CHAPTER FOUR

1892 Words
I OWE you, Mark. Ang text message na si-nend ni Camille kay Mark. Nahihiya naman siya sabihin na gusto niya makipagkita rito. Ayaw naman niya sa text o tawag lang magsabi ng pagpapasalamat sa binata. Then let's have a date. Mabilis na reply ni Mark nang mag-vibrate ang cellphone niya. Napangiti si Camille sa nabasa. Hindi niya tatanggihan ang anyaya nito. When? Weekend. This coming Saturday? Are you free? Oo. Seven 'o clock in the evening? Is that okay? Okay :) Sakto. Tapos na ang defense nila ng friday kaya puwede na sila magsaya ng mga kaibigan. Tumikhim si Pia. Kasalukuyang inaaral nila ang mga parte na kanya-kanyang ipapaliwanag sa biyernes. Nagtaas siya ng tingin sa mga ito. May kakaibang ngiti sa labi ni Pia at Brenda habang nakatingin sa kanya. Samantalang si Daphne ay kanina pa nagpunta sa restroom pero hindi pa rin bumabalik. "Para yatang may iba ng inlove na rin dito ah." "Oo nga eh. Iba na 'yong kislap ng mga mata." gatong pa ni Pia. Inirapan na lang niya ang mga ito. "Tigilan n'yo kong dalawa." Napatingin siya sa cellphone nang mag-vibrate na naman iyon. Binuksan niya ang text message ni Mark. See you then ;) "Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako kung paano ka na-inlove. Akala ba namin ay ayaw mo sa isang relasyon habang hindi pa tayo guma-graduate?" usisa pa ni Brenda. Nagkibit-balikat lang siya. Ayaw kasi sana niya pag-usapan ang bagay na iyon sa pagitan nila ni Mark. Ewan ba niya pero nahihiya siya magkuwento sa mga ito. Isa pa, sigurado na aayawan ng mga ito si Mark para sa kanya. Teka? Bakit kung mag-isip yata ako ay parang may relasyon na kami ni Mark? "Ano ka ba naman. Malapit na nga kasi tayong gum-graduate. Puwede na 'noh." singit ni Pia. Nang dumating si Daphne at umupo sa tabi ni Pia. "Ano'ng meron?" "Si Cams kasi. May lovelife na." sagot ni Pia. "Ang lihim mo talaga, Cams. Kaibigan mo na nga kami pero ayaw mo pa rin magkuwento." ani Brenda. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. "Oo na nga. Sige, wag ka na magkuwento sa amin." Ani Pia. Nagtaka siya nang tumitig ito sa kanya. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. She wonder why? Ganoon ba talaga kabigat ang naging problema ng kaibigan at si Jomil? Mahal ng mga ito ang isa't-isa iyon ang sigurado siya. "Huwag na pilitin at baka magkuwento." ani Daphne. "Akala pa naman namin pusong-bato ka. Tinamaan ka rin pala ng pana ni Kupido." Singit ni Brenda. "Huwag mo nga ko itulad sa'yo na puro fiction character ang gusto. Mga lalaking ginawa sa imahinasyon mo ang iniibig mo. May damdamin rin naman ako 'no." depensa niya. Isang romance writer ang kaibigan niyang ito. "Ay oo nga, may Charles nga pala kaya may totoong tao rin naman. 'Yong nga lang mas love mo iyong mga fiction kasi sila ang tunay na perfect prince charming mo. Si Charles, replika lang." "Perfect siya, Camille. He was like prince charming. 'Yon nga lang tanggap ko na friendship lang ang mayroon kami. Ayos na ko do'n." Inakbayan siya ni Brenda at humilig sa balikat nito. "Okay lang 'yan. Tanggap ko naman na na-friendzone ako." Tinapik niya ang ulo nito. "No hard feelings, 'Da." Pinisil ni Brenda ang pisngi niya. Kung anuman ang mayroon sila ni Mark ay hindi ikakaila ni Camille sa sarili na gusto niya iyon. *** LUMIPAS pa ang ilang araw hanggang sa tuluyan nang natapos ang huling semestre nina Camille sa kolehiyo. Bukas na ang graduation nila. Bago umuwe si Daphne sa probinsiya nito ay nag-bonding muna sila sa bahay nina Brenda. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng graduation ay diretso na si Daphne pauwe sa kanila. Nanonood sila ng isang chick flick movie. Wala pa doon ang ina ni Brenda dahil kasalukuyang nasa mental hospital pa ito. Nag-nervous breakdown ang ina ng kaibigan nang mamatay ang asawa nito. Pero umabot na sa puntong magpapakamatay ito kaya doon tuluyang naalarma ang kaibigan. Buti na lang at kaibigan ng mga magulang nito ang ama ni Charles na kasalukuyang tumutulong sa ginang. Pagkatapos ng graduation lang nito kukunin ang ina para ito na ang personal na mag-alaga. Sa bawat araw rin na magkasama sila ay lalo niyang napatutunayan na mas lumalalim pa ang damdamin niya sa binata. Wala yatang araw na hindi nito ipinaramdam sa kanya na importante siya sa buhay nito. Wala itong mintis kung mag-text sa kanya kung kumain na ba siya, ano ang ginagawa niya at kung ano-ano pa. Minsan nga ay itine-text pa nito kung ano ang ginagawa o sino ang kasama nito. Para tuloy na girlfriend na siya ni Mark kahit wala pa talagang official label ang relasyon nila. Noong nakaraan na sabado ay nag-date sila. Nalaman niya kung bakit alam nito ang tungkol sa warmth compress na ilalagay sa puson kapag mayroon para medyo mawala ang sakit. Iyon daw kasi ang binibigay nito sa kapatid na si Mayie kapag masakit din ang puson nito. Habang nagkukuwento ito tungkol sa kapatid nito ay kitang-kita niya ang fondness at adoration nito sa kapatid. Sigurado siya na mapagmahal na kapatid si Mark. Ganoon rin sa mga magulang nito. Lumipas pa ang ilang minuto, pare-parehas silang tutok sa panonood nang tumayo si Brenda gumawa pa ng popcorn. Nang tumunog ang doorbell ay siya na ang kusang tumayo dahil wala siyang maaasahan kina Pia at Daphne na magkusa na magbukas ng pinto. Sinilip niya muna sa peephole kung sino. Nakita niya si Charles kaya binuksan niya agad ang pinto. "Hi." He beamed. "Hello. Pasok ka nasa kusina kasi si Brenda." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Akmang papasok na siya nang magsalita ito. "Puwede ba tayo mag-usap?" nahimigan niya ang pagkaseryoso sa boses nito. Nilingon niya ito. "Sure. Ano 'yon?" "About Mark." Habang nakatingin siya sa mukha nito ay isa lang ang nasigurado niya. Hindi maganda ang bagay na iyon tungkol kay Mark. *** "CAMILLE, be careful to Mark. Hindi mo pa siya lubusang kilala kaya sana huwag ka masyado magtiwala sa kanya. Hindi mo alam kung ano ang ginawa niya kaya nag-drop out ang isa namin na kaibigan na si Conrad. Habang may relasyon sina Conrad at Sandra, may relasyon na din sila ni Mark." Hindi maialis sa isip ni Camille ang mga sinabi na iyon ni Charles sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit naging ilap si Mark sa mga kaibigan nitong sina Charles. Kung ganoon hindi lang siya ang babae sa buhay nito. May isa pa, at ex-girlfriend iyon ng kaibigan nito. "At ano ang gusto mo gawin ko?" "Layuan siya. Ayoko masaktan ka dahil kaibigan ka ni Brenda." sagot nito. "So, pati ikaw galit kay Mark?" Saglit na nagsalubong ang mga kilay nito. "No. Not really—" Humalukipkip siya. "But you judge him too, right? Akala ko ba kaibigan mo siya? Bakit hindi mo naisip na baka may dahilan si Mark para gawin ang mga ginawa niya?" Natigilan ito. Tila pinag-isipan ang mga sinabi niya. "You're all unfair. You judge him so easily without knowing and asking him why he did these things." Tinext niya si Mark kung nasa pad ba ito, agad naman ito nag-reply na naroroon diumano ito. Bandang alas-tres ng magpasya na umuwe na silang magkakaibigan. Inihatid niya si Pia sa apartment nito samantalang nauna na si Daphne dahil may pupuntahan pa diumano ito. Dahil na rin sa bagay na iyong gumugulo sa kanya ay dumaan muna siya sa pad ng binata. Pagkarating niya sa pad nito ay agad siyang sinalubong ng nakangiti na mukha ni Mark. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. "Kayo pa rin ba ni Sandra?' seryosong tanong niya. Nawala ang giliw sa mga mata nito. Naging seryoso rin ang mukha nito. "Paano mo 'yon nagawa, Mark? Kaibigan mo si Conrad pero nagawa mo agawin ang girlfriend niya. Nagalit sa'yo ang mga kaibigan mo dahil sa ginawa mo." "Sinabi niya?" walang-emosyon na tanong nito. "Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman. Ang mahalaga, ang malaman ko kung bakit mo nagawa 'yon?" Nagkibit-balikat ito. Dinampot ang isang kaha ng Marlboro Black at kumuha ng isang stick doon. Sinindihan nito iyon gamit ang lighter nito. Mabilis na humakbang siya palapit kay Mark at inagaw ang sigarilyong hawak nito. Akmang kukuha uli ito sa kaha nang unahan niya ito at tinapon iyon sa kung saan. Napatayo ito sa ginawa niya. "Ano bang problema mo?" galit na hinarap siya ng binata. "Sabihin mo sa'kin kung bakit nagawa mo 'yon. Alam ko may rason ka at kahit gaano kalalim o kababaw iyon ay tatanggapin ko. Basta sagutin mo lang ako." Nakipagsukatan siya ng tingin kay Mark. "Hindi ako magsasayang ng oras sa pagpapaliwanag kung sa huli ay iiwan mo rin ako." paos na sabi nito. Unti-unting nagkaroon ng emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Um-angat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito. "Kahit na ano ang dahilan mo tatanggapin ko. Walang magbabago." Halos pabulong na sabi niya. Pumikit ito at tila dinama ang kamay niyang nasa pisngi nito. "Ginawa ko 'yon para sa kapatid ko. Siguro nga sa maling paraan ko ginawa pero sa tingin ko malaki ang maitutulong sa kanya. Mahal na niya si Conrad mula nang walong taon pa lang siya. Madalas nga ay pinagtatawanan ko siya no'n dahil ang bata pa niya para magkagusto o magmahal ng ganoon. Bago mamatay ang mommy namin. Nangako ako na aalagaan ko si Mayie. Ibibigay ko lahat ng ikasisiya niya. Kaya nang malaman ko na seryoso si Conrad kay Sandra natakot ako para sa kapatid ko. Hindi ko magagawa biguin ang pangako ko kaya sinubukan ko kung bibigay si Sandra sa akin. Inakit ko siya, oo, totoo iyon. Kung talagang mahal niya si Conrad kahit ano ang gawin ko ay hindi niya ipagpapalit ito. Hindi ba nila naisip na binigyan ko lang ng pabor si Conrad? Hindi talaga siya mahal ng babaeng 'yon." Inalis niya ang kamay sa mukha nito yumakap ng mahigpit sa binata. Anuman ang maging tingin ng iba sa ginawa nito ay sapat na sa kanya ang baluktot na dahilan nito. Mark did that for his sister, sapat na dahilan na iyon para hindi niya isipin na makasarili ito. Imbes na ma-turn off ay lalong lumalim ang damdamin niya. Tulad nga nang sinabi ng Daddy niya, kapag mahal ka ng isang tao ay ibababa nito ang lahat para sayo. Papapasukin ka at hahayaan na makita ang mga kahinaan na posible gamitin sayo kapag nagkataon. Ganoon ang ginagawa ni Mark sa kanya at siya, nang simula pa lang ay bumigay na siya. Mabilis din ibaba ni Mark ang depensa pagdating sa kanya. "Iiwan mo na ba ako?" tanong nito, rinig na rinig niya ang pangamba sa timbre ng boses nito. "Of course not, pero ang sa akin lang dapat makipag-reconcile ka sa mga kaibigan mo. They are your friends, Mark. Hindi dapat masira ang relasyon n'yo ng mga kaibigan mo dahil lang sa iisang babae." Hindi ito umimik. Hindi pa ito handa pag-usapan ang tungkol sa mga kaibigan nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinarap niya sa kanya. "Magdi-desisyon ako na hindi umalis para sa'yo. Halos galit na nga sa'yo ang mga kaibigan mo. Kalabisan naman na siguro kung pati ko mawawala sa'yo." nakangiting sabi niya. Gumanti ito ng mahigpit na yakap sa kanya.  He was like a lost boy... she will find him in the middle of these chaos...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD