nakaputi at nakatayo sa teresa habang nakatingin sa malayo. Pinasadahan niya ito ng mabuti, it's Sandra. Bumuga siya ng hangin at nakapamulsang lumapit sa dalaga. Nililipad ang mahaba nitong buhok, pumantay siya dito at binalingan ito..
"Hoy..." Tawag niya dito pero hindi naman siya sinagot. Parang gusto niyang batukan ang sarili, hindi talaga siya nito sasagutin dahil wala naman ito sa tamang pag-iisip! Dumikit siya sa dalaga at hinawakan ito sa braso. Pinihit niya ito paharap sakanya, napatitig siya sa mukha nito na habang tumatagal ay lalong gumaganda sa paningin niya. Pinilig niya ang ulo.
"Bakit nandito ka? Wala ka na nga sa tamang pag-iisip nagpapahangin kapa dito. Pumasok ka don!" Sabi niya dito ngunit walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sakanya. Napailing naman siya.
"Delifico what are you doing here?"
Napalingon siya sa nagsalita, nakatitig si Julie sa kamay niya na nakahawak sa braso ni Sandra. Lumapit ito sakanila.
"Dapat hindi niyo pinababayaan 'tong pagala-gala dito. Pano na lang kung maisipan niyang tumalon dito? Baka isipin niya may tubig sa baba.." Sabi niya dito at saka niya binitawan ang braso ni Sandra.
"Manang pakipasok nga sa loob si Sandra!" Sigaw ni Julie. Ilang sandali lang ay nagmamadaling pumasok ang matanda sa teresa, lumapit ito kay Sandra saka hinawakan sa braso.
"Halika na iha..." Sabi ng matanda. Parang robot naman na sumunod ito.
"Hindi na lang kasi nawala ang babaeng 'yan.." Bulong ng katabi niya. Naningkit ang mata niya at binalingan si Julie.
"What?" Matiim ang matang sabi niya dito, ngumiti lang ito pagkuway umiling.
"Wala... halika na diba sabi mo susunod ako sa kwarto?" Pilyang sabi nito at hinawakan ang braso niya. Nagpahila naman siya. Hindi niya alam pero iba ang pakiramdam niya na parang may mali sa mansion na 'to..