Chapter Nine

1864 Words
"Sinasabi ko na nga ba eh. Lalo talaga siyang lumalala kapag nandito siya.." Tinitigan ni Delifico ang natutulog na dalaga. Ina-assist ito ng nurse, hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit kumakabog pa rin ang dibdib niya. Kung hindi niya naagapan ito siguradong nahulog na ito sa ibaba! Kumunot ang noo niya nang makita ang ginagawa ng nurse. "Anong ginagawa mo?" Galit na sabi niya dito habang nakatingin sa tali na hawak nito. Tumingin naman ito sakanya pagkuway kay Julie. "Hon, kailan natin siyang itali. Baka mas maging worst pa kung--- "Umalis ka diyan. Walang magtatali sakanya...." Madiing utos niya sa nurse. Lumayo naman ito kay Sandra. "Pero Delifico! N-nakita mo naman ang ginawa niya kanin----- "Then we should stop her! Kung hindi mo siya kayang pigilan o kahit na sinong tao dito sa mansion niyo ako ang magbabantay sakanya!" Galit na sabi niya dito. Natahimik naman ito, sinenyasan niya ang nurse na umalis. Huminga ng malalim si Julie. "Maghahanda muna ko ng makakain natin." Anito saka sumunod sa nurse. Binuga niya hangin na naipon sa dibdib. Kinuha niya ang kumot at ipinatong 'yon sa katawan ni Sandra. Ilang sandali niya itong tinitigan, binalingan niya ang isang box na nasa katabing mesa ng kama nito. Yupi na 'yon, nadaganan 'yon nang hablutin niya ang kamay ng dalaga at sabay silang bumagsak sa sahig. Naiiling na inayos niya 'yon, buti na lang at hindi nadurog ang pagkain mula sa loob non. Muli niyang sinilip si Sandra na tulog pa rin, Sinuguro niya na walang anumang matulis na bagay sa kwarto nito, pina-lock niya rin ang pinto ng balkonahe nito para kung sakaling magising ito ay hindi ito magtatangkang pumunta doon. Muli niyang pinakatitigan ang mukha ni Sandra. Lumapit siya dito at hinaplos ang buhok nito. Bahagya siyang yumukod at hinalikan ang noo nito. 'Kung sakali mang tama ang hinala ko Sandra na hindi totoo ang pinapakita mo maiintindihan kita. Alam ko na may dahilan ka para gawin 'to...' Bahagya na siyang lumayo dito, ilang sandali muna niya itong tinitigan saka siya tumalikod. Paglabas niya ng kwarto ng dalaga ay tinignan niya ang magkabilang pasilyo ng mansion. Tinahak niya ang pasilyo papunta sa likod-bahay kung saan nandon ang garden ng pamilya Montanez. Tahimik siyang bumaba sa madilim at makitid na hagdan. Sa pagkakaalam niya ay don ang shortcut ng papunta sa likod. Minsan na siyang iginala doon ni Julie. Pagdating niya don ay lumapit agad siya sa garden. Palihim niyang pinakiramdaman ang paligid pagkuway lumapit sa isang damuhan na naiiba ang kulay. Akmang hahawakan na niya 'yon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha naman niya 'yon. "Hey dude.." "Napatawag ka?" Sabi niya sa kaibigan, sinuri niya ang damuhan na 'yon. "Nakalimutan kong sabihin, nakikita mo 'yung kubo na nasa dikalayuan ng mansion? Naka-konekta 'yan sa mansion ng Montanez. Noong taong 1987 nang maisipang itayo ng pamilya ni Don Felimon ang mansion na 'yan. Ang alam ko kasi may tagong yaman na iniwan kay Don Felimon, pero walang nakakaalam kung nasaan ang kayamanan na 'yon kung hindi siya lang pati na rin si Donya Juanita at ang mga anak niyang kambal. Noong mamatay ang matanda ay saka naman lumitaw ang kubo na 'yan. In my theory, si Don Augusto ang nagpatayo niyan. Hindi 'yan ordinaryong kubo lang Delifico... mukhang may iba pang escapdes ang matanda bukod sa pamamahala ng kompanya na iniwan ni Don Felimon.." "Anong ibig mong sabihin na konekta 'to sa mansion?" "May underground sila, ayon sa mga napagtanungan ko may mga taong pabalik-balik sa kubo na 'yon. Hindi basta-bastang tao lang Delifico, mga kilalang politiko at kilalang personalidad ang nagpupunta diyan." 'f**k!' "I'll talk to you later Maxeau, may mahalaga akong gagawin. Just continue your research, gusto kong malaman pa ang ilang pinagkakaabalahan ng matanda." "Copy.." Sabi ni Maxea sa kabilang linya, pinatay niya ang tawag saka sinuksuk sa bulsa ang cellphone. Lumapit siya sa damo at yumuko. Hinaplos niya ang damong 'yon at saka tinuktok, kumunot ang noo niya. Parang may nakabaon don na bagay dahil matigas 'yon kapag tinutuktok. Hindi gaya ng ibang damo na lupa talaga ang ilalim. Kinuha niya ang dagger sa bewang saka tinuklap 'yon. Pagtuklap niya do'n ay nakita niya agad ang isang lumang kahoy na box. Tinanggal niya ang dumi sa ibabaw non saka 'yon kinuha. Binuksan niya 'yon. Mula sa loob non ay nakita niya ang isang antique na susi at lumang sobre. Kunot-noong kinuha niya ang sobre at binuklat 'yon. "I love you....." Kumunot ang noo niya nang mabasa niya ang nakasulat. Bigla niyang naalala ang tatlong rosas sa ina. 'These three roses is signifed that I will always love your father eternity..." Napatingin naman siya sa mga rosas. Tumayo siya at lumapit sa mga rosas na 'yon na mukhang lanta. Binunot niya ang tatlong rosas na naiiba ang kulay. Nakita niya ang isang papel na luma na nakadikit sa pagitan ng tangkay ng rosas. Kinuha niya 'yon at binuklat. Isa 'yong mapa at hindi niya maintindihan kung para saan 'yon. Tumingin siya sa mansion na mukhang lalong nagiging misteryo sa paningin niya. PANAY pa rin ang paghikbi ni Sandra, kaninang magising siya at bumungad sakanya ang madilim at tahimik na kwarto ay wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak. Nakita niya ang mga gamot, pagkain at prutas na nakapatong sa mesa niya. Pinunasan niya ang luha at tumitig sa kisame. 'Mama.... mama..' Natigilan siya nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Bumaha ng takot ang dibdib niya sa isiping baka si Julie 'yon. "Sandra?" Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang boses ni Delifico. She tried not to cry, pero hindi na niya maitatago 'yon dito. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang nakatayo si Delifico. "Nagugutom kaba?" Napalunok siya nang mahimigan niya ang masuyong boses nito, hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa nito kanina. Naiinis siya sa sarili dahil wala naman siyang karapatan. Tahimik na tumagilid siya ng higa patalikod dito. Narinig niya ang pagbuga ng hangin nito. "Kumain kana, sabi ni manang hindi kapa kumakain kanina pa." Anito. Hindi siya gumalaw, naramdaman niya ang paglundo ng kama mula sa likuran. Napapitlag siya nang hawakan nito ang braso niya. "Kumain kana para magkalaman 'yang tiyan mo at mapainom kita ng gamot." 'Pake mo ba?!' Marahas niyang binawi ang braso dito saka bahagyang umurong palayo dito. "Tsk... gusto mo bang sapilitan kitang itayo diyan?" May bahid na ng inis na sabi nito. 'Ikaw pa nainis huh! Eh kung hayaan mo na lang ako?!' Pilit niyang itinikom ang bibig para hindi magsalita. "Fine. You want me to force you to eat huh Sandra? Mabibilaukan ka sakin kapag ako ang nagpakain sayo." Napairap siya. 'Tignan mo! Hayop ang ugali?!' Muli siyang hinawakan nito sa braso, wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod dito nang i-upo siya nito sa kama. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Good. Takot ka naman pala eh..." Pinigilan niya ang sarili na 'wag bulyawan ito. 'Takot mo mukha mo!' Umatras siya dito, niyakap niya ang mga tuhod habang nakatulala sa paanan. Napansin niya pa ang hawak nitong pulang kahon. "Look, may pasalubong ako sa'yo. Kaya lang nasira 'yung lagayan eh, but don't worry. Buo pa naman 'yung mga cookies." Kahit hindi siya direktang nakatingin sa mukha nito alam niyang nakangiti ito sakanya. Nilapag nito sa harap niya ang isang box. Doon tumuon ang mata niya. "Oh kumain kana.... pagkatapos mong kumain bubuksan ko na 'yung box ha?" Masuyong sabi nito. Hinawakan nito ang baba niya at iniharap dito. "Ah...." Nakangangang sabi nito habang nilalapit sa bibig niya ang kutsara. Sapilitan naman niyang binuka ang bibig habang nakatuon ang mata niya sa mukha ni Delifico. 'Ba't hindi kapa umaalis dito? Bakit nakikipaglapit ka sakin? Ibang tao ako sa'yo Delifico....' Marami siyang gustong itanong dito pero hindi niya magawang sabihin dito. Marami siyang conclusion sa ginagawang paglapit nito sakanya, baka mamaya nakikipaglapit ito sakanya dahil kay Julie, alam niya ang ugali ng babaeng 'yon. Lahat gagawin nito makuha lang ang bagay. Pano rin kung alam nito ang tungkol sa kayamanan na iniwan ng ama niya? 'Yon lang ang naiisip niyang paraan kung bakit ito nakikipaglapit sakanya. "Done..." Nakangiting sabi nito nang matapos siya. Akmang hihiga siya nang pigilan siya nito. "Sandali lang 'yung cookies. Tikman mo oh." Sabi nito habang binubuksan ang cookies na dinala nito. Basta lang siyang nakatingin dito, ilang sandali niyang tinitigan ang mukha nito at akmang hihiga muli siya nang hawakan naman siya nito sa braso. "Ayaw mo ba? Sige bukas mo na lang kainin. But can I talk to you first?" Natigilan naman siya. Nakita niyang nilapag nito sa mesa ang box ng cookies pagkuway hinarap siya. Kinabahan siya sa maaring itanong nito sakanya, pano kung malaman nito na nagkukunwari lang siya? "Look at me Sandra. Alam ko na naiintindihan mo 'ko, alam ko rin na hindi ganon kalala ang deperensya mo." Napakurap siya at tiningala ito. Nanginginig na hinila niya ang braso mula dito saka umurong palayo. "Sandra kung ano man 'yu---- Natigilan ito at pailalim na tumingin sa bandang pinto. Bumuga ito ng hangin at binalingan siya. "Babalik ako mamaya, may gagawin lang ako." Sabi nito saka tumayo. Nasundan naman niya ito ng tingin, nang makalabas ito ng kwarto niya ay napahawak siya sa dibdib. 'Alam na ba niya? Pero pano?' Patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib niya habang nakatingin sa nakasarang pinto. Hindi nagtagal ay muling bumukas 'yon, hindi niya napigilan ang sarili na mapaatras nang makita si Delifico, hawak nito sa isang kamay ang lata na spray. Nilapag nito 'yon sa sahig katabi ng drawer niya saka lumapit sakanya. "Now. Can you please tell me what's happening here?" Malamig na tanong nito. Napatitig siya sa mukha nito. "Sandra, hindi totoong may deperensya ka hindi ba?" Muling tanong nito. Humigpit ang kapit niya sa damit, iniwas niya ang tingin dito. Tinakpan niya ang dalawang tenga at saka humimig. "Tsk! Stop that! I won't buy it..." Inis na sabi nito, tumigil naman siya. It's useless, mukhang may nalalaman nga ito. Pero kahit na anong mangyari wala siyang sasabihin dito tungkol sa pamilya niya at kung anong tinatago niya. Matalim ang mata na tumingin siya dito. "Wala akong tiwala sayo Delifico...." Malamig na sabi niya dito at sinalubong ang titig nito. Natigilan naman ito sa sinabi niya at natawa ng mahina. "Atleast you talk to me Sandra..." Nakangiting sabi nito, kumunot naman ang noo niya. Naiiling na tumatawa pa rin ito. 'Anong nakakatawa sa sinabi ko?!' Napapitlag siya nang hawakan siya nito sa braso at hinila siya papalapit dito. "Bitawan mo 'ko..." Madiing sabi niya dito, ngunit patuloy pa rin ito sa paghila sakanya. Natigilan siya sa pagpiglas nang yakapin siya nito. "Don't worry, your secret is safe with me." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya, nagtatakang tiningala niya ito. Nakita niyang nakangiti ito. Bahagya niya itong tinulak saka siya lumayo dito. Muli siyang humiga patalikod sa direksyon nito. Pumikit siya ng mariin. "Goodnight Sandra... Babalikan kita bukas." Sabi nito. Narinig niya ang yabag nito palayo. "Sandra..." Tawag nito. Napadilat naman siya. "You can trust me...." Hindi siya umimik, ilang sandali lang ay narinig niya ang pagsara ng pinto ng kwarto niya. Muli siyang dumilat at saka tumingin sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD