KAKALABAS lang ng klase ni Camille nang may tumawag sa pangalan niya. Nasa parking lot siya at pahayun sa sasakyan niya. Huminto siya at nilingon si Mark na palapit sa kanya. Dala niya ang sasakyan dahil pupunta siya sa mall para bumili ng groceries at kunin ang in-order niya na libro. Nag-text na sa kanya ang sales person na nandoon na diumano ang book niya.
"Pauwe ka na? Puwede ba ko sumabay sa'yo?"
Tinignan niya ito. "Huh? Bakit? Nasaan ang sasakyan mo?"
Nagkibit-balikat ito. "Coding ako ngayon eh. Sa may Morayta lang naman ako."
"Bakit hindi ka sumabay sa mga kaibigan mo?"
"They won't do that. They all hate me."
Napatango na lang siya sa narinig. Ano kaya ang dahilan para magalit ang mga kaibigan nito. Kaya pala hindi na niya nakikita ang mga ito magkakasama lahat.
"Ayaw mo ba?" tanong pa nito. Hindi naman sa ayaw niya pero parang sobra naman yatang awkward kung sila lang na dalawa. Bagsak ang mga balikat na tumalikod ito. Nakonsensiya naman siya. Naging mabait si Mark sa kanya. Ni hindi ito nagmintis sa pagbibigay sa kanya ng bulaklak. Minsan ay pinapadalhan pa din siya ng lalaki ng carrot cake at tall hot mocha with one extra shot galing sa starbucks. Lahat iyon ay paborito niya. "Tara na," pasuplada na sabi niya saka dumeretso na patungo sa sasakyan niya.
"Ayaw mo yata eh. Ayos lang."
"Sasakay ka o hindi?" tanong na lang niya.
Ngumiti lang ito at naglakad na palapit sa kanya. Napailing na lang siya pero hindi niya ikakaila na napangiti siya nito. Para kasi itong bata. Magkasunuran silang sumakay sa kotse niya. Habang nasa biyahe ay kinausap siya ni Mark.
"'Di ba malapit lang naman ang unit mo? Bakit may sasakyan ka?"
"Maggo-grocery kasi ko eh. Hindi ko naman kaya buhatin lahat ng bibilhin ko." sagot niya.
Napatango na lang ito. "Gusto mo samahan kita?"
Saglit na nilingon niya ito. "Alam mo minsan, hindi ko alam kung iisipin ko na stalker kita o ano eh."
Humalakhak ito. "Stalker? Really? Not admirer?"
Inirapan niya ito. "Bakit mo ba kasi ginagawa ito."
"Because I like you." diretso na sabi nito.
"Why do you like me? Ano ba ang mayro'n ako na wala ang ibang babae na naghahabol sa'yo? Bakit hindi mo na lang sa kanila ibigay ang atensyon na binibigay mo sa'kin."
"Dahil iba ka sa kanila." seryoso na sabi nito.
Napangiti siya ng mapait. Ngayon may ideya na siya kung bakit ginagawa nito ang mga ginagawa. Na-tsa-challenge ito sa kanya. Siguro kasi hindi siya nagpapakita ng motibo rito kahit palagi na lang ito gumagawa ng paraan para pansinin niya.
"Bakit hindi ka na umimik?" tanong nito, kapagkuwan.
"Don't mind me. Nagpo-focus lang ako sa pagda-drive."
"Hindi ka naniniwala sa'kin?"
"Na ano?" salubong ang kilay na sinulyapan niya ito.
"That... I like you. I might in love with you."
Nanlaki ang mga mata ni Camille sa narinig. Napa-preno na lang siya bigla sa narinig. Umilaw kasi ang stoplight na kailangan nila huminto. Humigpit ang kapit niya sa manibela ng sasakyan niya.
"A-Ano kamo?" kandautal na tanong niya. Hindi man dapat ay biglang umiba ang ihip ng hangin. Hindi man din dapat ay iba ang naging kabog ng dibdib niya.
Ngumisi ito at pinisil ang pisngi niya. "You're so pretty, Camille."
Nakagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa harap. Ano bang nangyayari sa kanya? Iyong totoo?
***
"FAN ka pala ng Parokya ni Edgar. Bakit hindi ko alam 'yan?" tanong ni Mark sa kanya habang hawak-hawak niya ang isang CD album ng Parokya ni Edgar. Pagkarating nila sa mall ay sinamahan siya nito kunin ang libro na in-order niya sa bookstore. Saka sila dumeretso doon para bumili ng CD ng paborito niyang local band. Gustong-gusto niya ang parokya ni Edgar. When it comes to books she usually bought young adult fantasy and contemporary fiction. Samantalang sina Pia at Brenda ay tagalog pocketbook ang gusto ng mga ito.
Napangisi siya. "Thanks God, kulang pa pala ang mga bagay na alam mo sa'kin."
Napahawak ito sa likod ng batok. "Hindi naman kasi kayo talaga close ng source ko eh."
"Bakit? Sino ba talaga ang source mo?"
"Hindi ka magagalit kung malalaman mo kung sino?" tanong muna nito.
Umiling siya. Magagalit pa ba siya gayong hindi man niya aminin sa sarili ay nagugustuhan niya ang ginagawa ni Mark. Lalo na iyong carrot cake at coffee na binibigay nito sa kanya. Minsan kasi hindi na niya kailangan umalis ng unit niya para bumili ng meryenda dahil provided na nito iyon minsan. May magdo-doorbell na lang sa pinto niya para ibigay ang mga iyon. "Bakit pa? Eh, 'kay tagal mo na nga ginagawa ang mga ginagawa mo."
"Si Dashniel Ocampo," kaswal na sabi nito.
Kilala niya iyong Dashniel na tinutukoy nito. "'Yong secretary ng JMA council?"
Tumango ito. Kaya naman pala, sa tingin niya ay naghalungkat ang babae na iyon ng mga data niya. Tanda niya kasi na may pina-sign sa kanilang autograph noon. Hindi naman lahat ay nilagay niya doon. "Huhulaan ko, ginamitan mo ng charm kaya binigay ang mga info ko 'noh?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Gusto niya matawa nang makita ang bahagyang pamumula ng pisngi nito. Minsan hindi niya mapigilan isipin na may nakikita siyang iba rito na parang hindi totoo sa mga nalaman niya tungkol kay Mark. He was arrogant, happy-go-lucky, playboy and black sheep. Hindi naman niya masasabi na iresponsable ito dahil Biology ang course na kinukuha nito. May bali-balita rin na c*m Laude ito.
Tinapik niya sa balikat ito. "Tigilan mo na 'yang paggaganyan mo. Nagpapa-cute ka lang yata sa akin."
Nabigla siya nang hinuli nito ang kamay niya. Kailangan na nga yata talaga niya magpatingin sa puso dahil nang ngumiti ito ay naging mabilis ang t***k ng puso niya. Kasabay niyon ang pagdaloy ng mumunting koryente sa kamay niya nahawak nito. "Effective naman 'di ba? Na-cute-han ka sa'kin."
"Hindi ka cute. Wala naman ako sinabi na naku-cute-han ako sa'yo. 'Wag kang feeling." Binawi niya ang kamay at mabilis na pumihit patungo sa counter para bayaran ang CD na kinuha.
Hindi yata ako dapat kumain pa ng mga binibigay niya. Baka ginagayuma niya ko.
***
"LAYUAN mo na siya, Mark. Kung hindi pati ako makalalaban mo." Maawtoridad na sabi ni Jomil kay Mark nang huminto ito sa harap niya. Kasalukuyang nakatambay siya sa open field ng unibersidad nila. Nag-angat siya nang tingin at pinagmasdan ang kalmadong mukha ng kaibigan. May ideya na siya kung ano ang tinutukoy nito."Tigilan mo si Camille dahil hindi siya tulad ng ibang babae mo. Malapit na kaibigan siya ni Pia at ayaw ko na masaktan siya ng dahil sa iyo."
"Ano bang pakialam mo?"
"Bakit siya pa? Marami naman ang babae na nagkakandarapa sa'yo. Nag-aalala kami ni Charles sa kaya mo gawin kay Camille. Sasaktan mo lang ang kaibigan nila. Sigurado ako na gano'n ang mangyayari."
"Sa'n ka ba talaga nagagalit, Jomil?" nakangising tanong niya.
Tumiim ang mga bagang nito. Ibinalik niya ang tingin sa mga university player nila na naglalaro ng soccer. "Hindi ba't parehas lang naman si Sandra ng ex-girlfriend mo na pinagpalit ka sa iba. Nakikita mo si Conrad sa'yo. Ang pinagkaiba n'yo lang, hindi mo kaibigan 'yong lalaki."
"Shut up. Hindi mo alam ang nangyari." Tila nagtitimpi na sabi nito. Alam niya ang nangyari rito at sa unang girlfriend nito. Niloko lang naman si Jomil ng babae para sa iba.
"Hindi mo ko mauutusan. Wala ka naman pakialam kung lapit ako ng lapit kay Camille." Kaswal na sagot niya.
Mula nang magkaaway sila ni Conrad ay dumistansiya siya sa mga kaibigan. Alam naman niya na mainit ang dugo sa kanila ng ilan sa mga ito. Alam naman niya ang naging mali niya pero hindi siya hihingi ng tawad kay Conrad.
"Itigil mo na ang paglalaro sa babae, Mark. Nagkaaway na kayo ni Conrad dahil sa ginawa mo kay Sandra. Tapos ngayon mababalitaan namin ni Charles na pinupormahan mo si Camille. Stop this before karma backfires in you." He said through gritted teeth.
Napatayo na siya. Nakipagsukatan siya nang tingin sa kaibigan. "Hindi ko siya pinaglalaruan. Seryoso ko sa kanya."
Natawa ito ng pagak na ikinainis niya. "Kailan ka pa naging seryoso? Ni ang kaibigan mo nga tinatalo mo pagdating sa babae. Tapos sasabihin mo sa'kin na seryoso ka? Binabalaan kita, Mark. Layuan mo siya."
Bago pa sila tuluyang magkainitan ay siya na ang umiwas. Ayaw niya ng gulo at lalo na't si Jomil naman ang makalalaban niya. Akala niya ay maiintindihan siya ng kaibigan. Nagkamali pala siya.