CHAPTER TWO

2145 Words
"DAMN you, girl. You had the sweetest and most kissable lips I've ever tasted." bulong ni Mark sa labi ni Camille. Windang pa rin si Camille sa mga nangyari. Hindi lang iyon, iba ang kabog ng dibdib niya. Para bang anumang oras ay aatakehin siya sa puso sa abnormal na t***k niyon. Bago pa muli nito sakupin ang labi niya ay nataranta siya kaya mabilis na umiwas siya at tinulak ito para makawala siya. Bago pa niya tuluyang maiwan ito ay hinagilap nito ang kamay niya. "Why do you kiss me?" Camille, ano ba! Umayos ka nga. pagalit na sabi niya sa sarili. Humugot muna siya nang malalim na hininga bago nilingon ito. "Hindi mo na kailangan malaman. Bitiwan mo na ko." May kung ano sa tingin nito sa kanya na bumalik na naman sa pagtibok ng puso niya sa abnormal na paraan. Tama pala ang mga naririnig niyang sabi-sabi tungkol kay Mark. May kakayanan ito akitin ang kahit na sinong babae sa paraan lang nang tingin nito. Dahil nang mga oras na iyon ay ganoon ang eksaktong nararamdaman niya. Parang gusto na tuloy niya sabihin ang pangalan rito. Camille, snap out! Hindi ikaw 'yan. "Hinalikan kita sa cheek dahil sa isang dare. Wala akong intensyon na makipaghalikan sa'yo. Sinamantala mo ang pagkagulat ko." binigyan niya ng kalakip na galit ang mga huling sinabi niya. "So it's just a dare? Hinalikan mo ko dahil sa isang laro?" Nag-iwas ng tingin na tumango siya. Naramdaman niya na binitiwan nito ang kamay niya. Akmang aalis na uli siya nang hinigit na naman muli siya ni Mark at sinakop ang labi niya. Nang mga sandali na iyon ay mabini at may pag-iingat. Tila nanigas na naman siya sa ginawa nito. Nang binitiwan na nito ang mga labi niya ay sumilay ang ngisi sa mga labi nito. Pinunasan pa nito ng hinlalaki ang ibabang labi niya. "We're quits now." ani ni Mark bago may inilapag sa bar counter at walang-lingon na nilayasan siya. She groaned in embarrassment. Ano ba itong kalokohan na ginawa mo, Camille. *** "CONRAD dropped out." Maikling sabi ni Charles sa kanila habang nasa tambayan. Kasalukuyang si Charles ang student council ng unibersidad nila. Kaya hindi na siya nagtaka kung may mga nauuna malaman ito bago silang lahat. Hindi tulad noon na maingay sila kahit hindi pa kumpleto ang barkada. Ngayon ay nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan nilang lahat. Ginawa mo ito para sa sarili mo lang. You're selfish, 'yan ang totoo. Tila kidlat na bumalik sa alaala niya ang huling sinabi ng kapatid. Siguro nga tama ito na sarili lang niya ang iniisip. Siguro nga tama ito na makasarili siyang tao. Napangiti siya ng mapait. "Ano? Masaya ka na?" bigla ay tanong ni Rick. Nilingon niya ito. Ang sama ng tingin nito sa kanya. May pakialam pa ba siya? Siguro nga ay halos lahat sila ay galit sa kanya. "Hey, tama na ang sisihan puwede ba. Nangyari na kaya wala na tayong magagawa." singit ni Jomil upang hindi matuloy ang tensyon na namumuo sa pagitan nila. "Bullshit. Alam natin lahat na kasalanan ni Mark kung bakit gusto lumayo ni Conrad." ani pa ni Rick. "Tama na 'yan, Rick. Kakausapin ko mamaya si Conrad kung bakit kailangan pa niya mag-drop out. Puwede naman siguro ito madaan sa mabuting usapan." imik ni Blake. "Naglolokohan ba tayo dito? Sa tingin n'yo pagkatapos ng ginawa ni Mark ay maaayos pa ito?" sarkastikong sabad ni Altair. Tumayo na siya at lumabas na lang nang walang imik. Hindi niya napansin na sinundan pala siya ng mga kaibigan na sina Deuce at Charles. "Huwag mo na pansinin ang sinabi ni Rick at Altair. Alam mo naman medyo nagkainitan kayo ni Conrad kaya gano'n na lang sila mag-react. We can fix it." Nakangiting sabi ni Deuce. "Walang kahit sino ang makapag-aayos nito." ismid na sagot niya. Akmang may sasabihin pa ito nang pinigilan ito ni Charles. Hindi na niya nilingon ang mga kaibigan at naglakad na palayo sa mga ito. Tulad ng mga kaibigan ay nasa huling taon na rin siya sa kolehiyo sa kursong Biology. Ang balak niya pagkatapos ng kolehiyo niya ay mag-aral ng medisina sa ibang bansa. Iyon ang pangarap ng namayapang ina para sa kanya. Dumaan siya sa canteen dahil may intersection doon patungo sa building niya. Nang mahagip ng mga paningin niya ang pamilyar na pigura ng isang babae. Huminto siya at pinagkatitigan ito. Kilala niya ang babaeng nakaupo sa isang bakanteng mesa habang nakalumbaba at nakatitig sa screen ng cellphone nito. Ito iyong babae doon sa bar na humalik sa kanya. He was known her since first year. Ka-batch nila ito ng mga kaibigan na naging classmate na ni Charles dahil magka-course ang dalawa. Napangiti siya at pinagmasdan ito. Sa unang tingin ay mukha itong mataray at maldita. Pero kapag nagsimula na ito magsalita at ngumiti ay maiiba ang tingin mo. Lalo na kapag tinitigan ng matagal ang mukha nito. Kahit noon pa man, madali pa rin nito makuha ang atensyon niya. May mga pagkakataon na sa pavilion ito tumatambay kasama ang mga kaibigan. Minsan ay doon kumakain, gumagawa ng assignment at minsan ay nakikipag-usap sa mga iyon. Madalas ay nakikita niya ito doon dahil palagi doon ang daan niya patungo sa building niya. Minsan ay lumalapit talaga siya kapag nandoon ito para pagmasdan ang dalaga. Kapag ngumiti na ito ay mawawala ang ganoong impresyon mo na iyon sa dalaga. She smiled so lovably. May pagkakataon na gustong-gusto niya lapitan ito pero hindi niya magawa dahil inuunahan na siya ng kaba. Iyon ang una't-huli na aaminin niya na natotorpe siya sa babae. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang i-handle ang mga tipo ni Camille. Ni hindi niya niya alam kung paano kakausapin ito o kung ano ang kailangan niya sabihin rito. Lalong lumawak ang ngiti niya nang maalala na nahalikan na niya ito. Hindi niya akalain na makikita niya ito nang gabi na iyon at mahahalikan pa niya. Nang dalawang beses pa. Sobra din siyang naaliw sa dahilan nito na dahil lang iyon sa pustahan. May pustahan man nga o wala kaya lumapit ito sa kanya ay wala siyang pakialam. Damn, this is the first time he felt he wanted a girl more than anything else. *** "SORRY, Cams. May inasikaso kasi akong importante kaya ngayon lang ako." ani Daphne kay Camille, kararating lang ng kaibigan na may dala-dalang shake o drinks siguro, galing sa isang coffee shop na gustong-gusto niya. May ideya na siya kung bakit bitbit-bibit nito iyon. Peace-offering dahil late ito sa usapan nila. Itinulak nito palapit sa kanya ang hawak. "Green mango shake ba 'yan?" Tumango ito. Napangiti na siya. Alam na alam talaga ni Daphne kung ano ang kahinaan niya. "Peace-offering accepted." Magkakalahating-oras na kasi siya naghihintay kay Daphne. May aayusin kasi silang part doon sa thesis nila para matapos na. Ipapasa na lang iyon para sa proofreading at editing. Saka nila ipapasa sa main office ng department nila. Sila kasi na dalawa ang gumawa ng parte na may mali kaya hindi na nila inistorbo ang iba. May mga pasok kasi ang ibang ka-group nila na kaibigan rin. Si Brenda at Pia. Saglit lang naman sila nag-usap ng kaibigan dahil kanya-kanya naman silang parte sa thesis. Kailangan lang kasi nila itama ang inconsistency sa naturang papel. Ayaw naman nila pag-usapan sa chat o tawag iyon dahil medyo komplikado. Dapat pag-usapan mismo. Pagkatapos nila mag-usap ay naghiwalay na rin sila. May pasok pa kasi ito samantalang siya ay wala na. Kailangan lang talaga niya pumuntang campus nila para mag-usap ni Daphne. Malapit lang naman ang condo niya doon kaya sa school nila kaya naglalakad lang siya pauwe. Akmang palabas na siya ng building nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon. Kumabog bigla ang dibdib niya sa hindi niya malaman na dahilan ba kung kaba o ano. Magi-isang linggo na mula nang mangyari iyong sa bar. Nang nilingon niya ito ay hindi nga siya nagkamali. "It's you." "Ano'ng kailangan mo?" Lumapit ito sa kanya. Bumaba ang tingin niya nang may inilahad ito sa harap niya. Litrato iyon ng pamilya niya. Agad na hinablot niya iyon mula sa kamay nito. "Bakit na sa'yo 'to?" Nagkibit-balikat siya. "Nalaglag mo 'yan habang naglalakad ka." Wala kasi siyang dala na bag kaya hawak lang niya ang binder notebook niya kung saan niya nilalagay ang mga notes niya sa school. Inipit nga pala niya kagabi ang picture na iyon ng pamilya sa binder niya. Mabuti na lang at napulot nito. "Thank you." Aalis na sana siya nang pigilan na naman nito. "Care to have a lunch with me. My treat." Nilingon muli niya ito. Nagulat siya nang makita na hawak nito ang batok at nag-iwas ng tingin sa kanya. Lihim siyang napangiti. Nahihiya ba ito sa kanya? Parang hindi naman yata bagay rito. "Why?" "Because I want to have lunch with you." Tama nga talaga ang lahat ng naririnig niya. Wala itong pasakalye. Sasabihin nito ang lahat ng gusto nito sabihin. "Paano kung tumanggi ako?" Nagulat ito sa sinabi niya. Hindi lingid sa kanya na walang babae na tumatanggi rito. Kahit nga sa pakikipagrelasyon nito ay wala itong pinalalagpas. Wala din ito na pinapangako na kahit ano. Ito ang tipo ng lalaki na pinaka-ayaw niya. "Hindi por que nangyari ang dare na 'yon ay ginawa ko iyon dahil gusto ko. Napilitan lang ako." Nagkibit-balikat ito. "Malay ko ba kung dahilan mo lang 'yon para makalapit sa akin ng gabi na iyon." Nanlaki ang mga mata niya. "Aba! Huwag ka ngang feeling diyan. Huwag mo isipin na lumapit ako sa'yo dahil gusto kita. Hindi lahat ng babae ay nagkakagusto sa'yo." Tumalikod na din siya at iniwan ito. Maybe she was a bit harsh but she was just telling him the truth. Kung marami ang babae na namimilipit rito dahil sa kilig dahil inaya makipag-lunch o date pero hindi siya kasama sa mga iyon. *** I HOPE you accept this gift. I want to say sorry to you. -Mark Romero. 09206898989 Text me if you receive the cake ;) Hindi alam ni Camille kung ano ang mararamdaman niya nang mabasa sa card kung kanino galing ang carrot cake na iyon. Kanina bago siya tumaas sa unit niya ay tinawag siya ng bantay na guard para i-abot iyon. Para daw sa kanya iyon. Ang pinagtataka niya ay kung bakit nalaman nito kung saan ang building ng unit niya. At bakit siya kilala nito? Wala naman yata siyang matandaan na binigay niya ang pangalan sa lalaki na ito. May load naman siya kaya tinawagan niya ang number na binigay nito. Gusto niya malaman kung paano nito nalaman ang pangalan niya. Imposible din na magkataon lang na ang paborito niyang carrot cake ang binigay nito. There is something she doesn't know. Ilang minuto lang nag-ring ang sa kabilang linya bago nito sagutin iyon. "Paano mo nalaman ang unit ko? I guess, alam mo na rin ang buong pangalan ko. What else do you know?" sarkastiko na bungad niya pagkasagot nito. Narinig niya ang tawa nito sa kabilang linya. "Inalam ko lang ang ilang bagay tungkol sa'yo. I wanna see you more often." Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano bang problema ng lalaki na ito. "Ano bang kailangan mo sa'kin, Mr. Romero?!" "Don't freak out." natatawang sabi nito. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Stay away from me." "It's too late, babe." Nasapo niya ang noo. Hindi niya hahayaan na maging isa sa mga babae nito. Isipin pa lang niya ang bagay na iyon ay katakot-takot na senaryo ang naiisip niya. "Hindi ako makikipaglaro sa'yo, Mark. Hindi ako katulad ng mga babae mo. Kung ginagawa mo ito dahil inaakala mo na makukuha mo ang loob ko. Nagkakamali ka talaga." "Why afraid to fall in love with me?" Napaingos siya. "Never. Ang kapal naman ng mukha mo." "Then let me. I wanna ask you. Do you like the cake? I know it's your favorite." "You got to be kidding me!" she exclaimed. Hindi siya makapaniwala na dahil lang sa pesteng "dare" na iyon ay ginugulo nito ang tahimik niyang buhay. Bukod sa mga nalaman nito ay ano pa ang alam nito sa kanya. Sigurado siya na hindi siya tatantanan nito kapag hindi nito nakuha ang gusto sa kanya. Bigla ay nangilabot siya nang maisip ang gusto nito. Over her dead body! Hindi siya makikipag-s*x rito! Napabuntong-hininga siya. Kung paano man nito nalaman ang ilang bagay sa kanya ay wala siyang ideya at pakialam. Basta huwag nito guluhin ang buhay niya. Iyon ang mahalaga para sa kanya. Ayaw niya ng komplikasyon. Ayaw niya na isang araw ay biglang may susugod sa kanya at sasabihan na mang-aagaw. "Ewan ko. Bahala ka sa buhay mo." Pagkatapos sabihin iyon ay pinatay na niya ang tawag. Nang mapatingin siya sa carrot cake na binigay ni Mark. Dammit! It's a carrot cake. Alam niya na hindi niya basta mari-resist iyon dahil carrot cake ang pinakapaborito niyang flavor sa lahat ng cakes. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD