CHAPTER SEVEN

1460 Words
NAGIMBAL si Camille nang mabalitaan mula sa mga kapatid ang nangyari sa mga magulang. Naaksidente ang mga ito habang pauwe sa Maynila. Bumangga ang sasakyan na sinasakyan ng mga magulang sa truck na kasalubong nito. Death on arrival ang mga magulang sa nangyari dahil halos mayupi ang sinasakyan ng mga ito. Patay din si Manang Kanor na personal driver nila sa naturang aksidente. Napahagulgol si Camille sa sinabi ng kapatid. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng sinabi nito. Parang noong nakaraan lang ay kausap niya ang mga ito sa cellphone. Ang saya-saya pa nga ng mga ito. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin, Kuya Cade?" hindi niya naitago ang sama ng loob. "I'm sorry, bunso. Alam ko na mahirap tanggapin. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin ni Kuya Carl sa'yo ang nangyari." ani ng kapatid at niyakap siya. Naiiyak na naman siya. Nang sinundo siya ng mga kapatid ay nasa morgee na ang katawan ng mga magulang nila. Naramdaman niya na may humaplos sa buhok niya. "Kaya natin 'to," ani ng nakatatandang kapatid na si Carl. Kanina pa walang-emosyon sa mukha nito. Hindi pa rin niya nakita na umiyak ito. Samantalang ang kuya Cade niya ay namamaga na ang mga mata sa kaiiyak. Sa kanilang magkakapatid, ang kuya Carl niya ang mas nagpapakatatag sa kanila. Ito ang panganay at ayaw marahil nito makita nila na mas lubos itong nasasaktan. Malapit naman silang lahat sa mga magulang pero mas malapit ang kuya Carl niya sa ina. Halos lahat nga ay sinasabi ng kapatid sa ina nila. Bumitaw siya sa kapatid na si Cade at lumipat sa bisig ng kuya Carl niya. Sa tingin niya ay mas kailangan nito ng yakap kaysa sa kanya. "Kuya... please, you cry. Alam ko na sobrang sakit din para sa'yo. We can handle this together." Mahigpit na niyakap siya ng kapatid. "I'm okay. Huwag mo na ko isipin." "Let's go, kailangan pa natin ayusin ang pagdadala sa kanila sa Pangasinan. Aayusin pa din natin ang libing nila. Tinawagan ko na sila Tita Sally at papunta na rin sila dito." ani ng kuya Cade niya. Ang tinutukoy nito na Tita Sally ay kapatid ng ama nila. Nag-leave na ang mga kapatid sa kanya-kanyang trabaho ng mga ito. Wala na rin naman siyang pasok kaya sabay-sabay na umuwe sila sa Pangasinan ng mga ito. Dahil na rin sa pagtulong sa pag-aasikaso ng libing ng mga magulang. Sa pag-uusap nila ni Mark sa cellphone ay ilang beses nito tinangka na pumunta sa kanila para damayan siya pero nakiusap siya na huwag itong pumunta. Ayaw niya mag-usisa ang mga kapatid dahil hindi pa siya handa para ipaliwanag sa mga ito kung sino si Mark sa buhay niya. Masyado pa kasing komplikado ang lahat. Noong isang araw ay nagpaalam si Mark sa kanya na may mga aayusin ito. Mage-enroll na marahil ito para tumuloy sa pagdo-doktor nito. Alam niya na hindi madali ang pumasok sa isang Med school. Hanggang sa mailibing ang mga magulang ay tuluyan na silang nawalan ng komunikasyon sa isa't-isa. Naiintindihan naman niya kung magiging busy na ito. Iyon ang gusto ng ama ni Mark dahil isa itong surgeon. Mabilis na dumaan ang dalawang linggo. Hindi nagustuhan ni Camille ang desisyon ng mga kapatid na ipadala siya sa ibang bansa. Sa bunsong kapatid ng ina. Ang gusto niya ay sa bansa lang sana magtrabaho at makasama ang mga taong mahalaga sa kanya. Wala siyang balak umalis dahil lang sa nangyari. *** ALAM ni Camille ang schedule ni Mark kaya sinadya niya puntahan ito. Lumuwas siya ng Maynila para sopresahin ito. Isinuksok niya ang spare key sa seradura nang pad ni Mark pagkarating niya sa tapat niyon. Alas-nuwebe na nang umaga kaya sigurado siyang gising na ito. Pagkapasok niya sa loob ay sumilip siya sa kusina sa pag-aakala na nandoon ito. Imbes na ito ang ma-sopresa ay siya ang na-sopresa sa nakita pagkabukas niya ng pinto ng silid nito. Hindi nag-iisa si Mark sa kama... nakadapa ito at may katabi na babae. Tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ng mga ito. God knows kung ano ang ginawa ng mga ito. Bumilis ang paghinga niya nang may kumirot sa bandang dibdib niya. Naramdaman niya ang pagtulo ng mga luha. Nanlambot ang mga tuhod niya. Napahawak pa siya sa hamba ng pinto para makakuha ng suporta sa sobrang panghihina ng mga tuhod niya. Parang napipi siya, walang kahit na anumang salita ang lumabas sa bibig niya. Nagmamadali na tumalikod siya at lumabas sa lugar na iyon. Sigurado siya kung sino ang babae na katabi nito. Si Sandra! Hindi siya basta magagalit. Aalamin muna niya ang dahilan nang nakita niya. Umuwe siya at halos magdamag na iniyakan ang nakita. Kinabukasan ay nagkita sila ni Mark. Nag-text kasi siya sa binata na lumuwas na siya ng Maynila. Pinuntahan siya ni Mark sa unit niya. Nagsuot siya ng shades para hindi nito mapansin ang pamumugto ng mga mata niya. Habang magkasama ay nagtanong ito kung bakit may salamin siya. Nagdahilan na lang siya na may sore eyes siya kaya hindi na ito nag-usisa pa. Habang magkasama ay parang wala itong ginawa. He act like he doesn't cheated at all. Tinanong niya kung bakit hindi na ito nagri-react out sa kanya. Ang dami-dami ng mga naging dahilan nito. Lalong tinubuan ng pagdududa ang puso't-isip niya. Nagkunwari rin siya na hindi niya alam ang ginawa nito. "May problema ba?" tanong niya nang tumahimik siya. Ramdam na ba nito ang sama ng loob niya. "Are you sleeping with someone else?" Nagulat ito sa tanong niya. Pati siya ay hindi makapaniwala sa sobrang straight-forward din niya. "Are you?" Guilt was written all over his face. Alam na niya. Hindi na kailangan nito magsalita dahil base sa itsura nito ay alam na niya ang sagot sa tanong niya. Mas lalong kumirot ang puso niya. "You think I'm cheating?" "Hindi nga ba," mahinang sabi niya. Buko na nga niya ito tapos tatanggi pa? What an asshole! "Sagutin mo nga ako ng diretso ngayon. Nagsasawa ka na ba sa akin?" "No," tila kulang sa conviction na sabi nito. Nakita niyang napapikit ito at napahilod sa sentido. "But can you trust me?" Trust you? Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala sa'yo pagkatapos nang mga nakita ko. You had s*x with Sandra. "You're lying to me, Mark. May kailangan ka sabihin sa'kin na ayaw mo lang pag-usapan. Bakit? Totoo nga ba ang hinala ko?" Akmang hahawakan siya ni Mark nang umiwas siya. "Sa tingin ko ay mali na nagkita tayo ngayong dalawa. Saka na lang siguro tayo mag-usap kapag handa ka na sabihin sa'kin ang dapat ko malaman. At kapag handa na ko." He took a deep breath and blankly looked at her. "Yeah, I think. Wala na tayong dapat pag-usapan. Tapusin na natin ito ngayon din." "What do you mean?" She was dumbfounded. What was happening? "I lied. I never love you..." "Mark..." Tila may bumara sa lalamunan niya. "I just trick you and play around with you, Camille. It's fun while it lasts." "What the f**k are you saying?" She hissed. "Ito na ang huling pagkikita natin. Be happy and forget me for good." Still, he was emotionless. "Mark, what's happening? Anong pinagsasabi mo?!" "I never loved you, Camille. Lahat nang pinakita ko sa'yo ay pagpapanggap lang. I want to prove myself that you're gullible as you looked." Napamaang siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig kay Mark. "Sawa na ko--" "You're a f*****g asshole!" Sumisikit ang dibdib niya sa pinagsasabi nito. "They are all right. Wala ka ngang kuwenta! I trusted you, I invested my time, and love for you, Mark Romero. Pero tama sila na kahit sino tinatalo mo para makuha ang gusto mo. Hope you rot in hell. f**k you ka!" "Good, I won't see you anymore." Umalis ito na wala nang ibang sinabi. Tuluyan nang nadurog ang puso niya. He was an asshole. She cried because her heart broken by him. Tatlong araw mula nang komprontahin niya si Mark ay nakita niya itong kasama si Sandra sa mall. Hindi na nito kailangan magpaliwanag dahil alam na niya ang sagot. Hindi siya ganoon katanga para hindi malaman ang lahat. All along, Mark just wanted him to bed her. She was thankful because her hymen is still intact. Hindi nito agad nakuha ang gusto sa kanya kaya naghanap sa iba. What an fuckin' asshole! Tulad ng unang hinala niya pero hinayaan pa rin niya ang sarili tangayin ng nararamdaman. May kasalanan din siya dahil hinayaan niya ito. Umuwe siya sa Pangasinan nang araw na iyon at kinausap ang mga kapatid. Pumayag na siya sa gusto ng mga ito. Sa tingin naman niya ay ikabubuti niya ang bagay na iyon. Kakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Mark. Pati ang katotohanan na nagkamali siya sa pagkakakilala rito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD