Chapter Seven

1604 Words
"What do you think hon? Sabi ng mga kaibigan ko maganda daw ang night life sa Maldives.." Saglit na tinanggal ni Delifico ang tingin sa direksyon ni Sandra at binalingan ang katipan. "Sa susunod na lang, marami kasi akong kailangan ayusin. Bukod don malapit nang umuwi si Akashe." Sabi niya dito. "Talaga? Wow.. okay, so batangas na lang muna tayo? Three nights lang naman eh." Pangungulit nito. Nagkibit-balikat siya dito. "Ikaw bahala. Ah... pwede bang ipagtimpala mo 'ko ng kape? Mukhang sinisikmura ako eh." Nakangiting sabi niya dito. Masayang umalis naman ito sa tabi niya. "Sure. Hintayin mo 'ko diyan ah..." Nakangiting sabi nito saka tumayo at pumasok sa mansion. Muli siyang tumingin sa direksyon ni Sandra, nakaupo ito sa damuhan habang tinatangay ng hangin ang buhok nito. Nakita niyang nilapitan ito ni manang at sinuklay ang mahabang buhok nito. Hindi niya alam kung bakit habang tumatagal ay gusto niyang palaging nakikita ito. Gusto niya ang pakiramdam ng presensya nito. Bumaba ang mata niya sa braso nito, she's wearing a sleeveles. Napatuwid siya ng upo nang makita ang peklat sa braso nito. Mukhang medyo sariwa pa 'yon. 'Palagi kasing mahahabang mangas ang suot niya...' "Hon eto na..." Hindi pa rin niya binabawi ang tingin sa sugat ni Sandra. "Delifico?" Napipilitang binawi niya ang tingin dito at binalingan si Julie. Nilapag nito sa harap niya ang isang tasa ng kape. "Anong nangyari sa braso ng kapatid mo?" Kunot-noong tanong niya dito. Natigilan naman ito at tumingin sakanya, nilingon nito ang direksyon nila Sandra at mailap ang matang bumaling sakanya. "Sigurado ako na sinasaktan na naman niya ang sarili niya." Sabi nito saka umupo sa katapat niyang silya. "Ganyan naman palagi 'yan si Sandra eh. Kahit no'ng matino pa siya.." Ani Julie. Lalong kumunot ang noo niya. "What do you mean?" Hminga ito ng malalim saka tumingin sa direksyon ni Sandra. "Kapag hindi kasi nasusunod ang gusto niya noon sinasaktan niya ang sarili niya. Kapag meron din ako, gusto niya meron din siya." Pagku-kwento nito at binalingan siya. "Lalo na no'ng gusto ni tita na maghiwalay na sila ni Cedrick." Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Boyfriend niya si Cedrick, pero ayaw dito ni tita. Mukha daw kasing sasaktan lang ni Cedrick ang anak niya. Siyempre, dahil matigas ang ulo ni Sandra tumutol siya kay tita. At siguro naubusan na ng pasensya si tita sa anak niya, hindi nakalabas ng ilang linggo si Sandra dito sa mansion. Pero hindi pa rin 'yon nakatulong dahil lalo lang nagmatigas si Sandra. Kaya ayun, nakipagtanan siya kay Cedrick." Natigilan siya sa sinabi nito. 'Si Sandra nakipagtanan?!' Hindi niya alam kung bakit nainis siya sa bagay na 'yon. "Isang linggo silang pinahanap ni tita. Tumulong na nga rin si papa, Nakitira pala sila ni Cedrick sa isang tiyuhin niya sa masbate." Hindi naman siya nakaimik sa sinabi nito, malamig ang ekspresyon na bumaling muli siya kay Sandra. ALAM ni Sandra na nakatingin pa rin sa direksyon niya si Delifico. Hindi niya alam kung anong iniisip nito habang nakatingin sa direksyon niya. Kahit kasama nito si Julie ay na sakanya pa rin ang mata nito. 'Palagay ko minamatyagan niya pa rin ang kilos ko..' "Naku sigurado ako na may kasinungalingan na namang sinasabi 'yan si Julie kay si sir Delifico." Natigilan naman siya sa sinabi ni manang, nilagyan nito ng baby oil ang mahabang buhok niya. "Masama kasi 'yung tingin ni sir Delifico sa'yo iha. Hay... kailan kaya magbabago ang babaeng 'yan. Manang-mana sa ama." 'Masama 'yung tingin niya sakin? Sabagay... ano bang bago? Ganyan naman si Julie, kapag may mga taong naawa sa kalagayan ko o 'di kaya tinutulungan ako sinisiraan niya 'ko eh.' Biglang sumama ang pakiramdam niya. Sigurado siya na ito na ang huling lalapitan siya ni Delifico. "Halika na iha.... malapit nang gumabi. Ayoko namang abutan ka ng matanda dito dahil puro kamanyakan na naman ang tingin non sa'yo." Sabi ni manang at inalalayan siyang tumayo. Sumunod naman siya dito at nakatulalang tumingin sa kawalan. Mula sa gilid ng mata ay alam niyang nakasunod ang tingin sakanya nila Julie at Delifico. Pumasok sila ni manang sa mansion, inalalayan siya ng matanda sa braso. Doon niya kinurap ang mga mata at palihim na nilibot ng tingin ang buong mansion. Naalala niya ang mga magulang at si Sandro, marami silang naiwang masasayang araw don kaya hindi niya bibitawan ang mansion. "Pero alam mo iha, kahit ganon masaya pa rin ako na nandito si Delifico dahil hindi magagawa nila Don Augusto na ikulong ka sa ilalim. Kaya sigurado ako na iba si Delifico sa lahat." Mapait siyang ngumiti.. Nang makarating na sila sa kwarto ay inalalayan siyang humiga ni manang sa kama. Kinumutan siya nito at hinaplos ang buhok niya. "Iha matulog kana ha? Magpalakas ka, at sana gumaling kana." Pinikit niya ang mga mata. Ilang sandali lang ay naramdaman niyang nag-sara na ang pinto ng kwarto niya. Muli siyang dumilat at tumingin sa direksyon ng pinto. Umupo siya sa kama at nilibot ng tingin ang buong kwarto. Tahimik na tumayo siya at lumapit sa pinto. Pinakiramdaman niya muna kung may tao sa labas. Nang masiguro niyang walang tao ay lumabas siya ng kwarto. Tumingin siya sa magkabilang pasilyo ng mansion. Tahimik na naglakad siya papunta sa direksyon ng kwarto ni Sandro... pagdating niya don ay binuksan niya ang pinto ng kwarto ng kambal... 'Sandra andiyan na sila mama! Magtago kana!' Humagikgik si Sandra nang makita ang kambal nagtatago sa malaking drawer. Siya naman ay sumiksik sa ilalim ng kama, natakpan niya ang bibig nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sandro. 'Anak? Sandra? Sandro?' Mas lalo siyang sumiksik sa dulo ng kama. Nakita niya ang paa ng mga magulang. 'Hon, nasa ilalim 'yung babae mo, 'yung isa andon sa drawer.. Gulatin natin..' Narinig niyang bulong ng ama niya. Nakita nagtungo ang ama sa kinaroroonan ng drawer habang ang ina naman niya ay pumunta sa paanan ng kama. Narinig niyang nagbilang ang mga ito, napatili sila pareho ni Sandro nang sabay silang gulatin ng mga ito. Napuno ng tawanan at tilian ang buong kwarto..... Nag-init ang sulok ng mata niya nang maalala niya 'yon. Tinitignan niya ang buong kwarto ng kambal. Wala ng buhay 'yon at madilim, sa tuwing sabay na umaalis ang mga magulang ay naglalaro lang sila ni Sandro kasama ng ilan nilang pinsan na iniiwan sakanila ng mga tiyahin. Naalala niya pa na siya palagi ang tinutulungan ni Sandro para makapagtago. Naaalala rin niya sa tuwing ipagtatanggol siya ng kambal, nauna siyang lumabas dito. Minuto lang ang pagitan nila pero kung umasta ito ay parang nakakatanda sakanya. Pinunasan niya ang luha at pumasok sa loob. 'Sandra! Sila Julie at Don Augusto... may ginagawa sila kay mama...' Napakurap siya nang maalala ang sinabi ng kapatid. Noong una ay hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito, minsan din ay nakikita niyang may sugat ang buong katawan nito pero hindi niya alam kung bakit hindi nito sinasabi sakanya kung saan nito nakukuha ang sugat. Napapansin niya rin na palaging nakabantay sa labas ng kwarto niya ang kambal. Minsan pa nga ay balisa ito, sa tuwing may itatanong siya dito ang palaging sagot nito sakanya ay hindi daw siya nito pababayaan. 'Sandro.... nasaan na kayo? Please give me a sign, please.... alam ko na buhay pa kayo ni mama..' "Anong ginagawa mo dito?" Nahigit niya ang hininga nang marinig ang boses na 'yon. Lihim siyang napalunok nang maramdaman niya ang paghakbang nito papalapit sakanya. "Ano sabing ginagawa mo dito?" Tanong uli nito. Hindi niya ito pinansin, nagpatuloy siya sa paglalakad. "Hay... talaga naman." Palatak nito kasunod non ay naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya. Saktong napatingin siya sa mukha nito nang iharap siya nito. "Sa susunod nga itali mo 'yang buhok mo para hindi ako nagugulat sa lakad mo." Sermon nito sakanya, hinila siya nito sa braso palabas ng kwarto. Basta lang siyang sumunod sa kilos nito. Sinara nito ang kwarto ng kambal niya at muling bumaling sakanya. "Pasaway ka rin talaga no?" Sermon nito at naiiling na hinila siya sa braso. Hinatid siya nito papunta sa kwarto niya, siya naman ay walang emosyon na sumunod dito. Binitawan na siya nito sa braso nang makapasok na sila sa kwarto. 'Bakit ba tinutulungan mo pa rin ako?' "Yan matulog kana.." Sabi nito habang inaayos ang pagkakagusot ng kubre kama. Siya naman ay umupo lang sa paanan ng kama at tumingin sa kawalan. "Matutulog kana ba?" Tanong ulit nito. 'Gusto ko umalis kana...'wag mo na 'kong pakialaman.' Gusto sana niyang sabihin dito. Narinig niya ang palatak nito at saka pumunta sa harap niya. Yumuko ito para pumantay sa mukha niya. Akala niya ay may sasabihin ito sakanya pero basta lang itong tumitig sakanya. "Totoo ba 'yon Sandra?" Walang emosyon ang mata na tanong nito. Bahagyang kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Pero sana nagsisinungaling lang siya... alam ko na hindi ka ganong klase ng babae." Anito at bahagyang ngumiti. Hinawakan pa nito ang baba niya kasunod ng paghalik sa labi niya. Hindi niya napigilan ang panlalaki ng mga mata sa ginawa nito, bahagyang gumalaw ang labi nito at dahan-dahang lumayo sakanya. Bahagyang umawang ang labi niya, nakita niya pa ang pagtaas ng sulok ng labi nito pagkuway bumaba ang tingin sa labi niya. "Someday I will find out Sandra. Alam ko na may mali sa mga tao dito sa mansion niyo...." Malalim ang tinig na sabi nito. Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya sa sinabi nito. Umayos ito ng tayo at nakapamulsang tinalikuran siya. Napakurap siya at humigpit ang hawak sa kubre kama. Sinundan niya ito ng tingin nang makalabas na ito ng kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD