Naiiling na pinanood ni Delifico ang pagkakagulo ng mga kaibigan. Pinag-aagawan nila Thartarus at Tunaco ang isang litrato ng babae.
"Gago ka ibalik mo 'yan!" Sigaw ni Tunaco nang maagaw ni Thartarus ang picture.
"Wow ang ganda nito ha? Mahaba ba hita nito ha Inuyasha?" Natatawang sabi ni Thartarus, panay ang hablot naman ni Tunaco sa hawak nito.
"Tangina naman Thartarus! Ibalik mo sakin 'yan!" Galit na sabi ni Tunaco. Nang-aasar na tumingin naman si Thartarus kay Tunaco.
"Ano munang pangalan nito?"
Tumalim ang tingin dito ni Tunaco. Tumaas ang sulok ng labi niya saka sumandal sa upuan at pinanood ang pagtatalo ng mga ito, gusto niya kapag nakikitang nagagalit si Tunaco. Minsan lang kasi niya makitang magalit ito, ang alam niyang nakakapag-pagalit lang dito ay si Thartarus at Serionifo.
"Ibabalik mo ba 'yan o hindi?"
Humaba ang nguso ni Thartarus at hinalikan ang picture na hawak. "Hmm... mukha siyang mabang---ARAY!"
Nakita niyang sumubsob sa bar counter si Thartarus nang suntukin ito ni Tunaco. Agad namang kinuha ni Tunaco ang litrato sa kamay ni Thartarus.
"Para kayong gago dahil lang sa picture ko nagkakagulo kayo." Natatawang sabi ni Serionifo na nanunood lang sa mga kaibigan. Sakto namang bumukas ang pinto sa tabi niya, nakita niya sila Grey at Maxeau.
"Sabihin mo kay Dale na tawagin sila Mia at Maria, kilala niya 'yong mga 'yon. Sabihan rin mo 'yung secretary ko na ayusin 'yung lay-out----Putangina! 'Yung counter ko!!" Sigaw nito nang makitang nawasak ang counter nito. Palihim siyang tumawa dito, mabilis namang itinayo ni Thartarus ang counter.
"Hindi ako 'yon si Inuyasha 'yon! Saka hindi naman matibay 'tong counter mo tapon mo na." Sabi pa ni Thartarus. Galit na lumapit naman dito si Grey.
"Delifico!"
Napatingin siya sa tumawag sakanya, papalapit sakanya si Maxeau. Hawak nito sa isang kamay ang cellphone at isang papel.
"May kilala kang Maria?" Tanong nito habang nakatutok ang mata sa cellphone. Kumunot naman ang noo niya.
"Ozawa?"
"Libog mo dude!" Natatawang sabi nito. Saktong lumabas uli sa pintong itim si Clifford, kasunod nito si Ellifard na mukhang pinagbagsakan ng langit. Lumapit sakanila si Clifford samantalang si Ellifard ay dere-deretso, parang wala lang na dinaanan nito sila Grey at Thartarus.
"Anong nangyari don?" Takang tanong niya kay Clifford.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam, habang nagdi-discuss si Grey sa underground para sa mga kargamentong darating kanina pa wala sa sarili 'yan eh. Palaging nakatingin sa cellphone niya." Sagot nito. Baka hindi na naman nito matawagan ang anak ni Mr. Tan.
"Clifford may kilala kang Mia?" Tanong naman ni Maxeau. Kumunot ang noo ni Clifford.
"Khalifa?"
Natatawang tumayo siya mula sa kinauupuan at iniwan ang mga ito. Dinaanan niya ang nagtatalong si Grey at Thartarus. Kinuha niya ang cellphone habang palabas ng club. Natigilan siya nang maalala si Sandra, hindi pa rin niya nalimutan ang expression ng mukha nito kahapon. Hindi siya maaaring magkamali, alam niya na may tinatago ito.
'But I want to kiss her again....' Parang tanga na tumawa siya nang maalala ang ginawa niyang paghalik dito. Nagmamadaling tinungo niya ang kinapaparadahan ng sasakyan. Napapitlag pa siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya, sinagot niya 'yon.
"Konnichiwa Ototo!" Bungad ng nasa kabilang linya, nagsalubong naman ang kilay niya at sinilip ang screen ng cellphone. Muli niya 'yung binalik sa tenga.
"Ogenki desu ka shimai?" Nakangiting sabi niya, sinuksuk niya ang susi sa keyhole saka siya pumasok sa loob ng kotse. Saglit siyang sumandal sa upuan at tumingin sa harap ng sasakyan.
"Okagesamade Ototo!" Hyper na sabi nito. Nailing naman siya, he really miss his sister.
"Ahm... Ototo, chichi sa---
"Karera ga nani to io uto kini shinai.." Putol niya sa sasabihin nito, hindi niya gustong marinig ang balita tungkol sa sinabi sakanya ng ama niya.
"Gomen nasai...." Mahinang sabi nito sa kabilang linya. Naiiling na pinagsigla niyang muli ang tinig.
"It's okay.... Akashe, sabi ko magsanay kang magsalita ng Pilipino 'diba?" Natutuwang sabi niya dito, ayaw niyang makita ng kapatid ang klase ng trabaho ng ama.
"Pero kuya baliktot dila ko eh.."
Natawa siya sa tono ng boses nito. Ganon din siya noong una siyang dumating dito sa Pilipinas, salamat sa kadaldalan nila Thartarus at Maxeau at nasanay siya sa pananalita ng tagalog. Ilang taon na rin pala simula nang dito niya maisipang tumirang muli sa Pilipinas. Buti na lang at kahit papano ay tinuruan sila ng ina na Pilipina kaya alam niya ang basic sa tagalog.
"Basta magsanay ka... pano na lang kapag pumunta ka dito?" Aniya sa kapatid.
"Okay po.... kailan ako pupunta diyan kuya?" Baluktot ang dilang sabi nito.
"Gusto ko munang tapusin mo ang pag-aaral mo diyan. Nakausap mo ba si mama?"
"Hindi pa, she miss you ototo.."
Napangiti lang siya. He miss her too. "Bye for now Akashe, i'll call later huh?"
"Doki-doki shiteru ototo! Okay Sayounara!"
Naiiling na pinatay niya ang tawag saka nilapag ang cellphone sa dashboard. Sampung taong gulang na sila nang dalhin sila ng mga magulang sa Japan. Nang makatapos siya at nagkaroon ng sariling negosyo bumalik siya sa pinas. He don't want to be like his father.... pero hindi niya alam na sa pag-uwi niya ay magiging katulad din pala siya nito. Bumuga siya ng hangin pagkuway binuhay ang makina ng sasakyan. Nasa gawing southbound highway na siya nang makita niya ang isang store na may hindi kalakihan. Biglang lumitaw sa isip niya si Sandra.
'Ano bang favorite flavor non?'
Pinark niya ang sasakyan sa isang munting parking lot area sa harap ng store na 'yon. Pinatay niya ang makina ng kotse saka bumaba. Pumasok siya sa loob ng Bake shop na 'yon at tumingin sa mga estante.
"Good morning sir.." Assist sakanya nang babae. Napatingin siya sa mga cookies at fudge.
"Isang box nga nito." Aniya habang nakaturo sa cookies na may toppings na nutella sa ibabaw. Ilang sandali pa ay may inabot na sakanya ang isang maliit na box. Pagkabayad niya ay agad siyang lumabas ng shop na 'yon at tinungo ang kinapaparadahan ng kotse. Maingat na nilapag niya ang isang box sa tabi ng upuan.
"Haayy... ba't binilhan ko ang babaeng 'yon?" Natatawang bulong niya sa sarili at binalingan ang binili. Naiiling na muli na lang niyang binuhay ang makina ng sasakyan....
'BUTI naman at umuwi na ang lalaking 'yon. Ilang araw na akong hindi kumikilos dito sa mansion dahil lagi na lang siyang nakabantay sa kilos ko.'
Pasimpleng ginala ni Sandra ang buong paligid. Kaninang umaga ay sabay na umalis si Don Augosto at Delifico, si Julie naman ay kasama ang mga kaibigan nito at mukhang may gimik ata. Napaismid siya.
'Ang kapal ng mukha niya na gamitin ang pera ni papa sa banko. Ang kapal ng mukha nilang mag-ama!'
Madilim ang mukha na tinahak niya ang walang buhay na pasilyo, tinungo niya ang bodega nila kung saan doon pinatapon ng Don ang mga gamit ng ama niya. Tahimik na sinara niya ang pinto sa likod at ginala ng tingin ang may kalakihan nilang bodega. Napatingin siya sa malaking malate ng ama. Lumapit siya don at umupo sa sahig, kinuha niya 'yon at binuksan. Nakita niyang nakasalansan lang ang laman non, the last time she check maayos ang pagkakatupi no'n.
'Sigurado ako na pati 'to ay pinakaelaman ng mag-amang gahaman!'
Huminga siya ng malalim at nilibot ang tingin sa buong bodega. Nandon ang pingpong at manika niya, mga laruan nila ng kambal ay inimbak ng mag-ama sa bodega dahil wala naman daw kwenta ang mga 'yon. Biglang nanikip ang dibdib niya sa tuwing naalala ang sitwasyon, kahit pa nandiyan si Manang sa tabi niya ay pakiramdam niya ay may kung anong bagay na nagpapasakal sakanya. Ang mga kamag-anak naman niya ay masyadong naniwala sa mga pinagsasabi ng mag-ama.
Masakit para sakanya na kahit alam niyang siya ang tama ngunit ang mga taong inaasahan niyang tutulong sakanya ay hindi naniniwala sakanya.
Nanghihinang tumayo siya at lumabas ng bodega.
"Tsk.. tsk.. sabi ko na nga ba eh."
Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon mula sa likuran niya.
"Sinasabi ko na nga ba at nagpapanggap ka lang. Ano? Diyan mo ba tinago ang kayamanang iniwan sainyo ng ama mo ha Sandra?"
Hindi pa rin siya humaharap dito. This is not the right time....
Parang wala lang na nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Sagutin mo 'ko!!" Sigaw nito. Kasunod niyang naramdaman ay ang paghila ng buhok nito mula sa likuran niya. Wala pa ring emosyon ang mukha niya.
"Hindi mo na ako madadaan sa ganyan mo! Akala mo ba maniniwala pa 'ko na baliw ka talaga ha?" Nakangising sabi ni Julie habang hawak pa rin ng mahigpit ang buhok niya mula sa likuran. Pilit niyang hinila ang sariling buhok dito saka ito kinalmot sa braso. Napatili naman ito at nabitawan siya.
'Hindi mo 'ko mabubuko!'
Tumili siya nang malakas at nanlilisik ang matang tumingin dito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw nito at nilusob siya, muli nitong hinila ang buhok niya at kinaladkad siya.
"Halika dito at matuturuan kita ng leksyon kang malandi ka!" Galit na sabi nito habang hila ang buhok niya. Pilit siyang kumawala dito, ikinawit niya ang isang paa sa mesang nadaanan.
"Talagang!"
Hinila niya ang kamay nito at saka ito kinagat.
"Aaahh!!" Tili nito at binitawan siya. Mabilis siyang gumapang palayo dito, sumiksik siya sa sulok at sinapo ang dalawang tenga.
"Lumapi----
"Anong nangyayari dito?"
'Delifico!'
Napahikbi siya nang marinig ito, nakahinga na siya ng maluwag. Nakita niya mula sa gilid ng mata ang paglapit sakanya ni Delifico.
"Sandra...." Tawag nito sa pangalan niya, hinawakan nito ang braso niya.
"H-hon... she tried to kill me. N-nakita ko kasi siya na papunta don sa balkonahe niya at t-tatalon ata pinigilan ko siya at hinila ko dito palabas..."
Nanlisik ang mata niya nang marinig ang sinabi ni Julie. Kuyom na kuyom ang kamao niya habang kagat ang labi para pigilang 'wag magsalita.
"....w-when i tried to stop her she bite my arms. E-eto oh... k-kinalmot niya pa 'ko. Pa-pakiramdam ko tuloy lalo siyang l-lumala."
Halos bumaon na ang kuko niya sa pagkakakuyom. 'Napakasinungaling mo!'
"Manang! Manang!" Tawag ni Delifico, napatingin siya dito.
'Naniniwala ka sakanya?'
Nanginginig ang labi na bahagya siyang lumayo dito at hinila ang braso mula dito.
"Diyos ko po? Senyorita Sandra!" Nagmamadaling lumapit sakanya ang matanda. Binitawan naman siya ni Delifico.
"Dalhin niyo siya sa kwarto niya..." Narinig niyang sabi ng binata at lumayo pa sakanya. Napapikit siya ng mariin.
"Iha... halika na."
Nahagip pa ng tingin niya ang pagyakap dito ni Julie.
'Ano bang aasahan ko sa'yo? Hindi nga pala kita dapat na pagkatiwalaan....'
"Ayos ka lang ba iha?" Bulong sakanya ni manang habang alalay siya sa braso. Walang emosyon na sumunod lang siya kay manang. Nang pumunta na sila sa loob ng kwarto niya ay tahimik lang siya ngunit wala pa ring tigil ang pagtulo ng luha niya.
"S-sandali ha? Ikukuha lang kita ng makakain mo." Sabi ni manang at iniwan siya. Napatingin siya sa pinto, sinara niya 'yon at ni-lock. Napatingin siya sa balkonahe na karugtong ng kwarto niya.
"M-mama...." Mahinang hikbi ang kumawala sa lalamunan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa balkonahe.
'M-mama... Sandro.. hindi ko na kaya dito.'
Patuloy ang paghikbi niya habang papunta sa balkonahe.
"Iha? Iha ba't mo ni-lock 'to? Iha buksan mo 'tong pinto!"
Hindi niya pinansin ang pagtawag ng matanda. Unang bumungad sa nanlalabong paningin niya ang isang upuan. Kinuha niya 'yon. Napatingin siya sa nga batong nasa ibaba.
"I'm s-sorry ma..." Kinurap-kurap niya ang mga mata para malaglag ang luha niya. Tumungtong siya sa upuan at sumampa sa balkonahe na gawa sa mahogany. Bahagya niyang hinila ang may kahabaan niyang dress. Narinig niya ang malakas na pagtumba ng kung anong bagay mula sa loob ng kwarto niya.
"Sandra!!"
Natigilan siya nang marinig ang boses na 'yon. Hindi pa rin siya gumagalaw mula sa kinatatayuan, nakatingin siya sa ibaba. Mula sa gilid ng mata ay nakita niya ang paglapit nito.
"Sandra bumaba ka diyan..."
Nakita niya mula sa gilid ng mata ang pagmamakaawa nito. Bahagya niyang ginalaw ang mga paa.
"f**k! f**k! Don't f*****g move Sandra!"
Handa na siyang tumalon nang makita niya ang isang bulto na 'yon na nasa ilalim ng puno nila. Napakurap siya nang makita ang nakangiting kambal. Kumaway ito sakanya.
"S-sandro.... sandro.." Natutulala siya at bahagya pang gumalaw, ngunit mabilis din itong nawala.
"Sand----
Napatili siya nang may kung sinong humila sakanya. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso sa katawan niya.
"B-bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko!! Sandro!!" Sumigaw siya at pilit na nagpupumiglas sa may hawak sakanya.
"Stop it Sandra.." Gigil na sabi ng boses na 'yon. Naramdaman niya ang pagturok ng kung ano sa braso niya.
'Hindi! Hindi sandro!!'
Ngunit ilang sandali lang ay namigat na ang talukap niya.....