CHAPTER SIX

1798 Words
HINDI makapaniwala si Camille nang makita si Kurt sa lobby ng building kung saan siya nakatira. Mas kinagulat pa niya malaman na siya ang sadya nito kaya pumunta doon. "Ako talaga?" hindi makapaniwala na tanong niya. Tumango ito. Nang inaya siya ni Kurt sa katabi na coffee shop ng building ay sumama siya. Gusto diumano siya makausap nito. Wala siyang ideya kung bakit gusto kausapin nito. "Bakit? Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" "Camille, I like you." walang gatol na sabi nito. Napatayo siya sa gulat. "Ano?" Napatingin siya sa paligid at mabilis na bumalik sa upuan. Sobra siyang nagulat sa sinabi nito. Imbes na matuwa sa narinig ay tinubuan siya ng pagdududa. Well, it's too sudden. Dalawang beses pa lang sila nagkita tapos ngayon ay lalapit ito sa kanya at bigla-bigla ay magtatapat. Iyong una ay noong binigyan siya ng isang baso ng tubig nito. Ang pangalawa ay ng mga sandali na iyon. "Alam mo ba ang sinasabi mo, Mr. Bermudez?" manghang tanong niya. "Camille..." Sigurado siya na may tinatago ito dahil ayaw nito tumingin sa kanya nang diretso. Lalong sumidhi ang pagdududa niya. "Kaya nga ko lumapit sa'yo para kilalanin ka pa ng lubusan. Kung papayagan at hahayaan mo ko ay gusto sana kitang ligawan." She was an observant person. She can spot if the person were lying to her or not. At base sa nakikita niya kay Kurt ay sigurado siya na walang strong urges ito na katulad ng kay Mark. Bagay na nakikita rin niya sa ama. Dahil tuwing tumitingin siya kay Mark ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang sincerity at adoration sa kanya. Sa mga kilos nito ay ramdam niya. Unlike Kurt. It's like he was saying that for the sake of it. Hindi makapaniwala si Camille na pinagkukumpara niya si Kurt at Mark. Kung siya ang papapiliin ay walang duda na si Mark ang pipiliin niya. Parang gusto niya matawa sa sarili. Parang nagkabaliktad na ang tingin niya sa dalawang lalaki. "I don't believe you." Nagsalubong ang mga kilay nito. "Why? You're beautiful and witty girl. Ano ang hindi ko puwede magustuhan—" "Bakit mo ito ginagawa? I had a feeling that you have an agenda." Lalo siyang nainis ng tumawa ito. May nakakatawa ba sa sinabi niya. "Too straight-forward, huh. That's one of the reason why Mark likes you." "Be honest to me, Kurt. Gusto ko malaman ang totoo." Humugot ito nang malalim na buntong-hininga bago dumukwang sa kanya. "Okay, magiging tapat ako sa'yo. Nagkausap-usap nga kami ng mga kaibigan ko para ilayo ka kay Mark dahil ayaw namin magaya ka kay Sandra. Pero hindi si Charles ang nakaisip nito kundi si Jomil dahil nag-aalala siya sa'yo." Hindi tuloy niya alam kung ano ba ang dapat niya maramdaman. Pero hindi niya ikakaila na naiinis siya sa mga lalaki na ito. She think they are shallow. "Bakit kayo ganyan?" Natigilan si Kurt. "Pardon?" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Talaga bang kaibigan n'yo si Mark?" "Of course, kaya lang namin ito ginawa para protektahan ka sa kaya gawin ni Mark. Hindi mo siya kilala—" "Bakit? Kayo ba? Gaano n'yo kakilala si Mark para sabihin na kailangan n'yo ko protektahan sa kanya? I thought you were all his friends. Hindi n'yo din ba naisip na baka kayo na lang ang mayroon siya pero tinalikuran din ninyo siya. Bakit pakiramdam ko ay isang side lang ang iniintindi n'yo. How about him? Ang pagkakaibigan ay parang pamilya din. Handa umunawa at magpatawad. Kahit gaano pa kamali ang nagawa ay hindi kayang talikuran. Kung totoo kayong kaibigan ni Mark ay hindi n'yo siya iiwan. Hindi ba dapat ay gumawa kayo ng paraan para hindi mawala ang friendship n'yo." "We tried but we failed—" "Kung susubok at susubukan n'yo ay sigurado ako na maaayos n'yo ito. Hindi n'yo susukuan ang isang kaibigan na nangangailangan din sa inyo." Napabuntong-hininga na lang si Camille. She knew she sounds rude. Pero hindi niya mapigilan ang hindi mainis dahil imbes na gawin nitong ilayo siya kay Mark ay dapat ang gawin ng mga ito ay gumawa ng paraan para hindi masira ang pagkakaibigan ng mga ito. Tumayo na siya at akmang hahakbang nang matigilan ng makita ang ilan sa kaibigan ni Kurt. Naroroon si Jomil, Charles, Rick, Altair, Deuce at Mike. Sigurado siya na narinig ng mga ito ang sinabi niya. Hindi na niya pinansin ang mga ito. Nilagpasan niya ang mga lalaki na ito. Bago pa siya tuluyang makalayo ay nagsalita si Jomil. Tumigil siya at nilingon ito. "I think you're right. Kaibigan namin si Mark pero hindi namin naisip na posible rin na kailangan niya kami. We judge him. We try to get you out of his life." Humugot muna nang malalim na hininga si Mike. "Mali ang ginawa niya. Kaya hindi namin ito basta mapalalagpas pero tama ka. Hindi namin siya inintindi. Hindi namin naisip na baka kailangan din niya kami." "Ako aaminin ko na galit pa rin ako kay Mark, pero may punto ka. We need to try harder. Hindi namin siya dapat iniwan din sa ere mag-isa. Dapat hindi namin hayaan na sirain nito ang matagal na pagkakaibigan namin." singit ni Altair. "Thank you, Camille. Kakausapin namin si Mark para maayos ito kahit sa amin muna at hindi sa kanila ni Conrad." sabi ni Charles. Parang may natanggal na bara sa lalamunan niya. "And one more thing, thank you for not leaving him." pakli ni Kurt sa dati pa ring puwesto nito. "I'm sorry kung ang rude ko kanina. Nadala lang ako ng inis ko. Pero sana ay magkaayos pa kayong lahat. I know na mahirap pero sana ay magkapatawaran kayo. And one more thing, huwag n'yo sabihin sa kanya na nagkausap-usap tayo ngayon." "Alam na namin ngayon kung bakit ayaw ka layuan ni Mark." ani Deuce. Ngumiti siya sa mga ito. "I know. Dahil ako din, hindi ko siya kayang layuan." Pagkasabi niyon ay umalis na siya. *** "ANG sabi mo sa akin ay wala kang ginawa para lapitan ako nila Jomil? Kung hindi pa nadulas si Deuce ay hindi ko malalaman." ani Mark kay Camille nang puntahan siya ng binata sa unit niya. Magkasalubong pa ang mga kilay nito habang sinasabi ang mga iyon sa kanya. Nagkausap na sila ng kaibigan na si Olivia at inamin nito sa kanya na kinausap ito nina Jomil at Charles. Ang lukaret ay bumigay at nasabi na crush diumano niya si Kurt. Gusto tuloy niya sakalin ito dahil dinaldal nito ang sekreto niya na iyon. Kaya naman pala si Kurt ang kinasabwat ng mga ito lapitan siya dahil akala siguro ng mga ito ay bibigay siya. Kapag sa oras na manligaw na sa kanya si Kurt ay magagawa ng mga ito ilayo siya kay Mark. But it's too late for that. Mabuti na lang at naka-get over na siya sa infatuation na iyon kay Kurt. Noon. "Siguro naisip nila na may punto ang sinabi ko kaya nagkabati uli kayong magkakaibigan. Wala naman talaga kong ginawa kundi nagsabi lang ako ng opinyon ko." kibit-balikat na sabi niya. Kasalukuyang naglilinis siya sa loob ng unit at inaayos ang mga gamit niya. Pagkatapos niyon ay maglalaba pa siya ng mga damit niya. Nilingon niya ito habang pinapagpag ang mga unan ng kama niya. Nakasimangot na nilingon niya ito. Ngayon na alam na nito ang tungkol sa bagay na iyon ay sasabihin na niya ang mga nangyari "Nakakainis naman kasi ang mga kaibigan mo na 'yon. Kung ano-ano pa ang naiisip na kalokohan ni Jomil para mailayo ako sa'yo. Imagine, si Kurt gusto manligaw sa akin." Tila nanigas ito sa narinig. "Ano?!" halos pasigaw na tanong nito nang makabawi. Napabuntong-hininga siya. "Akala siguro nila ay hindi ka talaga seryoso sa akin. Na magagaya ako kay Sandra kaya gusto nila ko ilayo sa'yo. Ayaw ni Jomil na masaktan mo ko. Ganoon din si Charles." Nagdilim ang mukha nito sa mga sinabi niya. Bago pa kung ano ang magawa ni Mark ay nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Baka kasi bigla na lang umalis ito at sugurin ang mga kaibigan. Ayaw niya na siya naman ang magdulot ng gulo sa mga ito dahil sa misunderstanding. "Pero ayoko lumayo sa'yo. Kahit gaano pa man nila ko pilitin na layuan kita ay hindi ko gagawin. Kahit pa si Kurt na naging secretly crush ko." "Damn! Crush mo si Kurt?" Nag-angat siya ng tingin. "Oo." Nagtagis ang mga bagang nito at humigpit ang yakap sa kanya. Gusto niya humagalpak ng tawa dahil may pakiramdam siya na selos na selos ito sa kaibigan. "Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka niya malalapitan. Hindi mo rin siya puwede makita. Kung kailangan ko nakadikit sa'yo ng beinte-kuwatro oras ay gagawin ko. Masigurado ko lang na hindi ka maaagaw sa akin." Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyang natawa na. Hindi niya naisip na posible pala maging ganoon ka-possessive si Mark. "Ano'ng tatawa-tawa mo?" angil nito. Hinapit pa siya ng binata sa katawan nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang nasa gitna ng mga hita nito. Bigla ay na-distract siya sa umbok na iyong tumatama sa hita niya. Sinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya. "Alam mo ba ang nagiging epekto ng tawa mo sa akin, Camille?" "M-Mark..." "Gusto mo pa rin ba si Kurt?" parang bata na tanong nito. Umiling siya at hinaplos ang buhok nito. "Noon. Nang hindi ka pa pumapasok sa buhay ko. Kahit ilang Kurt pa ang dumating sa buhay ko ngayon ay ikaw ang pipiliin ko. Ikaw kaya ang love ko." Hindi niya inaasahan nang may maramdaman siyang likido sa leeg niya. Napasinghap siya nang mapagtanto na kay Mark galing iyon. Umiiyak ba ito? "Mark?" "R-Really? Mahal mo na rin ako?" may bikig ang lalamunan na tanong nito. Hindi siya makapaniwala. Umiiyak si Mark dahil sinabi niya na mahal niya ito. Mark was like a crying baby. "Bakit ka naman umiiyak? Ang tanda mo na para umiyak ah." may halong pagkaaliw ang tinig niya. "I wasn't! Napuwing ako, babe." "Okay," pero alam niya ang totoo. Ang cute lang ni Mark, mukha itong bata. Lalo niyang naa-appreciate ito ngayon. "But I'm happy," ani ng lalaki. She smiled broadly. "I am too." Masaya din siya sa pagdating nito sa buhay niya. Sino ang babaeng hindi mao-overwhelm at mas mamahalin ito? Maybe it's true that behind of every mans downfall is a woman. And that love can bring the good side in him. "Thank you for giving me a chance, Camille. I love you." Dahil nang mga oras na iyon ay ang Mark na nasa harap niya ang lalaki na minahal ng puso niya. He's indeed a good man. "I know. You're worth it, Mark. Worth every single second." Camille realized two things; sometimes love found in the most unexpected place and hits you in the most unexpected times.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD