Chapter Five

1730 Words
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Julie nang hapong dumating siya. Pasimpleng nilibot ni Delifico ang paningin sa paligid. Wala ang hinahanap niya... Ningitian niya si Julie. "Wala lang, na-miss lang kita." Nakangising sabi niya dito, nakita niya ang pilyang sumilay sa mata nito. "Oh.... how sweet." Nakangiting sabi nito at inabot ang leeg niya. Ipinulupot naman niya ang braso sa bewang nito. "Pwede ba akong mag-stay uli dito?" Tanong niya dito, ngumiti naman ito ng matamis sakanya. "Oo naman anytime..." Napangiti siya saka kumalas diti. "Good, but before anything else ipagluto mo muna ako. Hindi pa ako nagla-lunch eh." "Sige don ka muna sa kwarto lulutuan kita ng pagkain." Masayang sabi ni Julie saka tumakbo papuntang kusina, tumingin siya sa pangalawang palapag ng mansion, tumingin muna siya sa direksyon ni Julie saka siya umakyat sa hagdan. Hinahanap ng mata niya si Sandra. "T-tahan na m-maam...." Kumunot ang noo niya nang marinig ang bulong at hikbi na 'yon. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Sandra. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang ayos ng dalaga. Napabilis ang paghakbang niya papalapit dito. "Anong nangyari diyan?!" Gumilid ang matanda para makalapit siya sa dalaga. Tinaas niya ang baba ni Sandra, panay ang iyak nito. Patuloy sa pag-agos ang munting dugo nito sa ulo. "f**k!" Kuyom ang kamao na binalingan niya ang matanda. "Anong nangyari sakanya?" Tanong niya dito, hindi niya napigilan ang galit sa boses niya. Iniwas nito ang mata sakanya saka napayuko. "S-s-sinasaktan ....n-naman niya ang s-sarili niya." Nanginginig na sabi nito, binalingan niya uli si Sandra na mas lalong sumiksik sa pagitan ng lamesang maliit sa tabi nito at gilid ng kama. Gumapang ang awa sa dibdib niya habang nakatingin dito. Hinawakan niya ang kamay niya at hinila mula don. "Halika dito, lumapit ka sakin.." Masuyong sabi niya, nag-angat ito ng mukha habang humihikbi. Ilang sandali itong tumitig sakanya pagkuway lumapit din sakanya. Binuhat niya ito at dinala sa kama saka inihiga. Patuloy pa rin ang paghikbi nito. "Inuntog-untog mo ulo pero iiyak ka 'pag nasaktan ka!" Sermon niya dito, kinuha niya ang mga gamot na nasa tabi ng mesa saka siya umupo sa tabi ng kama. "Bakit niyo naman pinabayaan 'to ha?!" Hindi niya maiwasang sabihin sa matanda. Nilinisan niya ang dugo sa noo ni Sandra. Unti-unti naman itong tumigil sa paghikbi. "N-n-namili ako sa palengke sir.... n-nabutan ko na lang siyang inuuntog ang u-ulo niya." "Ang tigas ng bungo eh!" Gigil na bulong niya sa dalaga. Nakatitig naman ito sakanya habang sumisigok pa. "Call the doctor now.... kailangan tahiin ang sugat niya." Sabi niya pa at saka ito kinumutan. Ilang sandali lang ay narinig niyang sumara na ang pinto sa likuran niya. "Wag kang matutulog darating pa ang doctor." Sabi niya dito. "Delifico?" Naningkit ang mata niya nang marinig niya ang boses na 'yon, matalim ang mata na bumaling siya sa direksyon ng pinto. "Ikaw ang nandito ni hindi mo man lang magawang bantayan ang kapatid mo?!" Galit na sabi niya dito. Magkasiklop naman ang kamay nito sa harap. "N-nasa garden kasi ako kanina isa pa nandiyan naman si m-manang.." Mas lalong naningkit ang mata niya sa sinabi nito. "At wala man lang sa isip mo na puntahan 'tong kapatid mo sa kabila ng kalagayan niya. Inaasa mo sa matanda alam mo namang hindi oras-oras matitignan niya 'tong kapatid mo!" Nagbaba naman ito ng tingin sa sahig. Kuyom ang kamao na muli niyang binalingan si Sandra, nakatulala ito sa kisame. "B-bakit ba masyado kang nag-alala sakanya ha Delifico?" Tumayo siya mula sa tabi ng kama at muling binalingan si Julie. "Ikaw? Bakit hindi mo man lang magawang mag-alala sakanya?" Malamig na tanong niya dito. Inaarok niya ang iniisip nito. "Alam mo naman ang dahila----- "Yon ba talaga ang nangyari ha Julie?" Putol niya sa sasabihin nito. Naglumikot ang mga mata nito. "O-oo, h-hindi ko naman kailangang magsinungaling sa'yo.." Ilang sandali niya itong tinitigan. "Nakaluto kana ba?" Doon ito ngumiti sakanya. "Ah, oo tapos na. Kaya nga hinanap kita dahil kakain na tay--- "Kunin mo at dalhin dito..." Aniya saka tumalikod, pumunta siya sa balkonahe. "B-bakit dito? Hindi ba sabi mo nagugu---- "Mukhang hindi pa kumakain ang kapatid mo, i-akyat mo ang pagkain." Utos niyang muli dito. Si Julie ang babaeng nakatagal sakanya, he want to control women. Kahit pa ang mga dati niyang karelasyon ay walang nagagawa sa tuwing nagbibitaw siya ng salita. "S-sige...." Narinig niyang sabi nito, ilang sandali pa ay narinig niyang nagsarang muli ang pinto sa likuran niya. Napatitig siya sa garden ng mansion. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang isang kubo sa 'di kalayuan ng mansion. 20/20 ang vision niya kay tiyak niya na hindi siya nagkakamali ng tanaw. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid ng mansion, nagtataka siya sa kulay ng mga bulaklak sa hardin pati na rin ang damo. Mahaba ang pagkakaayos ng mga bulaklak na rosas sa kabilang side naman katabi ng duyan ay ang mga daisy. Buhay at sariwa ang mga rosas pero ang pinagtataka niya lang kung bakit malamya ang tatlong rosas na nasa bandang gitna, iba din ang kulay nito sa ibang kasamang rosas. Tinignan niya naman ang damo.. napansin niya na buhay ang mga damo pero hindi ang isang parte ng damo na 'yon malapit sa duyan, gaya ng rosas malamya din ang kulay nito at patay. Hindi mapapansin ito kung hindi tititigan ng maayos. Lumayo siya sa balkonahe at muling pumasok sa loob ng kwarto ni Sandra. Tinignan niya ang dalaga, nakapikit na ito. Lumapit siya mula sa kinahihigaan nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito sa noo. "GANON ba? Sige mamaya pupunta ako diyan. Kumpleto ba lahat ng impormasyon? Good, thank you dude." Unti-unting dinilat ni Sandra ang mga mata nang marinig niya ang boses na 'yon, Alam niya na galing ang boses na 'yon mula sa balkonahe ng kwarto niya. Tumitig siya sa kisame, mukhang malapit nang gumabi. Kalat na ang dilim sa loob ng kwarto niya. Tanging ang ilaw lang mula sa balkonahe ng kwarto niya ang bukas. 'Mamaya kailangan ko uling maglibot dito. Baka sakali na may makita ako mula sa gamit nila Julie... Sandro.... mama. Ililigtas ko kayo, kung huli man gagawin ko ang lahat para magkita uli tayo...' Nag-init ang sulok ng mata niya nang maalala ang magulang at ang kambal. Kaninang pumasok si Julie sa kwarto niya ay sinaktan na naman siya nito. Nararamdaman daw nito na hindi siya baliw. Gusto ng mga ito na kunin mula sa kanya ang bank book, titulo ng mansion maging ang malaking lupa nila sa Zambales. Alam ng mga ito na hawak niya ang lahat ng 'yon, pero hanggat kaya niyang magkunwari walang mahihita ang mga ito sakanya. Kahit pa ikamatay niya 'yon.... Natigilan siya nang biglang bumaha ang liwanag sa kisame. "Gising kana pala..." Sabi ng boses na 'yon. Napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya, hindi niya pa rin alam kung bakit pakiramdam niya ay gusto nitong ma-involve sa kagaya niya considering na boyfriend ito ni Julie. Nagulat siya kanina sa paraan ng pag-uusap ng mga ito, she knew Julie when it comes to men. Lahat ng lalaki para kay Julie ay utusan lang, wala itong pakialam kahit pa tinatapakan nito ang karapatan ng isang lalaki. Kaya iyon ang nagustuhan ni Cedrick dito. Gusto niyang sumimangot nang maalala ang mukha ng hayop na lalaking 'yon! Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan. Hindi siya kumurap kahit isang beses, pero ang totoo ay kinakabahan siya ngayong kaharap niya ang boyfriend ni Julie. Napatitig siya sa maamong mukha nito, mahilig talaga sa mga singkit na lalaki si Julie. Mukha pa ngang may halong ibang lahi ang kaharap niya base sa awra ng mukha at mata nito. Pero aaminin niya na sa lahat ng nakita niyang boyfriend ni Julie si Delifico ang pinaka-gwapo at may kakaibang dating para sakanya. A kind of man that every woman dreams. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing nakikita niya ang o nararamdaman niya ang presensya nito may kung anong bagay na lumulukob sa pagkatao niya..... At hindi maganda para sakanya ang pakiramdam na 'yon... Nakita niyang kinuha nito ang isang pinggan na may lamang pagkain. "Oh... hindi na kita ginising kanina dahil tulog na tulog ka." Anito saka inuwang sa labi niya ang kutsara. Bahagya niyang iniwas ang labi. "Kumain kana. Gusto mo bang ako ang mag-untog ng ulo mo sa pader?" Nandidilat pa ang mata na sabi nito sakanya. Gusto niyang irapan ito. 'Hindi na bago sakin 'yon! Parehas kayo! Kayo na malapit kay Julie!' Hindi niya magawang itago dito ang luha dito. Mahirap para sa sitwasyon niya ngayon kung sino ang dapat na pagkatiwalaan niya. Lalo't minsan nawawalan na siya ng pag-asa na makita ang kambal at ina. "Oh... 'di kita pinaiyak diyan ah.." Sabi nito, ilang sandali pa siyang tinignan nito pagkuway pailing na binalik ang pinggan sa tray na nakapatong sa mesa. Hinila nito ang silya papalapit sakanya at pinunasan ang luha niya. "Sige ganito na lang, kung gusto mo matulog kana muna ngayon. Pero bukas kakain ka maliwanag ba? Wala ngayon si manang inutusan ni Don Augusto para mamili, ako na muna ang bantay dito sa'yo ngayon." 'Pero bakit? Bakit mo 'ko tinutulungan? Inutusan ka ba ni Julie para amuin ako at paaminin na hindi ako nababaliw ganon ba?' Nagsalubong ang makapal nitong kilay. "May gusto ka bang sabihin sakin?" Anito. Hindi niya mapigilang mapakurap sa sinabi nito. 'Nababasa niya ba iniisip ko?' "Come on, say it Sandra alam ko may gusto kang sabihin sakin..." Sabi pa nito na titig na titig sa mata niya. Gusto niyang iiwas ang mata dito pero hindi niya ginawa dahil baka makahalata ito. Bumuga ng hangin ang kaharap niya saka tumayo. "Sige na matulog kana." Sabi nito, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at inalalayan siyang humiga sa kama. Tumagilid siya ng higa, naramdaman niya pa ang paglapat ng kumot sa katawan niya. "Bukas mamimili tayo.... mukhang hindi ka nabibilhan ng bagong gamit nila Julie. Matulog kana, babalik ako dito mamaya para painumin ka ng gamot." Kumibot-kibot ang labi niya sa sinabi nito. Kahit pigilan niya ang sarili parang gustong umasa ng puso niya na iba ito sa lahat. Ilang sandali pa ay narinig niyang nagsara na ang pinto ng kwarto niya. 'Hindi. Hindi pa rin ako pwedeng basta magtiwala, ilang tao ang malalapit sakin ang pinagkatiwalaan ko pero lahat ng 'yon ay nauwi lang sa pagta-traydor sakin!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD