CHAPTER NINE

1986 Words
"MOMMY!" sigaw ni Mindy kay Camille nang makita siya ng anak. In-extend pa nito ang mga kamay sa kanya para kunin ito at kargahin. Walong taon ang lumipas pero hindi niya akalain na magkikita muli sila ni Mark. Bigla ay nanlamig ang mga kamay niya at binundol ng kaba ang buong pagkatao niya. Bakit sa ganoon pang pagkakataon na makita nito ang mga bata. Nang muli ay umiyak ang anak at tinawag siya ay saka lang siya kumilos. Lumapit siya sa anak at kinuha ito mula kay Mark. "A-Are you okay, baby?"  "My knee hurts, Mom." Kahit sandali ay nawala sa isip niya na nasa harap niya si Mark. Pinahid niya ang mga luha nito. "Huwag ka na umiyak. Pagkatapos linisin ni Mommy ang sugat mo, bibigyan ko pa ng maraming kiss ang tuhod mo para mawala ang sakit." Masuyong sabi nito. "G-Galit ka ba, Mom?" sumisinok-sinok na tanong ni Mindy sa kanya. Umiling siya at hinalikan ang sentido nito. Tuwing weekends ay pumupunta sila sa playground para makapaglaro ang kambal.  Lagi niyang sinasabihan ang mga ito na mag-ingat. Ayaw niya nasasaktan ang mga anak niya. Tila dinudurog ang puso niya.  "Of course not. Huwag ka mag-isip ng ganyan na bagay, anak." Saka yumakap ang anak. Lakas-loob na sinalubong niya ang mga mata na nakatingin sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa anak. Doon lang niya naalala na nasa harap niya ito. Mark... Is right in front of her in flesh. Sa paglipas nang maraming taon, hindi pa rin nagbago ang ritmo ng pintig ng puso niya . Hindi man dapat at ayaw man niya pero si Mark pa rin pagkatapos ng lahat. Matagal na nakipagtitigan siya sa lalaki. Tila hinigop ng ibang dimensyon ang buong atensyon niya. Mark still has this strong, and masculine features. Naramdaman niya na may humihigit sa damit niya.   "Mommy, do you know him?" tanong ni Max. Nilingon niya ang anak. Doon lang siya nabalik sa realidad. Nakatingin rin ito sa lalaking katitigan niya nang huli. How can she describe him?  "A friend," tipid na sagot niya. Tumingin ang kaharap sa batang babae sa tabi niya. May kung ano siyang nakita na kumislap sa mga mata nito habang nakatingin kay Max. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Sigurado siya na hindi pa man nagsasalita ito ay may ideya na ito kung sino ang mga batang nasa harap nito. Lalo na kung si Max ang pagbabasehan. Mindy and Max were both girls but they are fraternal twin. Kung tititigan maigi ay mas nakuha ni Maxene ang pigura ng ama. Ito ang babaeng bersyon ng ama. Pero hindi naman nito alam na may nangyari sa kanila. Kaya imposible na maisip ni Mark ang bagay na iyon. Alam niya na darating ang araw na kailangan niya ipakilala ang mga anak... pero hindi sa pagkakataon na ganoon. Hindi ngayon dahil wala itong karapatan sa mga bata. Mag-isa niya pinalaki at tiniis ang hirap para sa mga bata.  May nangyari sa kanila pero hindi nito maalala. Lasing na lasing ito. Nawalan siya ng tinig sa halo-halong emosyon na nadama. If he find out about the kids, Mark will get her twins. Hindi puwede. Hindi siya papayag. Ngumiti ang anak kay Mark. "Are they yours?"  Marahan na tumango siya at sinalubong ang tingin nito. Wala itong alam at sisiguraduhin niyang wala itong malalaman. Huminto ito sa harap niya at pumantay sa mga bata. May pagsuyo sa mga mata nito habang nakatingin kay Max. Samantalang sumiksik pa si Mindy sa tabi niya. "Hi. How old are you?" Itinaas ni Max ang kamay at ipinakita rito kung ilang taon na ito. "I'm seven."   Mark sighed and looked at her. The pain in his eyes makes her wanna poke.  *** PINAGPAPAWISAN ang mga kamay ni Camille habang nakapatong ang mga iyon sa hita niya. Kasama niya si Mark na nakaupo sa swing at pinanonood si Mindy at Max na masayang naglalaro ulit. Bakit ba kasi sa dami ng lugar na posible silang magkita ay sa playground pa? Bakit kailangan pa makita nito ang mga anak nila? Mark was far away from them before and she doesn't want him to involve on her twins life. Pinaglalaruan ba sila ng tadhana sa biglaang pagsulpot nito? "You have two beautiful twins." kalmadong sabi nito. Pumikit siya saka malalim na bumuntong-hininga. Wala itong alam at wala rin siyang balak sabihin ang totoo. It is better to left unsaid than to tell him the truth. "Sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." He sighed. "Are you happy?" Ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang marinig ang lungkot sa boses nito. Nagmulat siya nang mga mata at bumadha ang lungkot sa mga iyon. Naikuyom niya ang mga kamay na magkasalikop. Hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan na tumulo ang mga luha na handa na pumatak nang anumang oras sa pisngi niya. She hated him so much! Hindi nito alam kung gaano kasakit ang ipagpalit sa iba. Para saan? Dahil nagsawa na ito sa kanya? Ang gago lang! Umusbong ang galit sa dibdib niya. Hindi niya problemsa kung hindi ito masaya. Ito ang unang nanakit at hindi siya. Anong karapatan nito makaramdam ng lungkot samantalang ito ang unang nanakit. Bakit siya mage-guilty at masasaktan? "I am happy." Maikling sagot niya. Tumango ito. "Do I know their father?" It is you. But you will never know it, Mark. Umiling siya at pinatigas ang anyo.  "No. Hindi mo kilala ang Daddy ng kambal ko." He took a deep breath and looked at her twins.  Dapat lang masaktan ka... You had cause me so much pain "Sorry..." Marahas na nilingon niya ito. Bigla ay natawa siya ng sarkastiko.  "For what? Dahil ba past time mo lang naman ako ng mga panahon na 'yon? Na-tsa-challenge ka lang sa'kin nang una kasi hindi ako katulad ng mga babae na naghahabol sa'yo. You want something new. Something that you can't easily get." may halong panunumbat na sabi niya. "Hindi totoo 'yan," madiin na sansala nito sa kanya. "Lier." galit na sabi niya. Bakit pa ito humihingi ng tawad? Nasaktan na siya at nahirapan dahil sa ginawa nito. Bakit saan ang hiningi nito ng tawad ngayon? "Camille..." Dumaan ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Hinamig niya ang sarili nang tubuan siya ng guilt. Hindi pa pala bato ang pakiramdam niya. Kung magiging gullible na naman siya uulitin nito ang p*******t sa damdamin niya. Tama lang 'yan. Hindi mo alam ang sakit na dinanas ko dahil sa'yo. She had enough. Alam na niya kung saan siya nagkamali at hindi na niya hahayaan maulit ang bagay na iyon. "I'm happy with my daughters, Romero. Sapat na sa akin ang mga anak ko." He will never know the twins. It's his price for hurting her eight years ago. Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga. Pakiramdam niya ang haba-haba ng araw niya.  "I hope you have a better life, Mark." Tumayo na siya at saglit na nilingon ito bago kunin ang mga bata. "Sana ito na rin ang huling pagkikita natin. Ayoko na magkaroon nang kahit na anong koneksyon sa'yo." Iniwan na niya ito at kinuha ang mga anak. Nang makalayo na sila ay biglang nanghina ang mga tuhod niya. Mabilis na inalalayan siya ng mga anak. "Okay ka lang po, Mommy?" tanong ni Max. She smiled to hide her unwanted tears. Ayaw na niya nang kahit na anong koneksyon kay Mark. Sapat na sa kanya ang mga anak. *** "ITO na ang airplane," wika ni Camille habang hawak ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Malikot na inikot-ikot niya ang kamay sa ere kapagkuwan ay inihinto sa saradong bibig ng anak na si Max. Kasalukuyang nasa dining table sila at pinakakain ang mga bata. Hindi mahirap pakainin si Mindy dahil sa oras na ilapag muna ang pagkain ay nagkukusa ito. Kay Max lang naman siya nahihirapan dahil sadyang mahina kumain ito. Napapakain niya ng gulay si Mindy samantalang hirap na hirap siya kay Max. Simula nang mag-isang taon ang mga bata ay sinubukan na niya gawin iyon— na napanood lang niya sa TV. Naging effective naman ang ganoon kay Max hanggang ngayon. Pero mukhang hindi na sa seven years old na ito ngayon. "Mommy! Big girl na ko para gawin mo pa 'yan." Nakasimangot na sagot ni Max sa kanya at humalukipkip pa ito. She even pouted her lips.  Napailing na lang siya sa sinabi ng anak. "'Di ba gusto mo pa naman ang airplane nitong nakaraan? Bakit ayaw mo na ngayon?" "Kasi nga po big girl na ko," ulit nito sa unang katwiran. Hinaplos niya ang pisngi nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. "Kung big girl ka na dapat kumain ka na ng vegetables. Kasi ang mga big girls ay gusto masustansiya at malakas ang pangangatawan."  Lalong humaba ang nguso nito. "Mommy naman eh! Ayaw ko ng vegetables kasi hindi naman masarap 'yon." "'Di kaya! Masarap ang vegetables basta gawa ni Nana at Mommy." Singit naman ni Mindy na magana kumain. Ang tinawag nitong Nana ay si Nanay Ester. Ito ang laging naiiwanan ng mga anak. "At saka, healthy ang pagkain ng vegetables." Tinignan ito ni Max. "Sabi ni teacher, "Don't speak when your mouth is full" Tignan mo nga. May mga tumalsik na kanin sa bibig mo." sita ng anak. Tinignan niya si Mindy at pinunasan ang gilid ng bibig nito. "Tama si Max, Mindy. Hindi maganda ang pagsasalita ng may laman ang bibig." nakangiting sabi niya. Nasa pagitan siya ng dalawang bata habang pinakakain ang mga ito. Nang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng table. Dinampot niya iyon at sinagot ang tawag.  "Good afternoon, Ma'am Salcedo." Bati niya sa boss niya. Hindi nagtagal ay sinabi na nito ang sadya. "We have an urgent meeting with the Creative Team. I need you to head this project with our newest big client." Tumango siya. "Sure po. I'll talk with my team and the creatives para makapag-brainstorm." Hindi nagtagal ay natapos ang tawag. She smiled in glee. Bumalik siya sa mga anak at pansin ng mga ito ang aliwalas ng mukha niya. She love her job. Isa pa, ginagawa niya ang lahat ng ito para sa mga bata. One week has passed. They already plan the concept and once the Management approved the deliverables, they will schedule it for execution. Ang kailangan lang niya ay ma-convince ang boss ng kompanya. Tunay ngang malaki ang account na nakuha nila. This pharmaceutical company has expanded in the US. Bukod doon ay naging maingay rin ito pagdating sa mga CSR na ginagawa. Tama ang boss niya, kung makukuha nila ang account na ito ay isa ito sa pinakamalaking kliyente nila. Kasama ang dalawang tao sa team niya ay sinama niya ang mga ito. Pagkarating nila sa kompanya ay agad dinala sila sa conference room para i-set up ang presentation nila. Hinihintay na lang nila ang pagdating ng mga kliyente. Puyat pa nga siya kung tutuusin dahil tinapos nila ng team niya ang presentation based sa requirements na binigay ng Marketing Team ng kompanya.  Nakaupo na sila at nire-review niya ang mga sasabihin nang bumukas ang pinto. She wore her sweetest smile to their clients. Nagpasukan na ang lahat ng tao hanggang sa makita ang isang pamilyar na mukha. Bigla ay na-freeze ang ngiti niya nang makita kung sino ang pumasok. Tumibok ang puso niya hindi sigurado kung sa kaba ba o dahil sa pagkabigla. Hindi kalayuan sa kanila ay nakatayo si Mark. Huminto ang tingin nito sa kanya. Matagal na tumitig ito sa kanya kaya umiwas siya nang tingin sa pagkailang. "Good morning, it's pleasure to meet your Team Ms. Tolentino." Ani Ms. Loot, ang Marketing Manager na lagi nilang kausap. Tumingin ito kay Mark. "I would like you to meet our CEO Mr. Mark Romero." She was shocked.  Bigla ay nanlamig siya. Hindi siya nag-background check kung sino ang may-ari.  As her heart pounding, one thing is for sure.  This is not the last time they will see each other. s**t  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD