Chapter Three

781 Words
Tahimik na nilibot ni Delifico ang buong sala, wala naman siyang nakikitang kakaiba maliban sa mga maliliit na tuklap ng pintura sa tabi ng pinto. Parang pinag-laruan 'yon ng isang bata. Naiiling na kinuha niya ang cellphone at hinanap ang numero ni Maxeau. "Annyeong!" Hyper na bungad nito sa kabilang linya. "Hey, nasaan si Grey?" Tanong niya dito, naririnig niya ang tunog ng keyboard sa kabilang linya. "Umuwi muna sakanila, inaway siya ni Sen-sen ginabi ata ng uwi 'yung loko kagabi. Saan ka nga pala? Hinahanap ka nga pala ni Ellifard." Anito. Lumabas naman siya ng mansion at tinahak ang pasilyo papunta sa garden "Dito muna ako kina Julie magtatago. Kumusta na pala 'yung problema natin?" "Yun ang inasikaso ni Grey kagabi. Sandali? Kina Julie? Wow.... 'di ka pinalagpas ng sumpang trono!" Natatawang sabi nito. Natigilan siya nang makita si Sandra na naka-upo sa duyan, gaya ng dati nakatulala pa rin ito. "Shut up, nandito ako para magpahinga." Aniya habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Kung hindi siya nagkakamali parang nakikita niya ang malungkot na kislap sa mga mata nito. "I'll call you later, may gagawin lang ako." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Sinuksuk niya sa bulsa ang cellphone at saka nilapitan ang dalaga. Natigilan pa siya nang makaisip ng ideya, napangiti siya sa naisip. Hinubad niya ang pang-itaas na damit. "Maaakit ko kaya ang babaeng 'to?" Bulong niya pagkuway lumapit sa harap nito. "Hey anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at hinila ang upuan sa tabi nito saka umupo sa harap nito. Pero gaya ng inaasahan niya, wala pa rin itong reaksyon. Naiiling na sinampay niya sa balikat ang damit. Tumitig siya sa maamong mukha nito. "Alam mo sayang ka, maganda ka pa naman. Baka mas nagustuhan kita kaysa kay Julie kung una lang kitang nakita.." Nakangising sabi niya dito. "Sa gabi ng lagim..... tuwing sasapit ang dilim..." Malamig na sabi nito. Unti-unting nawala ang ngisi niya. Gumuhit naman ang nakakakilabot na ngiti sa labi nito habang nakatingin sa malayo. "Dito sa mansion sila naglalagi.... ang mga katawa'y balot ng sariwang---- "Shut up.." Madilim ang mukhang sabi niya dito ngunit nagpatuloy pa rin ito. "....dugo, babaeng nakaputi tumatawa sa kalagitnaan ng dili---- Padabog na tumayo siya at tinalikuran ito. "Peste! Walang kwentang kausap!" "PESTE walang kwentang kausap!" Gusto matawa ni Sandra sa reaksyon nang lalaking may pangalang Delifico, pinigilan niya lang ang sarili dahil baka makalaman nito ang pagpapanggap niya. Kelalaking tao napakamatatakutin, napaka-rude pa. Hindi niya nakalimutan ang sinabi nito sakanyang tiyuhin, walang modo at mahangin. Pero hindi niya alam kung bakit may pakiramdam siya na ligtas siya sa kagaya nito. Na hindi ito kagaya nila Augusto at Julie, ngunit hindi pa rin siya pwedeng magtiwala lalo't boyfriend ito ni Julie. Tumingin siya sa malayo nang maramdaman niya ang mga matang nakatingin sa direksyon niya. Alam niyang si Don Augusto 'yon. Palihim siyang tumikhim at napalunok. Mahina siyang natawa habang hinahaplos ang dulo ng buhok. Mama..... Sandro..... nasan na ba kayo... "BWISIT na babae 'yon!" Gigil na binato ni Delifico ang hawak na damit sa sahig at saka dumapa sa kama. Talagang wala siyang mahihita na ibang reaksyon sa dalaga. Kung wala nga itong kapintasan iisipin niya na tuwang-tuwa pa ito na natatakot siya. Hustong papikit na siya nang mapansin niya pader. Umupo siya sa kama at ilang sandaling tumitig doon. Tumayo siya at lumapit dito, hinawakan niya ang parte ng pader na 'yon. Idinikit niya 'yon sa ilong. 'f**k!' Mabilis niyang nilayo ang daliri at muling tumingin sa bagay na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali, dugo ang pahaban na naka-ukit sa pader at sa tantiya niya matagal na ang dugo na 'yon. Nanliit ang mata niya pagkuway nilibot ng tingin ang buong kwarto. Napansin naman niya ang sahig, saglit siyang tumingin sa pintuan pagkuway dahan-dahang lumuhod sa sahig. Tinggal niya ng bahagya ang kulay maroon na carpet. Nakita niya ang mga bakas ng dugo sa sahig at kagaya ng nakita niya sa pader matagal na 'yon, nanuyo na. Binalik niyang muli sa dating ayos ang carpet saka tumayo. Nakapamulsang nilibot niya ng tingin ang buong kwarto. Sabi ni Julie dating kwarto daw ito ni Donya Juanita. 'Iba talaga ang pakiramdam ko dito..' Pumunta siya sa balkonahe at tumingin sa ibaba. Nakita niyang nakaupo pa rin sa duyan si Sandra, nanliit ang mata niya nang makita ang isang nakaputing babae sa likod ng garden, Nakasilip ito habang tinatanaw ng tingin ang kinaroroonan ni Sandra, nanlilisik ang mata nito ngunit nakaguhit ang ngisi sa labi nito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang bigla itong tumingin sa direksyon niya. Pumikit siya ng mariin at nagbilang ng ilang minuto pagkuway muling dumilat. Wala na doon ang babaeng 'yon.... 'It's bad....'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD