Chapter Four

1781 Words
"Ili-ili....... tulog anay, wala diri imo nanay." Napatigil sa paglalakad si Delifico nang marinig niya ang malamig na himig na 'yon. Nakita niyang tumatawang mag-isa si Sandra habang kumankanta, nakaupo ito paharap sa malaking pinto at may kung anong tinitignan sa labas. Naiiling na lumapit siya dito at tinapik ito sa balikat. "Hoy! Tumigil ka nga diyan hahambalusin kita." Banta niya dito ngunit nagpatuloy pa rin ito sa paghimig. Bumuga siya ng hangin at pumunta sa harap nito. Inilapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga, napatitig sa labi nito. Bahagyang humina ang pagkanta nito. "Hindi ka titigil o hahalikan kita?" Nakangising sabi niya pa dito, hindi niya alam kung namamalikmata ba siya pero parang nakita niyang kumurap ito, tumigil din ito sa pagkanta. Pero ilang sandali pa ay muli na naman itong humimig. "Ay sir...." Napatuwid siya ng tayo nang marinig niya 'yon, nakayukong lumapit ang katulong kay Sandra. "Sorry sir ha? Palagi niyang kinakanta 'yung kinakanta sakanilang magkapatid ni Donya Juanita." Sabi ng katulong saka nito hinarap si Sandra na humihimig pa rin. Tumayo naman si Sandra habang hawak ng katulong, sumunod siya sa mga ito. "Halika na senyorita..... kakain kapa." Sabi ng katulong habang hawak sa braso si Sandra. Pagdating nila sa kusina ay inalalayan ng matanda na umupo ito sa silya. Inilapag ng matanda ang isang pinggan na may pagkain sa harap ni Sandra at inalalayan nitong makakin. Lumapit siya mga ito. "Nasan ang kambal at ang mama niya?" Malamig na tanong niya dito. "Yon nga din ho ang tanong namin... nagulat na lang kasi kami isang araw wala na ang mag-ina, si maam Sandra naman nong araw na nawala sila Donya Juanita at senyorito Sandro nakita na lang namin siya sa library at hinahampas ang ulo sa pader." Kwento nito, napatingin siya kay Sandra. "Wala na kayong nabalitaan tungkol sa mag-ina?" Tanong niya pa, hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang malaman ang mga nangyari dito sa Mansion ng mga Montanez. "Wala ho eh... n-naawa nga ho ako kay maam Sandra ako na ang nag-alaga sakaniya simula pa non at hindi ko akalaing mauuwi sila sa ganito. Masaya ang pamilya nila... at wala akong natatandaang may nakaaway si Donya Juanita." Naiiyak na sabi ng katulong. Naalala niya ang sinabi sakanya ni Julie. Hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ngunit kahit pa sabihin niya sa sarili na wala siyang pakialam sa mga ito hindi niya maiwasang mahabag sa sitwasyon ng dalaga . Nakita niyang pina-iinom na ng gamot si Sandra ng katulong. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang lagayan ng gamot na 'yon, pati na rin ang gamot na pina-inom ni manang kay Sandra. Out of curiousity ay kinuha niya mula sa kamay ng matanda ang gamot na 'yon at sinilip ang loob. "Bakit ito ang pinaiinom niyo?!" Galit na sabi niya dito. f**k! lalo binabaliw ng mga ito si Sandra ang worst pa ay pwede nito 'yung ikamatay! Hinawakan niya ang panga ni Sandra. "Iluwa mo 'yan..." Mabigat ang tinig na sabi niya dito, niluwa naman nito ang gamot sa kamay niya. Binitawan niya ito saka siya lumabas dala ang lagayan ng gamot. Nakita niya ang papasok pa lang sa mansion na si Julie. "Hey hon baki----Aray!" "Bakit ito ang pinaiinom niyong gamot kay Sandra ha? this drugs can kill dead cells in the brain! f**k! Pero kapag nasobrahan siya nito maari siyang mamatay o lalong masiraan ng ulo!" Galit na sabi niya dito na lalong humigpit ang hawak sa braso nito. "A-aray sandali lang, i can explaine." Nakangiwing sabi nito, hinablot nito ang braso mula sa pagkakahawak niya. "Tama ka pero kailangan niya ang gamot na 'yan.." "A-anong? Anong kailangan!" Hindi niya mapigilang bulyawan ito, bahagya itong lumayo sakanya. "M-matagal na siyang gumagamit niyan Delifico.... she need that drugs, kung hindi sasaktan niya uli ang sarili niya." Nanginginig na paliwanag nito. Lalong nandilim ang paningin niya sa sinabi nito. Binato niya sa isang sulok ang lagayan ng gamot na 'yon at muling hinawakan ang braso nito. "Isang beses ko lang 'tong uulitin, kapag hinanap niya ang gamot na 'yan wag mong ibibigay. Binabalaan kita Julie, you know what i am capable of doing kapag nalaman kong pinaiinom niyo uli siya ng bagay na 'yan.." Matiim na bulong niya dito, natatakot na tumango naman ito. Padaskol niyang binitawan ang braso nito saka tumalikod. Dumeretso siya sa kusina, nakita niyang nakaupo pa rin doon ang dalaga. Nilapitan niya ito at walang sabi-sabing binuhat. "Sumunod ka sakin manang." Malamig na sabi niya sa matanda saka umakyat ng hagdan. Nakatingin sakanya si Sandra, binalingan niya ito, unti-unti namang nagbaba ang tingin nito. "Delifico!" Hindi niya pinakinggan si Julie. Pagdating sa kwarto ng dalaga ay dahan-dahan niya itong nilapag sa queen size na kama at saka kinumutan. Nilingon niya si manang. "Ilang taon na siyang umiinom ng gamot na yon?" "M-mahigit.... mahigit limang taon na." Malikot ang matang sabi nito. 'f**k! Kaya siguro siya nagkaganyan!' Tinignan niya si Sandra, nakatulala ito. "Wag ka ng tatanggap ng kahit anong ibibigay ng maam Julie mo maliwanag ba?" Malamig na sabi niya sa matanda pero sa mukha ni Sandra nakatutok ang mga mata niya. Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok nito sa noo saka siya umayos ng tayo. "Bantayan niyo ho siya ng maigi." Aniya saka siya tumalikod at tinungo ang pinto. "S-salamat..... s-sana magtagal ka pa rito." Natigilan siya sa paghakbang, bumaling siya dito. "What do you mean?" "W-wala lang...." Halos mangiyak-ngiyak na sabi nito. Ilang sandali siyang tumingin dito pagkuway muling tumalikod. Paglabas niya ng kwarto ay nilibot niya ng tingin ang mahabang pasilyo ng mansion. Madilim 'yon kahit maliwanag naman sa labas ng teresa. Balot na balot ng kung ano ang mansion. Nagliliparan ang mga walang buhay na puting kurtina at alam niya na maaari niya uling makita ang babaeng 'yon. Huminga siya ng malalim, hindi niya dapat 'to maramdaman.... matagal nang wala sa dibdib niya ang mga bagay na kinatatakutan niya noon. 'Not now..... not now..' "SANDRA, iha may kakampi na tayo alam mo mabait yan si sir Delifico, ramdam ko na panlabas lang ang pinakikita niya. Sana matulungan ka niya dito no?" Nakatulala lang siya habang nagku-kwento si manang. Nagulat siya sa ginawa ni Delifico kanina, hindi 'yon ang inaasahan niya mula sa kagaya nito. Alam niya naman kung ano ang piniinom sakanya na gamot, pero hindi niya naman 'yon nilulunok niluluwa niya din agad. Talagang nag-init ang dugo niya sa sinabi ni Julie kanina, talagang napakasama ng ugali nito! Napakasinungaling! "Pero ramdam ko iha.... na si sir Delifico ang solusyon para matulungan ka." Gusto niyang umiling sa sinabi ni manang pero pinanatili niyang walang emosyon ang mukha. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa puso niya na magtiwala dito. Saglit niya lang itong nakilala at sa sitwasyon niya nahihirapan siya kung sino ang dapat na pagkatiwalaan. 'Hindi ako pwedeng magtiwala.... minsan na 'kong nagtiwala pero niloko lang ako.' "SAAN ka naman nagpunta nitong nakaraang araw ha Delifico?" Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ni Delifico. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya mapakali, may kung anong humihila sakanya at gusto niyang pumunta uli sa mansion ng mga Montanez. "Hayaan mo na siya Grey inlove 'yan!" Natatawang sabi ni Maxeau. Binato niya dito ang cellphone na nahawakan, nakailag naman ito kaya nabasag ang cellphone na tumama sa pader. "f**k YOU KA DELIFICO! MAHAL ANG BILI KO DIYAN! BAGO LANG YAN!" Sigaw ni Serionifo na nagmamadaling kinuha ang nasirang cellphone. "Ano bang meron sa cellphone ni Serionifo at lagi niyong binabato?" Natatawang sabi ni Tunaco. Hindi niya pinansin ito. Lumilipad ang isip niya sa mansion. "Hello Delifico in earth! hello!" Napakurap siya sa pagtawag sakanya ni Grey, tumingin siya dito. Mali. Lahat ng kaibigan niya ay nakatingin sakanya. "What?!" Aniya sa mga ito. "Sabi sa inyo inlove 'yan eh." Natatawang sabi na naman ni Maxeau, sinipa niya ang upuan nito. Pero ang gago tumawa lang, naiinip na tumayo siya. Kinuha niya ang folder na nasa mesa, isa-scan niya ang lahat ng 'yon pero bago 'yon ay gusto niya munang bumalik sa mansion nila Sandra. "Maxeau.... can you send me an information about Montanez family and history of their mansion?" Sabi niya kay Maxeau. Kumunot ang noo nito. "Para saan naman?" Tanong nito. He just shrug his shoulder. "Just...." Bakit nga ba? Huminga siya ng malalim saka tumingin sa kaibigan. "...do it." "Montanez? Related ba 'to kay Don Felimon Montanez?" Tanong ni Grey, binalingan niya ito. "Oo.... Bakit kilala mo?" Tanong niya dito. "Business partner sila ni dad..... but he's gone right? That was a year ago, i'm not sure." "Yeah... " Sabi niya habang tumatango, nasabi nga sakanya 'yon ni Julie. "So, kumusta na ang mga anak niya? Oh.. that poor old man alam mo bang ang tindi ng pagkamatay niya? Binalatan siya ng buhay at binabad ang katawan sa dagat. " "Wow..." Hiyaw ng lahat. Nagsalubong naman ang kilay niya. "Seryoso?" Ani Thartarus. "Yeah... halatang malaki ang galit ng gumawa non sakanya. Kawawa naman ang apat niyang anak na naiwan." Sabi pa nito. Kumunot ang noo niya. "Apat?" Tanong niya, tumango naman si Grey. "Yes. Alam ko ang pangalan ng mga anak niya ay Sandra at Sandro, kambal 'yon. At si Julie na narinig ko sa dad ko na anak daw sa labas, pati na rin ang dinadala ni Donya Juanita.." Sabi pa nito. Lalong lumalim ang kursyudad niya sa lugar na 'yon. "May problema ba Delifico?" Tanong ni Serionifo. Umiling lang siya. "At oo nga pala kung nakapunta kana sa mansion nila mapapansin mo ang kakaibang ayos ng mansion, alam kung makakaramdam ka don. Nang minsan kaming makapunta ni dad alam ko na may kakaiba sa lugar na 'yon.." Sabi ni Grey. "Yeah don ako galing.... at tama ang sinasabi mo, napansin ko ang mga bakat ng tuklap na pintura sa pader nila. Then i found something, Tuyong dugo sa sahig at pader nila." Sabi niya pa dito. Tumango-tango si Grey. "Wow! Thrill pala yang pinapasok mo pre, sama naman ako oh!" Nakangiting sabi ni Tunaco. "Hindi pwede!" Pinandilatan niya ito ng mata. "Kakayanin mo kaya don? I heard some news about the mansion of Montanez, lagi na daw may namamataang babae don." Sabi pa ni Grey. "Ay wag na lang pala.." Singit ni Tunaco. Tumingin siya kay Grey. "Tignan ko.." Sabi niya dito. Ilang beses na niyang nakikita ang babaeng tinutukoy nito pero nagagawa niya ng palakasin ang loob. "Nalabanan mo na rin naman ang takot mo sa dilim Delifico. Sigurado ako na hindi na mahirap para sa'yo na harapin ang isang 'yan." Sabi naman ni Serionifo na inaayos pa rin ang nasirang cellphone. "Bahala na, sige dito na 'ko." Sabi niya saka tinalikuran ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD