CHAPTER FIVE

1546 Words
UMIINOM si Camille ng tall hot mocha with one extra shot sa paborito niyang coffee shop. Madalas doon ang tambay niya para makisagap ng wifi. Dala niya ang laptop at nagso-surfing sa social media. Mas mabilis kasi ang internet doon kaysa sa pocket wifi niya. Napangiti siya nang makita na online si Mark sa f*******:. Where are u? Chat niya sa binata. Why? Na-miss mo na ko agad? Napailing na lang siya pero hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya. Nag-type siya ng sagot sa binata. Parang tinanong ko lang kung nasaan ka. Hindi kita na-miss 'no. But me, I miss you :* Huwag mo nga ko bolahin, Mark. Alam mo naman na hindi mo ko madadala niyan. Mabilis na sagot niya. I'm serious. Nakagat niya ang ibabang labi. Para siyang timang. Kakasabi lang niya na hindi siya madadala pero kinikilig siya sa sinabi nito. Haha! Parang kahapon lang tayo magkasama na dalawa. Baka magsawa kang kasama ko niyan. Never, sweetheart. May kung anong kiliti na dulot sa kanya ang huling chat na iyon ni Mark sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin pa kaya nag-send na lang siya ng "smiley" rito. I magsasawa na gustuhin makita ka araw-araw. reply nito. Sunod-sunod ang naging lagok niya ng kape na hawak. Hindi na niya ininda ang init ng kape na iyon. Kailangan niya pakalmahin ang kumakabog na dibdib. Madalas ay kung ano-ano ang nararamdaman niya dahil sa sinasabi at ginagawa ni Mark. Alam niyang masyado ng bumenta ang mga pinagsasabi nito pero malakas pa rin ang epekto sa kanya. He was sweet on his own way. Hindi na siya nag-reply at sinarado ang laptop. Alam niya sa sarili na may nararamdaman na siya kay Mark na kakaiba. Kung gaano kalalim ay hindi pa niya alam. Nang may maglapag ng isang baso ng tubig sa harap niya. Nag-angat siya ng tingin sa pagkakaakala na si Mark iyon. Nawala ang excitement niya nang makita kung sino iyon. "Kurt?" "You looked dissappointed? Hindi siguro ako ang inaasahan mo makita ngayon." kaswal na sabi nito. Umiling siya. Doon lang niya namalayan na nawala pala iyong masaya niyang ngiti ng huli. "Ikaw pala. Uhm... kilala mo pala ko?" Tinanong muna nito kung puwede ito umupo sa harap niya. Tumango siya at tinignan na lang ang pag-upo nito. "Oo naman. Kaibigan ka nina Pia at Brenda." Napatango na lang siya. Ni hindi nga niya akalain na kilala siya ni Kurt. Iba kasi ang course nito sa kanya. Iba din ang building. She think she was completely stranger to him. Iyon ang unang pagkakataon na nagkausap sila. "Sa bagay." tipid na sabi niya. "May hinihintay ka?" "Wala naman. Tumambay lang ako dito." May napagtanto siya ng mga oras na iyon. Nasa harap na niya si Kurt na crush niya pero bakit wala siyang maramdaman? Hindi ba dapat ay matuwa siyang na nasa harap niya ito? "May I ask your number?" tanong nito. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay. "Bakit naman?" "Para maka-text ka. I want to know you more." "Sorry pero hindi ko binibigay ang number ko sa mga taong hindi ko ka-close. Unless, kung talagang kailangan na kailangan talaga." sabi ni Camille bago niya mapigilan ang sarili. Umaandar na naman ang pagiging masungit niya pero ang pinagtataka niya ay bakit niya nagagawa iyon kay Kurt. She was insane. Completely insane at the moment. Si Kurt Aldrich Bermudez itong nasa harap niya at kausap pero wala siyang maramdaman na kilig. Napailing na lang siya sa sarili. *** "IS it true? May relasyon na kayo ni Mark?" seryoso na tanong ni Brenda kay Camille nang maiwan silang dalawa ng kaibigan sa table. Um-order si Pia ng makakain nila. Silang tatlo na lang nila Pia ang kumain sa paborito nilang crib coffee at movie house. Nauna na si Daphne sa probinsiya nito. Sinalubong niya ang tingin ng kaibigan. Wala pa naman silang relasyon ni Mark. May mga pagkakataon na lumalabas sila. "Pati ba naman ikaw, Brenda. Kailan ka pa naging judgemental." "Hindi naman sa gano'n. Alam natin parehas kung gaano na karami ng babae 'yan na napaiyak sa campus. God knows, kung ilan na babae na rin ang nakarelasyon niya. Nalaman ko pa kay Charles na nag-away ang ilan sa kanila dahil sa ginawa niya. Tama ba naman kasi na agawin mo ang girlfriend ng kaibigan mo. Ibang-iba siya sa mga kaibigan niya." "Alam mo ba ang dahilan kung bakit ginawa niya 'yon?" sa halip ay tanong niya. "May dahilan man o wala, hindi dapat ginawa ni Mark 'yon. Magkakaibigan sila. Sana naisip niya 'yon." Napabuntong-hininga siya. "Alam ko. Mali nga siguro ang ginawa niya pero 'yon lang ang naisip niya na paraan para mapansin ni Conrad ang kapatid niyang si Mayie. When it comes to family you will do everything for them. Kahit siguro baluktot ang dahilan, papatulan mo. At isa pa, kung matino ang Sandra na 'yon ay hinding-hindi niya ipagpapalit si Conrad kahit kanino pa man. Remember, Celine? Parehas lang sila ni Sandra." Napailing na lang si Brenda. Si Celine lang naman ay ang ex-girlfriend ni Charles. Pinagpalit din nito ang ex-boyfriend na si Charles sa mismong kapatid nito na nakatatanda. To the rescue naman si Brenda nang mga panahon na iyon. "Camille, nag-aalala ko sa'yo." "Alam ko ang pinapasok ko, Brenda." seryosong sabi niya. "Hindi siya tulad ni Jomil at Charles—" "Galit sa kanya ang kapatid niya dahil sa nangyari. Nagkakalabuan sila ng ama at wala akong ideya kung bakit. Ayoko na rin magtanong sa kanya dahil ayaw niya sabihin sa akin. Wala na rin ang mommy nila. Nagkalabuan pa sila ng mga kaibigan rin niya. Kung ako tatalikuran ko din si Mark pagkatapos nang mga nalaman ko. Sino na lang ang matitira sa kanya?" Natahimik ito. "'Da, alam ko na hindi ka kumbinsedo sa mga ginagawa ko. Alam ko din na nag-aalala ka lang sa akin kaya kinakausap mo ako ngayon. But Mark need someone right now. Hindi ko siya iiwan dahil hindi ko kaya gawin 'yon." Ngumiti na ito sa kanya. "I know the feeling. Naiintindihan kita." Ngumiti na rin siya sa kaibigan. "Pero alam mo, mas gugustuhin ko pa rin kung si Mike, Blake o Kurt na lang. At least, sure ako na hindi ka magagawa saktan ng isa man lang sa tatlo na 'yon." hindi pa rin sumusuko na sabi nito. Bigla ay napaisip siya nang marinig ang pangalan ni Kurt. Wala na siyang madama rito hindi tulad noon na marinig lang niya ang pangalan nito ay pasimple na nakikinig siya sa usapan ng mga kaibigan. Kung ano ang tsismis na nasagap ng mga ito tungkol kay Kurt. "Ay, huwag na pala natin isama si Kurt. Sa tingin ko kasi ay inlove 'yon sa bestfriend no'n na si Honesty. Sila Blake at Mike na lang sana." Napailing na lang siya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi. Kung naiba-iba lang na pagkakataon iyon ay baka nanlumo siya sa nalaman. Aaminin niya na iyon lang ang unang pagkakataon na ipi-nur-sue siya ng isang lalaki kahit lantaran na sinabi niya na hindi niya ito gusto. "But we can't dictate our hearts. Titibok at titibok ito, minsan nga lang ay sa taong hindi natin inaasahan." Sumasang-ayon siya sa sinabi nito. Anuman at kung gaano man kalalim ang nararamdaman niya kay Mark ay sa kanya na iyon. Masaya siya na kasama ito. Ang sarap kaya ng binibigay nito na carrot cake at ng luto nito na kare-kare. "Do I miss something, guys?" Sabay silang napalingon kay Pia nang marinig ang tinig nito. Bitbit na nito ang mga orders nila. Noong birthday nito ay pumasyal sila sa Manila Ocean Park dahil hindi pa siya napupunta doon. Pagkatapos ay pinuntahan nila ang puntod ng ina nito. "My graduation gift for you." "Thank you so much, Mark. Paano ba 'yan, wala pa kong gift para sa'yo." hindi niya napigilan ang sarili mapabungisngis. Gusto niya mainis dahil alam na alam nito ang mga soft spots niya. Pagdating sa pagkain at sa paborito niyang bagay. "No need for the gift, babe. I'll more appreciate your thank you with a kiss." nakangiting sabi nito. Bago pa siya makapag-isip ay lumapit siya kay Mark at hinalikan ito sa pisngi. Nang tumingin siya sa mga mata nito ay may nabanaag siyang emosyon sa mga iyon na pumukaw sa emosyon niya. Suddenly, she felt weak. "B-Bakit ka ganyan makatingin sa'kin?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. Akala niya ay hahalikan siya ng binata pero isinandal lang pala nito ang noo sa kanya. Hinaplos nito ang pisngi niya at nakipagtitigan sa kanya. Parang may humalukay sa loob niya nang ngumiti ito sa kanya. "You made my heartbeat so fast." pabulong na sagot nito. Napangiti siya sa narinig. She felt the same way when he was around. "I think I'm starting to like you, Mark." taos-pusong sabi niya. Saglit na dumaan ang pagkagulat sa mukha nito bago napalitan iyon ng saya. "You do?" Tumango siya. Hindi na niya itatago ang nararamdaman. Bakit pa? "Ikaw kasi eh. Siguro, talagang ginayuma mo ko." Humalakhak ito. Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. "I love you too, babe. So much." He wasn't perfect. Mark wasn't the person she expected but she was falling hard... hard enough to surrender her heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD