EIGHT years later...
NAGISING si Camille na basang-basa ng mga luha ang unan na hinigaan niya. Pinakiramdaman niya ang sarili habang nakatingin sa kisame. Halos walong taon na ang nakaraan nang huli niyang makita si Mark. Pag-alis niya ng bansa ay tuluyan na nga siyang nawalan ng komunikasyon rito tulad ng gusto niya. Mas mabuti na rin ang ganoon, mas magiging maayos siguro kung tuldukan na kung anuman ang nangyari noon sa kanila.
“Mommy! Mommy!” Bigla siyang napabalikwas nang higa nang marinig ang sigaw na iyon ng anak na si Mindy. Mabilis na tinawid niya ang kuwarto ng kambal na anak niyang pitong taon na gulang. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto. Wala roon ang mga anak kaya napatakbo siya patungong salas.
Isang buwan na siya sa New Jersey nang hindi inaasahan na balita ang nagpabago sa buhay niya. Nalaman na lang niya na dalawang buwan na siyang buntis. Hindi naging madali para kay Camille ang lahat. Nagalit ang mga kapatid nang malaman ang lagay niya. Ilang buwan rin siya hindi pinansin ng kapatid na si Carl. Saglit na nagtampo ang kapatid na si Cade pero sa huli ay nagkaayos rin sila. Ang buong akala nga niya ay hindi na siya papansinin kahit kailan ng kapatid na si Carl pero tatlong buwan pa lang pagkatapos niya manganak ay pinuntahan siya ng kapatid. Dalawang taon na ang mga bata nang magpasya siyang umuwe na ng Pilipinas. Ginalang ng mga ito ang pakiusap niya at hindi nakialam sa mga desisyon niya. Pagdating sa mga anak. Sa buhay nila ng mga bata.
“Why, babies?” nag-aalalang tanong niya sa mga ito.
Nakaupo ang kambal sa carpet ng salas at may mga nagkalat na krayola. Nang makita siya ni Mindy ay tumakbo ito at hinatak siya sa tabi ng kambal nitong si Max. Itinago nito sa likod ang bond paper na ginuguhitan nito ng kung ano.
Nasa palengke si Nanay Ester para mamili ng iluluto nito para sa hapunan. Si Nanay Ester ay taga-alaga ng mga anak niya. Anim na taon na ito sa kanya. "Nana" ang tawag ng mga anak rito. Hindi na ito iba sa kanila.
Maganda na ang buhay niya at stable na ang trabaho. Last years pa nga ay na-promote siya bilang Advertising Operations Campaign Executive Manager kaya madalas ay tambak ang inaasikaso niya sa Advertising firm na pinagta-trabahuhan.
Si Nanay Ester ang tagasundo ng mga bata minsan sa school nito. Kapag maaga siya umuwe ay siya na mismo ang sumusundo sa mga anak. Hanggang maaari ay gusto niya maging hands-on sa pag-aalaga sa mga ito.
“Kainis ka naman, Mindy! Nagising na tuloy si Mommy!” inis na sita ni Max.
“Ayaw mo kasi ko pahiramin ng crayons. Mommy, dinadamutan ako ni Ate Max.” sumbong ni Mindy.
“Hey, 'di ba sabi ko kapag puwede naman i-share magpahiram.” Nilingon niya si Max at hinalikan sa buhok. “Ate Maxine naman eh. Pahiramin mo na si Mindy para wala na kayo'ng away. Okay.”
Tumango ang anak niya. “Yes, Mommy. Sorry po.”
“Ikaw naman, Mindy. Approach your ate nicely next time, okay.” Sabi niya.
Tumango ito at hinalikan siya sa pisngi. Bumalik na ang dalawa sa kung anuman na ginagawa. Napansin niya agad ang drawing ni Max.
“Puwede ba matignan ni Mommy ang drawing mo, ate?”
Inabot nito sa kanya ang bond paper. Tila may kumirot sa puso niya nang makita ang drawing ng anak. Isa iyong pamilya, buong pamilya.
Ama. Ani ng isipan habang nakatitig sa ginawa nito.
“Mommy…” Naramdaman na lang niyang may pumahid ng mga luha niya. Nag-aalala na tumingin ito sa mukha nito. Nakuha nito ang mata at labi ng ama. “Bakit ka po umiiyak?”
“May masakit ba sa'yo, Mommy?” singit na rin ni Mindy. Nakatingin ang mga ito sa kanya.
Umiling siya at niyakap ang mga anak. “I'm sorry, babies.”
“It’s okay, Mommy. Mahal na mahal ka naman namin. Mas malaki pa sa universe.” Ani ni Mindy.
Sumang-ayon si Max. Yumakap din ang mga anak sa kanya. Sana lang ay hindi magalit ang mga ito sa kanya pagdating nang araw na magtanong ito tungkol sa ama.
Because whatever happened he will never find out about the twins...
"KAPAG HINDI KA pumunta sa unit ko magpapakamatay ako..." Napasinghap si Camille nang marinig ang sinabi na iyon ni Mark sa kabilang linya. He sounded wasted and so broken. She wonder why? Iniwan na kaya ito ni Sandra? But they looked okay when she saw them at the mall. Tila nga hindi siya dumaan sa buhay nito dahil wala man lang kahit na anong tingin ito sa kanya. Naisip nga niya kung nasaktan din ba ito o sadyang pinaglaruan lang siya? He wanted thrill and he find it on her. She was gullible as what he said.
She smiled bitterly.
"C-Camillee...mahal kita pero bakit ang hirap..." He sobbed. "Gusto kita makasama pero bakit hindi puwede?"
Imbes na magalit ay nakadama siya ng sobrang awa. Hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi nito at kung dala lang iyon ng kalasingan nito. But the sound of his voice is on pain.
"Pleaseee, babe. Come here, I need you...mamamatay ako kapag hindi ka dumating..."
Napapikit siya nang may tumulo na luha sa mga mata niya. Namalayan na lang niya na lumabas na siya ng condo unit niya at sumakay sa taxi. Nagpahatid siya sa building ng unit ni Mark. Bukas na nang umaga ang alis niya patungong New Jersey. Pumayag na siya na mag-stay doon para matahimik ang mga kapatid. They were in the process of moving on, in what happen to their parents. Kung ang pag-alis niya ang tutulong sa mga ito at sa kanya na maka-move forward sa buhay ay aalis siya.
Nang huminto ang taxi sa building ng unit ng binata ay agad na pinuntahan niya ito. Nagulat siya nang mabuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang magulong unit nito. Mabilis na tinungo niya ang silid nito at mas nagulat siya sa nakita. Nakahiga na ito sa sahig at nagkalat ang basyo ng alak sa kahit saan. He looked like a madman.
Nilapitan niya ito at tila nadurog ang puso niya. He was weeping.
"M-Mark..." Tila may bara sa lalamunan niya. What happen to him?
Nagbukas ito ng mga mata at tumingin sa kanya. Natutumba na tumayo ito kaya maagap na inalalayan niya. Sa bigat nito ay sabay silang natumba sa kanya. Siya ang nasa ilalim ngayon. Tinukod nito ang mga braso sa gilid niya para hindi siya maipit. He was intently looking at her.
"G-God... it is really you..." he dreamily asked her. Hinaplos nito ang pisngi niya pababa sa labi niya. "I miss you so much, Camille."
"Mark..." She can't say anything. Bakit ito ganito?
"If I am dreaming... I don't want to wake up anymore. I would rather sleep beside you and be forever in this dreamland.."
He chose to hurt her. Ano ba itong pakulo ni Mark ngayon?
"Why I can't be with you? Why I can't be happy..."
Dapat ay magalit siya pero marupok ang puso niya. Kahit sinaktan siya ni Mark ay mahalpa rin niya ito. Mark leaned forward and claimed her lips in a fiery kissed. Walang pagtutol na tumugon siya at hinalikan ito sa parehas na intensidad. Kahit lasang alak ang bibig nito ay nagpaubaya siya.
Naging mapaghanap ang mga kamay nito. Hinawakan siya sa mga parte na siya pa lang ang nakahawak. Ni hindi nga niya namalayan na nahubad nito ang mga suot niya. He kissed her on the valley of her breast down to her tummy. Napasinghap siya nang maging mapaghanap ang mga labi nito. He was kissing, nipping and sucking her skin as fire ignited through their body.
Moment later, Mark take her slowly at first but he fasten as they reach the zenith. He take her again, and again as the sun rises.
***
ITINIGIL ni Mark ang makina ng kotse sa harap ng isang malaking playground. Habang pauwe siya ay nahagip ng mga mata ang lugar kaya huminto siya para bumaba at maglakad-lakad sa lugar kung saan marami ang bata. Pinagmasdan niya ang mga bata na masayang naglalaro sa playground. May humaplos sa puso niya sa isipan na paano nga kung magkaroon siya ng anak? Ano kaya ang pakiramdam ng may anak?
Sa loob nang walong taon ay wala siyang ginawa kundi magtrabaho sa kompanya nila. Ang laki na ng nagawa niya sa pharmaceutical company ng ama. Anim na taon siyang namalagi sa Canada para tulungan ito i-expand ang business nila sa North atSouth America.
Bukod sa isang pribadong ospital na pagmamay-ari nila ay may kompanya pa silang pharmaceutical na galing pa sa abuelo niya. Imbes na sundin ang dating pangarap na maging doktor ay mas minabuti na lang niyang magtrabaho sa kompanya ng matanda. Hindi na niya itinuloy ang pagkuha ng medisina. Kaya kumuha siya ng college degree sa management sa Canada para maihanda ang sarili doon. Pinagbuti niya ang sarili at mas itinuon na ang buong panahon sa pagpapalago ng pharmaceutical company nila. Gusto niya patunayan sa sarili at sa ama na kaya niya pamahalaan ang kompanya nito.
May sumilay na matamis na ngiti sa mga labi niya. Ang saya sigurong magkaroon ng anak na nakikita niyang masaya na naglalaro. Pumasok na siya sa loob ng playground at umupo sa bakenteng upuan doon. Malaki na ang pinagbago ng playground na iyon. Sa bagay, anim na taon siya nawala at kung hindi pa in-engage si Mayie ay hindi siya babalik.
Naagaw ng atensiyon niya ang dalawang batang babae sa tantiya niya ay nasa pitong taon ng gulang. They were identical twins. Pinagmasdan niya ang dalawang bata. Naglalaro ang mga ito ng pasa-pasahan ng bola. Nakamasid lang siya sa mga ito nang napalakas ang bato ng isa sa kambal na agad naman na hinabol ng batang babae. Lumabas ang bola sa playground kaya sinundan iyon ng batang babae.
Nang makita niya ang paparating na kotse patungo sa direksyon ng bata. Nagsarili gumalaw ang mga paa niya patungo sa bata na patawid na sa kalsada. Naapakan pa nito ang sintas ng suot nitong sapatos kaya napatid ito sa pagtakbo. Nasa kalsada na ito at malamang na mahahagip ito kung hindi aalis doon. Mabilis ang naging mga kilos niya.
Dinampot niya ang bata na umiiyak na sa bisig niya. Hinawakan pa nito ang tuhod kaya napatingin siya sa parteng iyon. May sugat ito. Puno ng luha ang mga mata na tumingin ito sa kanya. Nang matitigan niya sa malapitan ang mga mata ng bata ay naging pamilyar iyon.
“Mindy!”
Narinig niyang tawag ng isang pamilyar na tinig palapit sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi siya puwede magkamali.
Kilalang-kilala niya ang boses na iyon kahit ilang taon na ang dumaan. Nang tuluyan na itong makalapit sa kanya ay nanigas na nang tuluyan ang buong katawan niya. May malakas na puwersa ang natutulak sa kanya na tignan ito. Lumingon siya at nakita ang isang babae na pamilyar na pamilyar sa kanya.
He gulped. Camille...
Tila nakakita ito ng multo nang makita siya. Nawala ang kulay sa magandang mukha nito. Tinignan niya ang batang babae na nakatayo lang sa tabi nito.
He thought, his heart turn into stone but right at that moment... he felt it... his heart is breaking
...